Pagdating ko sa mansyon alam kong may bisita si Sir at si Lucas yun dahil sa sasakyan niya. Kaya ginawa ko ay dumaan na lang sa gilid para sa likod ako pumasok.
"Hay salamat. Buti na lang di ako nakita ni- ay palaka!!!"
"Sorry nagulat ba kita? Nakita kasi kita kaya alam kong dito ka papasok sa likod. Musta kana Hailey? Di na ako nakapag paalam sayo noong isang araw. Hinanap kita di naman kita makita."
Kita ko naman sa kanya ang lungkot na parang bata na hinahanap ang magulang.
"Ah ehh kasi ano. Sumakit kasi bigla ang ulo ko kaya yun nagpahinga muna ako sa kwarto ni Lisa." Pag sisinungaling ko sabay hawak ng ulo ko.
"Ganon ba. Ma iba ako free kaba bukas? Yayain sana kitang lumabas."
Di pa ako nakaka sagot ng may biglang sumagot sa likoran ko at may kasama pang haliparot na babae kung maka pulupot parang pugita.
"Day off niya bukas. Tamang-tama may lakad kami bukas. Why don't you ask Hailey kong sasama siya. Para naman may ka part-"
Di ko na pinatapos ang sasabihin niya kay Lucas. Agad akong sumagot kay Lucas.
"Sigee po sir Lucas. Free naman po ako."
Matapos ang pagyaya ni Lucas sakin nagpaalam na ako sa kanila. Di ko kasi matiis yung babae kung maka hawak parang aagawan. Para di ko maisip ang dalawa maghapon akong nag trabaho. Kahit di sakin ang gawain kusa na akong tumulong para di ko maisip ang nangyari kahapon at kanina. Pag wala kasi akong ginagawa natutulala na lang ako at na iisip na naman si Sir Zac. Paalis na sana ako ng sabihin ni Nay norma na nandito daw si Lucas hinahanap ako.
"Iha nandito si lucas hinahanap ka. Iha nanliligaw ba si Lucas sayo? Naku iha huwag kang mag alala ay mabuting bata yan si Lucas." Ramdam ko ang pagpula ng pisnge ko dahil sa init ng naramdaman ko.
"Nay norma naman. Kaibigan lang po kami." Sabay giit ko sa kanya.
"ohh siya kung yan ang sabi mo. Hala na puntahan muna nandoon sa sala kausap si Sir Zac."
Kinabahan ako bigla. Nakauwi na pala siya. Alam ko kasi may lakad sila ng babae niya. Papunta na ako sa sala ng lapitan agad ako ni Lucas at halikan sa pisngi at binigay sakin ang bulaklak.
"For you, to the most beautiful girl I've met."
Na touch naman ako sa sinabi niya at ka sweetan. Kung una ko lang siya nakilala siguro na inlove ako agad kung ganito siya palagi.
"Thank you sir lucas."
"I told you drop that Sir Hailey. Mas gusto ko Lucas ang tawag mo sakin mag kaibigan naman tayo diba? Anyway yayain sana kita lumabas ngayon." Sasagot na sana ako kaso may kumag na umeksina na naman.
"Hindi pwede! May gagawin pa siya."
"T-tapos na po Sira-" di ko na tuloy ang sasabihin ko ng tinitigan niya ako ng masama. Na alala ko ang sinabi ng kapatid ko pagdating sa trabaho seryoso siya kaya Nagsinungaling na lang ako kay lucas baka ano pa ang magawa ni Sir ma sesante pa ako. Bakit parang ang cold niya. Pansin ko talaga kaninang umaga.
"Oo nga pala lucas may tataposin pa kasi ako. Nakalimotan ko kanina. Bukas na lang magkikita naman tayo bukas. Sige lucas punta na ako sa likod."
Kay lakas ng t***k ng puso ko. Napansin ni Nay Norma ang pagkabalisa ko.
"Oh Hiley diba uuwi kana?" Pagtataka ni Nay Norma.
"M-May nakalimutan po ako Nay Norma may tratrabahoin pa po ako."
"Ganun ba? oh sige siya at akoy aalis na uwi muna ako samin. Sie iha mag iingat ka pauwi mamaya."
"Kayo din po nay Norma. Ingat po."
Ilang minuto lang may napansin akong tao sa likod ko kaya hmarap ako. Kumaba ng husto ang dibdib ko ng makita ko malapitan ang mukha ni Sir.Zac.
"Sir. May kailangan po ba kayo."
"Gusto mo bang mawalan ng trabaho? Don't you dare say yes to Lucas. Everytime yayain ka niya."
Sa sobrang inis ko sa sinabi niya na alala ko ang nangyari samin, pagpunta niya sa bahay na parang walang nangyari. Kaya hinamon ko siya ng tinginan.
"Bakit ba Sir? Di ba hindi tayo? Kaya wala kang karapatan kung umoo ako kay lucas."
Kita ko ang malalim niyang mata na kung titigan mo parang kakainin kang buhay.
"Yeah! Your right. Ano naman ang pakialam ko. Isa karin sa mga babaeng madaling ikama. Kaya kay Lucas ka na naman?"
Nang narinig ko ang sinabi niya agad ko siyang sinampal ng malakas.
"Walang kang karapatan para sabihan mo ako ng di maganda. Wala karing karapatan kong yayain ako ni Lucas. Hindi porket katulong mo lang ako ay pwede ka nang maghimasok sa buhay ko. Pasensya na po sir Zac pero sumusobra na po kayo!"
Kita ko naman ang pagpuyos niya ng kamao. Ang mga mata niyay kay lalim tumitig. Akmang tatalikod na ako ay bigla siyang mag salita.
"Tama ka! Sino ka naman sa buhay ko! Tsk! You're just nothing, katulong lang kita." At tinalikuran na niya ako ng tuluyan.
Di ko alam kung paano pa ako nakauwi sa bahay. Hanggang sa biyahe siya ang iniisip ko. Ang mga nangyari samin. Di ko akalain na ganon pala ang ugali niya. Katulad din siya sa ibang lalaki katapos makuha ang gusto iiwan at iiwan din nila. Dapat ko na bang kalimutan ang nararamdaman ko kay Sir? Ngayon pa na alam ko na ang ugali niya. Humagulgol na lang ako hanggang sa nakatulog na ako.