Kinabukasan pag gising ni Jelly agad siya nagbukas ng bintana ng kwarto niya. Pagtingin niya sa baba nakita niya si Enan na naglalakad lakad paikot at mukhang kinakabahan.
Bumaba siya at agad lumabas ng bahay para tignan ang binata. “Security guard ang peg?” biro ni Jelly. “Uy gising na ba siya? Ano sabi niya? Ano reaksyon niya?” tanong ni Enan. “Hoy umayos ka nga. Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ni Jelly.
“Basta, so tulog pa siya? Uy samahan mo nga ako sa taas may kukunin tayo sa kwarto niya” makaawa ng binata. “Ano kukunin mo sa kwarto niya? What is your problem? You look so worried” tanong ni Jelly.
“Tsk, bahala na. Pero hindi, teka ano ba kasi naisip ko. s**t, this is bad” sabi ng binata. “What did you do?” tanong ni Jelly. “Ewan ko, mali ata ako. Hala, okay na nga ganito e. Baka masira ang lahat. Oh men” bigkas ni Enan.
Samantala sa kwarto ng artista, nagpaikot si Cristine sa kama. May kakaiba siyang bango na naamoy kaya dahan dahan niya minulat ang kanyang mga mata. Halos maduling siya, agad siya napangiti nang makita ang isang pulang rosas sa kanyang unan.
Inamoy ni Cristine yung bulaklak, naupo siya hawak yung bulaklak sabay muling nahiga at napangiti. Samantala sa kwarto ni Clarisse, naglalakad lakad ang dalaga habang hawak ang phone niya at kausap si Shan sa Skype.
“Okay ka lang ba diyan?” tanong ni Shan. “Of course, nandito naman si Enan e. He wont let anything happen to me and you know that” sagot ng dalaga. “Oo nga, anyway kailan kayo babalik?” tanong ng binata.
Napatigil si Clarisse nang makita si Cristine sa hallway na mala slow motion na naglalakad hawak ang isang isang pulang rosas at bulaklak nito nakadikit sa dulo ng kanyang ilong. Kitang kita ni Clarisse yung ngiti ng artista, napaupo siya sabay nakaramdam ng kirot sa kanyang puso kaya pumikit siya at nagsimangot.
“Hey, are you okay?” tanong ni Shan. “Yeah..call you later tinatawag ako sa baba. Kakahiya naman kasi mom niya tumatawag” sabi ng dalaga sabay pinatay phone niya. Sinundan ni Clarisse si Cristine, dumistansya siya konti pagkat sobrang bagal nagpababa ng hagdanan ang artista.
Sa salas napatingala si Oscar, nakita niya yung ngiti ng anak niya at yung hawak nitong rosas. “Good morning daddy” pacute ni Cristine, napangiti si Oscar, si Josephine naman napasugod sa salas nang marinig boses ng anak niya.
“Anak, ano ba favorite ni..” bigkas niya pero nakita din yung ngiti ng dalaga at hawak nitong rosas. Sinalubong niya si Cristine, isang daliri ng matanda napahaplos as bulaklak sabay nakiamoy konti. “He left it on my pillow..saw it when I woke up” sabi ng dalaga.
“Ang sweet naman” sabi ni Josephine kaya lalong napangiti si Cristine. Naglakad yung mag ina papunta sa kusina, si Clarisse bababa sana pero nagpigil at bumalik nalang sa kanyang kwarto.
Si Jelly pumasok sa backdoor, nakita niya si Cristine na wala sa sarili, ang dalaga nakangiti, parang sumasayaw ng mabagal habang inaamoy yung rosas. “Wow, san galing yan?” lambing ng bading. Tinignan lang siya ng artista, nginitian sabay naglakad palayo habang inaamoy yung rosas.
Papasok na sana si Enan pero nakasalubong niya si Cristine. Nagkatitigan sila, nag ngitian sabay dahan dahan naglakad patungo sa isa’t isa. Nagkaharap sila, walang nagsalita pero pareho lang silang nakatingi. “Why?” bulong ng dalaga.
“Para dito” bulong ni Enan sabay hinaplos ng binata palambing yung pisngi ng dalaga. Napangiti si Cristine, “Yan o..para makita ko yan” bulong ng binata kaya lalong napangiti ang dalaga.
Di maintindihan ni Cristine ang nararamdaman niya kaya dahan dahan siya tumalikod, naglakad palayo pero nilingon ang binata at muling nginitian. Pumasok sa bahay ang dalaga, si Enan bumalik sa hardin at naglakad lakad at nagpipigil ng saya.
Pag ikot niya nagulat siya nang makita si Jelly na nakataas ang isang kilay at nakangisi sa kanya. “Hmmm interesting” sabi ng bading. “O ano?” tanong ni Enan. “Wala, sinabi ko lang interesting bakit mukha kang guilty?” tanong ni Jelly.
“Para mas kapanipaniwala” sabi ni Enan. “Sino pa bang hindi naniniwala kasi?” landi ni Jelly. “E baka may duda pa diba?” sagot ng binata. “If you say so. Nice move Enan” sabi ni Jelly. “Really? Okay ba talaga?” tanong ng binata. “Perfectionist ang peg? O not related sa acting na yang tanong mo?” tanong ng bading.
“Artistahin nga e, I am serious with my craft. Di ako pipitsuging actor na basta nalang nagdeliver tapos. Gusto ko yung damang dama role ko” palusot ng binata. “Oscar award winning performance, damang dama, akala ko nga hindi na kayo nag aacting e” landi ni Jelly.
“She is a good actress” sabi ni Enan. “If you say so. Pumasok ka nga, babad ka nanaman sa araw baka mamaya maging anino ka nalang ni Cristine” biro ni Jelly. “Dito muna ako saglit” sagot ng binata.
Napatingala si Enan at nakita si Clarisse na tinitignan siya mula sa bintana. “You look happy” sabi ng dalaga. Nilabas ni Enan phone niya, nagulat ang dalaga nang tumunog naman phone niya.
Kinuha ni Clarisse cellphone niya sabay napangiti nang may email siya mula kay Enan. “Ano to?” tanong ng dalaga. Kibit balikat ang binata sabay naglakad palayo kaya binuksan ng dalaga yung e-mail mula sa binata.
“Gusto din sana kita bilhan kanina pero nashort pera ko. Di ko kasi nilagay lahat ng pera ko sa wallet ko. Akala ko meron pa laman wallet ko e. Risse sorry ha, bawi ako next time pero eto nalang muna sa iyo. I might have given up a long time ago but somehow you kept me sane. Thank you” nakasulat doon at pagscroll down ni Clarisse napangiti siya nang makita ang isang larawan ng pulang rosas.
Sa harapan ng bahay umaaligid si Enan kaya nagulat siya nang may kumalabit sa kanya. “Ano kuya okay ba?” tanong ni Toffee. “Uy salamat ha” sabi ni Enan. “Ayun si ate..mukhang masaya. Madami ako matututunan sa iyo kuya” sabi ng binata.
“Don’t worry this is also new to me” sabi ni Enan kaya napakamot yung kapatid ng artista. “Joke! Ang slow mo talaga. Siyempre artistahin ako, nabihag ko ate mo sa isang kindat ko lang. Ang makamandag kong kindat na labis na bibighani sa mga dilag” landi ni Enan kaya nagtawanan ulit sila.
“So ano kuya labas ulit tayo bukas ng maaga? Sabihin mo lang” sabi ni Toffee. “Naman, wag mo naman araw arawin baka masanay. Hayaan mo na yung isa lang pero hindi niya makakalimutan kesa sa araw arawin mo baka magsawa pa” sabi ni Enan. “Sabagay, galing mo talaga kuya” sabi ni Toffee. “May tinatawag na tsamba bro” bulong ni Enan sabay napangisi.
Sabay sabay sila nag almusal, si Cristine di ayaw bitawanan rosas niya kaya isang kamay lang ginamit niya para kumain at panay nakaw tingin niya kay Enan. Napapangiti ang lahat pagkat nahuhuli nila yung dalawa na nagngingitian tuwing magkakatitigan, si Clarisse naman nakaw tingin din kay Enan at iniiwasan nalang tignan ang magandang artista.
Pagkatapos kumain nagsama si Cristine at Jelly sa kwarto. “Kung yan nilagay mo sa vase e di nabuhay pa sana ng matagal” sabi ng bading. “Why would he give me something like this? Is he still worried about my dad? Ikaw naniniwala ka na kami na diba? I mean kunwari di moa lam tong set up, diba?” tanong ng artista.
“Oo, malay mo just like you gusto lang niya solid din yung performance niyo para wala nang duda” sabi ni Jelly. “So this is just part of the act then?” tanong ng dalaga. “Bakit gusto mo hindi? Ano gusto mo totoohanan yan?” tanong ng PA niya.
“Jelly intindihin mo naman ako. Alam mo naman babad ako sa work. Halos wala ako social life…tapos ganito pa…wala ako ganito diba? Oo acting pero alam mo naman ako I get myself in the role and I will be honest with you..na..” bigkas ni Cristine.
“Na? Na ano?” tanong ni Jelly. “Na somehow naapektuhan ako. Kung sine man ito kinilig na yung manonood e ano pa kaya ako? Unscripted acting..ang gulo ng isip ko right now” sabi ni Cristine.
“Affected ka?” landi ng bading. “Oo e..parang sa sine mo lang napapanood yung ginawa niya pero it happened to me. I cant explain it, pero aaminin ko once I saw it..i never thought it was acting. Basta ang saya ng pakiramdam ko” sabi ng artista. “Malay mo wala sa script yan” sabi ni Jelly. “You think so? Wait, do you mean that basta nalang niya ako binigyan ng rose?” tanong ni Cristine.
“Babae, ano gusto mong marinig na sagot ko? Yung sasang ayon ka o yung lalong gugulo sa iyong isipan?” tanong ng bading. “Linawin mo lang kasi, so if this is not part of the script why would Enan give me a rose?” tanong ng dalaga.
“Thankful siguro kasi todo asikaso sila ng parents mo at ikaw” pacute ni Jelly. “Oh I see..pero kanina sa garden..” sabi ni Cristine. “Yes? Did anything happen sa garden? Sa tuwa mo ba nahalikan mo ulit siya?” landi ni Jelly.
“No, ewan ko basta di ako makapagsalita. Oh I did, I asked him why pala” sabi ng dalaga kaya napakamot ang bading. “Amnesia Girl ang peg mo the? Tignan mo naman pala rason tapos may I Sisa mode pang nalalaman” sabi ni Jelly pero biglang natili si Cristine pinagkukurot ang bading.
“Aray! Ano ba?” reklamo ni Jelly. Tumigil si Cristine sabay tumayo sa may bintana, sakto nakita niya sa hardin si Enan at Toffee nag uusap. “Ano pala sagot niya?” tanong ng bading. Di sumagot si Cristine kaya kiniliti siya ng kanyang PA.
Humarap si Cristine pero ngumiti lang kaya si Jelly nagtaas ng kilay at naintriga. “Ano sinagot niya?” tanong niya. “Eto nga, gusto niya lang makita daw ito” sabi ng artista sabay ngumiti. “Hmmm magaling, tapos kinilig ka naman?” landi ni Jelly.
“Wala ako social life. Siya palang” sabi ni Cristine. “Hay naku babae ka, baka lumalabas ka na sa script” sabi ni Jelly. “So? What if lumabas ako sa script?” tanong ni Cristine. “We already had this talk before, ang gulo mong kausap” sabi ni Jelly.
“Kaya nga, so what if I will go out of script? It maybe acting but hindi ko ba pwede enjoyin?” tanong ng artista. “Reel and real, you know that” sabi ng bading. “So ano gusto mo?” tanong ni Jelly. “Yung may A” bulong ni Cristine.
“Sure ka ba may A din yung ginagawa niya?” sagot ni Jelly. “Hindi naman ako manhid e” sagot ng artista. “Then why are you asking me so many questions kung hindi ka naman pala manhid?” tanong ng bading.
“Because I am not sure, madami na ako nakaparehong actors, minsan yung palitan namin it feels real. Pero alam ko may E yon kasi may mga ilaw at mga camera. Itong ginagawa namin walang camera, mga mata lang ng ibang tao” sabi ni Cristine.
“Sa pag aacting kapag intense ang eksena at nakalimutan ko mga linya ko kaya ko umadlib. Kung nakalimutan ng kapareha ko linya niya kaya ko siya dalhin. Kanina nautal ako, nautal niya ako. Hindi ako ganito Jelly alam mo yan pero kanina…I was myself and feeling so powerless. All I could do was smile at him”
“And in return it is all he wanted. Ngiti ko lang ang gusto niya makita” sabi ni Cristine. “Let me play the devil’s advocate, remember Jose Manuel? During the shoot you also felt something like that too diba? Akala mo in love ka sa kanya” sabi ni Jelly.
Di nakasagot si Cristine, “Wala naman nangyari sa inyo ha. Oo niligawan ka niya pero binasted mo. Kasi natauhan ka din lang at alam mo baka nadala ka lang ng emosyon mo nung shootings niyo” sabi ng bading.
“Cristine, di ko sinisira trip mo. Tinutulungan lang kita kaya wag ka magagalit sa akin. Kung yang nararamdaman mo e totoo then give it time. Si Enan…aside from Clarisse halos ikaw nalang yung isa pang babae na naging kaclose niya e. Baka nalilito din siya. Maaring nadadala din siya ng emosyon niya dahil nga itong set up niyo…you get to be really close to each other. Nag kiss pa nga kayo e. Alam mo naman makamandag ang halik. Most of the time it can be taken wrongly” sabi ni Jelly.
“Baka nga pag hinalikan mo ako may chance na mailto ako isipin ko lalake talaga ako e” dagdag niya kaya natawa si Cristine. “Hoy babae baka naman you are leading him on. Baka dahil sa mga reaksyon mo e nadadala siya kaya kung ano ano na naiisip niya” sabi ni Jelly.
“Your point is?” tanong ni Cristine. “The way you respond to his actions, he might be seeing it as that there might be a chance that if he courts you e sagutin mo talaga siya” sabi ng bading. “What if I tell you meron?” sabat ng dalaga kaya napangiti si Jelly.
“As long as you are happy, walang makakadikta sa iyo” lambing ng bading. “Pero I get your point Jelly, I am showing him a world that he thought that it could never exist with him in it” bulong ng dalaga.
“The same world that you know have never gone to yourself” sabi ni Jelly. Napahaplos si Cristine sa kanyang puso, “I think..” bulong niya. “Give it time girl, hindi naman siya mawawala e. When you are sure sige suportahan kita” lambing ng bading.
Kinahapunan non lumabas sina Cristine kasama parents niya at kapatid para dumalo sa isang party. Nakahiga si Clarisse sa kanyang kama at kausap si Shan sa Skype. “You never give me flowers anymore” sabi ng dalaga. “Gusto mo bigyan kita pag uwi mo?” tanong ni Shan.
“No, maganda din yung surprise e” bulong ng dalaga. “Hey whats happening to you?” tanong ni Shan. May kumatok sa pintuan, “Clarisse, nakahubad ka ba? Pwede pumasok? Teka bastos yon, papasok ako pag nakadamit ka…bastos parin ata dating non” sabi ni Enan kaya natawa na ang dalaga at nobyo niya. “You can come in, I am talking with Shan sa phone” sigaw ng dalaga.
“Anong klaseng talk? Nakadamit ba kayong dalawa? Baka nag naughty naughty kayo sige balik nalang ako mamaya” biro ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Pasok ka na, kausapin natin si Shan” sabi ni Clarisse.
Pumasok ang binata at agad nakihiga sa tabi ng dalaga. “Sino yan? Bakit ka may kausap sa Sykpe na lalake? Lumabas lang ako saglit tapos may kausap ka na?” drama ni Enan kaya tawang tawa si Shan.
“Uy tol thanks for taking care of her” sabi ni Shan. “Okay lang, mamaya papataehin ko pa siya. Papalitan ng lampin tapos magtitimpla ako ng dede niya” biro ni Enan kaya lalo sila nagtawanan.
“I miss you” sabi ni Shan. “I miss you too babe” banat ni Enan. “Ogag hindi ikaw, I was talking to her” sabi ng bestfriend niya at muli silang nagtawanan. “Hey Enan will you hug her for me please” lambing ni Shan. Nanigas ang dalaga at dahan dahan napalunok, Enan naman humarap kay Clarisse sabay inakap siya gamit isang braso.
“Amoy araw ka” biglang sabi ni Enan kaya natawa si Shan. “Pansin ko nga medyo umitim siya e” sabi niya. “Bakit amoy araw ba buhok ko?” tanong ni Clarisse sabay dahan dahan tinignan si Enan. “Oo kaya” sagot ng binata sabay inamoy ang buhok ng dalaga.
“O sige na pala lalabas kami ni mommy, call you tonight” sabi ni Shan at bigla nalang namatay yung tawag. “Bigla ako tinamad, yayain sana kita pumunta sa tindahan nila. Walking distance pero malayo” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga.
“Ano naman gagawin natin don sana?” tanong ni Clarisse. “Food trip, fishball, squid ball, kikiam, tokneneng ganon” sagot ng binata. “E di mamaya yayain mo si Cristine” sabi ng dalaga.
“Di ko naman alam kung kumakain yon ng ganon e. Tinatamad na ako bigla at inaantok kaya bukas nalang siguro” sabi ni Enan. “Okay lang tara if you want to go now” sabi ng dalaga.
“Tinatamad nga ako…” bulong ni Enan kaya hinaplos ng dalaga yung braso ng binata na nakaakbay sa kanya. “Sorry” sabi ni Enan. “No its okay” bulong ni Clarisse sabay umikot at sumandal sa binata kaya lalo siya niyakap ni Enan.
“One hour…nap lang” bulong ni Enan. “Sure..” sagot ni Clarisse na dahan dahan pumikit at ngumiti.