Episode 18

1833 Words
Maaga akong pumasok sa trabaho dahil sa maaga din akong nagising na naman. Buti na lang ay hindi pa gaanong kadami ang tao. Kaya hindi ako mahihirapan sumakay. Bukas ganoon din ang gagawin ko lalo na ngayon na nagdadalang tao ako mahirap na makipag siksikan baka ano pa ang mangyari sa amin ni baby. Pagkadating ko sa mansyon nandito pa si Zac baka natutulog pa ito. Nagtimpla muna ako ng gatas at tumungo na ako sa itaas para makapag dilig ng mga halaman. Habang nagdidilig ay nagulat ako ng biglang may pumulupot sa aking baywang. Hinalik-halikan pa niya ang aking balikat kaya tumuwid ako ng pagkakatayo. I know it was him because his manly scent. Kay sarap amoy-amuyin. "Good Morning. Ang aga mo naman" bulong niya sa akin. "Good Morning din. Nang gugulat ka naman." Ngiti ko sa kanya. Mas mabuti na ang maaga para mas madali kong matatapos ang mga trabaho ko. Ikaw bat gising kana?" "Hindi ako nakatulog ng maayos. Iniisip kita. Ano bang ginawa mo kahapon? Hinihintay pa naman kita." "Ah ehh. A-ano. Naglaba, naglinis ng bahay. Kasi iniipis na kasi ang bahay namin. Kaya yun naglinis ako buong maghapon. Pasensya na ha." "It's okay. Hindi lang ako sanay hindi makita ang mahal ko." Kay sarap pakinggan pag sinasabihan niya akong mahal ko. "Ito naman. Kahapon lang naman po ako wala. Asus! parang nangangamoy tampo." Napangiti ako sa kanyang mukha na parang bata na nagtatampo na gustong aliwin dahil nga sa hindi napag bigyan lalo na ang pag nguso niya ng labi. "Labas tayo mamaya?" "Pagmatapos ang mga gagawin ko." He do it again. Ang sarap kagatin ang nguso niya. "Pwede mo naman yan tapusin bukas." "Hindi pwede." "Bakit naman? Remember ako ang amo mo at boyfriend." "Zac naman. Diba napag usapan na natin yan. Huwag naman ganyan Zac. Amo nga kita at boyfriend pero di naman maganda na porke boyfriend kita ay ikaw na masusunod. Gusto ko kahit boyfriend na kita hindi magbabago kung ano ako dito. Please?" "Fine. Basta uuwi ako ng maaga at lalabas tayo. Please?" "Oo na. Ang kulit naman nito. Sige na at kumilos kana baka ma late kapa sa trabaho yan." "Okay! See you later baby." Sabay halik niya sa aking labi. Ngumiti lang din ako. Pagkatapos kong magdilig sa itaas dating gawi pumupunta na ako sa ibaba para mag dilig ng mga halaman. Pagkatapos mag dilig ay maglilinis na ako sa kwarto ni Zac. Nag kwentohan muna kami ng kaunti nila Nay Norma at Lisa. Napansin lang namin ng may tumikhim. "Nandiyan kana pala iho. Kumain kana." "Come join me babe." Pano ba ito. Ito na ba sinasabi ko ayaw ko kasing hinahalo ang relasyon namin sa kung ano ang tungkulin ko dito sa mansyon. "T-tapos na ako Z-zac. Ikaw na lang ang kumain diyan. At saka pupunta na ako sa itaas para makapag simula maglinis." Pinan dilatan ko siya ng tingin. Buti naman ay nakuha niya ang gusto kong iparating. "Okay. You may leave. Basta mamaya ha." "O-oo. Sige sa taas na ako." "I love you." Naku Zac kay aga-aga at nandito pa talaga sila Lisa. Di ako sanay sa ganito. "I-i love you. Sige na bye na." "Kiss ko?" Ang landi talaga! "Zac naman." Sabi ko na parang bulong na lang lumabas sa bibig ko. "Biro lang. Sige na." He chuckled. Ilang oras ng aking paglilinis ay umalis na rin siya. Buti naman ay hindi na ito pumunta dito sa itaas dahil kukulitin na naman ako. Humanda ka mamaya sakin. Ang landi. Dapat may limit talaga kami. Pag nandito sila Lisa at Nay Norma. Di ako sanay sa mga ganyan. "Hailey?" "Po Nay Norma." "Nandito si Lucas. Gusto ka daw niyang kausapin." "Bakit daw po?" "Ewan ko wala naman sinabi. Oh siya puntahan mo agad nandoon sa sala." Dumeretso ako sa ibaba pagkasabi ni Nay Norma. Ano na naman kaya ang sadya niya dito. "Hey. How are you beautiful?" "Lucas ano ang atin? "Wala naman. Kinakamusta ka lang." "Sigurado ka? Pwede ka naman mag text sakin. Pumunta kapa talaga dito. Wala ka bang pasok?" "Meron naman. Ang totoo yan magpapasama sana ako sa mall. Di ko kasi alam kung ano ang mas magandang regalo for my mom. Since kaibigan kita gusto ko ikaw ang pumili." "ah ehh lucas may trabaho pa kasi ako. At tsaka-" "Okay lang Hailey. Wala naman na akong ginagawa ako na lang muna ang gagawa. Samahan muna si lucas." Pag boboluntaryo ni Nay Norma "Huwag na po Nay." "Sige na at samahan mo na lang si Lucas. Hindi naman yan iba samin." "Yun! Salamat ho Nay Norma. Iuuwi ko agad si Hailey." "Wala yun. Paki kamusta na lang ako sa mommy mo Lucas." "Sige ho makakarating po." Palibot-libot na kami ni Lucas sa mall. Wala padin akong matipohan na babagay na regalo sa Mommy niya. Sabi kasi ni Lucas kahit ano daw. Last section na ito. Dapat may mapili na talaga ako. Na isip ko ano bang maganda na palagi niya magagamit, na isip ko ay bag kaya dumeretso ako sa Bag's area. Pumili ako ng maihi na babagay sa kahit anong suot. Sabi ni Lucas don't mind the price pero pinili ko parin ang mura pero maganda naman. "Oh ito. Maganda yan. Alam ko magugustuhan yan ng Mama mo." "Thank you Hailey sa pagsama. Tara kain muna tayo. I'm sure gutom kana." Matapos mabayaran ni Lucas ang bag, tumungo naman kami sa mamahaling kainan. Tumango na lang ako sa kanya dahil gutom na din ako, mali! kami ni Baby. "Thank you talaga Hailey. Sa next week kasi Birthday ni Mom wala naman akong ideya kung ano ang magandang regalo. Is it okay ba sayo kung ikaw ang date ko sa Birthday party ni Mom?" "Ha? A-ako? Bakit naman ako marami naman diyang babae na mas babagay sayo. Isa pa di ako sanay sa mga ganyang okasyon." "Kaya nga gusto ko ikaw ang date ko kasi ipapakilala kita bilang girlfriend." "Lucas!" Di ko na naiwasan tumaas ang boses ko sa sinabi niya. "Joke lang. Chill. Girl na friend ba. Ang cute mo talaga!" Pisil niya sa ilong ko. "Anyway pumasok ka ba kahapon?" "Hindi, kasi may ginawa ako sa bahay maghapon akong naglinis." "hmm. You sure?" "O-oo naman. Bakit mo naman natanong?" "Wala naman. Para kasing may nakita ako kahapon. I'm not sure kung ikaw ba yun. Nasa store ka ng mga stuff ng baby." Nag-init ang buong katawan ko. Hindi ako dapat mahalata ni Lucas na ako yun. "Ano ka ba. Ano naman ang gagawin ko doon? M-mag hapon lang kaya ako nasa bahay. Baka kahawig ko lang." "Talaga ba? Teka may ipapakita ako sayo." Sa ginagawa ni Lucas sakin mas dumoble ang kaba sa dibdib ko. Kataposan ko na ba? Please God Help me! "Ano na naman yan? Ewan ko sayo." "Sandali lang. Tignan mo muna kasi. Hold it." Utos niya sakin na hawakan at tignan ang kanyang cellphone. Wala akong ideya kung ano ang ipapakita niya sakin. Ang alam ko lang may di mabuting mangyayari ngayon. Bagsak balikat kong tinitigan ang hawak kong cellphone. Ako talaga ang nakita niya. Dahil kinunan niya talaga ako ng litrato habang pumipili ng gamit ni baby. "Tell me? Sino kaya ito?" Tinignan ko si Lucas na may pagtataka sa mukha. Wala na akong magagawa pakiki usapan ko na lang si Lucas. I'm sure naman ma intindihan niya ako. "L-lucas. Magpapaliwanag ako. Pwe-pwede bang sa atin lang muna ito? Huwag lang muna makakarating kay Zac." "Bakit naman? Hailey anak rin yan ni Zac kaya dapat lang malaman din niya. Hindi na ikaw lang ang nag proproblema." "Sasabihin ko naman sa kanya Lucas. Hindi lang muna ngayon. Hindi pa talaga ako handa sa anong mangyayari samin. Kasisimula pa lang namin." "Yun na nga Hailey! Kayo na. Oo alam kung kayo na dahil binalita ni Zac sakin pagkauwi niyo galing sa fiesta. Alam mo bang masaya siya na naging kayo na? Kaya habang maaga pa ipaalam muna sa kanya." "Hindi mo kasi ako naintindihan Lucas." "Tell me? Ipaintindi mo sakin. Now tell me!" Ramdam ko na ang tensyon sa aming dalawa lalo pa kay Lucas na namumula na ang mukha. Alam kong nasasaktan din siya dahil parang kapatid na niya si Zac. "Nauunahan ako ng takot, pangamba na baka hi-hindi niya matanggap na magkakaanak na kami. Lucas alam mo naman ang estado ng buhay ko. Isang katulong lang ako at siya? Sige nga mahirap din sa akin ito. Pano kung malaman ng Papa niya? Matatanggap niya ba kami? Paano kung hindi? Siya na lang ang inaasahan ng Papa niya. A-ayaw kong makadagdag pa ng problema sa kanya." "Pano kung matanggap kayo ni Tito? Isa pa hindi ganyan ang Papa niya. I'm maintindihan niya si Zac. Apo niya rin yan." "Ple-please Lucas. Ipagpaubaya muna sakin ito. Kahit ngayon lang. Just give me time. One month to tell him." Naluluha na ako habang nagmamakaawa sa kanya. "Sa-sana naman pag bigyan mo ako." Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko. Nataranta naman siya kaya tumayo siya at niyakap niya ako. Hindi na ako nabigla. Lucas is just like my brother. Mabait siya umpisa pa lang alam kong magkakasundo kami. "Shh. Hush now. Oo na. Huwag ka nang umiyak. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Baka isipin nila inaaway kita." He sighed and chuckled. "Basta huwag muna yan itago ng ma tagal Hailey. Tell him. Habang tumatagal lalaki ang tiyan mo kaya hindi mo ma itatago yan kay Zac." Buti na lang at naintindihan ako ni Lucas. Laking pasasalamat ko dahil hindi niya ako pangungunahin, kahit pa mas matagal na niyang kaibigan si Zac. "Thank you Lucas. Promise ko." Isang hibla ng luha ang pinunas niya sa mukha ko. Kaya napa ngiti na lang ako. "Kain muna tayo bago ka ihatid sa mansyon. I'm sure na gutom ka sa kakapili ng regalo. Ngayon pa at dalawa na kayong kakain." "Thank you Lucas." Hinimas ko na lang ang tiyan ko para mawala ang kaba sa dibdib ko. "Isa pang Thank you diyan ay sasabihin ko na kay Zac." Alam ko naman na nagbibiro lang siya. Habang nag-aantay kami ng inorder ni Lucas na pagkain hindi ko ma pigilan ikwento ang nangyari samin sa fiesta, pano naging kami. Lalo na kahapon pano ko nakaya ang lahat ng malaman ko na buntis ako. Ipinakita ko rin sa kanya ang litrato ng ultrasound ng baby ko. Sa sobrang saya nawala ang pangamba at takot ko. Alam ko naman magiging okay din ang lahat. Tiwala lang. Mag-aalas singko na wala padin si Zac. Nag text na ako sa kanya na matatapos kaagad ang trabaho ko kaya pwede na kaming lumabas mamaya. Naka tanggap ako ng mensahe niya pero 'OK' lang. Hanggang sa mag alas sais na ay wala pa siya kaya napag desisyonan ko na umuwi na lang. Baka busy yun at maraming tinatapos. Hindi ko na rin siya kinulit pa. "Uwi na lang tayo baby ha. Mukhang busy ang Papa mo. Bukas na lang baka hindi na yun busy. Para makapag pahinga na rin tayo. I love you baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD