Naalimpungatan ako sa pag gising ko ng may maramdaman ako na mabigat sa pagitan ng aking binti. Naalala ko ang nangyari samin ni Siir. Nilibot ko ang paningin para makahanap ng orasan. Hindi naman ako nabigo dahil nasa gilid lamang ito nakalagay sa maliit na lamesa.
Buti na lang ay alas singko pa lang ng umaga. May oras pa ako para makauwi na hindi mapapansin ng iba. Maingat kong inalis ang binti ni Sir sa ibabaw ko. Mabuti naman at hindi ito nagising.
Maingat akong tumayo at naglakad. Napangiwi ako ng kaunti ng makaramdam ng sakit sa pagitan ng aking hita. Naalala ko na naman ang mga nangyari ka gabi. Bago ako tuluyang lumabas isang sulyap muna ang ginawa ko sa kanya.
"Masaya ako dahil sayo ako nagpaubaya, pero sana lahat ng ito ay isang panaginip na lamang. Mali ang lahat, mali ang ginawa natin."
Papalapit na ako sa gate ng mansyon, kaya nagdahilan na lang ako kay kuya Ren na di na kinaya ni Sir ang pagmamaneho ka gabi kaya umuwi na lang kami at dito na ako natulog. Buti na lang ay wala ng ibang tanong si kuya Ren.
Pagkadating ko ng bahay ay naligo muna ako at nag luto ng almusal. Sa sobrang sakit sa may hita ko pa ingka-ingka pa ako kung lumakad. Pagkatapos kong magluto ay natulog ulit ako. Para kasing lalagnatin ako.
"Ate. Ate! Alis na po kami ni kuya. Kumain na po kami, di ka na namin ginising para makapag pahinga ka te."
"Oo sige okay lang. Di rin yata ako papasok may mga gagawin lang ako dito sa bahay." Pagdadahilan ko kahit na ang totoo para lalagnatin ako.
"Sige po ate. Alis na po kami. Bye."
Lumabas agad ako at kinuha ang cellphone sa bag ko ng mapansin may tumatawag si Lisa.
"Ohh lisa?"
"Hailey dito ka daw natulog?"
"Oo lisa. Umuwi agad ako ng maaga. Di rin yata ako makakapasok ngayon medyo masama ang pakiramdam ko. Ikaw na rin magsabi kay Sir at kay Nay Norma. Bye."
Ilang oras ng tulog ko nb may naririnig akong katok. Palakas ng palakas.
"Tao po. Tao po. Hailey? " Bumangon ka agad ako at tinungo ang pintoan. Kay aga-aga disturbo. Pagbukas ko tumambad sakin ang ma among mukha ni Dale.
"Dale kaw pala. Anong satin?"
"Wala lang. May dinaanan lang ako malapit dito. Kaya na isipan ko na dumaan na lang ako sa inyo baka sakali nandito ka. Buti naman at nandito ka."
"Tara pasok ka muna." Pagyaya ko sa kanya.
"Musta kana hailey? Sa sobrang busy di na ako minsan makadalaw dito sa inyo."
"Okay lang naman ako dale. Ito may trabaho na ako. Kaya minsan walang tao dito sa bahay. Nag day off lang ako ngayon."
Si dale ang kaklase ko noong Highschool. Isang man liligaw ko din pero sabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. At tsaka mga bata pa kami noon. Ang priority ko ng mga panahon na yun ay ang pag aaral ko.
Nang mawala ang magulang namin di na ako nakatungtong ng college. Kahit hindi na ako nakapag aral heto parin siya hindi nag babago ang pakikitungo at matulungin parin. Kaya boto sa kanya ang kapatid kong si Zeus.
Habang nag kwentohan kami may kumatok na naman. Binuksan ko ang pinto at di ko inaakala na si Sir Zac pala. Pano niya nalaman kung saan ako nakatira?
"S-sir kayo po pala. Ano pong ginagawa niyo dito?" Natataranta kong tanungin siya.
"Kay Lisa. Sabi niya masama daw ang pakiramdam mo kaya so I came here to check on you."
"Masama pala pakiramdam mo Hailey?" Pag tatanong ni Dale na nakaagaw pansin kay Sir Zac.
"And who are you?" Tanong ni Sir Zalac kay Dale na masama ang tingin. Problema nito kay aga-aga.
"I'm Dale pare. And you are?"
"Zac, Zac Monteveres. Hailey works from me " Sa pagkaka bigkas pa lang ng pangalan niya pansin ko kumunot ang noo ni Dale. Kilala siguro niya si Zac. Ay! Oo naman Hailey. Isang sakit at Bilyonaryo lang naman ak amo mo.
Tahimik lang kaming tatlo sa sala hanggang si Dale ay sumenyas na aalis na.
"Hailey mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako. Dalawin na lang kita uli."
"Salamat sa pagdalaw Dale. Mag ingat ka."
Pagkaalis ni Dale ramdam ko naman ang tensyon saming dalawa.
"S-sir pasensya na po kung di ako nakapasok ma-"
"It's okay. I know. You feeling sore. Normal lang yan sa mga babae." Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi ni Sir. Normal lang sa mga babae so madami na pala ang naikakama niya na mga Virgin!
At ano ba itong tanong ni sir. Kailangan pa ba itanong? Nakakahiya. I just nod my head kaya naintindhan ka agad niya ito.
"Sa nangyari pala ka gabi-"
"It's okay Sir. Wala naman po yun sakin. Lasing lang po tayo pareho." Pagdadahilan ko kahit alam kong di ako lasing.
"Good. By the way pumunta lang ako dito para kamustahin ka since you are my maid. Kaya responsibilidad kita."
"Salamat po sir."
"Alis na ako. May pasok pa ako. Dumaan lang ako dito. I'll go ahead. Bye." Pagpapa alam ni sir na ikina tango ko na lang.
Pero bakit parang nasasaktan ako? Akala ko may pagtingin sa akin si Sir. Akala ko sa nangyari samin kahapon totoo na. Sobrang sakit pala. Ganito pala ang feeling, pagmay nakuha sayo ichapwera ka na lang basta-basta. Umaasa ako kanina na pumunta siya dito para sakin sa nangyari samin. Dahil lang pala concern siya kasi katulong ako.
"Pero Hailey diba ikaw na ang nag sabi, na sana lahat ay isang panaginip lang bakit parang apektado ka sa nangyari sa inyo?"
Pakikipagtalo ko sa aking sarili habang nasa harap ng salamin.