Chapter 6: Gilas

3246 Words
Kinabukasan maagang nagising si Enan, nauuhaw siya kaya bumaba siya sa ground floor. Nagtago siya saglit pagkat narinig niya yung boses nina Josephine at Oscar sa dining area. “Pumunta na tayo habang maaga pa para fresh yung mga mabibili natin” sabi ni Josephine. “Sana sinabi mo ng maaga, natimpla ko na kape ko. Ubusin ko lang tapos pumunta na tayo” sabi ni Oscar. “Good morning po” bati ni Enan na nagpakita na sa dalawa. “O Enan, maaga ka ata nagising. Halika ka iho, gutom ka na ba? Mamalengke pa sana ako e” sabi ni Josephine. “Samahan ko po kayo tita” alok ni Enan. “O yan, sige na siya nalang para makapasyal din siya” sabi ni Oscar. “Ano ka ba? Bakit ko naman siya ipapasyal sa palengke? Hindi na iho, kami nalang” sagot ni Josephine. “Sige na tita ako nalang. Tara na habang maaga pa para fresh yung palengke at di pa madumi” biro ng binata kaya napatawa niya yung mag asawa. “Marunong ka ba magmaneho Enan?” tanong ni Oscar. “Marunong po” sagot ng binata. “O sige kunin mo tong susi, dalhin mo lisensya mo” sabi ng matanda. “Ano po yung lisensya?” banat ni Enan kaya napatingin sa kanya yung mag asawa. “Joke lang po, sige kunin ko po wallet ko. Sana di tayo patigilin ng pulis, kasi pag tinitignan nila lisensya ko dina sinosoli, regalo nalang daw sa asawa nila tapos papa autograph pa sila with matching selfie” sabi ni Enan kaya muling natawa yung mag asawa. Ilang minuto lumipas nakarating sila sa market area. Paglabas nila ng kotse madami agad ang bumati kay Josephine. “Aba si tita artistahin din pala dito ha” biro ni Enan kaya natawa ang matanda. Pagpasok nila agad nagbulong bulongan ang mga tindero at tindera sabay pinagtuturo si Enan. “Lagot ka tita baka iniisip nila boyfriend mo ako” bulong ni Enan kaya nagtakip ng bibig ang matanda at natawa. “Donya, siya yung boyfriend ni Cristine diba?” tanong nung isa. “Ay oo siya nga. Nandito si Cristine at nakabakasyon sila” sagot ni Josephine. “Si Enan!” sigaw ng isang babae kaya mas madami ang napatingin. “Tita, kitang kita mo na ha ang aking pagka artistahin. Kahit saan ako pumunta ganito talaga nangyayari kaya wag ka na magselos pag sinapawan ko pagka artistahin mo dito” bulong ni Enan. May mga naglabasan na ng cellphone at kinuhanan ng litrato at video yung dalawa. “Tara na tita, ganyan talaga pag kasama niyo ako. Masanay na kayo” hirit ni Enan kaya bungisngis yung dalawa. “Donya dito sariwa dito” sigaw ng isang matandang babae. Lumapit yung dalawa at tinignan yung mga isdang naka display. “O Enan ano klaseng isda ang gusto mo?” tanong ni Josephine. “Tita basta yung luto, di ko kaya kainin ng ganyan yan” sagot ng binata kaya umariba ng tawa yung tindera at mga kasama niya. “Paborito ni Cristine ang bangus kaya kukuha tayo nito” sabi ni Josephine. “Sir wag niyo na hawakan” sabi ng tindera nang humawak si Enan ng isa. “Ay bawal ba hawakan?” tanong ng binata sabay kumuha ng supot. “Ako na anak” sabi ni Josephine. Natawa si Enan pero tinuloy niya paglagay ng isda sa supot. “Tita talaga o, hindi ako ganon. Sanay ako sa ganito, pero itong isa di natin kukunin kasi tignan mo nakasara ang bibig. Suplada ito, hindi ko siya fan” “Tignan mo mga kasama niya, nakabuka ang bibig at gusto na ako halikan” sabi ni Enan sabay kinuha yung isa at dinikit ang bibig ng isda sa kanyang pisngi kaya tawang tawa si Josephine at yung tindera. Nang kinilo na ng tinder yung nabili, nagbayad si Josephine at nagulat siya nang yumuko si Enan at hinaplos ulo ng isang bangus. “Sorry ha, at least nakita mo ako. You had a good life at sana busugin mo yung bibili sa iyo ha. Di mo na mararanasan makapasok sa artistahin kong bituka tulad nitong mga kasama mo” drama niya kaya sa tuwa biglang kinuha ng tindera yung bangus at sinama sa supot. “Magkano idadagdag ko?” tanong ni Josephine. “Wala donya, regalo ko nalang sa kanya. Alagaan mo si Cristine iho ha” lambing ng tindera. “Ay tita, bumili nalang tayo ng tuyo. Gusto ni Tiny yon at tinapa, dito na tayo bibili kasi mabait si manang. Tita damihan mo yung tuyo at mag uuwi si Tiny niyan” sabi ni Enan. “Alam na alam mo mga gusto ng anak ko ha” sabi ni Josephine. “Tita di porke artistahin ako inaakala niyo na basta nalang niya ako niligawan dahil sa taglay kong kagwapuhan? Hindi ko po din siya sinagot dahil sa taglay niyang kagandahan no” “Tita alam mo ba ang haba ng pila ng suitors kong babae? Panay supermodel, beauty queens at artista, pero pumikit ako e, tita ayaw ko pa sana e pero itong puso ko kasi nabighani ni Tiny. Kinilala ko siya, siyempre that means naibigay ko artistahing time ko sa kanya” landi ng binata kaya tawanan yung dalawang matanda. ‘ “Sobrang bait niya, kinilala ko talaga siya tita, nakamulat maganda siya, kahit nakapikit tita puso ko nagsasabi mabait siya. Kaya itong artistahing ako sa kanya na” drama ni Enan kaya napangiti si Josephine at yung tindera. Sa nagbebenta ng karne sila napadpad, “Dito tayo tita kasi sariwa talaga dito. Di tulad dun sa dalawa medyo iba na kulay ng karne nila” bulong ni Enan. “Pati ito alam na alam mo” sagot ni Josephine. “Tita, kasi pati hayop nagnanasa sa akin e” biro ni Enan kaya tawang tawa yung matanda. Ilang minuto lumipas palabas na sila ng palengke. “Akin na yung iba iho” sabi ni Josephine. “Tita ako na po, magaan lang naman e” sabi ni Enan. “Sus, pinagpapawisan ka na. Akin na yung iba” sabi ng matanda. “Tita hindi ito pawis ng pagod, pawis ito dahil sa mga titig ng mga girls sa akin at kung ano ano pinag iisip nilang ginagawa sa akin” biro ni Enan kaya napalo ng matanda ang binata sa likod sabay natawa ng malakas. Pagdating sa kotse pinasok ng binata yung mga pinamili sa likod. Biglang naglabas ng panyo si Josephine at pinunasan mukha ni Enan. “Iho, wala ka na dapat patunayan sa akin. Di mo na kailangan magpabida masyado kasi tanggap kita at kitang kita ko naman masaya si Cristine sa iyo” lambing niya. “Pero syempre tita alam ko may doubts parin kayo. Anak niyo po maganda, kaya siguro inaasahan niyo din na mala prince charming yung magiging nobyo niya” sabi ni Enan. “Lahat naman ng tao pwede maging charming” sabi ni Josephine. “Aray” bigkas ni Enan kaya nagtawanan sila. Pagdating sa bahay sinamahan pa ni Enan si Josephine para linisin yung mga pinamiling isda. “Iho sabi ko naman sa iyo wala ka na kailangan patunayan sa akin diba?” lambing ng matanda. “Tita gawain ko po ito sa amin. After mag market, linisin ang mga pinamili bago iref” sabi ni Enan. “Swerte talaga ng anak ko sa iyo. Ibig sabihin ba marunong ka din magluto?” tanong ni Josephine. “PDPD, PDPD lang po” sagot ni Enan. “Ano yon?” tanong ng matanda. “Prito dito, prito doon. Painit dito, painit doon” sagot ng binata at biglang natawa ng sobrang lakas si Oscar. “Kanin lang expertise ko tita, rice cooker or no rice cooker kaya. Itlog, painit mantika, basag itlog, cook. Lagay tubig, lubog itlog, cook, parang ganon. Pero pag complicated na at madami nang rekado si mommy na bahala don” hirit ng binata kaya walang tigil na nagtawanan ang mag asawa. “Good morning” bigkas ni Cristine sabay tumakbo at niyakap si Enan mula sa likod. “Tiny, triny ko pabango na binigay ng mama mo. Okay ba?” biro ni Enan kaya bumitaw si Cristine at inuga ang kanyang ulo. “Amoy palengke ka” sabi ng dalaga. “Sinamahan niya ako kanina anak” sabi ni Josephine. Muling yumakap si Cristine, “Tiny kagagaling ko palengke” sabi ni Enan. “Kahit na, bakit tinamad ba si daddy?” lambing ng dalaga. “Hindi, ako nag alok” sagot ni Enan. “Ay alam mo, kilalang kilala sya sa palenge. Madami nakipagkamayan sa kanya tapos kinunan pa siya pictures. At alam mo ba ang dami namin nakuha na libre. Isang malaking bangus, tapos dinagdagan yung tuyo at tinapa. Eto pa yung karne sobra sobra sa kilo lalo na tong pork chop” kwento ni Josephine. “Hala nakakahiya, did you ask for it?” tanong ni Cristine. “Tiny, ano ka ba? Normal reaksyon lang yon kasi nga nabibiyaan sila ng presensya ng tunay na artishain. Dahil siguro sa paghanga e nagbibigay sila kusa” landi ni Enan. “Kaya yung natipid e binili ko nalang ng ibang bagay kaya naparami nga nabili namin. Enan must be tired kasi siya lahat nagbuhat kaya yayain mo nalang siya magpahinga at ako nalang dito” sabi ni Josephine. “Tita alam mo magluto ka nalang ng almusal at ako na magtatapos dito” sabi ni Enan. Bumitaw si Cristine at nakitabi sa ama niya sa dining table habang nanay niya naghanda na para magluto. Sumandal si Cristine sa daddy niya sabay tinuro si Enan. Pinanood nila yung binata na balutin sa supot yung bagong linis na isda sabay pinasok sa freezer. “Marunong ka mag marinate?” tanong ni Josephine. “Turo niyo po gawin ko” sabi ng binata. “Sangag marunong ka?” tanong ng matanda. “Opo sige palit po tayo pero teka lang” sabi ni Enan at naghugas siya ng mga kamay niya sabay kinuha yung isang apron at sinuot ito parang kapa. Nagtawanan yung mag asawa lalo na si Cristine, “Daddy” bulong ng dalaga kaya si Oscar humaplos lang sa kanyang baba pabiro. “Daddy naman” lambing ng artista. “In due time iha” bulong ng matanda. “Daddy bakit ayaw mo sa kanya?” bulong ng dalaga. “Hindi sa ayaw, you don’t understand iha” lambing ni Oscar. Nagsimangot si Cristine sabay umalis dahan dahan. Nagtungo siya sa pool area kung saan nandon ang kanyang kapatid. “Si kuya?” tanong ni Toffee. “Sa loob nagluluto” sagot ng dalaga. “Wow marunong pa siya magluto. O ate bakit ka malungkot?” tanong ng bunso. “Nothing, Toffs, okay ba siya sa iyo?” tanong ng dalaga. “Si kuya? Oo naman, I like him. Bakit ate?” sagot ng binata. “Wala lang natanong ko lang naman” sagot ni Cristine. “Are you planning to break up with him? Is there a problem?” tanong ni Toffee. “Its complicated” bulong ng dalaga. “Oh s**t, kawawa naman si kuya” sagot ni Toffee. “O bakit?” tanong ng dalaga. “Yang mga sagot na ganyan ate na it is complicated e senyales na yan ng break up e. Uso kaya yan at tuwing nasasabi yan e break up yung kasunod” sabi ni Toffee. Natawa ang dalaga at inuga ang kanyang ulo. “Bakit ate merong iba?” tanong ng binata. “Wala ha, basta it is just complicated” sabi ni Cristine. “May nagawa ba siyang masama sa iyo na di mo kaya patawarin?” tanong ni Toffee. “Wala no, nothing is wrong with us” sabi ng artista. “E bakit ka nagkakaganyan ate?” tanong ng binata. “Kung ikaw tatanungin, will you be really okay if I end up with him?” tanong ni Cristine. “Oo naman, bakit ate worried ka ba sa mga sinasabi ng iba? Alam ko naman na meron ibang tao na binabash kayo. Baka nga daw pakitang tao lang daw pagsasama niyo e” sabi ni Toffee. “I told you not to read those stuff” sabi ng dalaga. “Sorry ate pero nag aalala din kami sa iyo. Si daddy ang laging apektado sa mga nababasa niya” sabi ni Toffee. “Ikaw, naniniwala ka sa mga nababasa mo?” tanong ng dalaga. “Hindi, lalo na ngayon hindi kasi nakikita ko naman pag magkasama kayo e. Happy ka tapos okay na okay nga si kuya e” sabi ni Toffee. “Okay siya ano?” tanong ni Cristine. “Sobra, kwela siya kasama. Akala mo panay biro ang lahat pero okay siya ate kasi pag seryoso e seryoso din siya” sagot ng bunso. “You can be honest with me” sabi ni Cristine. “Bakit ate, ano ba gusto mo palabasin na sagot? Tungkol sa itsura niya?” tanong ni Toffee. Di umimik si Cristine kaya umahon ang binata at nagbalot ng twalya. Nagtabi yung magkapatid sa edge ng pool at parehong nakasawsaw mga paa nila sa tubig. “Si mama ang di kumibo pero kami ni papa medyo di namin tanggap nung nakita namin sa balita” bulong ni Toffee. “Bakit pa siya ganon ba?” tanong ni Cristine. “Oo eh, nag away pa nga sila dahil diyan e. Sabi ni mama respetuhin desisyon mo, si papa naman sabi niya baka daw niloloko lang daw ng mga emosyon mo” “Sabi niya nga lilipas din daw at matatauhan ka” kwento ni Toffee. “So nakikipag plastikan lang si daddy?” tanong ni Cristine. “Bago kayo dumating e pinagsabihan siya ni mama na magbehave ng ilang araw” sabi ni Toffee. “Napapansin ko kasi e, na ayaw niya kay Enan” bulong ng dalaga. “Ako din naman nung una, nakinig lang ako kay mama. Pero nung nakasama ko si kuya okay naman siya. At naniniwala naman ako na nagmamahalan kayo” sabi ni Toffee kaya biglang napangiti ang artista. “Pero si papa hindi, ano ba problema ni papa sa kanya? Yung itsura niya lang ba?” tanong ni Cristine. “Kayo nalang ni papa mag usap” sabi ng bunso. “Pero pag gwapo siguro di magkakaganon si papa ano?” tanong ni Cristine. “Ewan ko, baka gusto niya lang yung best para sa iyo ate” sabi ni Toffee. “So ano gusto niya magpalabas din ako ng application forms tapos salahin ko lang mga gwapo. E pano kung sa mga gwapo wala doon yung magpapasaya talaga sa iyo? Tapos madami nang gwapo ngayon e gwapo din hinahanap” sabi ni Cristine kaya biglang natawa si Toffee. “Marunong ka narin magpatawa ate ah, nahahawa ka na kay kuya” sabi ng binata. “Being someone like me is a curse sometimes, di mo alam kung mabait sila talaga o nagbabaitan lang hanggang sa mukha nila gusto nila. Ayaw ko na maulit yung nangyari last time. Madami nanligaw pero I count not put my complete trust on them” bulong ng dalaga. “Baka yon parin iniisip ni papa ate, baka hindi sa..ganon ang itsura ni kuya pero siguro dahil narin doon” sabi ni Toffee. “You think so?” tanong ni Cristine. “Ewan ko ate” sagot ng bunso. “There are nights I keep thinking about the suitors I turned down. One of them could have been that Prince Charming that every girl wishes for. Maybe he has not arrived lagi ko sinasabi para di ako magsisi” “Pero biglang dumating si Enan sa buhay ko. Nung una I was like everyone I must admit. Pangit siya” kwento ni Cristine kaya nagulat si Toffee. “Ate harsh, boyfriend mo siya tapos ganyan sinasabi mo” bulong ng binata. “O bakit totoo naman diba? That is what all of you see in him, the first adjective you can utter when you see him” sabi ng dalaga. “Noon yon ate” sabi ni Toffee. “Ganon din ako Toffs. He was the guy I knew I would never end up with but now he is the guy I want beside me everyday. Kung si Prince Charming sumabak sa gera at nabugbog, si Enan na yung itsura niya pagkatapos” “Pero Toffs, kahit na ganon siya parin si Prince Charming e, iba lang itsura pero siya yon e. Parang si Iron Man magpalit palit man ng armor siya parin si Tony Stark sa loob. Para siyang si Superman na nagsuot ng clown costume pero siya parin si Superman e” “Hindi nga lang siya marerecognize kasi nga iba suot niya at itsura pero pag nagsimula na yan magtrabaho makikilala din nila na siya si Superman e. In the end magugulat nalang yung iba, ay siya pala yon tapos magugustuhan na nila siya ulit kahit ganon itsura niya” “Naiintindihan mo ba ako?” tanong ni Cristine. “Ate boto ako kay kuya kahit ganon siya. Oo ganon nga itsura niya pero once nakasama mo na hindi na mapapansin yon e” sabi ni Toffee. “Hoy akin siya” biro ni Cristine kaya nagtawanan yung magkapatid. “Maybe daddy needs to get to know him better or maybe kuya needs to prove himself to daddy some more” sabi ni Toffee. “Sana ganon nga, pero sana lang naman maging masaya kayo naman para sa akin sa napili ko” bulong ng dalaga. “No wonder takot na takot siya kay daddy” bulong ni Cristine. “Baka ate sanay na siya sa mga reaksyon nga tao. Kaya alam na niya agad sino yung medyo may ayaw sa kanya” sabi ng binata. “He has a sad life according to his stories. Alam niya sino yung nakikipagplastikan sa kanya” sabi ni Cristine. Samantala sa loob ng bahay napansin ni Josephine na lingon ng lingong si Enan. “Don’t mind him too much iho, he will come around. Tulad ng sinabi ko wala kang kailangan patunayan pa sa amin” bulong ng matanda. “Does he know kung fu?” biro ni Enan kaya natawa si Josephine. “Hindi siya ganon na tao iho” sabi ng matanda. “May collection ba siya ng baril o kaya kutsilyo? Nilinisan ba niya lately o bago kami dumating?” hirit ni Enan. “Enan, umiinom ka?” biglang tanong ni Oscar kaya dahan dahan napalingon ang binata. “From time to time po” sagot niya. “Hon, yung ibang pork chop imarinate mo nga din at mamayang hapon mag iinuman kami ni Enan” sabi ni Oscar. “Magpaalam ka muna sa anak mo” sagot ni Josephine kaya agad lumabas si Oscar. “Tita, saan po yung bus station dito?” tanong ni Enan. “Just be yourself later iho” sabi ng matanda. “What do you mean tita? Bakit niya ako biglang niyaya makipag inuman?” tanong ng binata. Samantala sa pool area, “Tiny mamaya pala mag iinuman kami ni Enan. Nagpaalam na ako sa mama mo” sabi ni Oscar. “Sige po daddy” sagot ng artista. Pag alis ng matanda nagtitigan yung magkapatid. “Bakit mo pinayagan?” tanong ni Toffee. “Ha? Oh no..hala” bulong ng dalaga sabay kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD