bc

Miss Tomboy (Completed)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
6.3K
READ
badgirl
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
serious
lies
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Yung tipo na first time mong mararanasan ang lahat pag-dating sa pag-ibig, bumilis ang t***k ng iyong puso tuwing nalalapit ka sa kan’ya, yung lihim kang mapapangiti sa tuwing nakikita mo s’ya, na kahit madalas kayong mag-away pero masaya ka pag-masaya s’ya. Yung ganitong nakakalitong pakiramdam na hindi mo maintindihan basta ang alam mo masaya ka na kasama siya.

Pero kailangan din ba na kasama sa first time mo na maramdaman ang sakit na hindi ka niya magugustuhan, dahil hindi pa rin nito makalimutan ang kasintahang matagal na siyang iniwan?

Yung sinasabi ng iba na masaya, pero bakit na sasaktan ka?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Isay bakit hindi mo pa kasi tanggapin ang inaalok sayo ni mayor?" panunudyo ng kanyang kuya Dom ang panganay sa kanilang magkakapatid. "Tama si kuya, gwapo naman si mayor saka mukha namang mabait, hihi" natawa pa na gatong ng kuya Ryan niya. "P’wede ba mga kuya tigilan n’yo na ako, hindi naman ako nag-mamadali, bakit ba minamadali n’yo ako, ikaw nga d'yan kuya Dom wala ka pang asawa tapos minamadali mo ako." na-aasar niyang sagot sa mga kapatid. "Wala nga akong asawa pero may honey bunch naman ako, diba bamble bee," sabay kiskis ng ilong nito sa ilong ng kasintahan niyang si Roxane, na ikinaikot naman ng kan’yang mata sa pagiging OA ng kanyang kapatid. "Kayo talaga, tigilan n’yo na nga iyang si Isay, mamaya n’yan lalong hindi ‘yan mag-asawa!" na ngingiting singit naman ni ate Laura, asawa ng kuya Ryan niya, na sinundan niya. Sa kanilang tatlo ito ang unang nag-asawa, dahil pagka-graduate nito ng college ay nabuntis niya ang girlfriend nito ang ate Laura niya. Nuong una ay galit na galit ang kanilang magulang, pero ng ipanganak nito ang kan’yang pamangkin ay halos ayaw ng ibigay ng kanyang ama sa mga ito ang apo, kung p’wede nga lang na sa kwarto ng mga ito matulog ang ama ay malamang ginawa na nito. "Itigil n’yo na ang pang-aasar kay Isay, at halina kayo nakahain na!" tawag ng mama nila sa kanila. Kaarawan ngayon nang kanilang ama, pero mas pinili nilang i-celibrate na lang sa bahay at tanging sila nang pamilya lang ang nagsalo-salo, saka naghanda ng kaunti para sa mga tauhan nila. "Oh! nay, saan ka po pupunta? Saluhan n’yo na po kame," tawag niya sa nanay-nanayan niyang si aling Mirna, simula kasi nuong bata pa siya ito na ang kanilang naging pangalawang ina, at pamilya na rin ang turing nila sa pamilya nito. May isa itong anak na babae at sa kumpanya nila sa Manila ito nagtatrabaho tinulungan ng kanyang ama na makapag-aral ito sa pinasok sa kumpanya ng maka-graduate ito ng college. "Oo nga, nay Mirna dito na kayo, saluhan n’yo na kame?" yaya din ng kuya Ryan niya. "Naku mga anak, doon na lang ako sa hacienda kakain at tutulungan ko pa ang tatay nyo, dahil walang mag aasikaso don." nakangiti nitong tanggi. "Sige po," aniya na parang natalo sa pustahan, malapit kasi siya sa matanda dahil mas madalas niya itong maging takbuhan lalo na ‘pag pinapagalitan siya ng magulang, sa bahay agad nito siya nagpupunta. Sarap na sarap si Isay sa pagkain nandyang itaas niya ang kanyang paa sa upuan dahil sa nakasanayan na niya ito, lalo na ‘pag napapasarap siya nang pagkain hindi niya namamalayan ang sarili na naitataas niya ang kan’yang paa, nandyang dilaan niya ang kanyang kamay dahil sa tumuloy ang sauce ng kinakain niya, kaya ang mga kapatid ay natatawa at naiiling na lamang sa kanya. "Anak, ano ba ‘yang itsura mo? ibaba mo nga yang paa mo nasa harap ka ng hapag, saka itigil mo ‘yang pag dila sa kamay mo, ano ka aso?!" pagalit ng kanyang ina sa kanya. "Hay nako! Isay kapatid, kaya hindi ka nag kaka-boyfriend dahil jan sa kilos mo e," natatawang sabi ng kuya Ryan niya at naiiling nitong puna. "Ano naman kinalaman ng pagtaas ng paa ko sa pagkakaroon ko ng boyfriend, aber?" sabay padaskol na binaba ang kanyang paa at inirapan ang mga ito. "Isay anak, baka naman kahit konti baguhin mo iyang pagkilos mo, hindi ka na bata, dalaga ka na!" pangaral ulit ng kanyang ina. "Ano po bang mali sa kilos ko, bakit si papa?" sabay turo niya sa kanyang ama na kasalukuyan din nakataas ang paa at walang pakialam sa usapan at sarap na sarap sa pagkain. Nagulat pa ito ng hampasin ito ng kanyang mama, sabay biglang ibinaba ang paa nito. "Ano ka ba naman Pa, manang-mana talaga sayo yang anak mo, kumakain kayong nakataas ang paa," sabay hampas ulit ng ina pero na naiwasan naman ng kanyang ama. "Alangan naman magmana ‘yan sa kapitbahay e, anak ko yan." sabay kindat sa kanya na ikinatawa naman niya, hindi talaga maikakaila na daddy's girl siya hahaha. Natatawa na lang din sa kanila ang mga kapatid at ang asawa pati girlfriend ng mga kuya niya. "Sis bakit kasi hindi ka mag-suot ng pang sexy na damit, paturo ka dito kay Rox," sabay turo nito sa girlfriend nitong si Roxane. "No problem, kung gusto mo samahan kitang mag-shopping Isay?" nakangiti nitong turan. "Oo nga naman, Isay, hayaan mo tuturuan din kitang mag make-up," ani ng ate Laura niya, habang pinapakain ang isang taong gulang at cute na cute niyang pamangkin. Napapa-buntong hininga na lamang siya sa mga pamimilit ng kaniyang pamilya na atat na atat na siyang mag boyfriend. "S’ya nga naman nak, alam mo naman na baby girl kita, pero kinakabahan na ako sayo kahit kasi minsan ay hindi ka man lang nagdala ng boyfriend dito sa bahay," naka-ngusong turan ng ama. Napabuntong hininga na lamang siyang napatingin sa pamilya, kailan ba siya titigilan ng mga ito sobrang kukulit, masyadong nagaalala sa pag-aasawa niya samantalang dalawampu’t apat na taon pa lang siya mahaba pa ang lalakbayin niya, pero atat na atat na ang mga ito. "Hay naku, ano bang gagawin ko sa inyo tigilan nyo lang ako?" nailing niyang maktol sa mga ito sabay subo ng hotdog. "Mag-asawa ka na!" ani kuya Ryan. "Mag-boyfriend ka na kasi!" ani kuya Dom. "Bigyan mo ako ng apo!" sabi ng kanyang Papa. Halos sabay-sabay pa ang pagkaka-sabi ng mga ito. "May-gudnesh... shutaness..." napamulagat na lang siya sa mga ito ng bigla siyang hampasin sa balikat ng kanyang ina. "Isabela na harap ka ng pagkain!" "Aray Ma!" asik niya dito. "H’wag mo akong mulagatan, tutusukin ko yang mata mo!" sabay amba nito ng tinidorsa kanya. "Mahal naman mag-aasawa pa yan, baka hindi n’ya makita yung magiging manugang mo pag tinusok mo mata ng anak mo," lambing ng ama sabay himas sa balikat nito. "Hayy, mababaliw na ako sa inyo!" sabay hilamos ng palad sa kanyang mukha. "Ganito na lang, pagnatalo n’yo akong tatlo sa chess, susudin ko ang gusto n’yo, pero ‘pag ako nanalo ako naman ang susundin n’yo, deal?" tanong niya habang nakatingin sa mga ito, kung kakagat sa plano niya. Alam kasi ng mga ito na madalas siyang mag-champion sa chess, muntik na nga siyang maging chess master kung hindi lang siya nagkasakit e, at nadaluhan ang competion na dapat mag tatalaga sa kanya bilang chess master sa kanilang lugar. "Okay pero magkaka-iba kame ng gusto?" naghahamong sabi ng kuya Ryan niya. "Sure!" tinanggap niya sa hamon ng mga ito. "Okay walang atrasan na ‘to, ‘pag ako ang nanalo, may ipapa-blind date ako sayo," ani ng kuya Dom niya. "Ako naman, itatapon mo n’ya ‘yang pang-lalaki mong suot at si Rox at Laura ang pipili ng damit mo!" ani kuya Ryan. "Umm... Ano pa ba pwede? Kasi sure akong matatalo kayong dalawa e, dapat ‘yung susunod ka parin sa’kin," sabi ng kanyang ama na nakahawak pa sa baba na para bang magpa-plano sa pagsugod sa gera. "Tsk... tsk... grabe talaga kayo sa akin ah!" reklamo niya. "Okay, bawal ka ng pumunta sa koprahan, bawal ka ng mangabayo, kukunin ko ang credit card mo, at doon ka titira sa bahay ni manang Mirna at mag-aaral kang magluto at ano pa mang gawaing bahay." ngisi ng kanyang ama. "Ay grabeng parusa ‘yan, pero sige okay lang sanay naman ako e," sabay pinatirik ang mga mata niya. "In-short ikaw ang papalit kay nanay Mirna sa gawaing bahay dito ng limang bwan, yaya ang peg!" pang-aasar pa ng kanyang kuya Ryan. "Waahh... wala akong masabi, okay... okay deal!" may papalakpak pa siya habang na-iiling sa mga demand ng pamilya. “Okay, deal!” sabay-sabay din sabi ng tatlo. “Panindigan n’yong lahat ‘yang pinaggagawa n’yo ha... dahil kung hindi makakatikim kayong lahat sa akin!” babala ng kanilang ina. “No worries Ma, may isang salita kame.” Pagyayabang pa niya. “Pero ‘pag ako ang nanalo, lahat ng gusto ko susundin n’yong tatlo?” hamon niya sa mga ito. “Walang problema, kahit ano siguraduhin mo lang namatatalo mo kame, lahat kame hindi pwedeng may isang mananalo,” pag-liliwanag ng kanyang kuya Ryan, mautak talaga ito ang hirap isahan. “Walang rematch, pag talo, talo.” sabi ng ama niya. “Game, ako pa ba.” Matapos nga nilang kumain ay agad nilang sinimulang ang laro nila, tuwang-tuwa siya dahil umaayon sa kan’ya ang pagkakataon, first round pa lang talo na niya ang kanyang kuya Dom ng walang kahirap-hirap. Pangalawang round na at ang kuya Ryan niya ang kanyang kalaban, halos tumalon siya sa tuwa dahil wrong move ito, nakaka dalawang tira pa lang ito ay mali na ang nahawakan nito, kaya inis na inis naman ito. At ang huli niyang kalaban ay ang kanyang ama, hindi niya ito pwedeng baliwalain dahil sa kanilang pamilya ay ito ang matinik niyang kalaban, pero kahit gano’n pa man ay hindi pa rin ito nananalo sa kanya, sa ganda ng mga move niya ay sigurado ng talo ang kanyang ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook