It's already 5 AM. Late ako natulog at umaga naman akong na gising. Di ko ma intindihan ak sarili ko. Mula pagkauwi namin galing sa fiesta. Di parin kasi ako makapaniwala na kami na. For real? Boyfriend ko na si Zac! Masaya ako pero may kaunting lungkot. Hindi kasi mawala sa isip ko ang Papa niya. Pano talaga pag nalaman ng Papa niya? Na stress na talaga ako. Minsan natutulala na lang ako sa mga iniisip ko.
"Oh te gising kana pala? Pansin ko ka gabi kapa balisa. Okay ka lang ba ate?" Pati kapatid ko nakaka halata din. Mabuti ng hindi nila alam na may relasyon na kami ng amo ko. Ayaw ko munang sabihin sa kanila. Wala pa akong lakas loob na sabihin. Siguro paghanda na ako. Maintindihan naman siguro nila.
"Oo naman. Di lang siguro ako dalawin ng antok ka gabi." Ngiti ko sa kanya para hindi makahalata.
"Siya nga pala ate. Musta naman ang amo mo? Masungit ba?"
"Ba-bakit mo naman na tanong?" Relax Hailey.
"Wala lang. Imagine ang sikat na lalaki sa industriya amo mo. Anong feeling te? Madali bang paki bagayan?" Dami naman ng tanong.
"Okay lang naman. Palagi naman yun wala sa mansyon kaya madalan ko lang makita. Ikaw tanong ka ng tanong. Sige na. Babangon na ako para makapaghanda ng alumusal natin." Mabuti naman at hindi pa nag-usisa si Aliyah. Ang Kulit pa naman nitong bata pagdating sa mga tanong walang preno ang bibig.
Matapos ang paghahanda ay ako naman ang nag-ayos. Ngayon ko lang napansin na medyo nag iiba ang hugis ng tiyan ko. Mas lumala tuloy ang kutob ko. What if kung buntis nga ako. Ilang beses ng may nangyari samin. Gusto ko mang aminin sa sarili ko kung buntis nga ako na uunahan naman ako ng takot na baka hindi ma tanggap ni Zac. Lalo pa kasisimula palang namin. Magpa tingin na kaya ako sa doctor.
Matapos akong maligo ay nag text ka agad ako kay Lisa na hindi muna ako papasok. May aasikasuhin lang ako sa bahay. Ayaw ko naman mag dahilan na hindi maganda ang pakiramdam ko dahil baka puntahan na naman ako ni Zac.
"Sige day ako na bahala kay Sir. Bakit di na lang ikaw ang mag text o tumawag sa baby loves mo?"
"Ano kasi. Basta ikaw na lang tiyak mag uusisa yun baka hindi ako payagan."
"Oo na. Sige na ako ng bahala. Sige day."
"Thank you Lisa."
Hindi ako nagsabi sa mga kapatid ko na hindi muna ako papasok. Pinauna ko muna silang umalis bago ako ang sumunod. Dederetso na lang ako sa pinaka malapit na clinic para magpatingin. Para wala ang mga isipin ko kung may sakit ba ako, kung buntis ba ako. Bahala na kung ano ang resulta mamaya.
"Congrats Miss Delos Reyes. You are 3 Weeks Pregnant. I'll give you Vitamins to take everyday para healthy si baby and Mommy. Are you first time mom?"
"Y-yes po doc." What the! Sobra akong saya dahil dala ko ang anak ni Zac pero may kunting lungkot dahil pano kung di niya tanggapin ang nasa sinapupunan ko? Is he going to reject my baby? Madaming tanong ang gusto kung masagot ngayon pero pano?
"I see dahil sa expression ng mukha mo. Don't worry Miss I'm sure habang lumalaki ang baby bump mo mawawala ang takot mo sa pag bubuntis. Ganon kasi ang iba pag nalalaman nila kapag buntis baka raw kasi masakit, may mangyaring masama sa baby, sa kanila. Basta as long di stress magiging okay si baby and si mommy."
Ilang minuto pa ako naghintay dahil madami ang mga niresitang vitamins, paalala at payo pagdating sa pag bubuntis. Nakinig ako ng maigi da mga bilin ni Doc. Wala namam rin ako magagawa na kundi tanggapin na din. Akin naman ito. Dugot laman ko ito. Kung sakaling dumating ang panahon na malaman ni Zac at hindi niya tanggap hindi ko pag sisiksikan o ipipilit sa kanya. Gagawin ko ang lahat na maging sapat ako sa anak ko.
Nasa biyahe na ako ate heto ako di ko maiwasan ang mapangiti habang hawak hawak ko ang ultrasound ng baby ko. Kanina lang ay di ko maintindihan ang nararamdaman ko ng makita ito. Kay liit-liit pa niya. Kahit hindi pa siya kumpleto natutunan ko kaagad siyang mahalin.
Pagkadating ko sa bahay ay minadali ko asikasuhin ang mga resulta ng pagpapa check up ko. Mabuti ng nakatago ito para hindi makita ng mga kapatid ko. Pag nalaman nila na buntis ako tiyak mag uusisa yun kung sino ang ama ng dinadala ko. Pati gamot mga vitamins ay tinago ko na rin. Palihim rin ako iinom ng mga ito makaka halata din sila kung ano ang iniinom ko gayun paman wala naman akong sakit at napakarami ng iniinom ko.
Ilang oras pa ang nakalipas na bobored na ako dito sa bahay. Kaya napag isipan ko na lang na mamasyal na lang muna ako sa mall. Ma tagal-tagal na din na hindi ako nakaka pasyal sa mall. Nakaka pasyal lang kami dati pag may sapat na pera kakain lang ng mura sa mall mamasyal tapos uuwi na. Tamang-tama lang, mag hahanap na lang muna ako ng mga kailangan ni Baby. Yung iba ililista ko lang muna kung magkano para sa darating ko na sweldo ay makalaan na ako. Mabuti na ang hinay-hinay habang may pera. Di ko kasi alam kung ano mangyayari sakin pag malaman nila na nagdadalang tao ako.
Habang namimili ako ng mga damit ni Baby napapa isip ako kung babae ba o lalaki. Ang mamahal naman ng mga damit pang Baby dito sa mall. Buti na lang may sale sila kaya yun lang muna ang binili ko, Baby bib, lampin, mittens at socks. Sa susunod na lang yung mga damit pag nalaman ko na ang gender. Ma tagal-tagal pa naman at makaka ipon pa ako. Okay na siguro ito. Medyo marami-rami na ang nabili ko. Hindi naman halata na excited ako no.
Ganon din ang ginawa ko tinago ko ng maigi ang mga gamit ni baby para di makita ng mga kapatid ko. Wala pa akong irarason pag makita nila ito.
Pagkatapos ay nag handa na ako ng haponan namin. Mag dadahilan na lang ako sa kanila kung bakit ang aga kong nakauwi.