Nagising si Trinity na mag-isa na lang siya sa tent nila sa garden ng bahay nila. Sinag ng araw ang tumama sa mukha niya para tuluyan siyang bumangon. Paglabas niya sa tent na iyon ay nagulat pa siya dahil malinis na ang lahat sa buong paligid. "Mabuti naman at gising ka na," bungad sa kanya ng mama niya na nakaupo sa bench na naroon din sa garden nila. May hawak-hawak itong dyaryo at may kapeng mainit na nakatabi sa upuan niya. "Sina Doti at Jenny po ba ang naglinis dito?" tanong niya habang naghihikab pa. "Hindi. Ako ang naglinis niyan. Maaga silang umalis. Hindi ka na ginising at naghihilik ka pa kasi kanina," sagot sa kanya ng mama niya. Bigla tuloy siyang nahiya. Baka mamaya ay nakanganga pa siya habang natutulog. "Salamat po, mama, sa paglilinis," aniya at saka na siya pumasok sa

