Kabanata 23 - Apektado BUONG lakas ng loob ni Alexa na ibinaba ang mga mata para tingnan ang litrato. Pinakatitigan niya ang sariling mukha. Was it during her first JS prom? Yes. Tandang-tanda niya ang itsura niya sa litrato na iyon. Ipinag-display pa iyon sa salaming dingding ng Fotohub, na bawat dumaraan ay agad iyon na makikita. Iyon ang sikat na kodakan noong highschool siya sa bayan mismong ito. She was wearing a silvery gown during that time. It was the first and last JS prom her mother saw her beautifully and elegantly dressed, because soon after that, Caroline died. My God. Napalunok siya ulit ng titigan ang sarili niya. Batang-bata pa siya roon pero mukha na siyang eighteen. Naalala niya na kahit na may sakit na ang kanyang Mommy nang mga panahon na iyon ay ipinatawag nun ang

