Hindi na pantay ang paglakad ni Isay pagpasok nang mansyon, sapasama pa ata ang pag-inom niya sa natitirang alak ah. Medyo na duduling na rin siya kaya gumabay siya sa hagdan paakyat ng kwarto niya, pagpasok ay nakita niya ang mga damit na nakakalat sa sahig.
"Ang kalat mo talagang bakla ka, humanda ka sa akin tuturuan kita ng leksyon," aniya at pinulot niya ang damit sa sahig saka binuksan ang bintana, nagulat pa siya ng mapansin ang puno, wala naman puno sa tapat ng bintana ng kwarto niya, pinagkibit balikat lang niya ito saka hinagis doon ang damit.
Lumingon-Lingon pa siya sa loob ng kwarto ng makita ang isang malaking bag, napa-ngisi naman siya sa naisip, kinuha niya iyon saka lumapit sa bintana, hindi na niya napansin na maleta ang dala ng kanyang kaibigan at hindi bag.
Halos mabuwal pa siya ng buhatin niya ito, nahihilo na kasi siya at nagdodoble na din ang paningin niya, saka inipon niya ang buong lakas at hinagis ang bag sa labas, dahil malapit lang ang puno ay sumabit ito doon, saka naman bumukas ang pinto ng banyo.
Dahil sa kalasingan ay halos pumikit na siya pero pinipilit pa din niya ang sarili na lapitan ang kaibigan nang lumabas ito sa banyo.
"Hoy... bakla ka, napaka kalat mo, alam mo bang mahirap maglinis tapos magkakalat ka!" bungad niya dito paglabas pa lang ng banyo.
Hindi naman ito nagsalita at wari niya ay nakatitig lang ito sa kanya, s’ya naman ay naguluhan dahil hindi naka bathrobe ang kaibigan at first time niyang makita ito na nakatapis ng tuwalya na nakapulupot sa beywang nito at wala rin ang madalas nitong gamit sa ulo, kung maganda ang katawan ng kaibigan ay mas lalong gumanda ngayon.
"Ows. may paganyan ganyan ka na ngayon ah!" sabi n’ya sabay lapit dito, at akmang hahawakan niya ang buhol sa tuwalya nito ng pigilin nito ang kamay n’ya.
Nakita pa niya na nagpalinga-linga ito, at hinahanap ang gamit, saka naman niya hinawakan ang buhol ng tuwalya nito gamit ang kaliwang kamay dahil hindi pa din kasi nito binibitiwan ang isa niyang kamay.
Paghablot niya ng tuwalya ay napatitig siya sa nabungaran niya, mas lalo pang bumilog ang kanyang mga mata ng makita ito walang suot na kahit ano, wala din itong boxer short na madalas nitong isuot, ilang beses na rin niyang ginawa iyon kaya wala ng malisya sa kaibigan, dahil alam niya na hindi ito lumalabas ng walang boxer short o kahit anong undies, kaya gulat na gulat siya sa nakita.
"Bulate!" naisa-tinig ni Isay dahil sa pagkagulat, narinig pa niyang tumawa ang kaharap.
"Bulate?" ulit nitong tanong, saka binitawan ang kamay niya kanina pa nitong hawak, saka na meywang, proud na proud.
Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig ng magsalita ito, pagtingala niya para tingnan ang kaharap ay mas lalo siyang nagulat dahil hindi ito ang kaibigan niya, kundi kaibigan ng kuya Dom nya, ngising-ngisi itong naka tingin sa kanya at wala atang balak takpan ang sarili, hindi niya matagalan ang pagtitig nito kaya napa yuko ulit siya.
Kaso wrong move s’ya dahil nakita na naman niya ang alaga nito.
"Ahas!" bulong niya pero mukhang umabot ito sa pandinig ng lalaki, nag iwas siyang muli ng tingin pero yumuko ito at nilapit nito ang mukha sa kanya, napasinghap naman siya sa ginawa nito.
"Ahas?" nakangisi nito at pinasingkit ang mga mata.
Dahil sa taranta at hindi malaman ang gagawing pag-iwas.
"Anakconda!" aniya na napapikit dahil ayaw niyang tingnan ito at ayaw din niyang yumuko.
Tumatawang nilayo nito ang mukha sa kanya, nang akmang tatakbo siya palabas ay bigla siyang hinawakan sa braso at pinigilan sa paglabas.
"Saan mo dinala ang gamit ko?" seryoso na nitong tanong.
Hindi niya ito nilingon at tinuro ang nakabukas na bintana, narinig pa niya itong napamura saka bigla niyang hinatak ang kamay at patakbong lumabas ng kwarto.
Muli niyang narinig itong nagmura ng saka susunod sana sa kanya pero tumigil ito, pabagsak niyang sinara ang pinto saka patakbong pumasok sa kwarto niya.
Pagpasok niya sa kwarto ay napasanadal siya sa pinto at habol-habol ang hininga, nakita niya ang kaibigang nakahiga sa kama at hawak ang cellphone nito.
"O Beks... anong nangyari sayo para kang nakakita ng multo?" takang tanong nito.
"Hindi Multo bakla, anakconda," hinihingal niyang tugon sa kaibigan. "tuwid na tuwid na anakconda!" dagdag pa niya.
"Anong pinagsasabi mo beks, pulang-pula yang mukha mo, hinahanap ka pa kanina ni Nay Mirna kasi tinungga mo pa daw yung natitirang alak kaya chineck ka kung nakarating ka na dito, saan ka ba nagpunta?" anito saka umupo sa kama at tinitigan s’ya.
"Nakakita kasi ako ng Bulate.. este anakconda pala," aniya at hinawakan ang nagiinit niyang mukha.
"Hay naku beks, ewan ko sayo, maligo ka na ng mawala na yang kalasingan mo," sabi nito at bumalik sa pagkakahiga.
Pero imbis na pumasok sa banyo ay dumiretso siya sa bintana at binuksan iyon, pagsilip niya ay nikata niya ang lalaki na balot ng kumot at pilit na inaabot ang gamit nitong nakasabit sa puno, nang tumingala ito at tumingin sa gawi niya agad naman siyang nagkubli sa kurtina, natatawa siya nakinakabahan dahil baka gantihan siya nito at sabihin sa kanyang kuya, siguradong papaglitan siya nito.
*****
(SEB POV’s)
Habang nasa likod ng bahay si Seb at pilit na inaabot ang bag na sumabit sa sanga ng puno dahil hinagis ito ng dalaga kanina, hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil sa inosenteng mukha nito ng mga oras na iyon.
Pero bigla siyang napatigil ng may magsalita sa likod niya, paglingon niya ay nakita niya ang kaibigan na may hawak na pamalo at sa likod nito ang Ama nito at kasama Si mayor at kapitan na may hawak ding pamalo.
“Sino ka?” tanong ng kaibigan nya sabay hila sa kumot na nakabalot sa kanya.
Paglingon niya ay napamulagat ang mga ito ng makilala siya, halos mahubad na din nga kaibigan ang kumot na nakatakip sa kanya, na agad din ibinalot sa kanya.
“Bro, bakit ganyan ang itsura mo at anong ginagawa mo dito?” gulat pa ring tanong nito.
“Kala naman namin kung sino na, dahil may nakita kaming tumatakbo dito na nakabalot ng kumot dito kaya sinundan namin, ano ba ang nangyari?” tanong pa ng Ama nito.
Pagtingin niya sa taas nakita niya ang dalaga na agad nagtago sa kurtina, napakamot na lang siya ng ulo.
“Pasenya na kayo, paglabas ko kasi nang banyo kukuha sana ang nang damit kaso nadulas ako kaya naihagis ko itong mga damit ko dito sa bintana.” saka tinuro ang mga damit na nagkala at ang iba ay nakasabit pa sa puno.
Natawa na lang ang mga ito sa dahilan niya, pero sa isang parte ng utak niya ang ay may sumilay na kapilyuhan at kagustuhang makaganti sa kalokohan ng dalaga.