Nagkakadarapang umuwi si Tiffany, pero pagdating niya sa harap ng bahay nila ay maayos naman doon at hindi nasusunog ang bahay nila. Muli siyang pumasok sa sasakyan niya at dali-dali niyang tinawagan ang cellphone number ni Cedrick. "Hello?" sagot agad ni Trinity sa kabilang linya. Kalmado pa rin ito. "Hayop ka! Pinagti-trip-an mo ba ako?!" singhal ni Tiffany. "Practice lang. Tinitignan ko lang kung ano ang magiging reaksyon mo kapag tinotoo ko na," kalmadong pa ring sagot ni Trinity sa kanya. "Huwag. Iyan na lang ang natitira sa akin. Bugbugin mo na lang ako, awayin, ipahiya o sagasaan ng sasakyan mo, huwag mo lang galawin ang bahay ko," sagot niya na tila nagmamakaawa na. "Gusto ko bahay mo e. Ayokong manakit. Ang gusto ko ay sasaktan ko ang damdamin mo. Ayoko nang pisikalan." "Su