Na alimpungatan ako sa tunog ng aking cellphone at sa pag tapik ng kapatid ko sa aking balikat. kay aga-aga nag isturbo na naman ito!
"Ate, ate! May tumatawag. Kanina pa kasi yan ring ng ring. Di sana kita gigisingin ang alam ko Day off mo. Kaso mukhang importante yata te. Sino ba yan te? manliligaw mo? Oyy! si ate hindi nagsasabi may manliligaw na pala."
Tanong at kantyaw ng kapatid ko na walang inisip kundi kung may manliligaw na sakin.
"Alam mo Aliyah kay aga-aga ng bwebwesit ka noh? Akina na nga pa abot sino ba yan?"
Nagtaka ako sa tumatawag eh ang alam ko Day off ko ngayon.
Si Lisa pala. Ano kaya ang problema nitong babae.
"Oh Lisa anong satin? Kanina kapa ba tumatawag? Sensya na napasarap kasi ang tulog ko."
"Hello? Nagising ba kita? Pasensya kana."
Pero bakit iba ang boses parang kilala ko kung sino. Ilang segundo ako na tigil sa kakaiisip kung sino ang tao na ito sa kabilang linya.
"L-lucas? Ano ang kailangan mo? Si Lisa?"
Mukong na ito ano ba ang kailangan niya at kay Lisa pa naki tawag.
"Yes! It's me my love. Remember may lakad tayo? At kasama sila Zac." Sa dami ng nangyari nakalimutan ko na kahapon nagyaya pala si Sir Zac. Yung totoo parang ayaw kong sumama. Nasasaktan kasi ako sa mga sinabi niya kahapon. Sa lalim ng aking pag-iisip nagulat na lang ako ng kalabitin ako ni Aliyah na sumisenyas pa.
"Ano ba? Huwag ka ngang magulo diyan!"
"Nang gugulo na ba ako sayo Hailey? Pasensya na." Agad akong na taranta ng marinig ko ang sinabi ni Lucas.
"Ahh ehh. Hindi! Hindi ikaw yun. Pa-pasendya kana. Ito kasing kapatid ko magulo. Ano pala yun?" Tanong ko sa kanya kasi wala man lang may binanggit si Sir Zac kahapon. Ang sabi niya lang may lakad sila ng babae niya. Malay ko ba kung anong lakad ang sinasabi niya. Wala akong paki! Oo! walang paki sa kanila!
"Outing daw. May pupuntahan daw tayong resort. I guess two days we will stay in his resort. So are you ready? Where can I pick you up? Para hindi kana mahirapan sumakay."
Nataranta ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa susunduin niya ako. Kundi sa wala ni isa akong damit pang beach, at mag aayos pa ako ng dadalhin. Anak ng Tokwa naman nito! Bakit kasi hindi nagtanong si Lucas kahapon para nakapag-ayos ako ng dadalhin!
"Hindi na! Ano kasi. Saan ba tayo magkikita? Hahabol na lang ako kaagad."
"You sure sweetie? okay lang naman sakin sunuduin kita."
"No, it's okay. Pakihintay na lang niyo ako. Mag-aayos pa kasi ako ng mga dadalhin ko."
Buti na lang ay hindi na nagmakulit pa si Lucas. Sasakay din pala kami ng yate. Isa sa mga resort ni Sir Zac ang pupuntahan namin. Gano talaga siya kayaman. Kaso sana ang ugali din mayaman sa kabaitan. Pa iba-iba ang ugali. Pinaglihi talaga siya ng sama ng loob sigurado ako.
Nang matapos ang usapan namin ni Lucas ay nag-aayos na ako ng mga damit na dadalhin ko. Nagdala lang ako ng isang short at ilang damit pangligo sa dagat. Isang simpleng off shoulder floral dress ang sinuot ko ngayon. Medyo may kaiksian ito pero keri lang naman kasi hindi naman pangit ang binti ko. Kahit hindi maputi, makinis naman ito.
"Ate saan ka pupunta? Naks! naman ang ganda ng ate ko!"
"May ano kasi. O-outing kami sa resort ng amo ko kami pupunta. Kasama ako."
"Sosyal naman! Pati katulong kasama?"
"Oo. Kailangan kasi. Alam muna dapat may alalay." Pag sisinungaling ko sa kanya para wala ng madaming tanong. Alam ko ang takbo ng utak ng kapatid ko. Mas mabuti wala mo nang may nalalaman. Buti na lang si Zeus ay wala na dito sa bahay tiyak kay daming tanong na naman kung sakali nandito siya.
"Ate yan ba ang mga dadalhin mo? Dapat mag two piece ka doon. Kahit katulong ka lang dapat may ibubuga ka! I know naman for sure may mga babae doon. Sandali may kukunin lang ako." Nag taka ako kung ano ang kukunin niya. Napanganga na lang ako sa binigay niya.
"Ano to? No way! Kita na yan buong katawan ko."
"Ate naman huwag ka ngang KJ! Bahala ka ikaw rin parang muchaha doon! Kaya dalhin muna yan. Yan ang isuot mo. Hindi porke katulong ka lang ay pati outfit mo pangkatulong na din ang outfit mo. Laban ng laban ibalandra ang nararapat! Kasayang ang Sexy body kung hindi ipapakita."
Wala na akong nagawa pa dahil pinasok na ni Aliyah sa bag ang bikini.
"Ikaw ang daming satsat! Bahala kana nga diyan. Basta hindi ko yan isusuot."
"Fine! Basta dalhin mo lang yan. Baka sakali magbago ang isip mo te." Sabay kindat niya.
"Oo na!. Sige na alis na ako nag mamadali ako baka malintikan na naman ako ni Sir. Kayo na rin ang bahala ni Zeus dito ha. Ito ang pera pangbili niyo ng gastusin. Bukas hapon pa yata ako makakauwi."
"Oo na sige na te. Huwag ka ng mag alala samin. Enjoy te!"
"Thank you."