KABANATA 3
"YOU'RE crazy! Akala ko nagkakaintindihan na tayo!" naiiling na lang na wika ni Brent John.
"Hayaan mo na ako, hindi ko talaga mapigil, eh! Gusto ko na siyang makasama, makita... maramdaman sa tabi ko." Pahinamad na naupo sa swivel chair si PJ.
"Bahala ka na nga! Huwag mo akong susumbatan kapag may nangyaring bulilyaso sa mga plano mo, ha?"
"Oo na!"
"Okay! What if hindi na lang muna ako umalis dito?"
"You're badly needed in Manila. Isa pa, kaya ko ito."
"Kaya? Tatlong taon ka nang nababaliw, kaya?" medyo intense na wika ng lalaki.
"Oo naman! As long as she's here, kakayanin ko. Lumuwas ka na. Kung may problema naman, nariyan lang si Ivan Hendrick at iba pang tao natin."
"Si Ivan? Hah! Isa pang nababaliw iyon! Nakita mo't nagtitiis dito sa isla kahit matagal na siyang tinatawagan ni Devon Drew para bumalik sa lungsod. Ewan ko ba sa inyo! Ang tatapang ninyo, kahit bala ng baril hindi ninyo inuurungan, pero sa babae lang, nagpapatalo kayo!"
"Sabihin mo iyan kapag nakilala mo na ang babaeng para sa iyo at nagawa mong kontrolin ang puso mo!" natatawang wika ni PJ.
"Hindi mangyayari sa akin iyon, PJ. I will never let my heart control my mind! Babae lang iyan! Ang daming nagkakandarapa sa akin, ano?" punung puno ng kumpiyansa ang himig ni Brent.
"Ows?"
"Oo naman! ako pa!"
Okay, let's wait and see! I am sure, the day will come that you'll going to swallow every single word that you have said!" naging mapanudyo ang himig ni PJ, naghahamon.
"Wanna bet?"
"Sure! Anong pusta mo?"
"Sagot ko ang kasal ninyo ni Xandra!"
Bahagyang natigilan si PJ, kasal? The sweetest word that he heard for today.
"Okay, ah! Pero paano ako makakasingil sa panalo ko kung pakakasalan ko na siya after two or three months of courting her? As you have said, nababaliw ako sa kanya. Paano kung after one or maybe two to five years pa bago ka makatagpo ng babaeng kasukat mo?" mataginting ang tinig ng binata, kaysigla dahil sa mga espekulasyong nabubuo sa kanyang isip at puso.
"Don't worry, hindi ako balasubas, okay? Ire-refund ko ang nagasta mo sa kasal even a single centavo. How about that, huh?"
"Okay, ah! Sige! At ano naman ang gusto mong ipusta ko kapag natalo ako?"
"How about, your favorite Simaron in San Joaquin?"
Bahagyang natigilan si Patrick Josh, Simaron is his favorite horse. It's an imported and high-breed horse na anim na taon na niyang alaga at isa sa dahilan kung bakit sa kabila ng pagiging busy sa mga nahahawakang misyon ay nagpipilit pa rin siyang makasaglit sa San Joaquin para alamin kung ayos lang ang kanyang kabayo.
Isa pa, may isang pagkakataon na iniligtas ng alaga ang kanyang buhay... noong mga panahong pilit sana niyang kinakalaban ang pangungulila sa babaeng gumugulo sa dating mapaglarong puso...
Sa pagnanais niyang makalimot noon, naglagi siya ng San Joaquin, nag-ermitanyo, natutong uminom. At minsan, sa kalasingan habang nag-iikot sa Rancho Fuentebella ay nahulog siya sa kabayo.
At ang tanging kasama ni PJ at nakasaksi sa pangyayaring iyon ay ang kabayong sinasakyan, si Simaron. Pero sa halip na iwanan siya ng alaga matapos mawalan ng magkokomando rito kung saan pupunta, tila taong may isip na kinagat nito ang dulo ng kanyang pantalon, saka hinila patungo sa mga taong makakatulong sa kanya upang madala sa pagamutan at malapatan ng lunas ang dumudugong sugat sa noo...
Kaya paano niya gagawing pamusta ang matalinong kabayo...
"Ano? Are you afraid to lost your horse dahil alam mong hindi mangyayari sa akin ang sinabi mong mababaliw ako sa babae?" nangangantiyaw ang himig ni Brent John.
"Of course not! I'm very confident na mapaparis ka rin sa akin when you find your woman. So, ipupusta ko ang aking kabayo kapalit ng pagsagot mo sa kasal ko."
"Whoo! Talaga? Okay, deal! But what makes you sure na matatalo ako?" tatawa-tawang wika ni Brent John.
"Because you're a Fuentebella. And there's an old saying that Fuentebella men are capable to lost their sanity when they find the woman of his life. And I'm sure, hindi ka maiiba sa amin... it's in our blood!"
Lihim na natigilan si Brent John... parang gustong kabahan...
"Really? Well, at last, there's someone whose going to break that old saying!" pero hindi ito paaapekto sa sinabi ng pinsan... "Never! Never na mangyayari sa akin na mabaliw sa babae!" wika pa nito.
"Talaga lang, huh? Af as I remember, there were times na sinabi ko rin iyan. And look what happened to me! Kinain ko lahat ng sinabi ko. But who cares? No amount of words can explain how happy I am by just loving her."
"Kahit para kang dumadaan sa butas ng impiyerno to completely having her?"
"Yeah! Kahit ilang butas ng impiyerno, papasukin ko, just to have her!"
_____________________________________
"WOW! Ang sarap naman ng food! Nabusog ako, ah! Hmm, ikaw, nabusog ka ba?" nakangiting tanong ni Patrick Josh habang hinahagod pa ang tiyan, tila kumikislap ang mga mata nito sa kaligayahan.
"Ah, y-yes, Si – I mean, yes, P-PJ!" pero ilang na ilang pa rin si Xandra na sambitin ang pangalan ng bagong boss.
"Good! Pero pahinga muna tayo rito sa terrace, ha? Ang sarap ng hangin, hindi ba? Saka kahit tanghaling-tapat, hindi mainit."
"Ah, y-yes, Sir! B-but I think I have to be back on my work dahil—"
"Don't worry, ibinilin ko na sa assistant head mo na siya na muna ang bahala sa mga hawak mong tao."
"H-ha?" lalong nagulat ang dalaga.
"May mga ipapaayos nga kasi ako sa iyo. But let me remind you again. Don't call me sir. I'm not your professor. Copy that?" pero nakangiti pa ring wika ng binata na tila kumikislap ang mga mata na tumitig pa mga mata niya.
"Ah, s-sorry, s-sige, P-PJ..." naiiwas ni Xandra ang tingin dito.
Hindi lang ang kanyang puso ang tila kumikislot-kislot sa kakaibang pagtibok, there is something inside her na tila mas nagiging aligaga sa pagpintig dahil sa paraan nang pagtitig sa kanya ng lalaking ito?
Was it because of her hormones?
Oh no! Not me! Not now! Hindi ako ganoon! Kahit kailan, walang lalaking maaaring makapukaw sa damdamin ko bilang isang babae dahil... dahil wala akong karapatang maramdaman iyon!
"Okay! Hey, doon tayo sa gilid."
"H-ha?" muli siyang napapitlag.
Oh no! Nagiging madalas yata ang pagkatulala ko! Behold yourself, Xandra!
"C'mon, ang ganda ng tanawin, hindi ba?" tumayo ang binata at walang paalam na hinawakan siya sa kamay at hinila patungo sa may gilid ng terrace.
"W-wait!" pero napilitan na siyang tumayo para hindi madapa... kahit pa tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa pakiramdam na parang may mumunting boltahe ng kuryenteng nanunulay sa mga palad nilang magkadaop... mumunting boltahe na kumikiliti sa kanyang hinahon.
"See? Ang ganda rito, hindi ba?" binitiwan naman nito ang kamay niya at nakapamaywang na tumanaw sa malawak na karagatan.
"O-oo nga!" nakitanaw na rin si Xandra sa malawak na karagatan at maberdeng bahagi ng isla, gayundin sa puting dalampasigan na maraming guest at turistang naglalakad.
At lihim siyang nagpasalamat dahil sa wakas, nakalaya na rin ang kanyang kamay.
"Alam mo, noong bata pa ako, bored na bored ako kapag nagpupunta kami rito ng parents ko at mga kapatid. Para kasing ang layo sa kabihasnan. Pero sa madalas naming pagpunta rito, lalo na noong nakakasabay kong mga pinsan ko at nae-explore namin ang paligid, hanggang doon sa pinakaliblib na bahagi ng kasukalan sa islang ito, nagustuhan ko na rin ang buhay dito. Kapag bakasyon sa school, palagi na akong excited na magbakasyon dito. Pero nang makatapos na ako at nagtrabaho sa lungsod at kung saan-saang bansa na nakakarating, nawalan na rin ako ng time na makapunta rito. And I'm so glad na ngayon ay ako na ang mamamahala sa resort na ito."
Ano naman ang pakialam ko? pero sa isip lang ni Xandra iyon.
"T-talaga, P-PJ? P-pero bakit hindi mo isinama ang girlfriend o misis mo, o ang pamilya mo para mas ma-enjoy mo ang pamamalagi rito?" pakaswal niyang tanong.
Huli na nang ma-realized ni Xandra na may mali na naman yata sa kanyag nasabi.
"What? Asawa, pamilya? Oh, I don't have one!" natatawang lumingon sa kanya ang binata at tumitig sa kanyang mga mata, nakasungaw ang kakaibang amusement. "At kung ang gusto mong itanong ay kung may girlfriend akong naiwan sa lungsod, lalong wala!" nanunudyo ba ang kislap ng mga mata nito,?
"Ah, h-hindi ko naman gustong alamin kung may girlfriend o asawa ka kaya ko—"
"It's okay! Sinagot ko na para mawala na ang curiosity mo." Natatawa pa rin ang binata.
"Ah, wala naman akong ibig—"
"I've said it's okay. Don't be too defensive!" lalong tila na-amused si PJ sa kanya.
"H-hindi naman ako—"
"Hey, it's okay! Anyway, nakakapasyal ka ba sa kabuuan ng islang ito kapag day-off mo?" Kusa na nitong iniba ang usapan.
"Ah, m-minsan, kapag nayayaya ako ng mga kasamahan ko rito. P-pero hindi ako sumasamang lumuwas sa bayan. Nagpapabili na lang ako ng mga personal kong gamit."
"Talaga? Aren't you bored? Three years ka na rito, hindi ba?"
"O-oo. P-pero paano mo nalaman na three years na ako rito?"
"Siyempre naman, I am the boss. Binasa kong profile mo."
"Ah, g-ganoon ba?"
Agad? Binasa mo agad ang profile ko kahit ngayon mo lang ako nakita? How about the other staff, binasa mo rin ba ang profiles nila? guso sana niyang itanong.
"Yeah! Anyway, may... boyfriend ka ba sa mga kasamahan mo rito?"
"H-ha?" nagulat siya sa tanong na iyon.
"Well, sorry for that too personal question. Sa ganda mo kasing iyan, imposibleng walang hindi magpapapansin sa iyo rito. Siguro, ang dami mong admirers, ano? Mga kasamahan mong empleyado at kahit mga guest dito."
"Ah, s-sorry, Sir, a-ayokong pag-usapan ang personal na buhay ko!" sa wakas ay nagawa niyang barahin ang binata.
"Hey, sinabi ko naman sa iyong ayoko ng sir at—"
"S-susundin kita, kung susundin mo rin ako na huwag p-pag-usapan ang personal kong buhay."
"Xandra!"
"S-sorry, p-pero gusto ko lang lagyan ng limitasyon ang pagiging boss mo at pagiging empleyado ko. A-and since narito ako dahil may mga pagagawa ka, baka naman puwedeng simulan na natin?"
Congratulations Akalain mong nasabi mo iyon nang diretso? bati niya sa sarili.
Ilang sandaling natahimik si Patrick Josh, mayamaya ay napabuntong-hininga.
"Okay –okay, I'm sorry, masyado yata akong naging kumportable. Anyway, pasok na tayo sa loob para masabi ko na sa iyo ang mga bagay na gusto kong ipaayos at ipabago sa iyo." Sa wakas ay nag-pormal na ang binata.
"Thank you, Sir... ah, I mean, P-PJ!"
Parang gusto nang makahinga nang maluwag ni Xandra, pero ramdam niya na hindi pa talaga dapat...
Dahil sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita niya kung paano siya sulyapan, titigan at pagmasdan ni Patrick Josh...
Talagang may kakaiba sa kilos nito at trato sa kanya.....
Beware, Xandra! Alalahanin mo, your life isn't normal. At hindi magiging normal kailanman ... kahit pa may makilala kang kagaya ng isang iyan! lihim na babala ng dalaga sa sarili.