Kabanata 22 - Litrato ANG sakit isipin para kay Aslan na siya ang totoong hasyendero, at si Alexa ay naiwan na umaasang iyon pa rin ang tagapagmana. Iyon ang laman ng puso at isip niya nang sandali na paandarin niya ang motor para puntahan ang dalaga sa bahay ni Attorney Fulgar. Nararamdaman na niya ang tindi ng sama ng pakiramdam niya pero hindi siya pwedeng tumigil. He doesn't seem to care if the lawyer tells something to Alexa. Napapagod na rin siyang itago iyon. Kung mana lang nga ang pinag-uusapan, ibibigay na niya lahat kay Alexa para matapos na, mapagbigyan lang iyon sa kaisipan na iyon ang prinsesa. As much as possible, he doesn't want to break that belief but she's now becoming aggressive in finding the truth that lies behind that last will of her deceased mother. Hindi mada

