"W-WHY did you do that?"
Sa huli, sa malambot na kama humantong ang mga hubad at magkayakap nilang katawan... Kung saan ilang ulit pa ring inangkin nila ang isa't isa...
"Ang alin?" mahigpit na yakap ni Patrick ang dalaga habang nakapikit ito, at habang nakaunan siya sa malapad nitong dibdib...
She was teary-eyed, her heart still pounding, but she can't deny the truth... wala na siyang maramdamang munti mang pagsisisi sa ginawang pagpapaubaya.
"Hmp! Maang-maangan ka pa! Iyong ginawa mo, bakit mo ginawa?"
"Ah, the love-making? Of course, I should be. Dahil noon ko pa iyon gustong gawin!"
"Ganoon?" napapiksi siya at bahagyang napalayo rito. "So, from the beginning, you really want to taking advantage of me kaya ako agad ang nilapitan mo noon at—"
"Hey – hey! It's not that, okay?" pinilit nitong muling makabig payakap si Xandra.
"A-ano ba?" bahagya lang siyang nanulak.
"Sshh, just stay put, huh?" pero hindi talaga ito papayag na makawala siya.
"P-PJ—"
"I love you, Xandra, please believe me." Masuyong humaplos ang palad nito sa kanyang buhok hanggang likod. "And making love to the woman that I love so much is the ultimate desire of my heart."
"P-PJ... totoo ba iyan?" bahagya siyang tumingala sa binata. "G-ganoon mo ba ako kamahal para masira ang diskarte mo sa buhay dahil sa pag-iwas ko sa iyo?"
"Yeah... ganoon kita kamahal. So, please, huwag mo na uli akong iiwasan, ha?"
"Magagawa ko pa ba iyon? Wala na akong choice, ano? You'd raped me!" pairap siyang nag-iwas nang tingin.
"What? Anong rape? Hindi, ah! Hindi naman kita pinilit, ah!"
"Anong hindi? Ni hindi mo na ako pinakawalan ng makapasok tayo ng banyo, ah! You'd undress me and made love with me under that running water and—"
"Pero pumayag ka! Hindi ka naman nagwala, ah!"
"Paano ako magwawala, ang lakas mo!"
"Kahit na! At least, you should slap me or hit me!"
"I want to, but how can I do that? Pinigil mong mga kamay ko. I-isa pa... ang sarap mong... humalik, eh!"
Napangiti na lang si Patrick Josh.
"Talaga?" lumamlam pa ang mga mata. "Kaya kahit ilang beses ko ginawa, hindi ka na pumalag?"
"O-oo. A-ang guwapo mo kaya! K-kahit naman sinong babae, kung ang rapist ay kagaya mo, baka bumigay din..." pero namumula ang pisngi ng dalaga habang sinasabi iyon. "S-saka... ang sarap kaya... a-ang sarap mo palang mang-rape..." at least, nagawa naman niyang umamin.
"Talaga? I love it baby! Pero alam mo, kung may isang babae na gusto kong i-rape oras-oras, ikaw lang iyon..."
"P-PJ..."
"Ikaw lang... Xandra, ikaw lang! Nag-iisa ka lang sa puso ko... ngayon lang ako nagmahal ng ganito..." naging seryoso na ang himig ng binata.
"P-PJ..."
"I love you, Xandra... I'll rather trade my life just to have you by my side."
"P-PJ... bakit? H-hindi mo naman ako lubos na kilala. I-I know... naramdaman mo, hindi ikaw ang una. H-hindi ako kasinglinis ng babaeng inaakala mong—"
"Wala akong pakialam kahit ano ka pa, o kahit ano pa ang nakaraan mo. Ang alam ko lang, hindi ako mabubuhay na wala ka."
"P-PJ..." napasigok ang dalaga.
Ayaw pa rin sana niyang maniwala sa mga naririnig, pero hindi naman siya manhid, ramdam niya, nakikita niya ang katapatan ng mga salita ni Patrick Josh...
______________________________
"SO, BUMIGAY ka na talaga?"
"Well, ang hirap pigilin, eh."
"Sabagay! Ang guwapo naman kasi ng jowa mo. Alam mo ba, kalat na kalat na sa buong resort ang relasyon ninyo!"
"Mahirap itago iyon, Myla. Lalo pa at napaka-showy ng lalaking iyon."
"Oo nga, eh! PDA masyado! Kung makaakbay sa iyo, wagas! Pero kinikilig naman iyong mga nakakakita. Siyempre iyong iba, lalo na iyong may crush kay Sir PJ naiinggit. Pero anong magagawa nila, ikaw ang type. Pero ang bilis, ano?"
"Oo nga, eh. Ang bilis ng mga pangyayari sa amin. Now I have no choice kundi ang sumama na sa kanya sa penthouse. Iyon ang gusto niya."
"So, living in? Kailan naman ang kasal?"
Saglit siyang natigilan.
"H-hindi pa namin iyan pinag-uusapan."
"Ano? Akala ko ba, mahal na mahal ka niya?"
"O-oo naman, ramdam ko naman iyon, eh. P-pero hindi naman kailangang pakasal kami agad. Isa pa, a-ayoko pa rin naman."
"Bakit?"
"M-malay mo, magbago pang isip niya, o ang isip at puso ko. Malay mo, masyado lang kaming... nadadala sa mga damdamin namin. Lalo na ako. Three years na ako rito. Maliban sa iyo at sa mga staff dito, pati na ang papalit-palit na mga guest na dumadating dito, wala naman akong ibang nakakasalamuhang tao. Basta! Ayokong magmadali! Lalong ayokong magmadali siya. We're just happy for what we are now? At iyong makita ko siyang masaya sa piling ko, masaya na rin ako."
"Wow, ha? May pagka-martir ka pala!"
"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang, I don't want to make things to be complicated. B-basta, masaya na akong ganito."
"Ay, bahala ka na nga! Basta I want you to be happy."
"Thank you..."
_____________________________________
AND it seems like she's very happy being with him... with his love and affection...
"Hi, baby, good morning! Breakfast in bed!"
"Oh, bakit dito pa? Doon na lang sa terrace!" natatawang bumangon si Xandra.
"Oh no, dito na lang! Medyo maulan, baka mahamugan tayo. Isa pa, para maiba naman!"
"Hay, bahala ka na nga! Ano bang order mo?"
"Here, fried-rice na maraming bawang, daing na bangus na may sawsawang suka at sili, plus fried danggit! Favorite mo lahat ang native food na ito at—"
"Oh my!" bigla siyang napatutop sa bibig at ilong eksaktong nalanghap ang amoy ng bawang at sukang may sili.
"Hey, bakit—"
"S-sandali!" pabalikwas siyang napaalis sa kama, sabay takbo sa banyo. "Gwark!" at doon nagduduwal dahil sa pakiramdam na tila may humahalukay sa kanyang sikmura.
"Hey, what's wrong?" napasunod din sa kanya si Patrick Josh na agad na hinagod ang kanyang likod.
Pero hindi agad siya nakasagot, patuloy siya sa pagduduwal kahit na mapait na laway lang ang lumalabas sa kanyang bibig.
"Ano ba? What's wrong? Tatawag na ako ng doktor at—"
"N-no, I-I will be all right! N-nalamigan lang siguro ang sikmura ko dahil nagbabad ako sa bathtub kagabi," wika niya habang naghihilamos.
"Or maybe... you're pregnant?"
"H-ha?" awtomatikong napataas ang mukha ni Xandra at napatitig sa kaharap na salamin kung saan kita niya ang repleksiyon ni Patrick Josh.
"Are you?" tila naman napigil ang paghinga ng binata.
Oh my God! Oh my God!
Bigla siyang nagbilang sa isip...
That was two months ago... at sa pagkalibang niya sa atensiyong ibinibigay sa kanya ni Patrick Josh, hindi niya napansin ang pagliban ng buwanang dalaw noong nakaraang buwan...
"N-no! H-hindi man ako nagkaroon last month, p-pero imposible—"
"At bakit magiging imposible?" natatawang wika nito. "We're always making love. At wala akong ginagamit na proteksiyon. At sigurado akong wala ka ring ginagawa, hindi ba?"
Lihim siyang napalunok... oo nga pala...
"P-PJ..." litong napaharap siya sa binata.
"Hey, what's wrong? Hindi ka ba natutuwa? Magiging daddy na ako, at magiging mommy ka na!"
Napatitig siya sa mga mata nito... purong kaligayahan at katuwaan lang ang nabanaag niya sa mga matang iyon... at matinding pananabik...
"P-PJ... t-that's too early. K-kung p-paanong ganoon kadali tayong nagkarelasyon, g-ganoon din ba kadali magbubunga ang—"
"And so what? Time is immaterial. As long as we're happy, that's the more important, hindi ba?"
"P-PJ..."
"Now, I have my reason to ask you to marry me."
"H-ha?"
"Noon pa kita gustong alukin ng kasal. Pero baka nga masyado kang mabigla at natatakot akong tanggihan mo. So, I've decided to wait for the right time." Masuyo nitong ikinulong sa mga palad ang kanyang mukha.
"P-PJ, hindi naman komo nabuntis mo ako, kailangan mo ng panagutan. M-masyado pang maaga para—"
"Babes, nakikinig ka ba sa sinabi ko, ha? Noon pa kita gustong pakasalan. At ngayong magkaka-baby na tayo, hindi ako papayag na tanggihan mo."
"P-PJ..."
"Please?"
Napalunok si Xandra.
"P-paano kung... false alarm? B-baka hindi naman ako buntis."
"Ano ka ba? Hayan na nga, eh! Nagsusuka ka, hindi ka nagkaroon last month! Don't break my heart, baby, huh?"
"P-PJ..."
"I love you, I will always love you. Just remember that! Kahit na ano pang mangyari, mahal na mahal kita! Ikaw lang, sa iyo lang ako nagkaganito!" Isang maalab na halik ang ipinagkaloob nito sa kanya...
Napakurap si Xandra habang magkalapat ang mga labi nila... bigla ang paggitaw sa kanya ng isang malabong alaala... isang tinig ang tila umalingawngaw sa kanyang pandinig...
"I love you, I will always love you. Just remember that! Kahit na ano pang mangyari, mahal na mahal kita! Ikaw lang, sa iyo lang ako nagkaganito!"
"P-PJ!" bahagyang nanulak ang kanyang palad.
"Xandra, why?" maang na tanong ni Patrick Josh.
"I-iyong... huli mong sinabi... p-parang..." pero natigilan siya sa iba pang nais sabihin...
"What?"
"Ah, w-wala! B-baka... guni-guni ko lang." Naiiwas niya ang tingin dito.
"Anong guni-guni?"
"W-wala! I-iinom ako ng kape... p-parang nahungkag ang sikmura ko." Napahakbang siya palayo rito.
"Baka makasama sa iyo ang kape. Gatas na lang, o kaya ay juice."
"S-sige..." pero hindi pa rin mapalis ang biglang pagkabalisa na kanyang naramdaman dahil sa tila alingawngaw ng tinig na iyon...
I've heard those kinds of words before. Pero kailan, saan ko narinig? At ang boses na iyon... kaboses siya ni PJ?
________________________________
ANOTHER sleepless night...
Masuyong hinaplos ni Xandra ang guwapong mukha ni PJ na mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi...
PJ, are you for real? Totoo ba talaga ito? Bakit ang sarap mong magmahal? Bakit napapaligaya mo ako nang ganito? Bakit parang... gusto ko nang maniwala na ikaw na nga ang lalaking para sa akin... na sa wakas, natagpuan ko na ang tunay na kaligayahan at katahimikan ng buhay na aking inaasam? At itong baby sa tiyan ko kung meron nga... talaga bang kayo na ang bubuo sa kulang sa pagkatao ko?
Pabuntong-hiningang marahan at masuyong dumampi ang mga labi niya sa mga labi ng binata...
PJ, ayoko man, pero sigurado ako, I love you! Mahal na mahal na kita! Sino ba naman ang babaeng hindi magmamahal sa iyo? You're too good to be true. Napakabait mo sa akin. You'd never fail to make me feel that I am well-love.
Marahang kumilos si PJ, anyong nagigising.
"Xandra?" gulat itong napadilat nang maramdaman ang kanyang haplos.
"Ah, s-sorry, nagising kita. M-matulog ka na uli at—"
"No, mukhang may problema ka, ah!"
"Ha? Wala! Ano ka ba? I'm okay! I just want to caress your face."
"At bakit?" nakangiting inabot din nito ang pisngi niya at hinaplos.
"Wala lang. Bawal ba? Gusto ko lang naman, maging kamukha mo ang baby natin kung totoo ngang buntis ako."
"Talaga? Akong gusto mong paglihihan?"
"Puwede ba? Pero sabi nila, ikaw ang manlalata, ikaw ang magsusuka kapag ikaw ang napaglihihan ko."
"I won't mind! Basta para sa iyo, para sa baby natin, ha?"
"S-sige, sabi mo! Pakurot nga sa pogi mong mukha!"
"Aray! Ano ba?"
"Kakagigil ka!"
"Ikaw talaga! Halika nga! Sinira mong tulog ko!" At iglap lang, nahila na siya nito pahiga at naidagan ang sarili sa kanya.
"H-hey, a-ano na naman iyan?"
"Alam mo naman na hirap akong gumawa ng tulog, so, patulugin mo uli ako, ha? Pagurin mo ako!" sinimulan nitong halik-halikan ang kanyang pisngi, pababa sa may leeg.
"W-wait, k-kanina lang—"
"I need you... again..."
"B-baka makasama sa baby kapag madalas?"
"No, I will be more gentle. Babes, I love you... I love you more!"
Wala na siyang nagawa nang sakupin ng mga labi nito ang kanyang mga labi... at tuluyan nang pagkaisahin ang mga katawan nilang kapwa walang saplot sa ilalim ng kumot na nakatakip sa kanila...