Kabanata 62 - The Time Has Come ALEXA felt so very weak. Puyat siya dahil sa sayawan kagabi sa binyagan. Alas diyes na ay nagigising pa lang siya, at wala si Aslan sa kanyang tabi nang magmulat siya ng mga mata. Naulinigan naman niya na nagpaalam iyon sa kanya pero antok na antok pa talaga siya kaya halos hindi niya naintindi. Basta sabi nun ay pupunta sa pataniman. Nagsalita pa nga siya na hindi ba iyon napapagod pero tumawa lang saka siya hinalikan sa pisngi. "Naku, ang alaga ko, antok pa na sobra," ani Yaya Guada sa kanya nang sumulpot ang matanda sa may hagdan. "Sobra, yaya. I feel weak. Di na ako sanay magpuyat. Where are my friends?" "Naku ayun na, mamamasyal daw sila, mamaya ka na raw isasama." Hindi siya sumagot. Wala pa siya sa mood na sumama dahil mas gusto niyang magpahin

