Pagdating ni Trinity sa bahay nila Cedrick ay saktong lumabas ang mama nito habang dala-dala ang basura na mukhang itatapon nito sa labas nila. Nakita nitong bumaba sa sasakyan si Trinity. Nagtitigan pa sila bago tuluyang maglapitan sa isa't isa. Nakita ni Trinity na binigyan siya ng kakaibang titig ng mama ni Cedrick. Nangingilid pa ang luha nito habang unti-unting lumalapit sa kanya. Pakiramdam niya ay tila may maling nangyari. Kinakabahan tuloy siya. "Trinity..." banggit nito sa pangalan niya na para bang may halong lungkot ang boses. Nagtataka na siya dahil iba na ang kinikilos nito. "Gusto niyo raw po akong makausap?" tanong ka agad ni Trinity. "Oo, anak," matamlay nitong sagot. Inaya siya nitong pumasok sa loob ng bahay nila. Nadatnan niya roon na nakahanda na ang mga gamit nila

