Chapter 3: Kuya

3022 Words
Alas diyes ng umaga kinabukasan kalalabas ni Cristine sa kanyang kwarto. Agad niya pinuntahan kwarto ni Enan pero wala doon ang binata. Bumaba ang dalaga at unang sumalubong sa kanya ay ang kanyang ina. “Cristine, anak nakakahiya naman sa boyfriend mo. Kanina umaga pag gising ko nakita ko siya naglilinis sa labas ng bahay” sumbong ni Josephine. “What? Bakit madumi ba sa labas? Bakit niyo hinayaan maglinis? Where is he?” tanong ni Cristine. “Lumabas sila ni Toffee dala yung kotse” sabi ng matanda. “Bakit siya naglinis? Nasan si Jelly?” tanong ng dalaga at biglang sumulpot ang bading. “Good morning mahal na reyna, ang boyfriend mo naglinis kaninang umaga” sabi ni Jelly. “Nakita mo din?” tanong ni Josephine. “Opo tita. Gusto nga kita gisingin pero utos ng reyna wag sirain ang tulog pag nakabakasyon” sabi ng bading. “Oh my God, bakit siya naglinis? Teka nasan si Clarisse?” tanong ni Cristine. “Naliligo. Anak sabihin mo naman kay Enan na wag siya maglilinis. Bisita siya dito kaya dapat nakabakasyon lang siya” sabi ni Josephine. Nakarinig sila ng busina ng kotse kaya napatakbo sila sa bintana. Nakita nila si Toffee at Enan sa labas ng kotse at naglalakad na papunta sa likod ng bahay. “Kuya salamat ha, pero okay na ba pagmamaneho ko?” tanong ni Toffee. “Okay lang kaya lang mag ingat ka naman at wag kang kaskasero. Bakit ka ba nagmamadali? Gusto mo mapansin ka? O gusto mo na ako iligpit para mawala na ang tunay na gwapo dito sa mundo para pwede ka na maghariharian?” “Bro, maganda na tong kotse mo. Titignan na ng tao eto, ibaba mo nalang bintana mo tutal may itsura ka naman. Take note may itsura ha. Alam mo ang masama bro, dineprive mo ang mga tao sa lugar na ito na mabiyayaan ng aking kagwapuhan. Nakababa bintana ko, sana kung mabagal ka magmaneho o di sana madami ka napasayang tao kasi makikita nila ako” “Sayang ka bro, nakita mo sana ang aking kamandag. Kung mabagal ka sana nagmaneho kanina e nakita mo sana kung pano ko papatigilin ang trapik, nakita mo sana first hand epekto ng aking pagka artistahin sa mga taong napapatingin” “Pero wala e, ang bilis mo magpatakbo, tuloy yung hangin niyo lang dito sa lugar na ito at nakayapos at nakanakaw ng mga halik sa aking artistahing mukha. Look o namamaga ata mga pisngi mo” landi ni Enan kaya natawa ng malakas si Toffee habang sina Josepine, Cristine at Jelly nagpipigil ng tawa sa loob ng bahay. “Pero bro, swerte ka kasi may ganito kang kotse. Mahal ito, alam mo ate mo pag magtrabaho parang unicorn. Kabayo sana sasabihin ko pero maganda siya kaya unicorn nalang. Anyway bro ang point ko e, alagaan mo tong kotse mo. Di mo kailangan paspasan, makakarating ka naman sa gusto mo puntahan kahit mabagal e. Oo mabagal pero at least komportable ka” “Yun ang gusto ng ate mo, maging komportable ka sa buhay. Kaya sana isukli mo naman sa kanya yung kaligtasan mo. She works hard, as in bilib ako sa work ethic niya. Wag mo naman na siya bigyan ng pagsisisihan niya. She cares for all of you, lagi niya kayo naiisip, she works for you and your parents” “All she wants is for you to be happy. So don’t give her a reason to be sad. Alam ko wala siguro ako sa lugar na pagsabihan ka pero bro ibalato mo na sa kanya kaligtasan mo” sabi ni Enan na medyo kinabahan pero niyuko ni Toffer ulo niya. “Sorry kuya” bulong niya. “Wag ka magsorry, di kita isusumbong pero bro just drive carefully from now on” sabi ni Enan. Sa loob ng bahay nagpunas ng luha si Josephine at Cristine habang si Jelly tumalikod at pinaypayan ang kaynang mga mata. “Anak you chose well” bulong ni Josephine sabay niyakap ang kanyang anak. Pinilit ni Cristine ngumiti, tinitigan niya si Enan at lalo siya napahanga sa binata. “Kain ka na almusal anak” lambing ni Josephine. Papunta sila sa dining area nang sakto bumaba si Clarisse. “Kumain ka na?” tanong ni Cristine. “Hindi pa kumain yan, nahihiya kanina kasi pagbaba niya wala si Enan” sabi ni Jelly. “Tara sis kain” alok ng artista. “Si Enan?” tanong ni Clarisse. “Nasa labas kasama si Toffee, sige na sabay na kayo kumain” sabi ni Jelly. Pagkatapos nila kumain nakita nila mula sa bintana ang dalawang binata na sa pool at nakasandal lang sa gilid at nakatalikod sa kanila. “Kuya siguro madami kang chicks bago mo nakilala si ate ano?” tanong ni Toffee. “Bro I am so flattered that you said that pero alam mo itong artistahing kara na ito? Hindi dapat ito ginagamit na armas” “Oo sabihin na natin napakarami kong taga hanga, take note napakarami lang ginamit ko kasi we need to stay humble din naman” sabi ni Enan kaya nagsimula nang tumawa si Toffee. “Alam mo bro ganito nalang para mas maintindihan mo, kasi baka pag nagpaliwanag ako sa artistahing level e di makayanan ng utak mo icomprehend sasabihin ko pagkat wala ka pa sa aking estado” hirit ni Enan kaya nagpipigil na ng tawa sina Jelly, Cristine at Clarisse sa loob ng bahay. “Ikaw, may itsura ka, madami din humahanga sa iyo, pero take note yung term na madami e ibang level ha kumpara pag ako gagamit sa term na iyon kasi pag ako inter galactic yon habang ibang sa ordinary people ka lang” sabi ni Enan. “Walang ganon kuya” sabi ni Toffee. “Wag na tayo magbiruan, mula sa ultimo gwapo sa isang pangkaraniwang gwapo, bro, regalo sa atin ito, we were born this way so we are lucky from the start. Alagaan mo nalang yan at magfocus ka sa panloob mo” “Bro etong panlabas natin di na mawawala ito unless magpapabaya tayo sa sarili natin. Yung sinabi mo kanina na siguro madami akong chicks, basehan na yon sa pag iisip mo tungkol sa mga katulad natin” “Siguro lapitin tayo ng mga babae, lalo na ako take note of that, pero yang iniisip mo bro ang makakasira sa regalo natin. Bro pano mo papagwapuhin ang gwapo na?” banat ni Enan. “Bisitahin si doc?” biro ni Toffee. “Mali ka bro. Para lalo ka gumwapo ng ilang levels kailangan mo maipakita ang panloob mong kagwapuhan. Once na makita nila yung panloob mong kagwapuhan automatic na yon sa mga mata nila na level up gwaponess mo” “Bro, kung tatahakin mo naman yung natanong mo kanina e masisira ang kagwapuhan mo. Pag makita ka ng babae, ay yan babaero yan. Kaya bro kahit na umabot pa gwapo level mo sa level ko, once na nasira na yang imahe mo sa iba wala na” sabi ni Enan. “Tapos bro sure ako ibang girls diyan at semi-girls, lalapitan ka kasi ate mo sikat e. Bro ganito, wag mo sila gamiting armas, siguro konti lang just to be able to meet the one you really like. Gwapo level mo, that makes it easier for you to get to know that special someone” “Pero bro alagaan mo gwapo level mo. Sige ka pag yang gwapo level mo nabahiran pano na kung dumating yung araw na nakita mo na yung talagang gusto mo? E di sira ka na agad sa kanya diba? So what we have bro is a curse, ang hirap mabuhay na gwapo” banat ni Enan kaya nagtawanan silang dalawa. “I get your point kuya” sabi ni Toffee. “Hirap no? Araw araw may temptations, but you have to resist. Always remember that there is that one girl, alagaan mo gwapo level mo para sa kanya” payo ni Enan. “E kuya kayo ni ate, pano mo siya niligawan?” tanong ni Toffee. Napalunok sina Cristine at Jelly pagkat si Clarisse tila naintriga at lumapit sa bintana. “Look, kilala mo ate mo. Alam mo sino siya, sa ibang tao maganda lang ate mo, yan lang basehan nila kaya naakit sila” “Ako naman e oo nagagandahan ako sa kanya. Crush ko nga siya e. Pero bilang artistahin kailangan mo din kilalanin sino siya talaga e. Oo madami nagsasabi na b***h siya” sabi ni Enan. “Gago nga mga yon e, dami nila sinasabi tungkol kay ate na di naman totoo” sabi ni Toffee. “Aminin ko ganon din tingin ko sa kanya pero artistahin ako e. I needed to get to know her. Bro yung batas sa gwapo level ganon din sa ganda level. Kita mo na epekto sa ate mo? Nasisira siya dahil sa pinagsasabi nila kaya bumaba ganda level niya” “But I gave her the benefit of the doubt. Nakilala ko siya, lalo siya gumanda sa paningin ko bro. Ganda level niya tumaas ng ilang levels, halos diyosa level na siya nung nakilala ko siya. Kilala mo na ate mo kaya di ko na kailangan ipaliwanag pinagsasabi ko” sabi ni Enan. “Pang ilang girlfriend mo na si ate?” tanong ni Toffee. “Bro di magandang tanong yan, para naman akong nagcocollection ng girlfriend e. Flattered ako pero next time ang tamang tanong, have you had other girlfriends before my sister? Pag ibang tao singular, girlfriend lang ha. Pero pag ako plural kasi nga artistahin so understood na yon” sabi ni Enan. Tawang tawa si Toffee pero tinignan parin niya si Enan. “She is my first girlfriend. Gulat ka ano? Sa estado kong artistahin siguro inaasahan mong sagot ko e one million ano?” banat ni Enan kaya lalong natawa si Toffee. “Pwera biro kuya, si ate talaga first girlfriend mo?” tanong ng binata. “Masyado mo pinupuri na pagka artistahin ko. Oo bro siya lang” sabi ni Enan. “Kuya talaga, di ko naman sinasabi na merong iba e, siya lang yung sagot mo” biro ni Toffee. “Ano gusto mo sagot ko? Siya palang? Pag ganon parang nag iisip ka na ahead na may susunod pa. Pag siya lang…maari mo isipin na pangkatapusan na. Ganon naman diba? Bakit ka pa mag girlfriend kung di mo naman pala balak idiretso sa altar? Ano ka mag girlfriend para lang mapalitan social status mo sa sss na in a relationship?” sabi ni Enan kaya nagtawanan ulit sila. “Tara na kuya, magagalit sina mama pag matagal nagbabad sa pool at malapit na lunch kaya napriprito tayo dito” sabi ni Toffee. “Bro, vain ka? Ang tunay na artistahin kahit matosta pa yan ng sinag ng araw artistahin parin yan. Magpalit palit man kulay ng kutis ko mula chinito to charcolito…it does not matter I will be still oozing with handsomeness” “Di tulad ng ibang tisoy, pag pinaitim mo pangit na. Pero tama ka alis na tayo dito at ayaw ko mapagalitan ni mommy” landi ni Enan kaya nagbungisngis si Cristine at Jelly, hinila sila ni Clarisse palayo pagkat mabubuking sila na nakikinig kanina. After lunch sa kubo hinahaplos nanaman ni Enan ang tiyan niya. “Oh labs kanina daw umaga naglinis ka sa likod ng bahay” sabi ni Cristine. “Yup pero may rason” sabi ng binata. “Enan, kayo ni Clarisse bisita dito. Don’t do that naman. Mommy ko hiyang hiya” sabi ni Cristine. “Please let me explain” sabi ni Enan kaya lahat napatingin sa kanya. “Kagabi palang ako nakaakyat ng second floor kaya di ko alam saan yung banyo. Ihing ihi na ako, lalabas sana ako para magtanong sa iyo pero daddy mo nakasilip sa pintuan nila” “Baka iba iniisip niya na gagawin ko” kwento ni Enan kaya natawa na mga kasama niya. “s**t ihing ihi na ako talaga, gusto ko sana tanungin si Clarisse pero baka kung ano nanaman maisip ng daddy mo. Baka isipin niya e…you know” “Tapos gusto ko tanungin si Jelly pero lalong masama magiging tingin ni tito kasi nga…o diba? E kung sa kanya naman ako nagtanong e baka iisipin niya palusot dot com lang ako kaya ayon nagkulong ako tapos naghahanap ng bote” “Wala ako mahanap kaya may kasalanan ako, umihi ako sa bintana” kwento ng binata kaya lalo nagtawanan ang mga kasama niya. “Sorry talaga, pero naparami actually. Umihi ako mga five times. Dahil narin ata sa buko. s**t sabi ko pag may tao pa sa baba baka isipin na may bago silang fountain e” “Kaya nung umaga na agad ako lumabas, nilinisan ko yung lugar na pinaglandingan ng wiwi ko. Sorry talaga, takot na ako lumabas ng kwarto baka kung ano pa maisip ng daddy mo e” sabi ni Enan. “You could have called or texted me” sabi ni Cristine. Tinignan ni Enan si Jelly kaya nagpacute yung bading. “Hiniram ko phone niya” sabi niya. “Naglaro ng Angry Birds mwahahaha” biro ni Enan. “Sira ulo!” sigaw ni Jelly. “O bakit mo hiniram phone niya?” tanong ni Cristine. “Naglaro..Angry Birds pero wag mo lalagyan kasi ng malisya” sabi ni Jelly sabay kinurot si Enan. “O bakit sinabi ko lang naman na nilaro mo Angry Birds, ikaw lang naman naglagay ng malisya doon” landi ni Enan. “May arinola sila, mamaya pag matulog ka dalhin mo sa kwarto mo” sabi ni Jelly. “Haller alam ko na nasan yung banyo” sagot ni Enan. “Pero tuwing bubuksan mo pintuan mo lalabas si tito” sabi ng bading. “Oo nga no, arinola nalang baka kung ano pa maisip niya” sabi ni Enan kaya bungisngis sina Clarisse at Cristine. “Tiny nandito na si Bebeng” sigaw ni Oscar. “Sige po pa, tara Clarisse” sabi ng artista. “Saan?” tanong ng dalaga. “Sige na go, magaling na masahista yon” sabi ni Jelly. “Ah talaga? Sige nga, e pero pano sila?” tanong ni Clarisse. “Babae lang minamasahe niya” tampo ni Jelly kaya nagpigil ng tawa si Enan. Pagkaalis ng mga dalaga sinipa ni Jelly paa ng binata. “Narinig ko usapan niyo ni Toffee” sabi niya. “O may problema ba?” tanong ni Enan. “Wala, maganda yung mga pinayo mo sa kanya. Napahanga mo ako” sabi ni Jelly. “Akala mo kung expert ano? Gwapo naman talaga kasi siya. Swerte ang mga katulad niya. Kung may type silang babae madali nalang nila makikilala. Habang ako, di pwede diretso minsan kasi baka matakot pa sila” “Nakakatawa nga e, kailangan ko pa mag exert ng effort sa isang bagay para mapansin. Yung mapapa wow mo talaga sila, lalapit sila tapos ayon makikilala ko na pero not all the time. Most of the time, napa wow mo, pupurihin ka pero that is it. Dedmakels na ulit kasi nga pangit” “Yung iba naman pag napa wow na, naglalakas loob ako kilalanin sila pero toinks, parang di na wow yung nagawa mo kasi parang nangibabaw na yung diri” sabi ni Enan. “Itigil mo na yang drama mo, alam ko narin yang feeling na yan” sabi ni Jelly. “Kaya ba kumalas at sumanib sa kabilang kampo kasi bigo karin?” biro ni Enan. “Tse! Bata palang ako ganito na ako. Kung ano nararamdaman mo times mo sa akin kasi nga pangit na nga tapos ganito pa ako” sabi ni Jelly. “Gago ka brod, mas gwapo ka sa akin e. Pero kidding aside, naiitindihan kita” sabi ni Enan. “O diba? Kahit na sabihin mo may ganda level din ako pero di naman ako pwede maka approach sa type ko kasi nga…” sabi ni Jelly. “Yeah I know” bulong ni Enan. “Bentang benta ka kay Toffee” sabi ni Jelly. “Pero nagkalamat ako sa daddy ni Cristine kagabi. s**t nakakahiya, pesteng buko juice yan o” sabi ni Enan kaya natawa si Jelly. “Sikreto natin to, nung first time ko dito…ganon din siya sa akin” bulong ni Jelly. “Oh my God, may chance siya?” biro ni Enan kaya laugh trip silang dalawa. “Seryoso ako, lumabas ako para umihi, pero ang sakit ng tingin niya sa akin noon” “Ano sa tingin niya nagpapanggap akong bading tapos gagapangin ko anak niya? Hello! Kadiri” landi ni Jelly kaya lalo sila nagtawanan. “Pero nung confirmed ka na hindi na?” tanong ni Enan. “Oo, kinailangan ko pa talaga mag asal baklang bakla para makampante siya” bulong ni Jelly kaya lalo sila nagtawanan. “Grabe sa tingin mo nakikipagplastikan lang daddy niya?” tanong ni Enan. “Hindi no, ganon lang siguro yon kasi nga nag iisang anak na babae” sabi ni Jelly. “So kailangan pala sumanib si Toffee sa inyo” biro ni Enan kaya halos mamatay na sila sa tawa. “Magandang bakla siya if ever” sabi ni Jelly. “E ako?” tanong ni Enan. “Mabait na bading” sabi niya kaya napangiti nalang si Enan. “Jelly…” bigkas ng binata. “Ano yon?” tanong ng bading. “Wala..” sagot ni Enan. “Ano yon? Sige na tanong mo na” sabi ni Jelly. “Wala no, nakalimutan ko na” sabi ng binata. “Nahiya ka pa e, sige na tanong mo na kasi” sabi ni Jelly. “Some other time nalang” sabi ni Enan. “You will never know the answer until you try” sabi ni Jelly. “What is that supposed to mean?” tanong ni Enan. “Ewan ko sa iyo, basta yon na yon” sabi ng bading sabay ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD