Embracing The Forbidden/ Kabanata-11

2587 Words
KABANATA 11 SHE wore a black-leather over-all jumpsuit. May suot din siyang itim na guwantes. Ang kanyang mga mata ay nasusuotan ng salaming may zoom-in lens at may suot siyang black-bonnet. She was on top of that building, hawak ang isang mahabang baril na may telescope. Sumilip siya sa lens niyon... the target is within one thousand feet away, doon sa katapat na building na tanaw sa salaming bintana. Tinatagan niya ang pulso, saka tuluyang kinalabit ang trigger niyon... Bang! Sapul sa noo ang lalaking kausap ng tatlo pang lalaki... Nagahol ang mga kausap nito nang tumimbwang sa lapag ang biktima... kanya-kanyang kubli... Pero wala na siyang balak na magpaputok uli, patay na ang kanyang target... a pedophile priest na nambibiktima ng mga batang nasa edad sampu pababa, they were sexually harassed and sexually-abused... At least, her consolation was the thought that her target-victim is an asshole... a devil that incarnate into a man... into a priest... With that, she feel at ease... Pero hindi palaging ganoon ang pakiramdam... In her almost two months of being an assassin of the vigilante group that operate internationally, madalas pa ring dalawin ng sumbat ng konsensiya ang dalaga. Lalo na kung ang natatapat sa kanyang misyon ay... "Anicia, you'd told me that he's a drug-pusher here in Hongkong." "He was!" "No! Ang sabi sa balita, he's just being framed-up by his business rival!" "Well, maybe, or maybe he's a real drug-pusher. Pero kung anuman ang totoo, wala ka ng pakialam doon! Bayad ka na sa trabaho mo, hindi.ba?" "A-Anicia!" "Well, I'll understand your dilemma. When I was at your age, ganyan din ako. I'm always questioning my superior kung ano ba talaga ang layunin ng organisasyong ito. Mahigit isang buwan ka pa lang sa trabaho mo. Natural lang iyan. You will always have a nightmare, sleepless night, fear. Anuman ang natutuhan mo sa training sa isla, hindi sapat iyon para mawala ang sumbat ng konsensiya dahil sa mga dugong tumatalsik sa katawan ng mga biktima. Kahit sina Blanquita at ang kasabayan mo sa training, ganyan din. Actually, Blanquita is having a nervous breakdown right now! Hindi niya kinaya na ang huling napatay niya ay isang may edad ng babae na leader ng isang big-time and international white-slavery!" "H-ha?" bigla ang pag-aalalang naramdaman niya para sa kaibigan at itinuring na kapatid kahit pinagbawalan silang maging malapit sa isa't isa noong kabataan nila. "I-is she okay?" "Of course! She will going to be okay. She has no choice but to be okay. Or else, the elders could think that she's weak. At alam mo ang ginagawa sa mahihina." Natahimik siya... "Anyway, palalampasin ko ito. Bago ka pa lang, I know that someday, magiging matatag ka na rin. Matatanggap mo na rin ang kapalaran mo. And maybe, someday, ikaw ang papalit sa akin!" Lihim na nagtagis ang mga bagang niya... No! No! You're a monster! I don't like to be a monster! "Okay! Anyway, let me remind you this. It's just a push-button to end your suffering. Just tell me, I'll be honored to end your life." Nakuyom na lang niya ang kamao... "Anyway, you should be thankful dahil may kagaya ng ating organisasyon na nais sugpuin ang kasamaan, hindi ba? At dapat din tayong magpasalamat dahil may matataas na tao mula sa iba't ibang bansa ang nakikiisa sa ating adhikain. Sila ang nagbibigay ng malaking pondo para magpatuloy ang ating samahan. Para makatanggap tayo ng malaking halaga para sa ating trabaho. Maybe it's a dirty job, but at least, we were well-compensated. I'm a million-dollar millionaire now. And someday, you will be. All you have to do now is enjoy your money. Enjoy live your life to the fullest. You will never know. Baka isang araw, maunahan ka ng kalaban at ikaw ang mapuruhan. Well, accept it. That's your fate, kagaya rin na iyon ang kapalaran ng mga kasamahan mo." _____________________________________ "HAH!" pasinghap siyang napadilat. "Xandra!" "P-PJ?" tila wala sa sariling usal niya sa pangalan ng lalaking namulatan. "Yeah, it's me! Are you okay? May masakit ba sa iyo?" tulalang napalingap si Xandra sa paligid. Ang puting-puting kapaligiran ang kanyang namulatan, malamig ang kabuuan ng silid, nakahiga siya sa malambot na kama, habang sa katabing side-table ay naroon ang isang pumpon ng mga bulaklak na humahalimuyak sa bango. Napasulyap siya sa kamay na natutusukan ng karayom na nakakabit sa tubo ng dextrose na nakasabit. Saka lang unti-unting nag-sink-in sa kanyang diwa ang mga nakaraang pangyayari. "A-ang baby ko!" sabay sapo sa impis na puson nang ma-realized na bahagi na lang pala ng nakaraan ang katatapos lang na panaginip. "He's safe now! Hindi natuloy na nakunan ka." "Oh, thank God! My baby!" napahagulgol siya ng iyak. "Xandra, don't cry, huh? Baka makasama sa iyo. Mahina ang kapit ng baby. Anything na makaka-stress sa iyo, it will affect to him." Natitigilang pinilit niyang huminto sa pag-iyak. "H-how dare you..." pero nasa himig pa rin niya ang panunumbat ng bumaling sa binata... "I'm sorry... but believe me, hindi ko gustong itago sa iyo ang totoo. But if you're giving me a chance, I will tell you everything." "Para ano? Para patuloy akong maniwala na minahal mo ako sa unang pagkakataong nakita mo?" "It's true! Kung may pinakatotoo sa lahat ng sinabi ko, iyon ang pinakatotoo. I love you the first that I've met you... sa bar... ng dalhin kita sa kotse ko... ng dalhin kita sa unit ko... nang halikan mo ako... ng akitin mo ako para angkinin ka... nang maakit ako at tuluyan nabaliw... to the point na kinalimutan ko kung ano ka. Embracing you... loving you... is forbidden! But what can I do? My heart has his own mind. When I woke up that morning, at nalaman kong wala ka na sa tabi ko, I felt that unbearable emptiness. It seems like you took my heart with you... even my soul... and my whole-being." "P-PJ..." "Hindi ko binitiwan ang kaso... nakiusap ako sa matataas sa akin na huwag akong tanggalin sa kaso kahit alam nilang nagkamali ako ng patulan kita ng gabing iyon na naging dahilan para makalusot kayo at makaalis ng bansa. After my diciplinary action, sinundan ko ang grupo ninyo sa Macau, sa Italy, sa Hongkong! Sinikap kong alamin ang bawat galaw ninyo... ang bawat galaw mo. Pinilit kong makipag-ugnayan sa mga awtoridad na humahawak sa kaso ng mga pagpatay na ginagawa ng organisasyon ninyo. Until that fatal night... nang mabulilyaso ang misyon mo sa isang Chinese National na kailangan mong patayin dahil sa mga illegal na gawain kabilang ang paghahanda ng nuclear bomb na posibleng maging kapahamakan ng maraming bansa." "P-PJ..." "Habang nasa itaas ka ng building na iyon, and getting ready to hit your target, paakyat ako sakay ng elevator. Dahil alam ko, may kalabang nakaramdam ng panganib para sa amo niyang tsino. Naitimbre iyon sa akin ng DPA na kasama sa grupo nila. Pero nahuli ako ng ilang hakbang, you were shot in the head... at kahit napatay ko ang taong bumaril sa iyo, parang gusto ko na ring mamatay ng makita kong duguan kang nakabulagta sa lapag." "I-ikaw ang..." "Ako ang nagdala sa iyo sa ospital, tinawagan ko ang lahat ng koneksiyon na maaring mahingan ng tulong dahil thirty percent lang ang tsansa mong mabuhay. Dinala ka sa Italy, tinanggal ang bala sa ulo mo na naging dahilan ng pagdurugo sa utak mo. Pati na ang microchip na nakatanim sa batok mo ay maingat na natanggal. But did you know how does my heart broke when I'd discover that you're a walking time-bomb? Na ang bombang nakatanim sa ulo mo ay hindi lang basta panakot para hindi ka sumuway sa mga utos nila. It's also a lethal weapon to the enemies na nais nilang patahimikin. They will just push the button and boom, the enemies were dead... kasama ka. Ganoon sila kasama... ganoon kung ituring nila ang mga kagaya mo... isang sandata lang para sa kalaban." "P-PJ..." napahikbi ang dalaga, awang-awa sa sarili. "I-I'm an orphan, kinuha nila ako sa bahay-ampunan para bigyan daw ng foster parents, para gumanda daw ang buhay ko. P-pero dinala ako sa isang isla. Tinaniman ng bomba sa ulo. A-at the age of ten, sinanay ako sa iba't ibang klase ng pakikipaglaban. Tinuruan ng kung anu-anong kaalaman, pinilit na i-brainwash na ang aming adhikain ay para sa mga naaapi at nasasaktan ng walang laban. A-although alam kong mali, pero anong magagawa ko. Bata pa lang ako, idinikdik na sa utak namin na hindi na sa amin ang aming buhay dahil maari nila iyong wakasan anytime na gustuhin nilang pisilin ang button." "Yeah... kaya ginawa ko ang lahat para mabawi ka. In almost two years, you're in coma. Pero kahit minsan, hindi kita isinuko. Our own organization were almost gave up on you dahil hindi ka na raw yata magigising. They wanted to take your life-support so that you'll be rest in peace. Para daw hindi ka na mahirapan. Para daw makapagpahinga na ang iyong katawang-lupa." Napatitig siya sa mga mata ng binata. "But no! Maraming beses akong tumutol at nakipagtalo. I'd gave my own money para patuloy kang manatili sa ospital na iyon. Then, you'd transfer sa isang mahusay na ospital sa Japan. Kasama ako, hindi ako pumapayag na mawala ka sa paningin ko kahit saan ka dalhin. While you were sleeping, I keep on talking to you... whispering in your ears how much I love you... how I wanted to be with you... that I'm still waiting for you to comeback. Because I know that I can't live without you..." "P-PJ... it was you? Ikaw nga ba ang may-ari ng tinig na paulit-ulit kong naririnig noon kapag nararamdaman kong hinihila na ako ng walang hanggang kadiliman? And the reason w-why I'd keep on coming back sa munting liwanag na tangi kong nababanaag sa dilim? It was really your voce?" "Yes - yes, it's me! I'm the only one whose always by your side! Madalas ako ang nagpapaligo sa iyo, nagbibihis, nagbabantay. Ayokong kumurap dahil baka agawin ka nila sa akin." "P-PJ!" napaiyak na lang lalo ang dalaga, she didn't expect that kind of revelation, but it's an overwheling to know. "D-did you really love me that much... k-kahit minsan lang naganap ang... b-bagay na iyon sa atin?" "Yes... dahil ang minsang iyon, ay naging kahulugan ng buong buhay ko." "P-PJ!" "Sshh, tama na, ha? Our baby, baka malaglag. Wala ng kalaro ang panganay natin." "H-ha? A-anong sinabi mo?" "Our first born. The reason why my organization, the ESSO, granted my wish to still hold on to you. The reason why they'd allow me to stay by your side. You're more than two months pregnant nang ma-comatose ka. And thanks to modern technology, and thanks to our son... for being a survivor like his mom. You'd gave birth to our little one by CS. And it's a miracle, he's a healthy baby boy." "Oh my God! N-nananaginip ba ako?" halos mahilam na sa luha ang mga mata ng dalaga. "No, gising ka. At totoo iyon. Kaya kahit napakabilis ng naging pagkilos ko para tuluyan kang maangkin, wala na akong pakialam. Because I wanted my son to have a mother. Ayokong lumaki siyang uhaw sa pagmamahal ng isang ina. Although my mother can give so much love for him, iba pa rin kung nasa tabi ka niya, hindi ba?" "P-PJ!" napasigok na lang siya. "Sshh, tahan na, it's okay, ha?" "G-gusto ko siyang makita!" "He's on the way! Tumawag na ako sa San Joaquin. Parating na sila ni Mama." "Oh God! Oh my God!" napasiksik na lang siya sa malapad na dibdib ng binata... "Tahan na. And sorry, it took me three years para balikan ka. I have to make sure na masusugpo na sana ang organisasyong nagpahirap sa inyo. Pero masyado silang malaki at malawak ang sakop. Their members were all over the world. They were well-organize at kailangan pa ng masusing pag-aaral at paghahanap para sila masugpo. Isa pa, I have to work para mabayaran ang mga nagasta ko para... manatili kang buhay." "I-I'm sorry if I became a burden to you and-" "No! No, you're not, Babes! You're not a burden to me. You're my happinnes. Always remember that. You're the air that I've breath." "PJ!" ilang sandali siyang napaiyak sa dibdib nito, mayamaya ay pinilit niyang kumalma... "Are you okay now?" "Y-yeah. M-may itatanong ako." "Hmm?" "S-si... Blanquita... ano na ang nangyari sa kanya? She was shot by Sir Ivan and-" "It's just a rubber-bullet with tranquilizer. Nagkaroon lang ng dugo dahil bumaon sa balikat niya. But she's not dead!" "T-talaga? W-where is she?" kahit paano ay nakadama siya ng katuwaan sa isiping buhay pa rin ang dating kaibigan na nagtangka sa kanyang buhay. "She's in Japan. She's undergo for a series of operation dahil tinanggal din ang microchip sa kanyang ulo." "Oh my God! It's true? Hindi na siya maaabot ng-" "We still don't know. Kung ikaw nga na pinalabas naming patay sa nakalipas na limang taon ay nahabol nila, si Blanquita pa kaya? For sure, alam nilang buhay pa siya. Anyway, huwag mo na muna siyang intindihin, ha? Poprotektahan pa rin siya ng ESSO dahil baka marami siyang maibigay na impormasyon para mahuli ang lahat ng galamay at pinuno ng organisasyon. Limang taon siyang nagtrabaho sa kanila, hindi ba? Mas marami siyang natuklasan sa grupo." "Y-yeah... and I pity her! Kung iyon ngang halos dalawang buwan lang na pagtatrabaho ko sa kanila ay matinding bangungot at trauma na ang naranasan ko, iyon pa kayang kasingtagal niya?" "And let's pray for her to be heal." "O-oo... and thank you." "Sshh, I love you. I am the one to be thankful dahil-" "Daddy!" noon biglang bumukas ang pinto, mula roon ay bumungad ang isang guwapo at cute na batang-lalaki na mahigit apat na taon ang edad... "JP! Oh, come to daddy, ha?" "Yes, Daddy!" agad naman itong lumapit kay PJ. While Xandra looks like mesmerizing with the child... "S-siya ba?" sa wakas ay nagawa niyang sambitin ng hindi na makatiis, habang tila tinatambol sa kaba ang kanyang dibdib... "Yeah! Hey kiddo, look at her! Did you know this lovely lady?" "Of course! She's my mom! Hello Mommy!" At sa pagkabigla ni Xandra, umakyat sa kama ang bata at yumakap sa kanyang leeg ang maliliit na braso. "Oh my God!" "Mommy, how are you po, ha?" sabay pupog ng halik sa kanya. "B-baby... ikaw nga ba ang baby ko?" "Yes, of course, Mommy!" "A-and you already know me-" "But of course! When I was one year old, I've remember that daddy brought me to the hospital. I saw you there! You're sick! You're sleeping! And daddy told me that we have to be patiently waiting for you to wake up! I'm so sad! But I've promise to you that I'll be waiting for you. And since then, I only saw you to some videos that Lola showed me. You're already awake but still, I can't see you because you're not yet recover. But now, you're here! I am so happy to see you, to hug you! I love you, Mom!" Nang muli siyang yakapin ng bata, lalo siyang napaiyak, sa sobrang kaligayahan... She feel him... in flesh and in blood, her own flesh and blood... Thank you! Pabulong niyang bigkas nang mapasulyap siya kay Patrick Josh... You're welcome... I love you! Pabulong din nitong sambit... WAKAS Susunod: Fuentebella's Pride And Glory.... ang kasaysayan ni Blanquita... the woman with the lion's heart... and a wounded soul... and a broken heart... that any man can't make her to falling in love... ows?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD