Chapter 4: Moves

3026 Words
Kinabukasan maaga nagkasalubong si Cristine at Clarisse sa hallway, “Youre up early” sabi ng artista. “Di ko na makuha tulog ko e” sabi ni Clarisse. “Tara sa baba” alok ni Cristine nang narinig nila nag ring Skype ring tone sa loob ng kwarto ni Clarisse. “Si Shan siguro, wait lang” sabi niya. “No wait, tara dali dali” sabi ni Cristine sabay hinila si Clarisse papasok sa kwarto ni Enan. Ang binata nagising bigla pagkat kinaladkad siya nung dalawang dalaga paalis ng kama. “What’s wrong?” tanong ni Enan na inaantok pa. “Basta wait here, tara Risse” sabi ni Cristine. Sumugod naman sila sa kwarto ni Jelly at kinaladkad yung bading palabas ng kwarto. “Ano ba? Ano gagawin niyo sa akin?” tanong ni Jelly. “Ganito” sabi ni Cristine sabay nagbulong siya kaya bigla sila nagtawanan. Sumubok ulit si Shan ng video call sa laptop niya, sumagot na si Clarisse pero agad nanlaki ang mga mata ng binata. Nakita niya magandang mukha ng kanyang nobya pero may katabi itong lalake sa kama. “Clarisse who the hell is that?” pagalit na tanong ni Shan. “Tsk sabi ko sa iyo urong e at sasagutin ko muna” sabi ni Clarisse. Napanganga si Shan nang makita si Enan sa tabi ng nobya. “Enan what the…” bigkas ni Shan pero napatigil ang binata nang nakita na kasama si Cristine. “What the hell is happening there?” tanong niya. Biglang lumabas mula sa kumot si Jelly, “Holy…” bigkas ni Shan kaya nagtawanan na yung apat. “Look at his face” sabi ni Clarisse kaya si Shan natawa na bigla at napakamot sa ulo. “Papa Shan wag ka mag alala, these girls are just here to watch me and Enan” landi ni Jelly kaya lalo tumindi ang kanilang tawanan. “Kaya pala ang tagal mo sumagot, nag set up pa kayo” sabi ni Shan. “It was Cristine’s idea” sabi ni Clarisse. “At bakit pare parang ang sama ng reaksyon nung nakita mo ako katabi si Clarisse? Wala ka e, ako artistahin kaya di na siya nakatiis” biro ni Enan kaya napingot nina Clarisse at Cristine ang mga tenga niya. “Shocked lang nung umpisa pre pero nag sink in na ikaw pala” sabi ni Shan. “Oo nga e ako nga to e” sabi ni Enan at napansin nung tatlo ang paglungkot ng binata. “Tawag ka nalang mamaya, breakfast na kami” sabi ni Clarisse sabay agad pinatay yung tawag. “Bakit mo pinatay?” tanong ni Enan. “Wala kasi sabi ni Cristine she wanted to cook breakfast so tara tayo nalang” sabi ni Clarisse. “Hoy ikaw baka may kailangan ka ulit linisan sa likod” banat ni Jelly kaya napakamot si Enan. “One time lang” bulong niya sabay nagmadaling lumabas ng kwarto. “Sorry talaga ha” sabi ni Clarisse. “Its my fault, it was my idea in the first place” sabi ni Cristine. “Masakit yon, ramdam ko pain niya kanina” sabi ni Jelly. “Uy sorry talaga” bulong ni Clarisse. “Akala ko ba bestfriends sila?” tanong ni Jelly. “No its my fault, I didn’t expect that from Shan” sabi ni Cristine. “Gusto ko din pagsabihan minsan si Shan pero its going to end up badly. I mean baka..” sabi ni Clarisse. “I know, grabe its not your fault wait lang kausapin ko siya” sabi ni Cristine. Paglabas ng artista sa kwarto napahaplos si Clarisse sa kanyang mukha. “s**t galit siya sa akin” bulong niya. “Si Cristine? Hindi no, pero sis masakit yon lalo na galing pa sa bestfriend” sabi ni Jelly. “Alam ko, everytime I feel Enan’s pain. Example siyempre pag tatawid kami e umaakbay si Enan sa akin. Minsan pag crowded ganon din so Shan ends up seeing us. I always feel Enan being scared pero kay Shan parang bale wala ba” sabi ni Clarisse. “Oo alam ko sis, kay Enan naman parang inaantay niya yung selos effect of duda effect. Seeing non lalo siya nanliliit. Pero yung verbal na ganon tulad kanina e yon ang solid” sabi ni Jelly. “Cristine will be mad at me I know kasi boyfriend ko si Shan” sabi ng dalaga. “Hindi no, anyway, matanong ko lang. Si Shan ganon na nga kampante kay Enan. How about you?” tanong ni Jelly. “Ha? Ano? What do you mean what about me?” tanong ni Clarisse. “Pareho ba kayo ng view ni Shan about Enan? Si Enan naman yon so no worries ganon ba?” tanong ni Jelly. “Hala to, of course not. Enan is my bestfriend too no” sabi ni Clarisse. “Ay teka baka malabo lang tanong ko. Ang nais ko lang itanong e, if ever wala kang nobyo, si Enan ba e…may chance? You know beyond the bestfriend thingy” landi ng bading. “Yes” sabi ni Clarisse kaya nagulat ang bading sa mabilis at prangkang sagot ng dalaga. “Yes agad? Di na pinag isipan?” biro niya. “Pero lets get this clear okay? What if lang naman tanong mo e. If I was single, then Enan too is single then he courts me? Yes of course, now if you ask my why then you should ask Cristine why sinagot din niya si Enan” pacute ng dalaga. “Alam mo girl ako din, if ever ligawan ako ni Enan, si Shan ang sasagutin ko kasi tutal magiging kayo na ni Enan so akin na si Shan. Ano shoe size niya?” biro ng bading kaya nagtawanan yung dalawa. Samantala sa likod ng bahay natagpuan ni Cristine si Enan na nakatanga lang. “Akala ko maglilinis ka?” pacute ng dalaga. “Joke lang, di na naulit yung nangyari the other day. Bumaba ako para alisin lampin ko” biro ng binata kaya natawa ang dalaga. “I am sorry your bestfriend hurts you like that” lambing ni Cristine. “Wala yon no, totoo naman e. Ako naman ito e so why should he be worried?” sagot ni Enan. “He should be” sabi ng artista. “Kasi artistahin ako at baka di talaga makatiis si Clarisse?” landi ni Enan. “Seriously speaking yes, nakikita ko naman gano kayo kaclose. Bakit sa tingin mo Clarisse would never like you?” tanong ni Cristine. Napatigil saglit si Enan at naalala ang sinabi ni Clarisse sa kanya noon sa school. “Ewan ko don, how should I know lalake ako” sagot ng binata. “Hayaan mo na nga, pero Enan you are a very likable person” lambing ng dalaga. “Alam ko kaya mo nga ako sinagot diba?” landi ng binata. “Ah ewan ko sa iyo basta wag ka masasaktan pag ginaganon ka nila. Hindi nila alam sino ka” sabi ni Cristine. “Tiny your mom and dad are listening to our conversation” bulong ni Enan. “Saan sila?” tanong ng dalaga. “Shhh wag ka lilingon, sa bintana kaya lalayo ako sa iyo dahan dahan kasi baka kung ano nanaman maisip ng daddy mo” bulong ng dalaga. Natawa si Cristine, lalo siya lumapit sabay humawak sa balikat ng binata. “Tiny what the hell are you doing? Nasesense ko na killing aura ng daddy mo” bulong ng binata. “Place your hands on my hips” bulong ni Cristine. “Malawak tong garden niyo..pwede ako ilibing dito mamaya kung gagawin ko yon” bulong ni Enan kaya bungisngis si Cristine. “Labs do it, isa..” banta ng dalaga kaya humawak si Enan sa hips ng dalaga at halos maduling siya nang nag dikit ang kanilang mga noo. “Kumuha na ata ng kutsilyo papa mo…mama mo nalang natira” bulong ng binata. “Are they still there?” bulong ni Cristine. “Wala na, kasi pati mama mo kumuha na ng itak” biro ni Enan. Nagturn si Cristine sabay sumandal sa katawan ng binata. Hinila niya mga kamay ni Enan para magpayakap. “Sabagay in my last dying minutes nayakap ko isa sa pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko” bulong ni Enan. “Pinagseselos mo ba ako?” tanong ni Cristine. “Selos? Bakit naman?” tanong ng binata. “I am your girlfriend so ako lang ang maganda dapat sa paningin mo” pacute ni Cristine. “Pero if ever totoong girlfriend kita aaminin ko parin naman kung may mas maganda sa iyo e” sabi ng binata. “Don’t…I am that kind of girl” bulong ng dalaga. “Selosa? E di nasisiraan ka ng bait kasi sobrang dami ang pinagseselosan mo?” biro ni Enan. “Dalawa palang naman” bulong ni Cristine na sobrang hina. “Was that a yes?” hirit ng binata. “Yes Enan” sagot ng artista. “Tiny tanggapin mo na, it comes with the package. Di na maalis sa artistahing tulad ko ang selos factor kasi there are millions of girls out there who desire me” landi ng binata. “Yakap ba yan?” tanong ng dalaga. “Bakit mahahalata nila na fake hug to?” bulong ng binata. “Uhuhmm..akala ko ba artistahin ka? Bakit mo pa tinatanong yan sa akin?” bawi ni Cristine kaya niyakap siya ng mahigpit ng binata. “So how about now?” tanong ni Enan. “Much better” bulong ni Cristine sabay hinaplos haplos mga braso ng binata. “Mahirap masanay sa ganito Tiny, baka hanap hanapin ko to” bulong ni Enan. “Bakit mo hahanap hanapin pag di naman nawawala?” sagot ng dalaga. “Eventually our acting will end” sabi ni Enan. “Eventually it will” sagot ni Cristine, dahan dahan umikot ang dalaga at yumakap din sabay hiniga ulo niya sa dibdib ni Enan. “Ganito pala feeling ng may ka prom” bulong ng binata. “Kanta ka sayaw tayo” bulong ni Cristine. “Ahem ahem..ladies and gentlemen..the undeniable, the undisputed, the standard of true handsomeness..Fernando Gomez..also known as..gwaaahhhppooooo” landi ng binata. Napahalakhak si Cristine, inuga uga niya ang binata sabay pinagkukurot sa likuran. “Seroyo kasi, kanta ka sayaw tayo” sabi ng dalaga. “It might seem crazy what I am about to say” kanta ni Enan pabulong kaya agad napaindak katawan at ulo ng dalaga. “Sunshine is here, you can take a break” tuloy niya kaya napangiti si Cristine sabay nakita ang binata nakapikit at feel na feel talaga yung pagkanta. “Because I am happy” kanta ni Cristine. Nagtitigan sila saglit at nagngitian, “Clap along if you feel like a room without a roof” tuloy ni Enan at sabay pa sila pumalakpak habang magkayakap. “Because I’m happy” birit ni Cristine. “Clap along if you like happiness is the truth” kanta ni Enan, nagbitaw sila sa isa’t isa, si Cristine napatalon konti nang biglang sumayaw si Enan at todo bigay na talaga sa indak habang kumakanta. Talagang humataw ng sayaw si Enan kaya si Cristine nagtitili at nagpalakpak na sumasabay sa kanta. Napasilip pa sina Josephine at Oscar at pareho sila napangiti ng husto nang makita na tuwang tuwa ang kanilang panganay. Mula sa taas napasilip din sina Clarisse at Jelly at napasabay pa sila sa pagsayaw ni Enan. “In fairness ha, dumadamoves si Enan” sabi ng bading. “Oo magaling talaga sumayaw yan” sabi ni Clarisse. “As in? Dancer ang peg?” tanong ng bading. “Hindi naman pero once in a while pag nagpapatawa e nagbibitaw ng moves yan. Ako lang ata nakakapansin pero yeah he can dance” sabi ng dalaga. Hinawakan ni Enan mga kamay ni Cristine at bigla siyang napa boogie na sumabay sa kanta. “Hindi ako marunong” sabi ng dalaga, tinuloy parin ni Enan kanta niya at pagsayaw kaya umagos nalang ang dalaga. Nang matapos si Enan sa kanyang kanta nagposing ala Elvis na nakaturo isang daliri sa langit. Si Cristine napatalon sa tuwa, agad humawak sa mukha ng binata sabay nahila ito palapit. Pareho sila naduling, mga labi nila nagdikit, si Enan biglang nanginig at parehong tumibok ng mabilis ang kanilang puso. Cristine ngumiti, hinalikan ang binata sa labi sabay dahan dahan pumikit. Enan nanlaki ang mga mata pero dahan dahan napapikit narin at napayakap sa dalaga. Sa loob ng bahay napasandal si Josephine sa kanyang asawa, pareho silang nakangiti pero dahan dahan sila tumalikod at naglakad palayo. Samantala sa kwarto ng binata umatras si Jelly at pinagmasdan reaksyon ni Clarisse. Ang dalaga nangingig ang kanyang mga labi, dahan dahan ngumiti. “Good for you Enan” bulong niya. “Let them be” sabi ni Jelly sabay hinila palayo sa bintana ang dalaga. Sa hardin nagtitigan sina Enan at Cristine, “Sorry I got carried away..masyado ako natuwa sa iyo” bulong ng dalaga. “Because I am happy” bulong ni Enan sabay mala slow motion pumalakpak. Bungisngis si Cristine, nakurot ang binata sa tagiliran sabay muling yumakap. “I never knew you could dance” sabi niya. “Nadala lang siguro kasi masaya ako” sagot ni Enan. “Masaya?” tanong ng dalaga. “Basta yon pero lalong sumaya…I should dance more often” landi ni Enan kaya natawa si Cristine at nakagat ang binata sa braso. “Teka lang baka inaantay na nila ako sa loob” sabi ng dalaga. “Okay..ah..Tiny..” bigkas ng binata. “Yes Enan what is it?” tanong ni Cristine. “Ah wala naman..go on” sabi niya sabay dahan dahan tumalikod. “Oh okay..anything you want to request for breakfast?” tanong ni Cristine. “Surprise me” sabi ni Enan. “Okay then” sagot ng dalaga sabay pagewang gewang siyang nalakad habang hinahaplos ang kanyang labi. Si Enan naman nagpipigil, napahaplos din siya sa kanyang labi sabay napangiti ng husto. Sa salas nakurot si Cristine, napaaray talaga siya kaya pinagpapalo niya si Jelly. “Ano naman daw yon?” tanong ng bading. “Yung alin?” tanong ni Cristine. “Because I am happy” kanta ni Jelly sabay pumalakpak kaya natili si Cristine at tinadtad ng kurot ang PA niya. “Nakita niyo?” tanong niya. “Haller. Ang lakas ng tili mo. Ano daw yung ending na yon ha? Tunay ba yon o scripted?” tanong ni Jelly. “Hay, it was what it was. I was happy and so it happened” sabi ni Cristine. “So ganon ka pag natutuwa ka ha? Nanghahalik ka ganon?” landi ni Jelly. “Ano ba? My mom and dad were watching too no. Nangyari na, ayan solid naman na siguro acting namin. Ikaw talagang lalagyan pa ng issue e” sabi ni Cristine na naglakad palayo pero pa hum hum at pumapalakpak. Sa labas ng bahay naglakad lakad si Enan, nakasalubong niya si Clarisse kaya napangiti siya. “Ang bilis niyo naman magluto” sabi ng binata. “Hindi gising na si tita kaya siya nalang daw” sagot ng dalaga. “Ah okay, so nag usap kayo ni Shan?” tanong ni Enan. “Hindi, saka na yon. Anyway..happy ka ata” landi ni Clarisse na kumanta sabay pumalakpak. Napakamot si Enan, namilipit at biglang nahiya. “It just happened” bulong niya. “You don’t need to be shy, normal lang yon no” sabi ng dalaga. “Oo nga, ewan ko ba bakit nagkakaganito katawan ko” palusot ng binata. “Enan sorry pala kanina ha” sabi ng dalaga. “Sorry saan?” tanong ni Enan. “Si Shan at yung sinabi niya” sabi ni Clarisse. “Naman, sanayan lang yon no. No big deal sa akin yon” sabi ng binata. “He is wrong and you know that. Basta alam mo na yon. Mali siya” sabi ni Clarisse. “Risse, no big deal yon. Sanay na ako sa ganon. Bale wala yon no” sabi ni Enan. “Okay if you say so basta I just wanted you to know that he is wrong” sabi ng dalaga. “Why do you have to tell me that?” tanong ni Enan. “Para next time maulit niya you know better at hindi na sasama loob mo” lambing ng dalaga. “Hey Risse, kami na ni Cristine pero will it be wrong if ligawan ko ulit siya?” tanong ng binata. “Ha? Why would you do that?” tanong ni Clarisse. “Kasi gusto ko. Kami na level one, gusto ko siya ulit ligawan para patunayan ko o patibayin ko pagkagusto ko sa kanya. Do you understand what I am trying to get at?” tanong ni Enan. Napangiti si Clarisse sabay dahan dahan naglakad. “And all of a sudden I feel jealous again” bulong ng dalaga. “Ano? Was that a yes?” tanong ni Enan. “Sure go ahead, lalo siya maiinlove sa iyo. Usually ang mga gumagawa niyan e yung mga matagal nang kinasal” sabi ng dalaga. “Yung mga matatanda?” tanong ni Enan. “Oo, may nakita ako sa TV dati as in old na sila pero ganon nga nangyari. Ang sweet ano?” tanong ng dalaga. “Oo nga, so sinagot ba siya ulit?” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. “Natural, and they got remarried again” sabi ng dalaga. “Oh my..tama na Risse ayaw ko imagine yung gagawin nila after getting re-married” landi ni Enan kaya lalo sila nagtawanan. “Hey Enan..youre such a sweet guy” sabi ni Clarisse. “Wait til you lick my armpits, tignan natin sinong sweet pa” biro ng binata kaya napahiyaw si Clarisse at pinagkukurot ang pwet ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD