Embracing The Forbidden/ Kabanata-9

1878 Words
KABANATA 9 SHE'S dreaming... "YOUR body is your lethal weapon! But in order to use your body as a weapon, you should know how to use it in a proper way. I know all of you were a virgin. Since your childhood, we've took care all of you! We've feed you, dress you, gave you home! And in return, you have to pay for that at the right time. At ang pinagdaanan ninyong mahihirap na training, ang mga kakayahang ipinagkaloob namin sa inyo, ang katalinuhan at kaalaman sa lahat ng bagay, lahat ng iyon ay dapat ninyong suklian ng katapatan!" Tahimik lang ang lahat ng kababaihang nakatayo nang diretso sa gitna ng malamig at maluwang na silid na iyon na puting-puti ang kapaligiran. Bawal gumalaw, bawal magsalita, bawal din kumurap... ang tanging puwede nilang gawin ay makinig... "And the right time is... now! After all the massive training that you have, it's about time to all of you to pay back! To do the dirty job! But before that, you should have the baptism of fire!" Lihim niyang nakuyom ang kamao, hanggang ngayon, kahit na anong klaseng brain-washing ang kanyang pinagdaanan sa nakalipas na mga taon, sa pinakakubling bahagi ng kanyang utak at puso, alam niyang may mali sa nagaganap... "You should lost it now! Your virginity! Magiging malaking hadlang sa inyo ang bagay na iyon para malayang makakilos sa mga susunod ninyong misyon." Lihim na naman siyang napalunok, lalong nag-apoy ang pagrerebelde sa kanyang dibdib... Ngunit anong magagawa niya? They have to follow all the rules... without questions! Ang boses ng babaeng iyon na hindi pa nila nakikita kailanman ay palaging umaalingawngaw sa kanilang pandinig, ang mga utos nito, ang mga babala, masyado iyong makapangyarihan at nagdudulot sa kanila ng malaking takot... takot na kapag hindi sila sumunod ay kamatayan ang magiging kapalit na kagaya ng iba nilang kasamahan na tinangkang sumuway... MULA sa islang iyon na may labing-dalawang taon nilang naging tahanan, sumakay ang may dalawampung magagandang babae sa isang yate at naglakbay sa malawak na karagatan, kabilang siya... upang bumalik na sila sa kalungsuran... "Now, we're here!" wika ni Anicia, ang pinakamabagsik na trainor na naging panginoon nila sa isla. Ang iba pang trainor na nakasama nila ay mababagsik din, mararahas mag-utos, mahigpit, malupit, ang munting pagkakamali ay may kapalit na malupit at masakit na kaparusahan... "At sa gabing ito, magsisimula na ang inyong misyon!" Matapos bumaba sa yate sa pribadong pantalan, isinakay sila sa isang van patungo sa kung saan... "Baba!" Isa-isang nagbabaan ang mga dalaga sa van. Nasa harap sila ng isang matayog na gusali, isang high-end condominium building. Sa ibaba niyon ay may iba't ibang establisamyento... "Doon tayo!" muling nag-utos si Anicia. Nang humakbang patungo sa main entrance ng condo ang babae, tila mga modelong naglalakad sa catwalk ang mga ito na sumunod... Sa ikasampung palapag ng condo, may kanya-kanya silang unit na inokupa. Fully-furnished ang one-bedroom unit, may magagandang damit at sapatos sa closet at cabinet, may mamahaling pabango, lotion at kung anu-ano pang pampaganda ng isang babae ang naroon sa harap ng salamin na nasa banyo. May mga gadget sa mesita, laptop, iphone, tablet, etcetera. Aakalain ninuman na isang kahili-hiling buhay ang nakatanda nilang maranasan dahil sa mga karangyaang naroon... Pero alam nila, iyon ang simula ng impiyernong buhay na kanilang matitikman... Matapos magpalit ng mas elegante at sexy na damit ang mga dalaga, dinala sila ni Anicia sa isang bar... Maharot ang lumalagabog na musikang pumupuno sa naturang lugar, ang mga kabataang nasa dance-floor ay hindi magkamayaw sa pagsasayaw na animo wala ng bukas... Sa loob ng inokupa nilang VIP room... "Here, inumin ninyo ang mga juice ninyo, it will help you to throw-away all of your inihibitions! And then, makakapagsimula na kayo sa inyong mga misyon!" Napatitig sila sa pulang likido na nasa mga kopitang nakahilera sa pahabang mesa... Oh my God! Anong klaseng juice ito? Ano ang nakahalo rito na magpapawala sa aming mga inhibisyon? "A-Anicia, a-ano ang nakahalo sa juice?" Napalingon sa kanya ang babae. "Talagang ikaw ang pinakamakulit, ano? May ecstacy pills iyan! It's a some kind of a drug that will throw away all your inhibitions, okay?" Natahimik siya, alam niya ang nais nitong sabihin... At wala silang choice kundi ang sumunod... Sa hudyat ni Anicia, sabay-sabay nilang tinungga ang laman ng mga kopita... No! No! pikit-matang inubos niya ang laman ng kopita, habang naghuhumiyaw ang pagtutol sa kanyang kalooban... lalabanan ko ito! Lalabanan ko! _______________________________________ "NO! No!" "Xandra! Xandra, wake-up!" "H-ha?" pasinghap siyang napadilat. "P-PJ?" tila naniniguro pa ang kanyang himig. "Yes, of course, it's me! What's wrong? Nightmare?" Nightmare? Ah, oo, iyon nga pala ang simula ng aking mga bangungot! "Ah, h-hindi! M-medyo... masama lang ang... pakiramdam ko..." "Ganoon ba? Ikukuha kita ng water?" "Ah... h-huwag na, m-matulog na lang tayo uli." "Are you sure?" "O-oo!" muli siyang umayos ng higa at pumikit. "Babes, kung may problema, just tell me, ha?" nahiga na rin sa tabi niya si Patrick Josh at kinuha ang kanyang ulo para iunan sa braso nito. "W-wala! Walang problema! N-naninibago lang ako sa... nararamdaman ko! G-ganito siguro talaga ang... b-buntis!" pagkuwa'y nagsiksik siya sa malapad nitong dibdib. "Ganoon ba? Buti pa ay lumuwas tayo bukas para makapagpatingin tayo sa OB at—" "H-hindi! A-ayokong umalis sa islang ito!" bigla siyang kumalas sa pagkakayakap dito at tumingala rito. "Pero—" "P-please, a-ayokong lumuwas, a-ayokong umalis sa isla!" "Sigurado ka? Pero kung buntis ka kasi, you should see an OB para—" "A-ayoko pa! H-hindi pa naman sigurado. A-ayoko pa!" "Okay," pabuntong-hiningang wika ni Patrick Josh. "Basta kung gusto mo na, at sigurado ka ng buntis, just tell me, ha?" "O-oo!" muli siyang sumiksik sa katawan nito at pumikit. Ayokong umalis dito sa isla! This place is my comfort zone! Pinilit niyang makatulog na muli... _____________________________________ BUT HER nightmare still haunted her... KAY-INIT ng kanyang pakiramdam, para siyang sinisilihan, pero para din siyang giniginaw... para siyang mababaliw dahil sa kung anong pakiramdam na iyon na naghuhumiyaw mula sa kaibuturan ng kanyang sinapupunan. Lumingap siya sa paligid, sina Glydel at Blanquita ay nasa gitna ng dancefloor, may kasayaw na mga macho na lalaki, mga guwapo pero mga mukhang brusko. Sina Kristal at Leandra ay nasa isang pabilog na mesa, may kausap na mga lalaking halos yakapin na rin ang mga ito... At ang iba pa nilang kasamahan ay nasa dance-floor na rin, may kanya-kanya ng nadampot na partner... They do dirty-dancing with them, iyon bang napaka-sensual ng bawat galaw ng balakang at baywang, kumikiwal na parang mga sawang nanunukso... nang-aakit... walang pakialam kung halos ay yakapin at halikan na ng mga kasayaw... Anong nangyayari sa akin? Anong nangyayari sa mga kasamahan ko? No! Ayoko ng ganitong pakiramdam! Bakit parang... gusto ko silang gayahin? Gusto ko ng... kasayaw na lalaki! Oh, anong gagawin ko? Dahil sa pakiramdam na anumang sandali ay susundin na niya ang ninanais ng kalooban at ng katawang-lupa na patuloy na nagbabalisa, pinilit niyang tumayo mula sa kinauupuan, hinagilap ng tingin ang pasilyong patungo sa restroom... Kailangan kong maghilamos! Kailangan ko ng tubig! Kailangan kong maligo! Hindi dapat magpatuloy ito! Halos pahapay na humakbang ang dalaga, ramdam niya ang panginginig ng kalamnan, ang panlalambot ng tuhod, habang patuloy na tila siya sinisilaban... Ngunit habang humahakbag siya, tila lalong sinisilaban ang kanyang pakiramdam... Oh! Parang nahihirapan akong— Bahagyang bumuway ang kanyang paghakbang dahil ngatog na ngatog na ang kanyang mga tuhod. "Miss, okay ka lang?" "H-ha?" ramdam niya ang paghawak sa braso niya ng isang lalaking sumalo sa muntik na sanang pagbaluktot ng kanyang mga tuhod. "Miss? I've said are you okay?" Bahagya siyang tumingala sa mukha ng matangkad na lalaki. Ngunit nasa parteng madilim na sila, bahagya lang umaabot sa kanila ang liwanag ng patay-sinding ilaw. "H-help me!" nagawa niyang sambitin, habang ramdam niya ang init ng palad na nakahawak sa kanyang braso... And she swear, she likes the heat of his palm... the touch of his fingers to her skin. "Bakit? Ano bang problema?" "G-giniginaw ako... n-naiinitan ako! P-please, a-alisin mo ako rito! N-nahihirapan akong huminga! Para akong sinisilaban!" tuluyan na siyang kumapit sa kamay nito. "Ha? Ah, sige, baka nga kung mapaano ka! Halika, dadalhin kita sa ospital!" Pero nang alalayan siya ng lalaki palabas ng bar na iyon, mas nagustuhan ng nanginginig niyang katawan ang init na nagmumula sa katawan nito... Humigpit ang kapit niya rito, napasiksik sa malapad na dibdib... sinamyo ang mabango at lalaking-lalaki nitong amoy... Hanggang maramdaman niya na isinakay siya nito sa isang sasakyan. Hilung-hilo siya kaya pumikit na lang muna... "O, upo ka lang, ha? Dadalhin kita sa ospital at—" "N-no! H-huwag doon!" "Saan kita dadalhin?" "G-gusto kong matulog, k-kahit saan... p-please!" "Okay, just relax, matulog ka lang!" hindi na siya kumibo, pumikit na lang at pilit na nilalabanan ang sumisilakbo pa ring damdamin... Kasunod niyon ay tila saglit na nagdilim na ang kanyang mundo... "Hey, wake up!" "Hmm... n-nasaan ako?" "You're here, sa unit ko! Wait lang, ha? Kukuha ako ng maligamgam na bimpo para mapunasan ka! Mukhang lasing ka lang at—" "N-no!" pero bigla siyang yumakap dito. "Hey—" "T-take me... k-kiss me!" lalo pa siyang naglambitin sa leeg nito. "Ha?" takang bahagya sana itong lalayo. "P-please? K-kailangan kita! K-kailangan kong init ng katawan mo! P-please?" kasunod niyon ay buong kapangahasang naniil ng halik ang mga labi niya sa mga labi nito... Hanggang hindi na niya namalayan ang mga sumunod pang pangyayari... "Hah!" pasinghap siyang napadilat. Anong... Napalingap siya sa paligid, malamlam ang liwanag ng pulang-ilaw ng lampshade, pero ramdam niya ang lamig na nagmumula sa aircon... at ramdam din niya ang init ng balat na nakadikit sa kanyang hita. No! No! Gimbal na gimbal siya nang malingunan ang isang lalaking walang anumang saplot, nakadapa sa kama at mahimbing ang tulog. At sa nararamdaman niyang kirot sa bahaging iyon ng pagkatao, alam niya, naganap na ang lahat... No! Mama, Papa! Bakit ninyo ako iniwan? ______________________________________ "MAMA, P-papa... Ma!" "Xandra, wake up! Xandra!" "H-hah! P-PJ?" "Yes, it's me! Nananaginip ka na naman!" "P-PJ!" humahagulgol na napayakap na lang siya sa binata. "Hey, what's wrong, huh?" "P-PJ, n-natatakot ako!" "Saan?" Pero wala siyang maisagot dito, paano naman kasi niya sasabihin sa binata na ang kinatatakutan niya ay ang kanyang nakaraan na kung bakit ngayon pa nagpapabalik-balik sa kanyang panaginip... sa malabangungot na paraan "Babes, makakasama sa baby ang pag-iyak. Tama na iyan, ha?" Napahikbi na lang siya, gusto man niyang tumigil sa pag-iyak, paano? Ngayong na-realized niya na hindi pala ganoon kadaling takasan ang nakaraan... "Xandra, ano ba?" "P-PJ... p-paano kung... hindi ako buntis? P-pakakasalan mo pa ba ako?" "Oo naman!" "P-paano kung... ayoko?" "Xandra!" "I-I'm sorry, n-naisip ko lang iyon. S-sorry." "Xandra, please, huwag ka namang ganyan. Don't you ever say that again, ha? Mamamatay ako kapag nawala ka sa akin!" "P-PJ!" Napakurap ang dalaga... hayun na naman ang mahinang tinig na tila bumulong sa kanya... "Mamatay ako kapag nawala ka sa akin!" What was that? Ang mga katagang iyon... narinig ko na! Ang boses na iyon... bakit kaboses ni... PJ? Ilang sandali siyang napatitig sa mukha ng binata... "Xandra..." "H-ha?" "Do you want a glass of milk? Tatawag ako sa ibaba para—" "N-no... I-I'm okay. M-matulog na lang tayo uli, ha?" "Sure ka?" "O-oo..." "Okay!" Magkayakap silang nakatulog...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD