Pumasok ako ng maaga ngayon para maabotan ko si Zac. Dismayado akong pumasok ng mansyon ng hindi ko nakita ang sasakyan niya. Ang aga naman niya? Kagabi nag hihintay ako sa tawag noya o text man lang. Kaso wala ehh.
"Good Morning po Nay norma." Matamlay kong bati.
"Good Morning din iha. Ang aga mo naman yata."
"Ay opo Nay. Umaga kasi akong nagising kaya pumasok na lang po ako ng maaga." Pag dadahilan ko na ang totoo naman ay si Zac ang dahilan ko para maabotan ko siya. "Ahm. Siya nga pala Nay Norma si Z-zac po ano pong oras umalis?"
"Maagang pumasok iha mga ala sais siguro. Hindi na nga iyun kumain ng almusal. Tinanong ko nga bat ang aga mo sabi niya lang madami pa siyang tratrabahuin."
Hindi man lang siya nagtext sakin. Pati kagabi wala na akong na tanggap na text sa kanya. Parang nakaka panibago lang. Pero iniisip ko na lang na baka busy talaga siya. Kaya masanay na dapat ako kapag minsan hindi kami magkita o magkakausap.
"Ganon po ba. Madami siguro siyang ginagawa." Hays! Nakakinis siya.
"Kumain kana ba?" Tanong ni Nay Norma na nagpakulo ng tiyan ko. Oo nga pala hindi pa pala ako nakapag almusal. Gutom na siguro si Baby. Pasensya kana baby ha pati ikaw nadadamay. Gusto lang naman maabotan ni Mama si Papa mo.
"Hindi pa nga Nay Norma."
"Hala na. Umupo kana diyan maghahanda lang ako ng almusal natin." Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti ng kaunti. Mamaya na lang siguro hihintayin ko siya bago ako umuwi sa amin. Itetext ko na lang siya ngayon.
Habang nagtitipa ako ng text nagulat ako sa pag sulpot ni Lisa at tumingin agad sa cellphone ko.
"Oy! Miss mo? Alam mo late na si Sir umuwi ka gabi tapos ngayon naman ang aga umalis. Okay lang ba kayo? Para kasing walang buhay si Sir ka gabi. Tinatanong ko kasi sa kanya kung kakain siya. Pero hindi siya sumagot. Naghihintay nga kung magtatanong siya sayo, kaso wala ehh. Dumeretso lang sa kwarto niya."
"Yun nga rin ang pinagtataka ko kahapon pa. Nahihiya naman akong tawagan siya baka kasi nasa meeting. Pero Okay naman kami. Busy lang siguro siya. Alam muna."
Masigla kong sagot para hindi mahalata ni Lisa na nag-aalala ako kay Zac. Buti na lang ay hindi na nasundan pa ng tanong ni Lisa. Paano naman ako nito makaka focus sa trabaho kung siya ang iniisip ko.
Usuall alas sais na ng gabi ay wala padin siya. Uuwi na naman akong malungkot. Lalo na si baby. Pasensya kana baby ha kung uuwi na naman tayo na hindi nakikita si Papa. Bukas na lang ulit at sana naman ma abotan natin siya. Hay! Dapat hindi ako nagpapa apekto baka anong mangyari kay Baby.
Hindi na ako pumasok ng maaga dahil medyo masama ang aking pakiramdam. Sabi kasi ng OB ko na makakaranas daw ako pa minsan-minsan ng Morning sickness, pero normal lang daw iyan sa pagbubuntis.
Papasok pa lang ako ng mansyon, siya naman ang pagdating ni Lucas. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito. Ngumiti muna ako sa kanya bago magtanong.
"Kararating mo lang?" Tanong niya sa akin.
"Oo. Ikaw ba anong ginagawa mo dito?"
"May pag uusapan lang kami ni Zac. Mamayang hapon kasi ang flight niya papuntang states." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Zac. Wala naman siyang may nabanggit sa akin. Malamang Hailey text nga di niya kayang magawa diba. Maktol ko sa sarili ko.
"Mukhang di mo yata alam? hmm. Anyway tara na sa loob. Hahawakan na sana ni Lucas ang kamay ko ng biglang may nagsalita sa likuran namin. His face. Parang ilang buwan ko siyang hindi nakita. Pero bat parang may mali? Sa nakikita ko ngayon para siya yung dating Zac na nakilala ko sa umpisa. His jaw is clenching while looking at me. May mali ba akong nagawa? Kung tutuusin kasi dapat nga ako ang magalit sa kanya, feeling ko iniiwasan, tinatagoan niya ako. Pano pa kaya kung malaman niyang magkakaanak na kami baka tuluyan na siyang hindi magparamdam.
"Hey bro. Kay aga-aga yang mukha mo di ma ipinta." Pag bibiro ni Lucas kay Zac na mas kinakunot ng noo niya.
"What brings you here? And you! You may go mag trabaho kana." Huwaw! Parang di mag syota ahh. ang sakit!
"By the way mamaya diba ang flight mo?"
"Yes. Why?"
"Ilang days ka pala doon?"
"2-3 days. Kaya ikaw muna ang bahala sa kumpanya."
"So matagal-tagal pala. Ano pa nga ba ang magagawa ko ayaw mo naman magpasama. Hailey okay lang ba sayo yan?" Tanong sakin ni Lucas na ngayon ay naka titig sakin si Zac.
"O-oo naman. Bakit mo naman na ta-".
"I'm with Althea. Kaya no need ko na ng makakasama pa." Althea? That b***h girl. Bakit siya ang kasama niya? Para akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo sa likod ko. Zac bakit parang may kakaiba sayo? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Totoo ba ang nangyari satin sa Mundawan falls? O baka guni-guni ko lang. Bakit ngayon pa na magkakaanak na tayo. Bakit ngayon pa!
"A-alis na po ako. Maiwan ko na kayo Sir Lucas at Si-sir Zac." Mabuti pang umalis na ako baka makita pa nila mag bagsakan ang luha ko.
"Wait Hailey." Pigil sakin ni Lucas pero sinenyasan ko lang siya na Okay lang ako.
Dumeretso ako ngayon sa itaas upang ibuhos lahat ng sakit sa dibdib ko. Masakit pala lalo na kapag siya ang nagsabi. Akala ko okay na kami. Akala ko magiging masaya na ako dahil Mahal din ako ng mahal ko. Akala lang pala. Puro akala. Puro ka akala! Ang tanga mo Hailey. Isa kang malaking tanga!
Buong maghapon akong nag libot sa mansyon para maghanap ng malilibangan. Wala na kasi akong tratrabahuin kaso pag waka akong ginagawa ay naiisip ko ang mga sinabi niya kaya nililibang ko agad ang sarili ko. Ayaw kung ma stress dahil baka ano pa ang mangyari sakin at sa Baby ko.
Kaya ginawa ko ay tinulungan ko na lang si Lisa. Ma tagal-tagal pa naman ang oras. Para hindi rin ako mabagot.
"Salamat Hailey ha"
"Naku wala yun! Wala naman akong ginagawa."
"Nga pala may sakit ka ba? Bat parang ang lanta mo? Para kang petchay dai na hindi nadiligan." Si Lisa talaga kahit minsan walang filter yung bunganga.
"Medyo masinat-sinat lang naman ng kaunti pero maya-maya ay nawawala naman."
"Bukas paghindi kapa okay huwag munang piliting pumasok. Natapos naman natin lahat kaya kahit di kana pumasok bukas para makapag pahinga ka.
Alas singko na pero pinagtataka ko bakit nandito pa si Zac. Hindi man lang bumaba para kausapin, kamustahin ako. Bagsak balikat habang papunta ako sa maid's room. Uuwi na lang siguro ako. Para ano pa ang paghihintay ko. Nandito nga siya pero hindi man lang magawang kausapin ako.
NGAYONG ARAW ang pag-uwi ni Zac. Tatlong araw siyang wala sa mansion. Tatlong araw din ako nangungulila sa kanya. Panay na nga ang tanong sakin ni Lisa kung tumatawag ba ito sakin, sinasabi ko na lang na Oo tumatawag naman pero mabilis lang kasi sunod sunod daw ang meeting niya. Buti naman at hindi na mausisa si Lisa kasi kung magkataon wala na yata akong maidadahilan.
Pagdating niya sa mansion kung ano ang pinapakita niya ganon din ang pinapakita ko. Para kaming hindi magkakilala sa ginagawa namin. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin pero walang buhay kung maka titig. Ako na lang ang unang umiiwas sa mga titig niyang nakakamatay.
"You know what Babe. Sa susunod na may business meeting ka huwag kang mahiya na isama ako. Kahit papano nag enjoy ka naman. Right babe?" Aba! ang arte may pa tingin tingin pa sakin. Pwes! isaksak mo sa baga yang boyfriend ko! Kunti na lang at matutusok ko na iyang nguso mo sa pagpapa cute sa boyfriend ko! Ang sarap mong kaladkarin palabas ng mansyon! Kung asawa ko lang talaga yan baka nagawa ko na talaga yan sayo!!!
"hoy okay ka lang?" Tapik sakin ni Lisa at tanong sakin.
"Oo naman." Isang ngiti lang ang ginawad ko sa kanya. Pero deep inside sobrang sakit na talaga sa pambabalewala niya sakin.
Mabuti naman ay natapos na sila kumain. Tumuloy sila sa study room ni Zac. Ayaw ko ng mag isip kung ano ginagawa nila. Baka makasama lang samin ni Baby. My priority now is my baby.
"Iha kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ayusin niyo yan. Alam ko na hindi kayo nagkikiboan simula nang umalis siya. Ayaw ko mang pangunahan ka. Pero nag-aalala lang ako sayo."
"Salamat po Nay Norma." Buti pa sila may pakiramdam pero yang Papa mo baby walang pakiramdam.
"Wala yun. Parang anak na rin kita iha. Oh sige na at mag-aalas singko na para makauwi kana rin ng maaga."
"Salamat po Nay Norma. Alis na po ako. Lisa uuwi na ako. Salamat din."