KABANATA 4
"GRABE! First day niya bilang CEO ng hotel-resort, pero maghapong ikaw ang inasikaso!" impit na tili ni Myla na tila excite na excite.
"Myla, ano ka ba? Hindi ganoon iyon! Siya ang inasikaso ko. May mga ipinaayos at ipinabago lang sa akin si Sir PJ sa penthouse unit kaya-"
"Maghapon? And take notie, hindi siya umalis, naroon din siya habang nag-aayos ka. As in kayong dalawa lang!" lalo namang naging eksaherado ang reaksiyon nitp.
"A-ano naman ang problema roon? He's our boss! And he's a gentleman!" at lalo na namang naging defensive sa pagpapaliwanag si Xandra. "Kahit na kaming dalawa lang ang magkasama roon, wala naman siyang naging masamang kilos. Ni hindi niya ako hinahawakan. Itinuturo lang niya sa akin ang gagawin. Pinapalitan niya ang kurtina at may mga ipinabagong ayos ng appliances at furniture. Well, kapag mabigat ang mga iuusod na gamit ay siya ang gumagawa."
"Iyon na nga! Hindi siya tumawag ng kahit na sinong tao rito sa hotel dahil ang gusto niya ay masolo ka! Ayaw niya ng istorbo!"
"Grabe ka naman! Masolo talaga?"
"Oo naman! At ano bang itatawag ko sa ginawa niya? Kaydami-dami niyang dapat munang asikasuhin bilang bagong CEO, talagang ikaw ang inuna niya."
"Ewan ko sa iyo, medyo marumi yata ang utak mo!" nairapan ni Xandra ang kaibigan.
Kahit ang totoo, iyon din ang itinatanong niya sa sariloi.
"Ewan ko rin sa iyo. But girl, I'm telling you this, huh? Remember this! Sigurado akong type ka ng lalaking iyon. At sigurado ako, one of this day, gagawa na ng move iyan para makuha ka!"
"Tumigil ka, ha? Naiinis na ako, masyado kang malisyosa!" naggalit-galitan siya.
Pero sa kubling bahagi ng utak ni Xandra, alam niya, may bahid ng katotohanan ang sinasabi ng kaibigan.
Hindi siya manhid, hindi rin tanga... dahil kanina, habang magkasama sila ni Patrick Josh sa unit nito, hindi lang isa, o dalawa, kundi maraming beses niyang nahuli ang pagtitig sa kanya ng binatang CEO.
Mga titig na kapag nahuhuli niya ay hindi naman nito agad na binabawi, sa halip ay lalo pa siyang tinititigan, saka ngingiti. Sa huli, siya ang unang nag-iiwas nang tingin dahil sa pagkailang...
Kailangan kong mag-ingat... kailangan kong umiwas. Kung anuman ang pakay niya sa akin, kailangan kong iwasan.
___________________________________
PERO sa malas, talagang wala ng magagawa si Xandra para iwasan si Patrick Josh...
"S-Sir... ah, I-I mean, PJ, ang aga pa! Kailangan ko pang i-orient ang mga tao ko dahil may mga darating na guest na may gaganaping team-building seminar at-"
"Naibilin ko na iyon kay Aicelle, siya na ang bahala sa mga tao mo. Just come to my unit, okay?"
"P-pero-"
"That's an order." Pero malumanay naman ang himig nito mula sa kabilang linya, tila inaantok, halatang bagong gising.
"Ah, y-yes, Si-P-PJ!"
"Good! Bilisan mo, ha? Gutom na ako. Bye!" Nawala na ito sa kabilang linya.
Gutom na siya? Bakit? Ako ba ang may dala ng room-service niya?
Naiiling na lang na tinungo na niya ang private lift at sumakay doon...
Malamig ang paligid ng receiving area...
"P-PJ..." tawag ni Xandra.
"I'm here, dito sa kuwarto! Pasok ka!"
Oh my! Sa kuwarto agad niya? Ano na naman kaya ang ipapagawa?
Pero wala siyang choice kundi humakbang papasok.
"P-PJ?"
"Come, dito sa terrace!"
"O-okay..." parang gusto niyang makahinga nang maluwag dahil sa terrace naman pala siya pupunta, at least, nasa open air sila.
"O, nariyan ka na pala. Upo ka na, then, let's eat breakfast!"
"H-ha?" napamaang na lang ang bibig ni Xandra nang makita ang nakahandang pagkain sa mesang naroon.
American breakfast, plus a basket of fruit and a dozen of red-roses by the side.
"S-sir, p-pati ako, k-kakain?"
"But of course! And it's PJ, okay? Ilang beses ko ipapaalala?" punung-puno ng amusement ang himig ng nakangiting binata habang nakatitig na naman sa kanya.
At siyempre pa, hindi na naman mapigilan ni Xandra ang rumaragasang daloy ng kanyang dugo sa mga ugat at tila tinatambol sa kabang dibdib... tila may kung ano na namang kumikislot sa kanyang sinapupunan...
Ah, bakit kasi hindi, kaybangu-bango ni Patrick Josh, ang guwapu-guwapo rin nito sa suot na white v-shape shirt at pantalong maong. Hindi ito mukhang CEO ng resort sa ayos na iyon, pero mukha naman itong ramp-model, o artista, iyong tipong heartthrob ang dating na walang humpay na titilian ng mga babae dahil sa sobrang paghanga dito...
He looks so hot!
Oh, s**t! Kung anu-ano na naman ang naiisip ko!
"P-pero P-PJ, I don't usually eat breakfast and-"
"And why is that? Nagda-diet ka to become more sexy?"
"H-ha? H-hindi-"
"Don't bother! Ang sexy mo na kaya! Bagay na bagay nga sa iyo ang uniform mo. Pero siguro, mas bagay sa iyo ang casual dress."
"H-ha?"
"Anong isinusuot mo kapag namamasyal ka sa kabayanan pag day-off mo?"
"Ah, h-hindi nga ako nagdi-day-off. I-I mean, hindi ako pumupunta sa kabayanan mula nang... m-magtrabaho ako rito sa resort. M-mula ng magtrabaho ako rito, h-hindi ako umalis ng resort."
"Ha? Talaga? Hindi ka nabo-boring dito?"
"S-sanay na ako. At ayoko kasi ng... m-magulo. N-nasanay na akong manirahan dito."
"Ganoon? Sabagay, ako rin, madaling makapag-adjust sa isang lugar. Lalo na kung may dahilan akong mag-stay."
"H-ha?"
"Ah, kumain na tayo! Although kahapon ang first day ko, pero hindi ako nakapaglibot sa paligid at hindi ako nai-briefing ni Brent John. Ngayon na lang para maaga pa."
"K-kasi-"
"C'mon, I've told you, ayokong kumain ng mag-isa. And one thing more, samahan mo akong mag-ikot mamaya, ha?"
"P-PJ-"
"Naibilin ko na kay Aicelle ang trabaho mo, she'll take over for today, hmm?"
Wala ng masabi si Xandra... pakiramdam niya ay hindi talaga siya palulusutin ng lalaking ito...
Sa huli, magkasalo silang nag-breakfast...
At hindi lang naging magana sa pagkain si PJ, pati siya ay maraming nakain... at bakit hindi, sobrang maasikaso ang guwapong binata. Halos ay subuan na siya...
"O, fried rice pa!"
"Ah, a-ayoko na! B-busog na ako at-"
"Oh, no! Anong busog? Bilang ko ang subo mo, konti pa lang ang nakakain mo!"
"P-pero-"
"Basta, kumain ka pa! O, ako ang magsusubo sa iyo?" saka tumitig ito sa mga mata niya na tila may pagbabanta bagama't tila mas nang-aakit ang titig na iyon...
"O-oo na!" Walang nagawa ang dalaga kundi ubusin ang mga pagkaing inilalagay nito sa kanyang pinggan...
"IBA ka talaga! Sabi mo, slowly but surely ang gagawin mo. Pero pangalawang araw mo pa lang dito, halatang-halata ka na!" naiiling na lang na bulong ni Brent John kay PJ habang nag-iikot sila sa kabuuan ng hotel.
"Hayaan mo na ako, ang hirap pala."
"You're obsess!"
"It's not that! I'm not just obsess with her, okay! I really love her!" pasimple nitong sinulyapan si Xandra na nasa di-kalayuan at may kausap na chambermaid.
"Hindi mo naman yata alam ang pagkakaiba ng in love sa obsess?"
"Of course I know that! Kung obsess lang ako sa kanya, hindi sana ako nakatagal ng tatlong taon na malayo sa kanya! Hindi ko na sana pinigil ang nadarama ko para sa kanya."
"Ewan ko sa iyo! O, huwag mong sabihing isasama mo na naman siya patungo hanggang sa dulo ng isla?"
"Siyempre naman! Para kahit malayo, hindi ako maiinip."
"Whoo! Iba ka talagang ma-in love!"
"I have all the reason, alam mo iyan!"
"Ewan ko sa iyo!"
"Tumahimik ka na, she's coming! Baka makahalata!"
"Oo na!"
"Hey, naibilin mo na ba kay Aicelle ang mga gagawin?" kaswal na tanong ni Patrick Josh kay Xandra nang makalapit na sa kanila ang dalaga.
"Ah, oo. P-pero kailangan ba talagang sumama ako sa inyo hanggang sa dulo ng isla?"
"Oo naman! Iyon ang gusto ko. Anyway, may sasakyan naman tayong electric-car, o! Sementado na ang daang patungo roon kaya hindi ka mapapagod! So, hop in?"
"S-sige," bahagyang sumulyap si Xandra kay Brent John na kasama rin nilang mag-iikot, pero tila wala naman itong pakialam na nag-iwas pa nang tingin.
Hay! Ano ba talagang gagawin ko? Iba na talaga ito! Iba na rin kung tumitig siya! Kung iiwas naman ako, baka mawalan ako ng trabaho! Saan ako pupunta? Isa pa, hindi naman talaga ako puwedeng umalis sa lugar na ito, wala sa usapan namin iyon ng... taong nagpadala sa akin dito...
"Hey!"
"H-ha?" napapitlag pa siya nang malambing na tapikin ni Patrick Josh sa pisngi.
"Sakay na." Ibinukas nito ang pintuan sa likod ng electric car.
"Ah, o-oo." Wala siyang nagawa kundi ang sumakay na.
Pero sa pagkagulat ng dalaga, sa tabi niya ito naupo habang sina Ivan Hendrick at Brent John ang naupo sa harapan.
"Fasten your seatbelt, huh? Sementado man ang daraanan natin, may bahagi pa rin ang rough road." Saka bahagya itong dumukwang para abutin ang dulo ng seatbelt sa tabi niya.
Oh my God! Lihim siyang napasinghap dahil halos ay mayakap at madaganan na siya ng binata... Ang bango pa rin niya. Kahit na kanina pa kami nag-iikot, ang bango pa rin niya. Ako kaya, baka amoy-pawis na ako, ah! Naku naman, nakakahiya!
Pero kusa ring natigilan si Xandra...
Hmp! So what kung amoy-pawis ako? Mainam nga para ma-turn off siya!
Pero alam ng dalaga, ayaw talaga niyang maamoy ni Patrick Josh na amoy-pawis siya...
At bakit ba lihim niyang nahiling na sana ay magtagal pa sila sa ganoong ayos... iyon bang bahagya itong napapadagan sa kanya, habang siya naman ay nagpapakasawa sa paglanghap sa kabanguhan nito at lalaking-lalaking amoy...
ISANG linggo, ganoon pa lang katagal sa resort si Patrick Josh, but it seems like he's been there for a year... dahil sa sobrang closeness na ipinakikita at ipinadarama nito sa kanya... dahil sa sobrang at-home nito sa kanya...
"Ang tagal mo naman! I'm hungry!" bahagyang nakakunot ang noo ni PJ nang malingunan si Xandra na palabas ng private lift.
"Ah, s-sorry. Tinanghali kasi ako ng gising at-"
"It's okay, you're here na! Halika na sa terrace, lalamig ang breakfast natin!" saka walang pag-aalinlangang kinuha ang kanyang kamay at inakay siyang papasok sa kuwarto patungo sa kanugnog na terrace.
At kagaya ng dati, hindi na naman nakapiyok si Xandra... sumalo siya sa pag-aagahan nito...
Haist! Bakit ka ba ganyan, PJ? Nakasanayan mo na talagang hawakan ang kamay ko kahit hindi ka nagpapaalam! At bakit ko ba hinahayaang mangyari ito?
Pero hindi lang ang laging paghawak sa kamay niya ang tila nakasanayan nang gawin ni PJ...
"O, kain ka pa!" pilit na nilagyan ni Patrick Josh ng pagkain ang pinggan niya.
"B-busog na ako!"
"Oh no! Kakaunti pa lang ang nakakain mo."
"P-pero-"
"Kain! O, gusto mong subuan pa kita?"
"Hmp! Oo na, kakain na!" napairap na lang siya rito, pero kinain na rin ang pagkaing nakalagay sa kanyang pinggan.
At marami pang ginagawa si Patrick Josh na lalong lumilito kay Xandra...
"Ah, PJ, bababa na ako para-"
"No! You have to stay!"
"P-pero-"
"I've told you, ibinigay ko na kay Aicelle ang trabaho mo bilang head-chambermaid."
"P-pero-"
"One week ka nang nagtatrabaho sa akin bilang PA ko, hindi ba?"
"P-PA?"
"Oo! Ayaw mo ba? May increase naman ang sweldo mo at-"
"I-iyon na nga, eh! May increase ang sweldo ko, pero feeling ko, wala naman akong ginagawang-"
"Akala mo lang iyon! Ikaw ang nag-aasikaso ng mga gamit ko, hindi ba? Kasama kitang sumasaludar sa mga guest. Inire-remind mo sa akin kapag oras na ng pagkain ko."
"K-kahit na, feeling ko pa rin ay-"
"And aside from that, you'd made me very happy sa pananatili ko rito."
"P-PJ!"
"I mean, hindi ako nabo-bored kahit ang bago kong mundo ay naliligid ng buhangin at dagat. Dahil kapag na-bored ako, all I have to do is looking at your beautiful face!" sabay kindat nito sa kanya.
"P-PJ!"
"Anyway..." pagkuwa'y nagsimula itong humakbang palapit sa kanya. "Just stay, huh? I'll just take my shower, then, sabay na tayong bababa, okay?" huminto naman ito sa paglapit ng halos ay isang dangkal na lang ang layo nito sa kanya.
"P-PJ..." bahagya siyang napaatras dahil tila siya napaso sa init na sumisingaw sa katawan nito...
"Relax! Huwag kang parang mailap na kuting na sa tuwing lalapit ako ay napapaatras!" natawa na lang ito sa reaksiyon niya.
"K-kasi-"
"Just wait me here, huh?"
"O-okay!"
"Good!" pagkuwa'y humakbang na ito patungo sa banyo. "Ah, is it okay kung ihanda mo ang damit na susuotin ko? Slack and polo will do para naman hindi masyadong formal. Naiinitian ako sa long sleeves. Isa pa, wala namang darating ngayon na bigtime client kaya makakapag-relax ako sa office."
"O-okay, ihahanap kita sa cabinet mo."
"Thanks, baby!" Tuluyan na itong pumasok sa banyo.
Hay! Ngayon lang niya ginawa iyon, ah! Bakit may pakiramdam ako na parang gusto niya akong yakapin kaya siya lumapit ng ganoon kalapit? Oh, natatakot na ako... natatakot ako sa nararamdaman ko! At bakit ganoon kung tawagin niya ako? Baby? My God! It's a very sweet endearment! Tawagan lang iyon ng mga taong... may relasyon. Isang relasyong ayoko sanang pasukin. Pero kahit na ako lang ang nag-iisip na baka nga may gusto siyang kapuntahan ang lahat ng ito... paano naman kung totoo ang hinala ko? Paano pa ako iiwas kung... tuluyan na rin akong nalulong sa kanya...
And right there and then, isang biglaang pagpapasya ang binuo ng dalaga sa isip...