Naalimpungatan si Isay dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Pagdilat niya ay dalawang pares ng mata sa nakita niyang nakatingin sa kanya, isang lalaki na nakasandal sa dingding, halatang kanina pa siya tinitignan, hindi niya ito gaanong maaninag dahil medyo madilim na, hindi niya namalayan na inabot na siya nang gabi dahil sa haba ng tulog niya.
Agad siyang tumalon sa kama at hinanap ang tambo na gamit niya sa pag-lilinis kanina at inamba sa lalaki.
“Sino ka, anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto na ‘to?” tanong niya dito habang naka amba ang hawak na tambo.
Bigla naman itong umayos ng tayo at humakbang papalapit sa kanya, napaatras siya dahil sa paglapit nito.
“Sino ka anong ginagawa mo dito?” ulit niyang tanong habang hinahanap ang switch ng ilaw.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo?” balik nitong tanong sa kanyan.
Nagulat pa siya ng magsalita ito, pakiramdam niya ay nakikinig siya ng radio sa ganda ng tono ng boses nito, may pagkamalalim at malaki ang boses ng lalaking nasa kwarto.
Pero hindi siya nag patinag ng muli itong humakbang papalapit sa kanya, kaya ihinampas niya dito ang hawak na walis tambo.
“Yaaahhh!” sigaw niya habang patakbong lumapit sa lalaki.
Na agad naman nitong napigilan, pinilit niya tamaan ito pero malakas ang lalaki kaya buong lakas din niyang hinampas muli ang tambong hawak.
Pero sandyang magaling ang lalaki dahil naiwasan siya nitong muli.
Isa pa...
Winasiwas niyang muli ang tambo, pero sa pagkakataon na iyon ay hindi na ito umilag sa halip ay sinalag nito iyon gamit ang kanang kamay at gamit ang kaliwa nitong kamay ay inabot nito ang switch nang ilaw, kaya naman nag-liwanag ang buong kwarto.
Pero dahil sa mabilis siyang masilaw lalo na sa mga biglaan pagbukas ng ilaw ay napapikit siya, pagkakataon naman ng lalaki na hilahin ang hawak niyang tambo, sa paghatak nito sa hawak niya ay nasama siya kaya naman napasandal siya dito.
Pagdilat niya ay nakasalubong niya ang mga mata nitong nakatingin din sa kanya, kunot-noo itong nakatitig sa kanya, siya naman ay hindi rin maalis ang tingin sa mata ng lalaki dahil para siyang nakatingin sa dalawang pares ng kulay light brown na mala-marmol nitong mata.
Sobrang ganda ng mga matang iyon, medyo kulot ang buhok nito at ang malago nitong kilay, napalunok siya na madako ang kanyang mata sa pinkish lips nito, nang bigla itong ngumiti.
“Done, eye r****g me?” ngisi nito.
Saka parang bumalik siya sa kanyang ulirat at naramdaman ang kamay nitong nakahawak sa kanyang beywang at ang isa ay nakahawak pa rin sa tambo, agad niya itong tinulak at inagaw ang tambo saka muling ihahampas dito ng biglang bumukas ang pinto.
“Isaaay” sigaw ng kanyang kuya, agad din naman siyang napatigil at hindi na naituloy ang paghataw sa lalaki.
“Anong kalokohan yang ginagawa mo, diba sinabihan kitang maglinis dito, at ano yan bakit mo hahampasin ang bisita ko?” galit na tono ng kaniyang kuya.
“Sorry! hindi ko alam sabi mo kasi sa isang araw ka pa babalik,” paliwanag niya.
“Napaaga kame kaya kame nandito ngayon, pero hindi ko alam na ganyan ang gagawin mo, nakakahiya ka!” galit pa rin nito sabi.
Para naman gusto niya lumubog sa kanyang kinakatayuan, kahit na madalas silang mag-asarang magkakapatid ay hindi pa rin siya sanay na ganoon ang kuya niya, natatakot pa rin siya dito ‘pag ganoon na ang boses nito.
Maya-maya ay sumulpot naman ang kanyang mama, nang marinig ang sigaw ng kanyang kuya.
“Isay ano naman ba ‘yang kalokohan mong bata ka?” pagalit na rin ng kanyang ina, gustong-gusto na niyang umalis lalo na nang mapatingin siya sa bisita nito na titig na titig sa kanya, para siyang nanliit na pinapagalitan siya sa harap nito.
“Isay... anak halika na at lumabas na tayo,” ani nanay Mirna saka humingi ito ng paumanhin sa bisita ng kuya niya, kinuha na rin nito ang mga ginamit niyang panlinis.
Hindi na rin niya napigil ang sarili na lumuha dahil sa hiya, kahit naman ganon ang kilos niya siya parin ung madalas ipagtanggol ng kaniyang kuya sa nang bu-bully sa kanya, nandon pa rin ang pagiging iyakin niya.
“Pasensya na hindi ko kasi alam,” aniya sa lalaki bago siya lumabas ng kwarto at sumunod kay nanay Mirna.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa bahay nila nanay Mirna ay lumakas na ang kanyang pagiyak.
“Haaaa, nanay...” tawag niya sa matanda.
“Ikaw naman kasing bata ka, bakit naman kasi sasaktan mo yung bisita ng kuya mo, talagang magagalit yun,” anito habang pinapahid ang luha niya.
“Hindi ko naman kasi alam na ngayon sila uuwi e, sabi kasi ni kuya sa isang araw pa sila, hindi naman din niya ako sinabihan,” sisinghot-singhot niyang sagot.
“Pag-pasensyahan mo na ang kuya mo, baka na bigla lang din yun, ikaw ba naman kasi makita mo ‘yung hahampasin ng kapatid mo ‘yong bisita n’ya hindi ka ba sisigaw?” naka-ngiting pang-aalo nito sa kanya para tumigil na siya sa pag-iyak.
“Hindi naman po ako galit kay kuya, hindi lang po kasi ako sanay na nagagalit s’ya sa akin ng ganon, parang iba lang po kasi sa pakiramdam na sisigawan ka sa harap ng ibang tao,” aniyang nakanguso sabay pahid ng luhang tumulo sa kanyang pisngi.
Maya-maya nag-naiiyak na naman siya, iyakin talaga siya akala niya ay kaya na niyang hindi umiyak, pero ngayon parang nasa mood siyang umiyak, ayaw tumigil ng pagbagsak ng luha niya.
“Sshhh! okay lang ‘yan, halika na sa kusina at may niluto akong paborito mo, tatawagin sana kita kanina para kumain e, kaso yung eksena na iyon ang naabutan ko,” anito at hinila na siya sa hapag.
Maya-maya din ay nawala na ang sama ng loob niya, pampakalma talaga niya ay pagkain, kahit kain siya ng kain ay hindi pa rin siya tumataba tinaas niya ang kanyang paa para mas lalo siyang ganahan.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto.
“Ako na kumain ka na lang d’yan,” saka tumayo ang kanyang nanay Mirna para pagbuksan yung kumakatok.
Pagbalik nito ay kasunod na nito ang kanyang kapatid.
“Isay—” tawag nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin, tuloy pa rin siya sa pagkain.
Umupo ito sa tabi niya inakbayan siya.
“Bunso sorry na! nabigla lang ako, ikaw naman kasi papatayin mo yung bisita ko sinong hindi magagalit do’n?” sabi nito na niyuyugyog s’ya.
“Ano ba kumakain ako,” saway niya dito sabay palis ng kamay nito sa balikat niya.
“Yiii sorry na!!” jusko para itong batang isip na naka-suot ng business suit.
“Kasalanan mo, wala ka naman sinabi na uuwi kayo ngayon, tapos ako pa ‘tong papagalitan mo, sige nga... pagdilat mo may makikita kang lalaki na nakatingin sayo habang natutulog, anong gagawin mo ha?” sabay irap niya dito.
“Sisigaw, kaso ikaw papatayin mo agad e,” sabay peace sign nito habang naka-ngisi.
“Aba, anong gusto mong gawin ko bumukaka na lang bigla sa harap nya, hindi ko nga siya kilala na basta na lang pumasok sa kuwarto,” gigil pa rin niyang sabi sakanyang kuya.
“Kaya nga sorry na, saka gwapo naman sya ah!” ngisi nito.
“Hayy! umalis ka na nga,”Pagtataboy niya dito, “Puntahan mo na ‘yang bisita mo, dahil baka sa susunod hindi na s’ya makaligtas sa akin,” sabi niya sa kapatid.
“Pero bati na tayo, huh!! Huh!!” saka paulit-ulit s’ya nitong niyugyog.
“Oo na... oo na… tumigil ka lang!” sabi na lang niya sa kakulitan ng kapatid, saka hindi rin naman niya ito matitiis e, ganon kasi sila pinalaki.
“Yown! punta ka na lang mamaya sa kwarto ko may dala ako,” anito saka hinalikan siya sa ulo, malambing talaga ang kuya niya kaya hindi talaga siya sanay na nagagalit ito sa kanya.
“D’yan ka magaling sa panunuhol sa akin e, siguraduhin mo lang magagugustuhan ko ‘yan?” biro na rin niya dito.
“Sigurado!” may pagpitik pa ito ng kamay saka lumabas na din para asikasuhin ang bisita nito.