Chapter 2: Pagtanggap

3086 Words
Sa may hardin tinititigan ni Enan si Clarisse kaya napapataas ang kilay ni Cristine. “Labs bakit mo siya tinitignan?” tanong niya. Napalunok si Enan sabay napakamot sa ulo. “Ah kasi Tiny..” bigkas ng binata sabay nagmurmur kaya walang narinig ang artista. Biglang tumawa si Clarisse kaya pati si Jelly napataas na ang kilay. “Nahihiya siya, gusto pa daw niya ng buko juice” sabi ni Clarisse. “Why didn’t you tell me? Labs wag ka mahihiya dito, kung may gusto ka sabihin mo lang” sabi ni Cristine. “Hindi ko naman pwedeng sabihin na ikaw, alam ko naman pinaghihirapan ang ganon e” biglang banat ni Enan kaya namilipit bigla sa kilig si Cristine habang si Jelly tumalikod at nagpigil ng tili. “You want more buko? Wait lang, next time just tell me okay?” lambing ng artista. Ilang saglit dumating yung kasambahay, may dala siyang dalawang buko na bagong tabas. Paglapag sa lamesa agad sila niyakap ni Enan bago pa makalapit si Jelly. Dinilaan ng binata yung mga straw sabay ngumisi. “Mahiya ka naman, you are so barbaric. Have some manners hindi mo bahay ito” sabi ni Jelly. “Coconut breasts milk is best for baby Enan” landi ng binata, sabay siya sumipsip sa dalawang straw kaya napatawa niya si Cristine, si Clarisse naman napahiyaw pagkat lumabas yung buko juice sa kanyang ilong. “Bastos” sigaw ng dalaga kaya lalong natawa yung artista. “Hilig niya gawin yon, basta pag umiinom ako magpapatawa siya” sumbong ni Clarisse. “Enan that is not nice, and Jelly is right. Sige na ibaba mo na yung isa, hindi na niya kukunin yan” lambing ni Cristine. “Sorry kasi wala masyado ganito sa atin, yung fresh talaga” sabi ng binata kaya naaliw si Cristine pagkat sarap na sarap talaga si Enan sa pag inom ng buko juice. Ilang minuto lumipas pinatawag na sila para kumain ng tanghalian, pumasok na sila lahat pero sina Enan at Clarisse tumayo sa isang sulok at nahihiyang lumapit. “Mga anak halina kayo” sabi ng ina ni Cristine kaya lumapit yung dalawa. “Ampon kain na raw” sabi ni Enan kay Jelly kaya napatawa niya ang lahat. Pagkatapos magdasal tumayo si Jospehine at nilagyan ng pagkain ang plato ng anak niyang babae. Biglang nahiya si Enan nang pinagsisilbihan siya ng ina ng artista, “Hala ako na po, kaya ko po” sabi niya. “Ako na anak, bisita ka namin dito” lambing ni Josephine, ang ina ni Cristine. Nang matapos malagyan ng pagkain plato niya napatingin siya agad kay Jelly, “Ay hindi ka nilagyan? E di alam mo na sino lang ang mga bisita dito” banat niya. Natawa ang mga kamag anak ni Cristine, si Jelly tumayo at inabot yung plato ng ulam sabay inarapan ang binata. “Pasensya na po kayo patawa talaga si Enan” sabi ni Clarisse. “Ayos lang iha, mas gusto pa namin ang ganyan kasi napapasaya ang lahat” sabi ni Josephine. Nagsimula na sila kumain maliban kay Enan na pinagmamasdan ang lahat. “Labs bakit hindi ka kumakain?” tanong ni Cristine. “Di ko alam pano” bulong ng binata kaya muling natawa ng ang lahat. “What do you mean di mo alam pano?” tanong ni Cristine. “Syempre kailangan ko muna alamin ano style ng pagkain niyo dito. Kung sosyal, kailangan nakalawit tong pinky ko tapos slow motion sa pagkain hanggang sa paglunok at kailangan laging nakangiti kahit na nanguya mo na yung black pepper, ipush mo ang smile kahit namimilipit ka na at nagpalit palit na lokasyon ng toes mo” sabi ng binata. Halakhakan ang lahat kaya lalong naaliw si Cristine sa binata. “Meron naman yung pormal, para kang robot, nakatindig ka ng tuwid, pag nakagat mo black pepper bawal magpakita ng emosyon. Kailangan kagalang galang ka parin. At pang huli yung normal na kain, pagkagat sa black pepper…pweh..pweh..legal yon” hirit ng binata kaya halos mamatay na sa tawa ang lahat dahil sa kanya. “Enan just eat, normal mode” lambing ni Cristine kaya ngumiti ang binata at nagsimula nang kumain. Nung makailang subo ang binata bigla siya bumagal pagkat pansin niya laging nakatingin sa kanya ang parents ni Cristine at kapatid nito. “Why are they looking at me?” bulong ng binata. “Syempre hanggang TV ka lang nila nakikita dati at naririnig ka lang sa mga kwento ko” sabi ni Cristine. “Totoong tao po ako, hindi po ako nagsasalitang rebulto” banat ni Enan kaya napatawa ng husto si Oscar, ang ama ng dalaga, at si Toffee. “Kuya gawin mo nga yung sinasabi ni ate” sabi ni Toffee. “Uy minsan palang kami nagkiss” sabi ni Enan kaya kinurot siya ni Cristine sabay kinagat sa braso. “Not that! Yung skit mo” sabi ng dalaga. “Ah, pero sandali linawin ko lang po, sa noo ko siya hinalikan” sabi ni Enan. “Noo?” tanong ni Cristine. “Oo sa noo” sabi ng binata. Tinuro ng dalaga ang mga labi niya, si Enan hinarap ang kamay niya sabay sumigaw, “Nooooooo” kaya natawa bigla si Cristine, sumunod na mga kapamilya kaya kaya ngumiti si Enan. “Ikaw kasi e buking tuloy, noo, shortcut ng noooooo” landi ng binata kaya tawang tawa si Toffee. “Its alright iho, matatanda naman na kayo and she told us that you are a responsible guy” sabi ni Josephine. Napangiti si Enan at tinignan si Cristine, “Sige na kahit konti lang” lambing ng dalaga. “Nakakahiya e” sabi ng binata. “Sige na kuya” udyok ni Toffee. “Toffee, maganda ang lahi niyo. Tignan mo ate mo, at katabi niyang babae na nobyo ng bestfriend ko. May taglay silang kagandahan. Focus ka sa ate mo, maganda siya diba? Tignan mo naman mama mo, ano napapansin mo? O diba? Kapansin pansin” landi ni Enan kaya napangiti si Josephine sabay napalo ang binata sa braso. “May taglay siyang katandaan” banat ni Enan kaya nanlaki mga mata ni Toffee, Jelly, Clarisse sa gulat pero sina Josephine at asawa niya natawa ng sobrang lakas. “Pero kahit na matanda nakikita naman saan nagmana ang ate mo. Forgive me tita for telling the truth but even though you have aged you still exude beauty. Para ka yung bote ng wine na kahit na tinago ng sobrang tagal e pag tinikman e masarap parin” “Hindi ka tulad ng iba na matanda na parang wine din sila pero sila na yung inagnas na cork” landi ni Enan. Nagtakip ng bibig si Josephine, namumula na siya sa kapipigil ng tawa habang si Oscar todo bigay sa tawa kaya nahahawa na anak niyang lalake. “Si tito balbas sarado, kitang kita kagwapuhan niya. Ikaw Toffee nagmana ka sa kanya kaya may taglay ka din kagwapuhan. But things are going to change, patawad tito, patawad Toffee…pagmasdan niyo ang aking mukha…iwas lang at makamandag din ito sa kapwa lalake” landi ni Enan kaya yung mag ama halos mamatay na sa katatawa. “Kaya nahihiya ako magpakita sa inyo, sa pagtungtong ko dito sa tahanan niyo…wala na kayong karapatan na matawag na gwapo. May batayan na ang tao at eto ako…Enan ang tunay na batayan ng kagwapuhan. Kahit saang angulo mo tignan…Ar-tis-ta-hin! With a capital letter ME” landi ng binata. Teary eyed ang lahat sa katatawa, si Enan napangiti at tinuloy ang pagkain niya. Dumikit si Cristine at sumandal sa binata, “they like you” bulong niya. “E ikaw?” biglang tanong ni Enan. Napatigil si Cristine, nagkatitigan sila saglit pero si Enan agad humarap sa kanyang plato. Humarap din si Cristine sa plato niya, dahan dahan napatingin sa malayo at pinaypayan ang sarili. “Enan kumain ka lang ha, pati ikaw Clarisse” sabi ni Josephine. “Narinig mo yon Jelly, nahiya lang si tita na sabihin sa iyo na tumigil ka na ang takaw takaw mo. Nandito na ako ngayon para idecode mga sinasabi niya para sa iyo” banat ni Enan. Napadabog si Toffee sa lamesa at naluwa niya yung kanin na kanyang niluluwa. Ama naman niya napahaplos sa kanyang tiyan at napayuko habang yung kasambahay muntik nang nabitawan yung dala niyang leche flan. “Okay lang yan, alam mo si Jelly kasi..” sabi ni Josephine. “Ay bakla” mabilis na siningit ni Enan kaya humarap na sa malayo si Oscar, si Toffee nagtakip ng ilong pagkat lumabas ang tubig doon sa biglang pagtawa niya. Napahalakhak si Cristine sabay inuga braso ni Clarisse, “Sabi ko sa iyo magaling mag timing yan. Kaya pag kasama mo siya dahan dahan ka lang uminom or else ganyan mangyayari sa iyo” sabi niya. Pagkatapos nila kumain tumambay sila sa hardin, si Enan hinahaplos tiyan niya habang may yakap ulit na buko. “Tiny! Kung gusto nila magsiesta pwede sa kubo” sigaw ni Oscar mula sa loob. Nagulat si Enan, tinignan niya si Cristine sabay tinuro. “Bakit niya inadapt yung tawag ko sa iyo? Gaya gaya naman siya” biro ng binata. “Mula bata ako..yan ang palayaw ko sa dad ko” sabi ng dalaga kaya nagulat ang binata. “Weh? As in?” tanong ni Enan. “Yeah, kaya nga gulat na gulat talaga ako when you wanted to call me that” pacute ni Cristine. Napahaplos si Enan sa noo niya sabay nagsimangot. “E di pag tinatawag kitang Tiny e naalala ko daddy mo. Akala ko naman ako lang tumatawag sa iyo non” drama ng binata. “Hey, I like how you pronounce it so magkaiba parin sila” lambing ng dalaga. “Okay” sagot ni Enan. “Wait lang papaayos ko yung kubo para doon tayo” sabi ni Cristine. Naglakad lakad ang binata yakap ang buko niya. “Hey Enan, bakit ka nagkakaganyan? You should be happy kasi tanggap ka nila” sabi ni Clarisse. “Ha? Happy ako, sad lang kasi ubos na tong buko juice ko” palusot ng binata. “Liar, alam ko pag may problema ka. So ano problema mo?” tanong ng dalaga. “Wala naman, busog lang siguro at nag aalala pano ako makiki CR sa bahay nila” sabi ng binata. “Hay naku, ayaw mo sabihin?” tanong ni Clarisse. “Risse wag ka na magtanong please o. Ayaw ko magsinungaling sa iyo” sabi ni Enan. “Oh my God! Is she pregnant? Is that why we are here? Kaya ba sinama ako para may kasama kang uuwi just in case pinalayas ka?” bulong ng dalaga. Natawa bigla si Enan at napakamot, “Grabe ka naman, wala pa kami sa stage na ganon ganon” sabi niya. “E ano? You look problematic, parang may mabigat kang dinadala” sabi ng dalaga kaya inangat ni Enan yung hawak niyang buko. Natawa si Clarisse at napalo ang binata sa pwet, “Tell me honestly, is she pregnant?” tanong ng dalaga. “Risse, wala pa kami sa stage na yon” sagot ni Enan. “Okay I believe you pero may problema ka parin e. Alam ko may problema ka” sabi ni Clarisse. “Alam mo Risse, wala yon. Sige na enjoy nalang natin bakasyon natin dito” sabi ni Enan. “Pano ko naman eenjoyin bakasyon natin kung alam ko may problema ka. Kung ayaw mo sabihin..one week naman tayo dito so malalaman at malalaman ko din yan. Kilala mo na ako” pacute ng dalaga sabay naglakad palayo. Pinuntahan ni Enan si Jelly sa harapan ng bahay, “May problema tayo” sabi ng binata. “Ano? Mag out ka narin?” biro ng bading. “Baliw, seryosong problema. Si Clarisse nakakahalata na” sabi niya. “Impossible, you and Cristine look like real lovers” landi ng bading. “Tsk, alam niya kasi pag may problema ako. Nahuli niya ako just now tapos kinukulit na ako” sabi ni Enan. “Hoy lalake, ano ba kasi drinadrama drama mo?” tanong ni Jelly. Niyakap ni Enan yung buko sabay sumipsip at naglakad. “Hirap lang ako umakting, kasi pamilya niya yan e. Gets mo ba problema ko?” sabi niya. “So far so good naman ha, lumambing ka lang naman konti. Para lang kayo mag bestfriend e” sabi ni Jelly. “Mahirap nga, I mean madali lang pero mahirap e” sabi ni Enan kaya napakamot ang bading. “Nahihilo na ako sa iyo, sploke mo na ano kerbils mo sa chestsung mo” sabi ni Jelly. “Jellybells, I will never get to feel something as real as this. After our acting, pano na kung pangarapin ko yung ganito? Gets mo? Now I am living as if pinanganak akong gwapo talaga, pero what happens after all this acting?” “Ang sarap sa pakiramdam yung kanina, pero di naman ako pwede maging masaya masyado kasi alam ko acting lang. Pano pagkatapos nito, will I ever get the same chance to make parents of another girl laugh like that…will I ever get a chance to get their parens to like me?” “The sad part is…will I ever get a girl to like me?” bulong ni Enan. “Negabells ka much” sabi ni Jelly. “Nagpapakatotoo lang” bulong ni Enan. “Tol alam mo..” sabi ni Jelly sa malalim na boses kaya nagulat si Enan. “Tado ka pinapasaya lang kita…as I was saying tol, okay ka e. Seryoso to tol ha, lalake sa lalake, masasabi ko sa iyo okay ka. Bilang lalake na may pusong babae, tol maiinlove din ako sa iyo e kung sakali” sabi ni Jelly. “Jelly okay na napasaya mo na ako. Wag mo na sisirain tong mood ko” sabi ni Enan. “Hindi pa ako tapos tol, respeto naman tol. Tignan mo brad nawala na iniisip ko. Maarte kang antipatikong pilosopo ka, maganda sana sasabihin ko sa iyo e” sabi ni Jelly sa normal na boses kaya nagtawanan silang dalawa. “Bakit pa niya kasi sinama si Clarisse?” bulong ni Enan. “Aba malay ko sa kanya. You and Clarisse seem to be very close” sabi ni Jelly. “We are, girlfriend siya ng bestfriend ko nga. Parang kapatid ko na yon” sabi ng binata. “I see, sige tutulungan kita mag isip ng problema” sabi ni Jelly. “Uy salamat ha, yung maniniwala agad si Clarisse. May puso kang babae so alam mo siguro ano papaniwalaan niya” sabi ni Enan. “Tuli ka na diba?’ tanong ni Jelly. “Syempre naman” sagot ng binata. “Ay sayang, okay cross that out from the list. Sige mag iisip pa ako” landi ng bading kaya napakamot si Enan. “Natatakot na ako sa ipapalusot mo, wag naman sakit” sabi ng binata. Nagtagpo sina Jelly at Cristine sa salas, hinila ng PA ang artista sa isang sulok. “Girl may problema, si Clarisse nakakahalata” sabi ni Jelly. “What do you mean nakakahalata?” tanong ng artista. “Haller, Clarisse may Shan, alam niya ano kilos ng magboylet at girlet” palusot ni Jelly. “Ha? Bakit, may mali ba sa ginagawa namin ni Enan. Kulang ba?” tanong ni Cristine. “Bakit mo ako tinatanong? Ano naman alam ko sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae? Like duh that is sooo ew” landi ni Jelly kaya nagtawanan sila. “Yung totoo? Nakakahalata daw siya?” tanong ni Cristine. “Yizzz, bakit mo pa kasi dinadala dala yung babaelita na yon?” tanong ni Jelly. “The saying goes…keep your enemies closer” bulong ng artista kaya nagulat ang bading. “Napansin mo din pala” bulong ni Jelly. “I know its nothing but they are just too close. Alam ko may boyfriend siya pero iba e. They are too close so I want to understand why” sabi ni Cristine. “E-ne-my…” landi ni Jelly sabay ngisi. Napatigil si Cristine sabay dahan dahan napalunok, “Syempre pag may iba makakita na close sila e di masisira yung fake relationship namin. Duh. So I brought her along so just in case may nakakaalam na pala na close sila..at least makikita nila na kasama ako at kilala ko siya” “Ikaw talaga nag iisip din ako” sabi ni Cristine. “Uhuh at ngayon ngayon mo lang yan naisip ano?” landi ni Jelly. “Ano? Look wala si Arlene, nakabasyon so I have to look out for my career. Ito din gagawin niya if she was here. You want to call her? Tara tawagan natin at pustahan tayo pag nasabi natin yung situation e ganito din ipapayo niya” sabi ng artista. “Girl naniniwala ako, chillax na” sabi ni Jelly. “Ikaw kasi parang you are accusing of me” sabi ng dalaga. “Accusing you of what?” landi ng bading. “There you are doing it again, ikaw PA kita so you help out. Ayusin mo tong gusot na to” sabi ni Cristine sabay nag walk out. “Excuse me ikaw ang may boyfriend kay Enan kaya ikaw umeffort for your career” sabi ni Jelly. “Oo nga no, then stop teasing me” sabi ni Cristine. “Me teasing you? Teasing you of what?” tanong ng bading. “Wala, sige na sige na nasan ba sila?” tanong ni Cristine. “Nandon sa kubo magkatabi” sabi ni Jelly. Tumaas mga kilay ni Cristine at napasugod sa kubo kaya tawang tawa si Jelly. “Huli ka girl” bulong niya. “She looks mad, did Enan do something again?” tanong ni Clarisse na biglang sumulpot. “Uy Clarisse, girl naman kakagulat ka. Halika ka girl at itour kita saglit kasi busy pa yung dalawa sa kubo” landi ni Jelly. “Busy sa kubo?” tanong ni Clarisse. “Ah..you know the lips and lips…hayaan mo na tara na girl” sabi ni Jelly na napangisi nang mapansin ang pagsimangot konti ng mukha ng dalaga. “Hmmm..fishybells” bulong niya. “Pupunta tayo sa fishpond nila?” tanong ni Clarisse. “Of course, lets go see the fishybells” sabi ni Jelly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD