Chapter 27 - Napahiya sina Sarlee at Margo kay Doti

1255 Words

"Wow! Hindi mo naman kailangang gawin iyan," nahihiyang sabi ni Carson nang bumalik na sa room niya si Trinity. "Ayos lang. Ang mahalaga ay makakain ka ng almusal mo ngayon. Kawawa ka naman kasi," panunura ni Trinity. Inilipag niya sa table ni Carson ang mga prutas na nabili niya. Agad na rin niyang inihanda ang lugaw at lumpiang gulay na binili niya rin. "Wala bang halong mushroom ang nabili mong iyan? Alam mo na, baka lalo akong mapasama," paniniguro pa ni Carson. "Dapat nga iyong may mushroom ang nabili ko e, para matuluyan ka na," panunura pa rin niya kaya sumibangot si Carson. "Grabe ka naman sa akin. Ganiyan mo ba ako kaayaw at talagang pinapatay mo na ako?" sabi ni Carson na naka-puppy eyes pa. "Joke lang. Hindi ko dudungisan ang kamay ko para lang sa iyo," aniya at saka inabot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD