Kabanata 7 - Mula Noon, Hanggang Ngayon
PARANG aalpas sa dibdib ni Alexa ang puso niya. Nanlalaki ang mga mata niyang napaatras habang nakatunganga sa ahas. Kahit na maputulan siya ng litid doon. Hindi siya maririnig dahil nasa dulo ang musuleyo.
Nagmamadali siyang umakyat sa nitso kahit na halos magkanda dulas pa siya. Napasumiksik siya sa may gawing dulo dahil gumapang iyon papapasok. She sat and tucked herself, embracing her legs.
Hindi iyon makaalis sa may gawing pintuan dahil sa dulas ng marmol.
"Go away!" Singhal niya na para bang maiintindihan siya ng ahas, "Shooo!" Aniya pero kandaluwa ang mga mata niya at tenga nang maulinigan ang tunog ng motorsiklo sa labas.
"Aslan!" Tili ni Alexa kahit na hindi naman niya alam kung si Aslan nga iyon.
Hindi rin niya alam kung bakit pangalan nun ang isinisigaw niya. Mula pagkabata at nasa gitna siya ng aberya, parating naisisigaw niya ang pangalan nun.
Maya-maya ay natanaw nga niya iyon papalapit kaya nag-panic siya.
"Snake! Snake!" Bulalas niya sabay turo sa ahas na biglang umikot saka umakto na manunuklaw.
Sa tanan ng maganda niyang buhay ay ngayon lamang siya nakakita ng ahas sa malapitan. Not to mention that it's big ang looks so old. Dark brown ang kulay nun na halos itim na nga. Malaki ang mga panga at dilaw ang tiyan.
It's the king Cobra.
Napatigil ang binatang salubong ang mga kilay. Nakamaong iyon na pantalon at naka-boots.
"Stay there!" Duro nun sa kanya at daig pa niya ang batang paslit na mabait. Sumobra ang kanyang pagtango.
"Don't move and don't panic!" He yelled at her.
Mas mabilis pa sa military ang naging pagsunod niya sa utos nito sa kanya.
Halos siguro kahit na paghinga ay hinigit na rin niya. Baka maramdaman ng ahas na humihinga siya ay akyatin siya.
Nawala si Aslan sa paningin niya kaya nag-panic ang kanyang sistema. Saan na iyon pumunta?
"Aslan! Don't dare leave me here!"
"Damn! Nandito lang ako, naghahanap ng pangkuha, kamahalan," aniyon sa kanya kaya napatigil siya.
Humaba ang leeg niya at natanaw niya ito sa bintana. Akala niya ay iniwan na siya ni Aslan. Mali pala siya.
Maya-maya ay naglakad ito pabalik at nasa may pintuan na. Para siyang mamamatay nang halos nagkandadulas na ang ahas sa paggapang.
Naroon na halos akyatin nun ang nitso kaya gusto na niyang tumagos sa pader. Walang humpay ang tili niya.
Si Aslan ay parang walang takot na lumapit, dala ang isang maliit na kahoy na parang tinidor ang dulo, tapos ay isang pang-sipit.
"What the hell will you do?" Tanong niya dahil parang tingin niya ay dadakpin nito ang ahas, sa halip na patayin.
"Huhulihin ko," anito kaya nalaglag ang kanyang panga.
Huhulihin? Ano? Daig pa nito ang manghuhuli ng isang bulati lang?
"Are you damn crazy? That's not a bulati! That's a snake!" She angrily told her.
"Alam ko na this is not a bulati," gagad naman ni Aslan sa dialogue niya kaya kandatulis ang labi niya, "Tutuklawin ka na napakaarte mo pa."
Hmp.
Naiinis niyang isinara ang bunganga. Naiinis siya dahil hindi na magkandaugaga ang Cobra na makaalis at si Aslan na ang humahabol doon. Habang siya, siya ang hinahabol ng ahas.
Napatili siya nang mabilis na kumiwal kiwal ang ahas.
"Ihhh! Be careful! Be careful! Baka ka tuklawin!" Aniyang wala sa isip.
Dapat ay ipanalangin nga niyang tuklawin na ito at mamatay para kanya na ang dapat na kanya, pero di niya kaya. She isn't that bad. Hindi niya kayang humiling ng kamatayan para sa isang tao kahit na galit na galit na siya.
His eyes moved sideways to glance at her.
"Don't look at me! Wala sa mukha ko ang ahas!" Galit na sabi niya rito.
Nagpipilit na umikot ang Cobra pero hindi na nun magawa. Tinusok na iyon ni Aslan sa may leeg gamit ang tinidor, saka inipit din dun ng isang stainless snake tong.
Itinaas nito iyon sa ere sa may harap niya kaya ganun na lang ang pagsusumiksik niya sa pader.
"Dadddy!"
Gusto na niyang tumagos sa simento. Napakahaba ng Cobra at ang taba pa.
"Patayin mo na!" Galit na utos niya kay Aslan.
"No, sweetheart," anito habang tinititigan ang ahas.
What? Sweetheart? Eeew. Kadiri. Para siya ng tinamaan dun ng kung ano. It echoed in her mind. What did he call her?
"What do you think you'll do to that thing if you will not kill it? Baka ako tuklawin niyan!" Aniyang hindi maitikal ang sarili sa pader.
The snake's body is swirling.
"Hindi namin pinapatay ang ganito dito. We collect it and give it to the authorities for proper disposal."
"You mean, keep it? No way! E kung makatakas 'yan?"
"Snakes are afraid of humans. Gumagapang sila papaalis kapag naramdaman ang presensya mo."
"Sira ulo ka ba? Hindi yun anh ginawa niyan sa akin kanina! Tutuklawin niya ako kaagad."
"Then, baka nakaramdam siya sa iyo ng panganib."
"Panganib?" Bulalas niya, laglag ang mga panga, "Sa akin, panganib?"
"Sa bibig mo," anito sabay talikod pero nariyan na si Mang Rufo, may bitbit na katsa.
Nakita niyang napatanga pa ang matanda dahil sa sinabi ni Aslan, habang siya ay usok na usok ang ilong.
Anong ibig nitong sabihin? Na mas makamandag pa ang bunganga niya kaysa sa Cobra?
She disregarded what he said. Luminga siya sa paligid dahil baka may ahas pa kung saan-saan. Kulang ang salitang nakataas ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Mabuti na lamang at walang ahas sa cabinet, pagbukas niya.
She saw that Aslan put the snake inside the bag made up of cloth. Hindi ba iyon delikado?
"Walang koleksyon ngayon, senyorito."
"Ganun po ba? Pwede siguro itong pakawalan sa madawag na lugar, sa dati tapos papahanap na lang natin sa mga snake hunters."
"Opo, senyorito."
Susko. Bakit ganun si Aslan? Kahit na makamandag na ahas ay ayaw nitong patayin at saktan?
Binuhusan ni Mang Rufo ng alcohol ang kamay ng binata matapos nun na maisara ang bag.
Nakanganga siya sa mga ito at napalunok siya ng laway nang makita niyang umaalon-alon ang katsa. Para siyang naliyo sa nakita. It was so creepy and made her cringe.
Pumihit si Aslan nang makaalis na si mang Rufo, lumapit sa nitso na nakapameywang.
He was staring at her but she was still staring at nowhere. Aslan picked up her booklet and looked at it.
Wala itong imik na mas lumapit pa sa kanya at inabot siya. Out of her mind, she came closer to him and hugged onto his nape.
Agad naman siya nitong kinarga at ibinaba siya mula sa ibabaw ng nitsong kinatatayuan niya.
She looked at his face and scanned it. Kapagkuwan ay napalunok siya nang bigla siya nitong tingnan.
Walang duda na nagkagusto rito ang ina niya. Napakagandang lalaki ng magsasaka na ito at walang tatalo sa lakas ng appeal kahit na sinong artista man.
Kapagkuwan ay umarko ang mga kilay nito kaya napakurap siya.
"Baba na. Ano pang hinihintay mo, Alexa?" Anito kaya natauhan siya bigla.
Agad niyang inilapat ang mga paa niya sa sahig tapos ay iniabot nito sa kanya ang libreto.
Aslan walked towards the door with his undying intimidating manner. Pumihit ito bigla at tiningnan siya.
"Uuwi ka na ba o dito ka pa? Napadaan lang ako para tingnan kung baha pa rito. Papunta ako kay Donna," sumulyap ito sa relo.
"U-Uuwi na!" Padaskol na sabi niya.
Ayaw na niyang magtagal pa roon dahil baka hindi na lang ahas ang sumulpot.
Nagmamadali siyang nagmartsa papalabas ng musuleyo at ito na rin ang nagsara ng pinto nun.
"Umuwi ka na dahil baka kung anu-ano pang masalubong mo. Hindi ito Maynila. Isa pa, kakabagyo pa lang naglalaskwatsa ka na."
Mayabang itong naglakad papunta sa kotse na sinasakyan niya. Umikot ito sa may driver's side ng kotse at binuksan ang pinto nun.
Alexa inhaled deeply and walked, "Tell that Donna not to land her filthy feet on my place. I don't care kung inagaw mo ang karapatan ko sa lupang ito pero kapag sinabi ko, sinabi ko."
"Ako ang binibisita ni Donna, Alexa, hindi ikaw. Kung gusto niya akong puntahan, wala akong magagawa dun. Hop in and go home," anito sa kanya kaya tumigas ang mga panga niya.
"Are you saying no to me?"
Bumuntong hininga ito at dinilaan ang labi, "Matagal ko ng pinutol ang ugnayan natin bilang magkapatid. If you don't want me as your brother, I don't want you either as my sister."
"I hate you!" Bwisit na singhal niya rito saka siya marahas na naglakad papalapit saka niya ito itinulak.
Hindi ito natinag, ni katiting man at tinitingnan lang siya. Sumakay siya sa sasakyan at saka niya padaskol na kinabig ang pintuan. Ito naman ay sumakay na sa motor at nagsuot ng helmet. May isa pa itong dala na helmet kaya lalo siyang naimbyerna. Sasakay ang babae na iyon sa motor na galing sa pagod ng kanyang ama, na sinalo lang naman ni Aslan.
Naiinis pa rin niyang pinasibad ang kotse. Pinaandar din nito ang motor at sumunod sa kanya.
Walang imik niyang iniabot ang susi sa babaeng katiwala saka siya dumiretsong lumabas ng arko.
"Mahulog sana sa motor ang Nanay Donna mong mukhang lintang kabayo!" Sigaw pa niya kay Aslan nang palikuin niya ang kotse sa daan pabalik sa mansyon, saka niya pinakaskas iyon ng takbo kahit na ang naroon ang mga linemen ng BARAECO. Napatalon anh mga iyon papatabi ng kalsada nang dumaan siya.
ANG haba ng nguso ni Alexa nang makapasok siya sa garahe. Aslan still treats her like a teenager. Umuwi ka. Sa bahay ka lang. Ganun parati noon at ganun pa rin ngayon. Ang galing lang kasi habang siya ay nasa bahay, iyon ay naroon sa lintang kabayo na si Donna. Subukan niyang makita ulit ang pagmumukha nun sa mansyon at pakakainin na niya iyon ng walis tingting, hindi na niya hahampasin.
Bumaba siya ng kotse. Sinasalubong na siya ni Cherrie, ang daan ay sa pinto sa garahe.
Natigilan na lang siya dahil may pinto naman pala doon na bago pero nang dumating sila ay sa main door siya ibinaba ni Aslan. Balak talaga siya nun na paulanan.
"Dito, senyorita," ani Cherrie sa kanya, inaabot ang susi pero di niya ibinigay.
"Akin na muna ito. I'll use the car some other time."
"Sige po, senyorita. Kumain na kayo dahil hindi pa kayo nag-uumagahan."
She nodded.
"B-Bakit nakasimangot kayo, senyorita?" Usisa ng kasambahay sa kanya.
"Si Donna mukhang kabayo ba matagal ng girlfriend ni Aslan?" Tanong niya rito.
Napatda ito saglit tapos ay tumawa nang malakas.
"Si Ma'am Donna Miranda po ba?"
"Call her Donna."
"A-Ah, opo, si D-Donna. Hindi yun gf ni senyorito, peeling gf siguro."
She looked at Cherrie. Feeling girlfriend means trying hard to be a girlfriend.
"Matagal na iyong peeling gf ni senyorito. Dito yun natutulog minsan. Nandun lang siya sa kwarto ni senyorito Aslan, nagpapabuntis siguro."
Lalong uminit ang ulo niya. Aba, baka gusto na ng babae na iyon ang magkaroon ng tagapagmana si Aslan para masolo ng mga yun ang kayamanan nila. May magnanakaw na sa kanila, mukhang madadagdagan pa.