KABANATA-1
"WHEW! Akala namin, bibigay ka na, eh!" natatawang wika ni Brent John nang makapasok na sila ng elevator at unti-unting sumara ang pinto niyon.
"Oo nga! Kinabahan kami, ha?" naiiling na wika din ni Ivan.
"I know it's not yet time. I don't want to jeopardize my mission here." Nagkibit-balikat lang si PJ.
"Good! Tatlong taon mong hinintay ito. Anyway, don't be too obvious! Kahit sino ay magtataka kung palagi kang ganoon sa kanya."
"I know. Pero wala naman akong pakialam sa ibang taong nasa paligid. All I care about is her. But don't worry, I'll make it slowly."
"Panindigan mo iyan, ha?"
"Sure!"
Pero ang puso ni Patrick Josh, tila nagririgodon na sa kaba at excitement, at sa pananabik...
Xandra ... oh Xandra... how can I hold my heart? Kanina lang ay muntik na akong bumigay ng maramdaman kita sa tabi ko! Parang gusto kitang yakapin... siilin ng maalab na halik! Ah, nababaliw na talaga ako!
Pinilit na lang niyang hamigin ang sarili.
"Ah, didiretso na muna ako sa penthouse. I need a cold-shower para makapagbihis na rin."
"Ganoon ba? Sige, sumunod ka na lang sa office before lunch para mai-turn over ko sa iyo ang ibang papeles, ha?"
"Okay!" lalong na-excite si Patrick Josh, may iba kasi siyang plano... isang magandang plano na kahit paano ay titighaw sa nadaramang pananabik ng puso...
_________________________________________
"UY! Ano iyon, ha?"
"H-ha?" napapitlag pa si Xandra nang tapikin ni Myla sa balikat habang palabas sila ng elevator.
Front-desk receptionist sa lobby ng hotel at kasamahan niya sa kuwarto ang babae, nakapalagayan na rin ng loob at naging kaibigan sa nakalipas na tatlong taon ng pagtatrabaho niya sa resort...
"A-ang alin?" maang na tanong ng dalaga nang masulyapan ang mga mata nitong tila kumikislap sa kilig at pagtatanong.
Napapabilis tuloy ang paghakbang niya sa mahabang pasilyo para makalayo sila sa iba pang kasamahan na pabalik na rin sa kani-kanilang puwesto.
"Ang alin ka riyan? Maang-maangan ang peg?" umirap pa ito sa kanya.
"A-ano ka ba? A-ano bang pinagsasabi mo?" lalo naman siyang kinabahan... nabubulol pa.
"Xandra, nakita ko, nakita naming lahat kung paano ka tinitigan, pinansin, kinausap at kinindatan ni Sir Patrick Josh, or, shall I say Sir PJ mo dahil iyon ang gusto niyang itawag mo sa kanya!" lalo namang naging mapanudyo ang babae.
"A-ano ka ba? Ano bang pinagsasabi mo?" ulit niya sa tanong.
"Ang sinasabi ko, I think he likes you!"
"Myla!" Napahumindig siya sa sinabi nito.
"Nakakainggit naman! Alam mo bang pangarap kong magustuhan, o mapansin man lang kaya ng isang kagaya niya. To top it all, isang Fuentebella ang pangarap kong maging jowa. Iyon ang isa sa matinding dahilan kaya nagtitiis ako sa islang ito! For three years ng pagtatrabaho ko rito sa resort, hanggang ngayon, umaasa pa talaga akong magugustuhan ng kahit na sino sa Fuentebella men na nagagawi rito. Pero wala, eh! Until now, mukhang hindi pa rin papasa ang beauty ko sa kahit na kanino sa kanila. Buti ka pa, sa isang sulyap lang niya sa iyo, mukhang na-hook mo agad siya."
"Oy, Myla, tumigil ka nga! Hindi ako assuming, ano?" inirapan niya ang kaibigan.
Pero ang totoo, lihim siyang kinikilig, kahit kinakabahan.
"Ows?"
"Tse!" mas binilisan pa niya ang paghakbang para makaiwas sa panunukso nito...
Kagaya rin ng mas bumibilis pa ang t***k ng kanyang puso sa isiping baka totoo ang sinasabi ni Myla... baka nga natipuhan siya ni Patrick Josh Fuentebella...
At kapag nangyari iyon, how can she deal with it...
________________________________________
"N-NGAYON na?" maang na tanong ni Xandra sa bellboy na lumapit sa kanya.
"Yes, Ma'am! Katatawag lang ni Sir Patrick sa front desk, pinaaakyat ka sa penthouse."
"Ah, okay! Sige, aakyat na ako." Pero nagsimula na namang kabahan ang dalaga.
Bakit kaya? Wala pang isang oras mula nang dumating siya, ah! Baka io-orient na ako sa mga gusto niyang ayos sa kanyang penthouse unit? Pero kailangan ba talagang ako ang personal na mag-maintain sa penthouse unit niya? Trabaho ko lang na i-supervise ang mga chambermaid sa gawain nila, pero hindi ako ang dapat na gagawa. Isa pa, sa dami ng hawak kong tao, baka kapusin ako sa oras. Hay! Pero ano nga ba ang magagawa ko? It's a request from the CEO. Sana lang... sana ay hindi niya ipinagagawa sa akin iyon dahil... may iba siyang motibo.
Napailing si Xandra sa huling naisip...
No! That's impossible! Wala naman sa tipo niya ang magti-take advantage sa kanyang empleyado? Siguro naman ay hindi ako makakaranas ng s****l harassment mula sa kanya. And besides, sa guwapo niyang iyon, hindi niya kailangang mambastos ng babae. Every woman could be willing to jump into his bed with a single snap of his finger.
Muli siyang natigilan sa huling naisip...
Kabilang ka ba sa kanila? tudyo ng sariling konsensiya.
No! Of course not!
Napapiksi siya sa pangangantiyaw ng sariling konsensiya... pero bakit parang lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa huling naisip...
Jumping into his bed with a single snap of his finger... and then what? Willing to make love with him?
Stop it, Xandra! Huwag na huwag mong kalilimutan kung ano ka talaga? Wala kang karapatang makaramdam ng kahit na ano para sa isang tao... lalo na sa isang lalaki. Ang kailangan mo lang gawin ay manatiling alerto, mapagmasid sa paligid, at palaging handa. Wala ka pa ring karapatang mapanatag sa isang lugar kahit na tatlong taon ka na rito. Mahirap na, baka malingat ka...
Napapiksing muli ang dalaga, pagkuwa'y pabuntong-hiningang tinungo ang private lift na paakyat sa penthouse unit ng bagong CEO at ginamit ang sariling keycard na may access sa lahat ng unit at lift ng hotel...
Pagbukas ng private lift ay sumalubong na sa kanyang paningin ang maluwang na receiving area.
Ang buong lugar, ang mga appliances at furniture na naroon ay nangungusap ng karangyaan...
Napangiti si Xandra. Sa maraming beses na nakakapasok siya sa naturang lugar kapag ipinapalinis at pinaaayos niya, hindi pa rin maiwasan ng dalaga ang mamangha sa ganda ng penthouse unit.
Hay, ang ganda talaga rito. Ang sosyal, parang ang sarap mag-stay. Ang lamig at ang tahimik. Sabagay, nababagay lang ang lugar na ito sa kung sinumang CEO na uupo sa puwesto. And now it was him!
"Ang tagal mo naman!" Noon biglang bumukas ang isa sa pintong naroon.
"Ah, S-sir PJ, s-sorry kung-"
"No, it's okay!" nakangiting humakbang palapit sa kanya ang binata, his eyes lock into her eyes na para bang hinihipnotismo siya. "Ang importante, narito ka na, hindi ba?" at namungay pa ang mga mata.
"Ah, o-oho..." lihim siyang napalunok... kung nakakalukso lang siguro ang kanyang puso, baka lumabas na iyon sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng t***k niyon...
Now he's wearing white t-shirt and maong pants, halatang bagong shower dahil humahalimuyak sa paligid ang ginamit nitong liqud soap at after-shave.
And he looked so fresh, parang ang bangu-bango, ang sarap pagmasdan...ang sarap samyuin, ang sarap...
Aw s**t! inaway ni Xandra ang sarili.
"Ah... a-ano ho ba iyong ipapagawa ninyo at-"
"First of all, kapag tayong dalawa lang, I don't like you to call me Sir PJ. Just PJ, okay?"
"P-pero-"
"And I don't like that terms ho, oho, opo, hindi ho! My God! It's annoying, you know?"
"K-kasi-"
"Anyway, sa mga unang pagkakataon ay palalampasin ko kung magkakamali ka ng pagtawag at pagsagot sa akin. Pero aasahan ko na sa mga susunod na araw ay masasanay ka na rin kung paano ako tatawagin at kung paano ako sasagutin, okay?"
"O-okay, Si-ah, I-I mean... P-PJ!"
"Whoo! You're a fast learner! I like that, babes! Anyway, gusto ko lang itanong sa iyo kung ano kayang magandang ipabago rito sa receiving area? Para kasing masyadong masculine ang ayos. Ewan ko ba kay Brent John, wala yata talagang mata sa interior decorating. Ako kasi, I want my place to be look more pleasant. Iyon bang para akong nasa bahay lang at hindi nasa hotel. "
"Ah, g-ganoon ho ba?"
Babes? It's just an endearment, or what? pero iyon sana ang gusto niyang itanong.
"Yeah. Look at the wall, navy blue na nga ang kulay, pati kurtina, kulay asul."
"Ah, baka kasi lalaking-lalaki lang si Sir Brent John kaya-"
"And what do you think of me, hindi lalaking-lalaki?" bahagyang kumunot ang noo ni Patrick Josh.
"Ah, n-no, Sir - I-I mean P-PJ!" bigla tuloy siyang nag-panic nang ma-realize na may mali nga yata sa nasabi niya. "A-ang ibig ko lang sabihin-"
"Anyway, let's not talk about that, huh?" Humakbang pa ito ng tatlong hakbang palapit sa kanya at huminto ng halos ay isang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.
Ngayon ay mas langhap na langhap na ni Xandra ang lalaking-lalaki nitong amoy na lumakip sa mamahaling pabango na gamit nito. "Afterall, matagal pa naman tayong magsasama sa resort na ito. I have all the time in this world to prove that I am more than a man to any man that you've already met."
"P-PJ..." napigil naman ng dalaga ang mapapikit dahil sa pagkalanghap sa kabanguhan nito...
"Ah, siyanga pala, nakatawag na ako ng room-service. Nagugutom na kasi ako. Anytime ay darating na iyon. So, kapag dumating ay ipaayos mo sa terrace ng silid na iyan, ha?"
"Ah, s-sige."
"Then, let's eat together."
"H-ha?"
"Hindi ako sanay kumain ng walang kasalo. It's so boring, so, saluhan mo ako."
"P-pero-"
"Magtu-twelve na, it's lunch time. And besides, mas magiging maayos ang pag-uusap natin kung busog tayo. So, just wait for the room-service. Bababa lang ako sandali at may sasabihin ako kay Brent John. Just stay here, okay?"
"O-okay..." tanging naisagot ni Xandra.
"Good! Wait me here!" Iyon lang at humakbang na ito patungo sa private lift. "Ah, siyanga pala, pakiayos ang sapin ng kama. Medyo tabingi ang pagkakalagay ng sapin."
"Y-yes... P-PJ..."
Bumukas na ang pinto ng private lift, humakbang ito papasok at humarap sa kanya...
Unti-unting sumara ang lift... nanatiling nakatitig sa kanya ang binata, nakangiti... tila umiilaw ang kakaibang kislap sa mga matang iyon... tila nanghihipnotismo na naman... tila nang-aakit...
At naaakit siya...
Hanggang tuluyang nawala sa kanyang paningin si Patrick Josh...
Oh God! What was that? Bakit ganoon kung titigan niya ako? At bakit parang may kakaiba sa pinagsasabi niya? Parang... may ibig siyang sabihin? Tama ba si Myla sa pagsasabing... natipuhan ako ng lalaking iyon?
Sa wakas, pinagbigyna ni Xandra ang sarili na ilang ulit na mapalunok dahil sa pakiramdam na tuyung tuyo ang kanyang lalamunan...
Ang isang bahagi ng kanyang utak na nagbibigay sa kanya ng mga babala ay inuudyukan siyang iwanan na ang lugar na iyon, tumakas na... takasan ang lalaking biglang-bigla ay lumilito sa kanya...
Pero ang isa pang bahagi ng kanyang utak ay pilit siyang pinakakalma...
No! He's one of the owner of this resort, he's my boss. Maliban sa... kakaibang pakiramdam na idinudulot ng presensiya niya sa akin... dahil lalaki siya at babae ako, I believe that he can't do any harm to me. I should still stay here. This is the only safe place for me. Nasubok ko na iyon sa nakalipas na tatlong taon. At nangako sila sa akin, magkakaroon ako ng normal na buhay kung susundin ko ang mga bilin nila. Kaya hindi ako dapat umalis... hindi ako dapat tumakas!