Chapter 1: Road Trip

3550 Words
Kinabukasan napadalaw si Clarisse sa bahay nina Enan. “Come inside iha, Enan is upstairs. Nag iimpake siya” sabi ni Rosa. “Huh? Bakit po tita?” tanong ng dalaga. “Pinalayas na namin siya” biro ni Robert. “Loko loko, magbabakasyon siya kina Cristine. Ipapakilala siya sa parents” landi ni Rosa kaya biglang napanganga si Clarisse at dahan dahan napalunok. “I see, uhmm can I go upstairs? Tulungan ko siya mag pack?” pacute ng dalaga. “Sige lang iha, sa totoo kanina pa nga siya nandon na nakatanga lang e” sabi ni Rosa kaya umakyat si Clarisse. Pagakyat niya sumilip siya sa loob ng kwarto at nahuli si Enan na nakatitig lang sa isang litrato na nakasabit sa kanyang kwarto. “Can I come in?” tanong ng dalaga kaya nagulat si Enan. “Clarisse, you should learn to knock. What if I was doing something else?” drama ng binata. “Baliw, nakabukas pintuan mo” sabi ng dalaga. “Kahit na, malay mo daring ako diba?” landi ng binata kaya pumasok ang dalaga at piningot ang kanyang tenga. Nakitabi ang dalaga sabay pinagmasdan din ang larawan nila ni Cristine. “Bakit ka nanaman nakatanga?” tanong ni Clarisse. “Nakikiuso sa marami” banat ni Enan kaya muli siya napingot. “Tell me why?” tanong ng dalaga. “Wala naman, malamang sinabi na ng mama ko saan ako pupunta. Teka bakit ka pala nandito?” tanong ni Enan. “Sabi mo pupunan mo pagkukulang si Shan?” biro ng dalaga. “Pag nasa school oo, pero kwarto ito. Clarisse ha” banat ni Enan kaya piningot siya ng dalaga at muli sila nagtawanan. “Bastos, bad” pacute ng dalaga. “Joke lang, anyway you heard right. Kinakabahan nga ako e” sabi ng binata. “Bakit ka kinakabahan? You are just going to meet her parents” sabi ni Clarisse. “E yun na nga ang nakakatakot don e. What if they don’t like me? Diba ganon naman yon?” tanong ni Enan. “Imposible, you are likable” lambing ng dalaga. “Hay naku, lahat ng magulang ata pangarap nila magkanobyo anak nilang babae ng prince charming. Wait, correction, nowadays pati parents ng mga third s*x yon narin ang habol pero yung mga pilyang iba katulad ni Jelly ata ang habol yung kabayo ni prince Charming” banat ni Enan. “Anong sinabi mo?! Bastos ka!” hiyaw ni Jelly na sumugod sa kwarto. Nagulat sina Enan at Clarisse nang makita yung bading, dalawang tenga ng binata napingot, nakarinig sila ng malakas na tawa sa labas kaya tumayo si Clarisse at pagsilip niya nakita niya si Cristine sa hallway. “Aray ko! Nagbibiro lang ako!” sigaw ni Enan. “Hindi ako ganon m******s ka!” sigaw ni Jelly. “Sorry na, to naman pinapatawa ko lang si Clarisse e” sabi ni Enan. “My parents are not like that Enan…and I told them I am bringing you along” sabi ni Cristine na pumasok ng kwarto. “Akala ko ba mamaya niyo pa ako susunduin?” tanong ni Enan. “Hindi siya mapakali, gusto ka daw tulungan magpack” sabi ni Jelly. “O ano pa tinatanga tanga mo diyan? Simulan mo na” utos ni Enan kaya muling nagwala ang bading. “Siya! Siya! Hindi ako!” sigaw ni Jelly. “Siya talaga! At hinding hindi ikaw! At kung wala man siya sa buhay ko..meron si Clarisse. Pag wala si Clarisse, magpapakamatay nalang ako!” bulyaw ni Enan. Natawa ang dalawang dalaga, si Jelly kinuha yung unan at pinaghahampas ang binata. “Mag impake ka na para makaalis na tayo!” sigaw ni Jelly. Napahaplos si Enan sa mga tenga niya sabay tinignan yung bading. “Sorry na, mag iimpake na po ako” sabi niya sabay lumuhod at kinuha ang isang bag. Tumayo si Cristine sa harapan ng closet sabay nag abot ng shirt. Namili ang artista, biglang tumabi si Clarisse sabay may hinawakan na shirt, “This one, this looks good on him” sabi niya. “Oo nga” sabi ni Cristine. Kumuha pa ng ilang shirts si Clarisse sabay inabot sa artista. “Hello! Panay shirt ito, wala na ba ako ibang isusuot kundi ito? Shorts at pants wala?” biro ni Enan at nagtawanan ang mga dalaga. Tinitigan ni Enan si Jelly, “Di ka natawa kasi busy ka nag iimagine ano?” landi niya kaya napahiyaw sina Cristine at Clarisse, napatayo si Jelly at kinuha yung unan sabay muling hinampas sa ulo ng binata. “Please not the head” bulong ni Clarisse kaya napatingin si Jelly sa kanya. “Oo nga wag naman sa ulo” sabi ni Cristine. “Baba at taas po yon” banat ni Enan kaya binitawan ni Jelly yung unan at kinurot ang binata sa kanyang n****e. Namilipit sa sakit si Enan at nagmakaawa na kaya tumigil ang bading. Si Clarisse na yung nagtuloy ng pag impake kaya naupo si Cristine at nakaramdam ng biglang pagselos. “Nasan si Shan?” tanong niya. “Out of town” sagot ni Clarisse. “Ay may lakad ba kayo dapat ni Enan?” tanong ni Jelly. “Wala po, dinalaw ko lang siya kasi bored ako sa bahay at umuwi din sa province pinsan ko” sagot ng dalaga. “Pwede ba natin siya ihatid mamaya? Para di na siya mag commute?” tanong ni Enan. “Of course to naman, you didn’t have to ask me that” lambing ni Cristine. “Hmmm ilan days kayo doon? Para alam ko ilan ang damit na ipapasok ko sa bag” tanong ni Clarisse. “A week siguro” sabi ni Cristine kaya nagdagdag pa si Clarisse ng mga damit. “She knows you very well” sabi ni Jelly sabay tinitigan si Cristine sabay ngisi. “Oo naman, si Shan ang bestfriend ko pero alam mo na ang lalake di masyado nag oopen up sa kapwa lalake. Masisira ang machoness. Kaya kay Clarisse ako nag oopen up minsan” paliwanag ni Enan. “Like a bestfriend” sabi ni Cristine. “Exactly, or pwede narin sister” dagdag ng binata. “So ako din pwede mo maging sister?” landi ni Jelly. “Oo naman” sabi ni Enan at natuwa yung bading. “Si kuya talaga tinatanong pa” pahabol niya kaya biglang nagtawanan sina Clarisse at Cristine. “Pagdating natin sa kanila iwawala kita” banta ni Jelly. “Hoy eto tandaan mo. Kahit saan lupalop mo ako itapon o iwala, mahahanap at mahahanap ko daan pabalik” sagot ni Enan. “Ows? At pano mo gagawin yon?” tanong ng bading. “Ang lakas ng pabango mo kaya. Tapos susundan ko trail ng foundation powder. Sa kapal ng nilalagay mo sa mukha mo umaapaw” sabat ni Enan kaya lalong nagtawanan ang mga dalaga. “Pwes hindi ako mag make up at magpapabango pag iwawala kita” sabi ni Jelly. “Will you two stop, so ano ready to go?” tanong ni Cristine nang makita na sinara na ni Clarisse yung bag. “Yeah, Clarisse ako na” sabi ni Enan sabay binuhat yung bag pero tumulong si Jelly. Pagbaba nila yumakap na si Enan sa kanyang mga magulang, “Inay, Itay, wag niyo po ako kakalimutan ha” drama niya kaya napatawa niya ang lahat. “Wala ako sa bahay pero tandaan niyo may mga kapitbahay tayo ha. Wag masyado mag iingay” banat ni Enan kaya napingot siya ng kanyang ina sa tenga. “You have fun and be respectful iho” paalala ni Rosa. “Yes mother, please tell my fans that I will not be gone that long. Tell them not to miss me that much” hirit ni Enan. Ilang minuto lumipas nakarating sila kina Clarisse, “Hatid ko lang sa pintuan nila” sabi ni Enan. Nagulat si Clarisse nang pati si Cristine bumaba, “Oh no my mom saw you already” bulong niya. Bumukas agad yung pintuan, si Enan nakahanda nang mayakap pero hindi siya pinansin ng nanay ni Clarisse. “Diyos ko, hello ako yung mama ni Clarisse” sabi ng matanda. “Tita nandito ako! Hello” sabi ni Enan. “Come inside, please come inside” sabi niya. “Hello po pero we just dropped Clarisse off” sabi ni Cristine. “Ma, magbabakasyon sila kina Cristine. Ipapakilala na si Enan sa parents niya” sabi ni Clarisse. “Wow, Enan iho lalo ka gumwapo bigla” biro ng matanda. “Speaking of vacation…Clarisse would you like to come with us?” alok bigla ni Cristine kaya napanganga si Enan habang si Clarisse natulala. “Me? Go with you?” tanong ng dalaga. “Yeah, since Shan is not around then you said wala pinsan mo. Why not come with us. One week lang” sabi ni Cristine. “Umoo ka na, mag iimpake na ako” sabi ng nanay niya. “Ha? E bakit niyo pa ako isasama?” tanong ni Clarisse. “Sige na, malihim din kasi tong si Enan e. So I can get to know him better from you” sabi ni Cristine. “Umoo ka na girl, maganda sa kanila” sabi ni Jelly. “Hala nakakahiya” sabi ni Cristine. “Nahiya ka pa, what more kung ako? Natatakot ako” sabi ni Enan. “Labs, I told you my parents are not like that. Sige na Clarisse say yes” sabi ni Cristine kaya napangiti ang dalaga. “Okay wait here then, mabilis lang ako” sabi ng dalaga sabay tumakbo papasok ng bahay nila. “Tiny if you are doing that because of me okay lang kung wag na. Maalis din takot ko mamaya” sabi ng binata. “I want her to be there, di naman lahat ng girl talk pwede ko sabihin kay Jelly” sabi ni Cristine. “Okay, pero may baril ba daddy mo? Itak? Baril nalang sabihin mo kasi takot ako sa kutsilyo” banat ni Enan kaya nagtawanan sila. Ilang minuto ang lumipas at nasa byahe na sila. “Did you bring a bikini?” tanong ni Cristine. “No” sagot ni Enan. “Sira si Clarisse ang tinatanong niya” sabat ni Jelly na nasa harapan. “I did” pacute ni Clarisse. “Good, e ikaw Jelly?” tanong ni Enan. “Of course, bagong bili pa. Nag diet ako ng one week for this vacation” sabi ng bading. “Kuya itabi mo, bababa na ako” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. “Clarisse di ka naman choosy sa food sana” sabi ni Cristine. “Uy di ha, di ako ganon” sagot ni Clarisse. “E ako? Di mo ako tatanungin?” tanong ni Enan. “Hindi ka naman choosy e” lambing ni Cristine. “Sinabi mo, si Enan kahit ano kakainin niya. Pag sila ni Greg nagsama asal baboy na yang dalawa” sabi ni Cristine. Napalingon si Jelly sabay tinitigan si Enan. “Ikaw matakaw? Ano yang mga bulate mo kalahi ni Goliath?” banat niya. “Exercise, kung gusto mo turuan kita ng routine ko” sabi ni Enan. “Di nga, you work out?” tanong ni Cristine. “I jog” sabi ni Enan, biglang nagbungisngis si Cristine kaya lahat napatingin sa kanya. “In his sleep, kasi daw madaming babae naghahabol sa kanya” bulong ng dalaga kaya napatawa si Cristine at Jelly. “Dati yon, nung naging kami ni Cristine e dumistansya na sila kaya walking walking nalang ako” sabi ni Enan. “Antipatikong ilusyonado” sabi ni Jelly. “Kunwari ka pa, ikaw mag play hard to get ka din kasi sa panaginip mo. Nagpapahabol ka sa mga gwapo, imbes na tumakbo ka para sa work out e nagpapahuli ka naman kasi” sabi ni Enan kaya biglang natili si Jelly kaya naghalakhakan yung iba. Tatlong oras ang lumipas, nakarating na sila sa mansion nina Cristine. “Oh my God” bigkas ni Clarisse nang makita yung magandang lugar at malaking bahay. “Wow, eto yung pinaghirapan mo buong buhay mo” sabi ni Enan na napanganga din. “Wala pa sila, baka namalengke kasi alam nila dadating tayo” sabi ni Cristine na naunang bumaba. Pagbaba ni Enan napalingon siya sa buong paligid. “Wow, wala ako masabi. Parang napapanood ko lang to sa TV na bahay ng mga artista” sabi niya. “Baliw, girlfriend mo artista” sabi ni Clarisse. “Oo nga pero..I never imagined this” sabi ng binata. “Don’t be like that, tulad ng sinabi ko I wanted to give my parents a good life” sabi ni Cristine. “Tiny siguro yan yung kwarto mo ano?” tanong ni Enan sabay turo sa second floor. “Sa parents ko, sa kanila yung masters bedroom” sabi ni Cristine. “Her room is at the back, may terrace din siya” sabi ni Jelly. “Ako okay na ako sa kubo na yan” sabi ni Enan sabay turo sa kubo sa tabi ng pool area. “Silly, madaming kwarto sa loob at may guest house pa kami sa likod” sabi ni Cristine. “Tahimik dito, ang ganda dito” sabi ni Clarisse. “Basta bakasyon dito si Cristine. Wala na siya ginawa dito kundi matulog, magswimming at magpaka baby sa nanay niya” sabi ni Jelly. “May kwarto siya dito, parang parte na siya ng pamilya namin” sabi ni Cristine. “Oh trivia tayo, yung bahay sa malayo, ayon o yung isang mansion. Artista din may ari niyan pero naremata na ng bangko” sabi ni Jelly. “Remata?” tanong ni Enan. “Yes, kasi nalulon sa droga, sugal at babae. Kaya ayon nakakulong nalang siya” sabi ni Jelly. “I always look at that house to remind me that I should take care of what I worked hard for” sabi ni Cristine. “As in naremata na?” tanong ni Clarisse. “Girl, I know a lot of secrets sa showbiz. Mamaya kwentuhan kita. Baka ma shock ka” sabi ni Jelly. “But you did well, I mean you are doing well right?” tanong ni Enan. “Of course. Tara doon nalang tayo sa garden, tara Risse” sabi niya. Pagdating sa hardin natulala nanaman sina Enan at Clarisse, “Abay kahit sahig lang pwede na ako dito matulog” sabi ng binata. “Uy wag naman kayo ganyan masyado. If you work hard this is what you get pero for me it’s the smiles on my parents face that I look for” sabi ni Cristine. “Do you want to know how she started?” tanong ni Enan. “You don’t have to tell her that” sabi ni Cristine. “Ah basta, sasabihin ko. Risse, ganito kasi yon” kwento ni Enan. Nang matapos yung kwento teary eyed si Cristine kaya niyakap siya ni Clarisse. “Naiintindihan ko na” lambing niya. “Grabe sis its all worth it. Alam mo sure ako super happy parents mo” sabi ni Clarisse. “Sana, I just don’t want it to end. Alam mo ba iyon?” sagot ni Cristine. “Oo naman…Enan bakit lakad ka ng lakad?” tanong ni Clarisse. “Kinakabahan ang loko” sabi ni Jelly. “Labs ano ba? Just be yourself” sabi ni Cristine. “Easy for you to say, ako yung lalake ano. Iniimagine ko na itsura ng parents mo” sabi ni Enan. “Hay naku sobrang bait ng magulang niya” sabi ni Jelly. “Alam ko pero lalake ako na nauugnay sa anak nila. Sigurado ko malalagay ako sa microscope. Baka bawat galaw ko dito papanoorin nila. May CCTV ba kayo? Baka mamaya pag uwi nila papanoorin nila yon” biro ni Enan. “My brother will like you trust me” sabi ni Cristine. “Ay bakit, may chance ba siya?” landi ni Enan kaya napatawa niya ang lahat. “Crazy, not that way. Basta madali kayo magkakasundo I know lalo na si daddy” sabi ng dalaga. “I will call them tito and tita diba? Tapos ano naman sa kapatid mo? Bro?” banat ni Enan. “His name is Christopher but we call him Tofee” sabi ni Cristine. “Okay okay, Christopher muna” sabi ni Enan. “Magrelax ka nga, ano ka ba nahihilo kami sa iyo e” reklamo ni Jelly. Huminga ng malalim si Enan sabay tumabi kay Cristine. “Will I be really okay?” tanong niya. “Of course you will, sabi ko naman sa iyo mabait parents ko. They already know about us” sabi ng dalaga. May kasambahay na lumabas at nag lagay ng meryenda sa isang maliit na lamesa. “Meryenda muna kayo ate. Sabi ng mama mo gusto niya siya daw magluto ng tanghalian kaya antayin niyo nalang sila” sabi niya. “Miss matagal pa ba sila?” tanong ni Enan. “Parating na po sila siguro” sagot ng dalaga kaya naglakad lakad ulit si Enan. Nakarinig sila ng busina kaya agad siya nagtago sa likod nina Cristine at Clarisse. “We wait here” sabi ni Cristine. “Our father who art in heaven…” bigkas ni Enan kaya tawang tawa sila. May isang matandang lalake at matandang babae ang naglakad papunta sa hardin, si Cristine tumakbo at niyakap ang kanyang mga magulang habang sina Enan, Jelly at Clarisse nagtabi. “Ma, Pa, si Enan pala boyfriend ko. Enan these are my parents” pakilala ng dalaga. Lumapit si Enan at inabot kamay niya pero bigla siyang niyakap ng nanay ni Cristine. “O pinagpapawisan ka iho, Cristine naman punasan mo naman siya” sabi niya. Inabot ni Enan kamay niya sa ama ng dalaga, humawak ang matanda pero bigla siyang hinila at niyakap din. “May chance” bulong ni Enan kaya tumalikod sina Jelly at Clarisse para tumawa. “Hello po” bigkas ni Enan. “Aba maganda ang katawan nito ha, athlete ka ba iho?” tanong ng ama ni Cristine. “Marathon” banat ni Jelly kaya napakamot si Enan habang natawa si Cristine. “Tofee!” sigaw ni Cristine nang makita ang kapatid niya. Niyakap siya ng binata, dinala siya ni Cristine sa hardin sabay pinakilala si Enan. Inabot ni Toffee kamao niya, nakipagfist bump naman si Enan. “Ay si Clarisse pala, bestfriend ni Enan” sabi ni Cristine kaya lumapit ang dalaga. “Yung isa, di ko alam sino yan. Sumabit lang sa amin” biro ni Enan at natawa ng malakas si Tofee at nakipag fist bump ulit kay Enan. “Nakahanap agad ng kakampi” bulong ni Jelly. “Ma hindi na kami nakapag dala ng kahit ano galing Manila ha” sabi ni Cristine. “Kung meron kayo mini zoo, pwede siya” bulong ni Enan kaya napahalakhak ulit si Toffee nang tinuro ni Enan si Jelly. “Okay lang anak, sandali lang magluluto na ako. Enan ano gusto mo kainin anak?” tanong ng matanda kaya napangiti si Enan. “Kahit ano po tita, basta hindi tao” banat niya kaya napatawa ng husto ang matanda, si Cristine napangiti pagkat pati tatay niya tawang tawa. “Toffee ipalabas mo nga yung umbrella shade natin” sabi ng ama ng dalaga. Si Cristine humawak sa mga kamay ni Enan sabay tinuka siya sa pisngi. “See I told you they will like you” lambing niya. “Whew, grabe nakaihi ata ako sa pantalon ko nung niyakap ako ng papa mo” sabi ni Enan. “Hmmm we should get our bags” sabi ni Clarisse. “Tapos na pinapasok ko na kanina. Nandon na sila sa mga kwarto niyo” sabi ni Cristine. “Teka check ko baka pinagkwarto kami ni Jelly” biro ni Enan. “Haller may kwarto ako dito. Antipatiko” sabat ng bading. “Hmmm pwede pala maki CR?” tanong ni Clarisse kaya sinahan siya sa loob ni Cristine. Si Enan tumingala at tinuro yung langit. “Ano meron sa langit?” tanong ni Jelly. “Ulap, tanga” bulong ng binata kaya nasiko siya ng bading. “Jelly, totoong masaya ba parents niya nang makita ako o..you know what I mean. Please be honest” sabi ng binata. “Totoo no, why do you ask?” tanong ni Jelly. “Look at me, ako ba kasi yung tipong lalake na ipinapakilala ng isang babae sa parents nila?” sabi ni Enan. “Does it really matter? Ang importante pinakilala ka niya sa kanila. She did it and that is all that matters” sabi ng bading. “For show, I know she had to. Kasi unang matatanong ng media e parents niya. Ganon naman diba? Para pag matanong sila may masasabi sila tungkol sa akin. Para maging mas makatotohanan” bulong ni Enan. Di nakaimik si Jelly kaya tinignan nalang niya ang binata. “Mas masaya siguro ako pag totoo lahat ito…mahirap din gumalaw at mag isip sa pekeng mundo” bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD