"Wait, bago nating galawin ang mga iyan ay kukuhanan ko na muna ng video at picture. Magma-my day lang ako sa i********: at f*******:. Gusto kong ipamukha sa mga ex-friend natin na masaya at solid ang pagkakaibigan nating tatlo, habang sila naman e, nagpapahinog lahat sa ospital," sabi ni Doti kaya natatawa si Jenny. "Napakagaga mo talaga," iirap-irap na sagot ni Trinity. "Ako ang magluluto, ha?" sabi ni Trinity pero pinigilan siya ni Doti. "No, ako na. Huwag ka nang magpagod at mapapagod ka rin naman bukas sa pagliligpit ng mga ito. Ako na ang magluluto. Timplahin niyo na lang ni Jenny ang soju, sprite at yakult na sinasabi niya," sabi ni Doti na kinangiti ni Trinity. "Ay, sige, bet ko iyan," sagot ni Trinity na agad namang ipinasa ang panipit ng mga karne sa kay Doti. Pumunta naman

