Kabanata 63 ALEXA parked the car near the tree. Nakangiti siya dahil nakita niya ang sasakyan ni Aslan doon at sakto na naroon din ang binata, sa lugar na isa sa mga paborito niyang puntahan noong musmos pa lamang siya, at buhay pa ang kanyang lolo. Hindi niya alam kung buhay pa ang kubo at pinag-preserve ni Aslan. Nakakatawa man isipin na kahit kubo lang iyon, noong bata pa siya ay hindi iyon naaano ng bagyo. Siguro dahil mapuno ang paligid at nahaharangan ang malalakas na hangin. "N-Nandito siguro si Aslan, Alexa," Mayumi said. Tumango siya dahil sa natatanaw niyang buntot ng pick up. "He is. Nandito ang sasakyan niya. He could be checking my lola's house after the typhoon. It's been weeks already. Pini-preserve niya kasi lahat ng mahalaga sa akin," nakangiti niyang sabi. Sa puso n

