8

1537 Words
Kabanata 8 - Totoong Damdamin SABI niya siya ay matutulog pero hindi naman niya nagawa. Paano siya makakatulog kung alam niyang binabaha ang simenteryo na para lang sa mga Escobar? Talamak talaga ang ahas dun pero malinis naman ang lugar. Malamang ay umakyat lang ang isang iyon dahil sa baha sa sapa. Gusto niyang matawa sa itsura ni Alexa kanina kaya lang ninerbyos din siya dahil kung natuklaw iyon, baka napahamak pa. Umasa naman siguro si Rufo na dahil malinis naman ang paligid ng mga musuleyo ay walang ahas na mangangahas na lumapit dun. Habang nagmamaneho siya ay ramdam pa rin niya sa mga bisig niya ang bigat ni Alexa. She is no longer that thin girl he used to carry whenever she fell on the ground and cried. Bumaba siya sa motorsiklo nang matanaw niya ang bahay ng mga Miranda. Naroon na kaagad si Donna, nagmamando sa mga kasambahay na naglilinis. "And you showed your ass, asshole!" Anito kaagad sa kanya, mainit ang ulo. "Pupunta ako sa animal clinic, sasama ka ba o hindi?" Mabilisan na tanong niya at hindi na siya nagpakaabala pa na bumaba. "And what?" Ipinagsiklop nito ang mga braso sa dibdib. "Anong what?" "Makikita ko na naman ang maarteng anak ni Caroline?" Irap nito sa kanya. "Wala dun si Alexa. Nasa bahay siya. Nagmamadali ako, Donna. Kung hindi ka sasama, wala akong panahon na magtagal. Dumaan lang ako." Naghanda na si Aslan sa pag-alis, inayos ang lock ng helmet niya. "Dumaan din ako dun pero eto ang ginawa niya," galit na sabi nito saka ipinakita sa kanya ang mga brasong may mga galos ng walis. Ipinakita rin nito sa kanya ang mga hita. "You better stop hitting her below the belt. Di ka niya sasaktan kapag di mo siya tinira," aniya rito kaya parang lalo itong nabwisit sa kanya. "Are you telling me that it was my fault?" She asked angrily. "Hindi ko sinasabi na kasalanan mo pero may mga sinasabi ka sa kanya na talagang ikaiinis niya." "Damn you!" Galit na mura nito sa kanya pero tiningnan lang niya ito, "Kung pumunta ka lang dito para kampihan ang hilaw mong kapatid, lumayas ka na!" Aslan has a very short patience and he doesn't pay attention too much when a woman throws a tantrum. Si Alexa lamang ang kaisa-isang babae na hindi niya kayang patulan. Kahit na masasakit ang mga salita nun sa kanya ay nakapagtitimpi pa rin siya. Pinaikot niya ang motor saka walang paalam na pinausad iyon papaalis. "Bwisit ka!" Sigaw ni Donna sa kanya, at napakahina na nun sa pandinig niya dahil sa full face helmet niya. Hindi niya alam kung bakit sa tagal na nilang magkarelasyon ni Donna, relasyon na di naman opisyal, hindi niya pa rin makuhang mahalin ang babae. Wala siyang babaeng makuhang seseryosohin sa buhay. Kahit na si Dra. Anelyn na nagpapahiwatig din sa kanya, hindi niya mapagtuunan ng pansin. At napagtanto na niya matagal na kung bakit hindi niya masabi-sabi kay Alexa ang malaking lihim ng hacienda Escobar, dahil kapag sinabi niya, pihadong hinding-hindi na iyon tutuntong sa lugar na ito. Baka ang pitong taon na walang ni hoy, ni hay ay maging pang habambuhay na. He sighed. Alexa. Alexa is a grown up woman now, still too brave and so haughty. Kung nakikita lang ni Caroline at ni Geron ang anak ngayon, magiging proud ang mga iyon sa tatag ng anak. Ginagampanan pa rin niya ang kanyang pangako kay Caroline, na susuportahan niya si Alexa sa gusto nitong kurso. It was his promise and it would never be broken. If she wishes to study abroad, he'll grant it. Kahit naman sa kanya ang buong asyenda, hindi naman niya kailanman naisip na baguhin ang pangalan nun at palitan ng kanyang apelyido. Mananatiling Escobar ang pangalan ng buong asyenda kahit na anong mangyari. It was an honor he would like to give to that couple who saved his life from being so miserable and hopeless. Sino nga ba ang nakakaalam ng totoong kwento kung bakit napasakanya ang buong asyenda? Tanging sila lamang tatlo nina Geron at Caroline. Iisa lamang ang susi para malaman ni Alexa ang tungkol dun, ang diary ni Caroline na iniwan sa kanya. Ang hiling ng babae ay huwag sasaktan ang anak nun kahit na wala na itong karapatan sa lahat. At huwag daw sasabihin ang totoo dahil baka masira ang paghanga nito sa amang minahal. Pwede lang daw na malaman ni Alexa ang lahat kapag tanggap na raw nito at napalaya na ang katotohanan na hindi na ito ang may-ari ng lupa at lahat ng yaman na para rito. He has his own purpose for not telling her everything. It's for himself, too. Kahit paano ay gusto niya pa rin na nakikita si Alexa sa lupa niya. Si Alexa ang mananatiling prinsesa ng buong asyenda habambuhay. Aslan stopped when he reached the bridge. Apaw pa rin ang tubig at tinatawid ang ibabaw ng tulay. Brown pa rin ang kulay nun at di pa rin kayang tawirin. Supposedly, the flood should go away in an instant. Iba na siguro talaga ang panahon ngayon, naisip niya. Mistulang dagat na naman ang kabuuan ng lugar. Plinano na niyang ipagawa ang tulay pero ang gusto ng mayor sa kabilang kabilang bayan ay siya ang magpagawa. Hindi siya pumayag dahil hindi naman niya lahat sakop ang buong tulay. Tulay iyon na nagdudugtong sa kabilang bayan at sa Asyenda. Naroon sa itaas ang mga arko. Ang ginawa niya ay pinatambakan niya ang lupa niya para hindi gaanong pasukin ng tubig. Nangako na nga siya sa Mayor nila na magbibigay siya pero ang kabila ay ayaw na mag-asikaso. Pumihit na lamang siya at uuwi. Gusto niyang makita kung maayos ang clinic niya sa kabilang bayan pero mukhang hindi pa panahon. He drove back home. Baka naman makatulog na siya ngayon na nasa bahay na rin si Alexa. On his way, Lucas Barrameda stopped him. Hindi sana siya titigil pero tumigil na rin siya. Mula pa noon ay hindi magaan ang loob niya sa lalaking ito dahil ito ang nagtanim ng mga masasamang kaisipan sa batang isip ni Alexa, kaya inisip nun na kalaguyo siya ni Caroline. Ganun na rin ang naging kaisipan ng karamihan sa mga tao rito, kaisipan na hinayaan niya at hindi siya naglaan ng panahon na magpaliwanag. Para sa kanya ay mas mainam na proteksyunan ang pangalan ng inirerespetong si Geron kaysa sa kanyang p*********i. "Kailangan mo?" Tanong niya kay Lucas na pangisi-ngisi. "Sabihin mo kay Alexa na sa susunod na linggo ko na lang siya idi-date. Baha pa sa kabilang bayan. Nakakasawa naman kung dito na lang siya iikot nang iikot sa hasyenda, nakakaboring." Ang sama ng tingin niya rito at kapag hindi siya makapagpigil ay sasaksakin niya ito sa bunganga. "Mensahero ba ako?" Angat ang mga kilay na tanong niya rito. "Ikaw lang naman ang pwede kong pagsabihan dahil ikaw ang taga mansyon." "At tingin mo sasama siya sa'yo?" Humalakhak si Lucas kaya nag-igting ang mga panga niya. "She asked me to date her, Aslan. Tandaan mo na hindi na probinsyana si Alexa. Iba na siya kaysa sa batang pilit mong pinoprotektahan. Baka nga ilan na ang bumutas dun." Tang-ina mo! Sukat dun ay bumaba siya sa motor niya at walang habas niyang sinuntok sa mukha si Lucas. Halos tumimbuang ang lalaki pero nakabawi at napanatili ang balanse. Hindi ito makasuntok sa kanya dahil suot niya ang helmet. "Tang-ina mo!" Singhal nito, "Tanggalin mo helmet mo!" Agad niyang tinanggal at suntok din ang inabot niya. Magkasinlaki lang sila ni Lucas pero di hamak na mas matigas ang katawan niya kaysa sa lalaking ang laki ng bilib sa sarili. Nabwisit siya nang tamaan siya sa mukha kaya sinunod sunod niya ang suntok sa lalaki hanggang sa tuluyan itong matumba sa daan. "Kahit ilibing kita rito ngayon din, walang mangangahas na magreklamo dahil nakaapak ka sa teritoryo ko, Barrameda. 'Wag mo akong hamunin ng away dahil hindi kita sasantuhin. Hindi ako tulad ng ama mong may iniingatan na pangalan! Subukan mong gaguhin si Alexa at ako ang bubutas sa mukha mo, tingnan ko kung makapambabae ka pang hambog ka!" Galit na sabi niya saka niya tiningnan ang mga tauhan nitong nag-aayos ng kuryente, "Kaya kong bilhin ang BARAECO, ikaw kaya mo bang bilhin ang Escobar?" "Ang yabang mo!" "Ang yabang mo rin!" "Nilandi mo lang naman si Caroline kaya napasa'yo ito!" Tumikwas ang nguso niyang may dugo, "Wala kang alam kaya isara mo ang bunganga mo." Mabilis siyang tumalikod at binalikan ang motor niya, "Bilis-bilisan niyo ang pag-aayos ng mga poste niyong bulok para lumayas ka na sa lupa ko." Marahas niyang binuhay ang makina ng motor saka niya pinaharurot. Nag-iigting ang mga panga niya at mainit na sobra ang kanyang ulo. Masyado na bang nagpapakababa si Alexa para akitin ang lalaking iyon na ka-live in ng bayan kung tawagin? Judgmental? Hindi niya alam kung totoo iyon o hindi. Mayabang naman si Lucas pagdating sa babae at tingin niya talaga ay kinukumpetensya siya nun, noon pa man. Wala iyon sa kalingkingan niya. Siya ay natural na hinahabol ng babae, hindi siya lumalapit sa babae para gustuhin. May isang babae lang siya na nilalapitan at hinahabol pero kaisa-isang babae rin na hindi siya ginugusto. Si Alexa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD