"Gusto kong makausap ang mga magulang ng mga batang iyon," sabi ni Tessa matapos mapanuod sa internet ang video nila Jem, Clarissa at Megan na binu-bully sina Trinity at Doti. Viral ito sa internet ngayon. "Mama, huwag na. May hindi pagkakaintindi lang kami kaya sila nagkaganoon. Pero, ayos naman na e. Nakausap ko na sila," pagsisinungaling niya. "Sigurado ka?" galit pa rin na tanong ni Tessa. "Opo, okay na po talaga. Huwag niyo na pong pansinin ang video na iyan at maayos na po ang lahat," sagot pa niya. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Trinity sa bulsa niya kaya agad niya itong kinuha at nakita niyang tumatawag pala si Doti sa kanya. "Oh, napatawag ka?" sagot agad niya sa kabilang linya. "Ate, isinugod daw sa ospital ang malditang si Jem," sabi nito sa kabilang linya na kinagul

