"Umagang kay ganda ate!" Nagulat ako sa pagbati ni Aliyah sakin.
"Himala ang aga mo naman gumising?"
"Wala lang ate. Kain kana te."
"Oo sige mauna kana. At maliligo muna ako. Total maaga pa naman may oras pa ako." Pag kulang kasi ako sa oras hindi na ako minsan nakakaligo lalo na ngayon medyo pa balik-balik ang sinat ko.
Habang kumakain kami hindi ko ma iwasan isipin paano na kaya na wala ang mga magulang namin. Sa una medyo mahirap talaga pero habang tumatagal ay nasasanay na kami at nakakaya naman namin ma solusyonan maliit man o malaki na problema. Laking pasasalamat ko dahil sa trabaho ko ay medyo hindi na kami naghihirap. Di tulad dati na isang araw, minsan dalawang beses lang kami kumakain. Na aalala ko pa noon palaging maaga gumigising ang mga kapatid ko para lang lakarin papuntang paaralan. Kung ipapasahe pa kasi sayang ang pera kaya ibibili na lang namin ng pagkain.
"Oh siya ikaw na bahala dito Aliyah ha. Gisingin mo na lang si Zeus at baka ma late pa yun. Aalis na ako."
"Sige po ate. Ako na po bahala dito. Ingat po kayo te."
Buti na lang ay medyo di pa ganoon kadami ang mga bumibiyahe kaya napaaga ako ng kaunti.
"Good Morning Nay norma, Lisa."
"Nandiyan kana pala. Halika iha kumain ka dito."
"Hindi na po Nay. Nag almusal na po ako bago pumasok. Magkape na lang po ako, medyo di kasi ako nakatulog ka gabi. Tiyak mamaya baka antukin ako."
Panay kasi ang gising at bangon ko para umihi. Hindi naman ako uminom ng maraming tubig ka gabi na panay ang ihi ko.
"Oy day! Mag kwento ka naman sakin sa date niyo ni Sir Lucas!" Sinabi ko na nga ba at yan ang sasalubong sakin kay Lisa. Ngumiti na lang ako sa kanya bago nagkwento.
"Date ka diyan. Di naman yun date. Magkaibigan lang kami ni Lucas. Doon kami kumain sa Family Restaurant nila. Okay naman kahapon. Medyo naiilang ako ng kaunti kasi panay titig ng mga tao samin. Lalo na sa Family Restaurant nila kami kumain. Sabi niya first time niya daw kasi magdala ng babae doon."
"So ikaw ang una? Ang swerte mo naman!" May pa tili-tili pa ito si Lisa na kinikilig pa.
"Yun ang sabi niya. Teka! Kumain kana nga diyan. Aki na naman ang inumaga mo. Chismosa ka talaga." Tumawa kami ng malakas. Pati na din si Nay Norma ay tumawa din dahil kay Lisa.
Iniwan ko na sila matapos akong mag timpla ng kape. Nandito ako ngayon sa rooftop nagdidilig ng halaman. Aside sa ibaba may mga halaman din sa itaas. Medyo malago-lago na sila. Dati kasi lanta na yung iba. Buti na lang at may mga natira pa kaya binuhay ko sila. At ito na sila ang gandang tignan.
"Nagkakape ka pala?"
"Ay palaka!" Halos mabitawan ko ang aking hinahawakang tasa sa gulat ni Sir Zac.
"Ka-kayo pala Sir Zac. Good morning po sir. Ngayon lang po Sir. Medyo inaantok po kasi ako. Kape po tayo Sir." Pagyaya ko sa kanya na tila nagmamasid sa mga kilos ko. Hindi ko alam kung ano iniisip niya sa mga tingin niya sakin.
"No thanks. Nandito ako para sabihin sayo na-." Ano na namang problema nito sakin.
"Pasensya kana sakin kahapon. Medyo madami lang akong iniisip." Mukhang maganda yata ang gising niya. Hindi ako sanay. Naku hailey! Huwag kang padadala.
"Kalimutan na po natin yun Sir. Si-sige po sir."
"Siya nga pala. Ngayon linggo fiesta kina Manang. Sasama ka ba?" Abat oo naman! Day off ko naman yun. Bakit kaya niya tinatanong? For sure naman hindi ito sasama.
"Opo sir." Tipid kong sagot.
"Good. I have to go. Bye." Problema niya? Akala ko pa naman sasabihin niya na sasama din siya.
Pagkatapos kong mag dilig sa taas ay pumunta ako sa harden sa ibaba para tulungan si Lisa sa pag lilinis ng pool.
"Kanina pala tinanong ni Sir kung sasama raw ako sa fiesta sa inyo "
"Ows? Talaga? Ano naman sinabi mo?
"Eh di OO lang." Ngisi ko sa kanya. "Akala ko nga sasama siya."
"Oy! Si Hailey nag e-expect. Malay mo sumama siya. Pag nagkataon tiyak dudumugin siya ng mga babae."
"Hindi no! Ako mag e-expect sa kanya? Asa ka! Buti nga hindi siya sumama para mas mag enjoy tayo."
"Kami mag enjoy. Eh ikaw? Bantay sarado yan sayo no. Alam ko naman pagdating ng fiesta tiyak may magyayaya sasayaw sayo. Dadalo kasi tayo ng pasayaw sa plaza. Alam kong mag eenjoy ka."
"Excited na nga ako. Ilang dekada na ang nakalipas noong nabubuhay pa mga magulang namin. Na aalala ko pagfiesta sa baryo ng kamag anak ni papa pumupunta kami doon. Para makisalo sa mga palaro, pasayaw at lalo na sa pag tulong gumawa ng mga kakanin. Hay! Namimiss ko tuloy sila."
"Huwag ka nang malungkot diyan. Sa linggo mararanasan mo iyan. Alam kong mag eenjoy ka."
Buong maghapon kami nagtrabaho ni Lisa at nag kwentohan ng kung ano-ano. Mas okay kasi na may ka kwentohan habang nagtratrabaho dahil hindi mo mararamdaman ang pagod.
Hindi namin namalayan na alas singko na pala. Pagkatapos ng trabaho ay nagpaalam na ako sa kanila. Kagaya kahapon wala pa rin si Sir.
Pagdating ko sa bahay ay nakapag luto na pala si Aliyah. At si Zeus naman ay nag-aayos ng mga pinggan para sa haponan namin.
"Nandito kana pala ate. Tamang-tama lang dating mo at heto luto na ang paborito mong tinolang manok." Amoy pa lang mukhang masarap na. Nagutom tuloy ako. Nawala ang pagod ko dahil sa gutom.
"Ang sarap naman yan! Sakto lang gutom na ako. Hindi kasi ako nag meryenda bago umalis sa mansyon para hindi ako gabihin sa pag-uwi."
"Ito ate maupo kana." Sabay abot sakin ni Zeus ng malamig na tubig.
"Salamat. Siya nga pala Zeus next week na lang ang pambayad mo ng tuition sa school niyo."
"Huwag ka nang mag-alala te. Malayo pa naman ang next sem ko. Diba na full muna ngayong sem?"
"Full naba yun?"
"Oo te. Ay si ate malilimutin na. Mag-asawa kana kasi ate." Tawa ni Zeus ng malakas na ikinatawa rin ni Aliyah.
"Ayan na naman siya. Ahh! Basta next week na lang ibibigay ko sayo ang pang bayad."
"Ang swerte talaga namin sa ate namin. Salamat te. Hayaan mo te pagbubutihin namin ni ate Aliyah para makapag tapos. Para kay Nanay at Tatay lalo na sayo. Salamat sa sakripisyo te."
"Ang mga kapatid ko talaga ang dradrama. Alam niyo yan lang ang mabibigay ko sa inyo. Hindi man nainigay nila Nanay, Tatay ang lahat heto naman ang ate niyo handang gawin ang lahat." Nagyakapan kaming tatlo. "Ano ba yan naiiyak tuloy ako sa inyo. Tara na nga! Kumain na lang tayo at yung sabaw lalamig na yan."
Napuno ng kwentohan at tawanan ang haponan namin. Nagpapa salamat ako sa panginoon na kahit anong problemang dumaan samin ay hindi niya kami pinabayaan.
ILANG araw ang nagdaan. Linggo na ngayon. Napag usapan namin ni Lisa na sa terminal na lang kami magkikita. Heto ako ngayon abala sa dadalhin kong mga damit. Kaunti lang naman kasi bukas ng hapon din kami uuwi. Buti na lang at pinayagan kami ni sir Zac na bukas wala kaming pasok para ma sulit daw ang fiesta sa kanila kaya nag plano sila nay Norma na bukas ay maliligo daw kami ng dagat.
Na wala ako sa pag iisip ng mag ring ang cellphone ko.
"Hello? Oh Lisa nandiyan na kayo? Huh? Bakit daw? Ganon ba? Oh sige punta muna ako. Susunod na lang ako sa inyo. Ingat kayo."
Habang sa biyahe di ko maiwasan ang mag isip bakit pinapapunta ako ni sir. Alam naman niya na ngayon ang alis namin. Masama na naman yata ang timpla nito.
Pagkadating ko sa mansyon takang-taka ako dahil naka upo si Sir at tila may hinihintay.
"Finally! You are here. Saakin kana sumabay." Nagtaka ako sa kinikilos niya bigla na lang niya ako hinila papasok sa sasakyan. Bumalik din siya papasok ng bahay.
"Anong ginagawa niya? Sasama ba siya?" Pagbalik niya sa labas may dala na siyang bag. Sino naman kaya ang maiiwan dito kung sasama siya.
"Sir saan ka po-"
"Sa fiesta. Am I invited right? Where going there. Kung inaalala mo kung pano tayo makakapunta doon huwag kang mag alala may google map ako. Hindi tayo mawawala. And besides, dalawang hours lang naman ang biyahe"
"Akala ko po kasi-" Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng sumingit ulit siya.
"Remember during my birthday I said yes? Kaya pupunta tayo." Oo nga pala. Pero malay ba namin kung sasama ba siya or napa OO lang nila Lisa. Imbes mag-enjoy ako heto may matang mag babantay na naman sakin.
Makalipas ang dalawang oras na biyahe ay heto na kami sa baryo nila Lisa. Pumarada kami malapit sa plaza nila. Buti na lang may signal dito sa kanila. Tinawagan ko kaagad si Lisa pagkadating namin. Sinabi ko sa kanya na nandito na kami sa plaza pumarada. Sakto lang ay malapit ang bahay nila sa plaza kaya ilang minuto lang ay sinundo agad kami.
"Buti naman iho at sumama ka." Sabi ni Nay Norma na makikita sa mukha niya ang pagkatuwa. "Hala na at mainit sa labas para makakain muna kayo ni Hailey. Hailey anak kunin muna ang gamit niyo ni Sir."
Hahawakan ko na sana ang mga gamit namin ng unahan ako ni Sir Zac.
"Ako na Hailey." Nagkatinginan kami ni Sir Zac sandali ng magtama ang mga kamay namin. Hindi ko alam pero iba ang dating sakin ng mag tama ang balat namin. Yung parang kinuryente ka bigla.
Ang bawat tao sa loob ng bahay ni Nay Norma ay tumitingin talaga sa kanya. May iba naman na bumubulong at ang iba naman ay halatang kinikilig.
"Kayo mag si tigil nga kayo. Nakakahiya sa bisita." Saway ni Nay Norma sa dalawang bakla na parang bulate na sinaboyan ng asin kung makakilig.
"It's okay Manang."
"Hala sige na doon nga kayo tumulong kayo sa kusina. Ito po Sir malamig na tubig." Sinasabi ko na nga ba ay ito ang mangyayari madaming mahuhumaling kay sir zac. Hindi naman rin niya kasalanan. eh gwapo naman talaga siya.
"Day ano? Go?" Nag plano kami ni Lisa na kami gagawa ng ibang kakanin. Kaya excited talaga ako sa pagdalo ng fiesta sa kanila.
"Teka pano si Sir?" Tanong sakin ni Lisa. Ano kaya ang mabuting gawin ni Sir? Tiyak mababagot yan pag iniwan namin. Hmm....
"Isama na kang natin. Kaw na magyaya sa kanya. Dali na." Utos ko kay Lisa. Balak ko siya taga dala ng mga pinamili namin. Oh diba? Lihim akong napangiti.
"Sir gusto niyo pong sumama? Bibili po kasi kami ng mga sangkap sa pag luto ng kakanin para bukas."
"Sige ba. Walang problema. Let's use my car."
"Ahh ehh. Huwag na po Sir. Malapit lang naman ang palengke dito. Maglakad na lang po tayo."
Heto na kami ngayon sa palengke naghahanap ng mga sangkap. Dalawang sangkap na lang at uuwi na kami. Parang artista talaga si Sir kung tignan ng mga babae. May iba naman na sumisitsit pa talaga. May iba din na lumalapit kunwari may bibilhin at tatabi sa kanya at nagpapa cute. Ang sarap nga sabunutan sa sobrang arte.
"Lisa musta kana? Kailan kapa dito?" Agaw pansin sakin ang isang babaeng mataba na nangangamusta kay Lisa.
"Aling Lorna! Kamusta kana? Kailan kapa nagtitinda dito? Mukhang sumisikse yata tayo."
"Ikaw talaga hindi ka parin nagbabago. Medyo ma tagal-tagal na din. Oh ano pala ang hinahanap mo? Siya nga pala sino sila? Mag asawa sila? Naku ay kay gandang babae at lalaki naman nila. Tiyak kung magkakaanak kayo kay gaganda at cute pag nagkataon."
Namula naman ako sa sinabi ng kaibigan ni Lisa. Tinignan ko si Zac pero ang itsura ay ngising-ngisi na parang masaya pa sa sinabi.
"Salamat po Aling Lorna. Pero hindi po kami mag asawa. Amo po namin siya." Hindi ko alam kung para saan ang mga ngiti ni Sir Zac. Parang tanga lang.
"Ay pasensya kana iha. Akala ko kasi. At ang ganda mo iha akala ko asawa ka ng lalaking ito kay gwapo-gwapo talaga."
"Oh diba Hailey sabi ko sayo." Sabat ni Lisa na isa pa itong kinikilig din.
"Huwag ho kayong mag alala Aling Lorna right? Sa susunod na fiesta dito sa inyo ay mag-asawa na kami at may anak na" Sabay kindat sakin ni Sir Zac. Nabigla ako sa sinabi niya. Kailan pa siya natutong mag biro? Ang alam ko palagi siyang seryoso.
"Nanliligaw naman pala ehh. Ang swerte mo iha!" Ramdam ko talaga ang pag-iinit ng katawan ko lalo na sa bandang pisnge ko. Nahihiya ako na parang kinikilig.
"Kaya Aling Lorna dapat sa susunod na fiesta ay nandito kapa para makita mo ang mga anak nila pagnagkataon." Pinandilatan ko naman ng mata si Lisa sa sobrang daldal din. Ewan ko sa mga tao ngayon. Sumasakit ang ulo ko.
Pagdating namin sa bahay nila Nay Norma ay hinanda namin kaagad ni Lisa ang mga gagamitin sa pagluto.
Buti na lang at may mga pinsan si Lisa na mga lalaki at niyaya nila si Sir Zac uminom. Buti naman ay sumama at umiinom din siya. Ngayon ko lang napansin na hindi naman pala mapili si Sir Zac ng tao. Ang saya-saya nga niya ngayon habang nakiki pag kwentohan at biroan sa mga pinsan ni Lisa.
"Baba mo baka may pumasok na langaw."
"Hindi naman ako naka nganga ha." Pinagpatuloy ko na ang ginagawa kong paghahalo ng sangkap.
"Hindi daw. Halos matunaw na nga si Sir sa mga titig mo eh."
"Ikaw kanina kapa Lisa ha. Lalo na doon kay Aling Lorna. At kailan pa natuto si Sir Zac magbiro pansin mo?"
"Malay ko. Basta ang alam ko dati daw masayahin naman talaga yan si Sir, mula lang mamatay ang mama niya ay naging seryoso na yan sa buhay niya. Kaya huwag ka nang magtaka. Ipag pasalamat na lang natin at nakiki halubilo si Sir. Akala ko nga mababagot siya dito at uuwi sa mansyon."
"Sabagay. Sige na bilisan natin at para matapos tayo sa lulutuin natin."
"Oo na. At pagkatapos ay mag-inom tayo."
"Oo ba! Go ako diyan."
"Sure ka? Eh ilang shot lang sayo namumula kana agad." Tawa ni Lisa ng malakas na nagpatingin kay Sir Zac samin. Inirapan ko na lamang siya.
Ilang oras ng pag luluto namin at ang resulta kay amoy ng cassava cake at maja na dessert.
Napagkasundoan din namin ni Lisa na sumali sa pinsang niyang mga lalaki. Buti na lang at mababait sila. Para silang magkakapatid kung mag turingan.
"Sit here." Sabay hawak sakin ni Zac at naupo sa tabi niya.
"Ah sir mukhang madami na yata ang nainom niyo?"
"Hindi pa naman. Ikaw iinom ka ba? Better do not drink. Mag juice ka na lang." Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw juice? Anong juice pinag sasabi nito. Ako juice at sila alak?
"Naku sir. Wala yan na juice na yan. Mas masarap po ang alak lalo na pag fiesta."
"Try it. Uuwi tayo" Bulong niya sakin na ikinainis ko. Ito na naman po siya. Naiinis ako sa mga pa ganyan-ganyan niya. E hindi niya naman ako girlfriend kung makaasta siya.
"Susubukan ko talaga." Para hindi mapansin ng iba ay ngumingiti ako katapos ko siyang bulungin para hindi mahalata na nag dedebati na kaming dalawa.
"Sige subukan mo. Di mo naman yata gugustuhin ang gagawain ko sayo mamaya." Inirapan ko na lamang siya. Ramdam ko rin ang galit niya dahil sa mga panga niyang gumagalaw.
"Well see." Tanging sagot ko sa kanya. Bahala siya. Basta ako iinom ako.
Labas masok ang mga tao sa loob ng bahay nila Nay Norma. At ngayon ay alas nuebe na ng gabi. Namumula na ako sa mga ininom ko. Actually naka ilang shots lang ako dahil si Sir Zac ang panay sumasalo sa ibang shots para sakin. Hinayaan ko na lamang siya para hindi kami makaagaw pansin sa iba pero ito ako nagtitimpi talaga sa kanya. Medyo may saltik na nga ako pero kaya ko pa naman.
"Lisa halina kayo at kumain muna kayo. Nag luto ako ng sinabawang lechon. Bagay yan sa inyo at ng mahimasmasan kayo"
"Sige ho Nay Norma att ng makakain muna si Hailey bago magpahinga. Mukhang may tama na si Hailey."
"Naku day kaya pa? Kunti lang naman ininom mo pero ang bilis mong malasing."
"Iinom inom pero hindi naman pala kaya." Kahit medyo di na maganda ang tama ko klaro padin ang pandinig ko sa sinabi ni sir zac.
"Hoy ikaw! Porke boss kita ay ikaw na ang kukuha ng shots ko. Kanina kapa ha. Na iinis na ako sayo!"
"Kita muna kung hindi pa ako ang sasalo sayo sa inoman malamang mas lupaypay kana ngayon." Ano ba? Sermon na naman niya. Kaiinis. Sumama-sama pa kasi.
"Lisa."
"Sir?"
"Mas mabuti kung maligo si Hailey para mawala ang init ng katawan."
"Ay opo sir. May falls po dito samin. Malapit lang dito. Doon niyo na po ilublob si Hailey ng mawala ang init ng ulo." Isa pa ito si Lisa. Tumatawa pa talaga. Ganito ba talaga pag nalalasing ng sobra. Yung isip mo ay buhay na buhay pero yung katawan mo parang naka drugs na nag coconect sa utak kung anong gusto mong sabihin at gawin. Ayoko na talaga! Hindi na talaga ako uulit pang uminom!
"Sige."
"Sunod na lang po ako sa inyo Sir. Kukuha lang po ako ng tuwalya."
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako. Isa! Dalawa!"
"Tatlo!" Kinarga niya ako at pinadapa sa kangyang balikat mas lalong nahilo ako sa ginawa niya sakin. At pagkatapos ay nagpaalam na siya sa kanila.
"Napipikon na ako sayo ha! Ano ba ibaba mo nga ako. Di kaba nahihiya pinag titinginan na nila tayo!"
"Huwag kang maingay kung ayaw mong pag tinginan nila tayo."
"Pano hindi ako mag iingay kung maka buhat ka ng ganito. Nahihilo kaya ako!"
"Iinom-inom ka ng madami hindi mo naman kaya pala. Pano kung hindi ako sumama? Sino mag aalalay sayo? You know what I don't want any men to touch you Hailey. You are mine. Only mine!" Diin na diin ang pagkasabi niya. Tila may humaplos sa aking dibdib. Ang tiyan ko naman na parang may kung anong mga kulisap na naramdam ko. Ito kaya ang tinatawag nilang butterfly on my stomach?
Namalayan ko na lang ang paghawak sakin ni Sir tuluyan ng inihagis.
Pagkaangat ko, ngayon ko lang narinig ang rumaragasang tubig nagmumula sa itaas. Ito na yata ang sinasabi ni Lisa na falls na malapit sa kanila. Ang Mundawan falls.
"I hate you! I hate y-" Isang matindi at mapusok na halik ang ginawad niya sakin. Parang uhaw na uhaw . That scent makes me feel crazy. Pinaghalong alak at mabango niyang hininga. Ng mawalan kami ng hininga ay binitawan na niya ako. Pinag tungki niya ang mga ulo namin habang titig na titig sakin.
"Don't you dare do that again Hailey. You're drunk!"
"Ano naman ang pakialam mo? Ikaw nag titimpi na talaga ako sayo! Please Sir Zac. Naguguluhan na ako. Hayaan muna ako."
"Hayaan? Bakit? Sino ba ang gusto mong umalalay sayo? Mga pinsan ni Lisa?"
"A-anong pinag sasabi mo? Anong pinsan? Alam mo hindi mo talaga ako na iintindihan."
"Eh di ipaintindi mo sakin!" Nabigla ako sa pagtaas ng boses niya. Dahil dun ay nag bagsakan na ang mga luha ko.
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Sa mga ginagawa mo sa akin di ko alam kung anong mayron sa atin. Fe-feeling ko ginagamit mo lang ako pampalipas oras at sa pangangailangan mo. Alam mo ba anong feeling sakin yun? Para akong basahan, basura na pagkatapos gamitin ay isasantabi na lang. Hindi mo ako pag-aari Sir! Oo aminin ko sayo. May gusto ako sayo. Matagal na. Pumayag ako na may mangyari satin dahil gusto ko at gusto kita! Ewan ko pero mahal na yata kita. Kaya sa tuwing may nangyayari sa atin di ko alam kung ano ang iniisip mo!"Habang sinasabi ko sa kanya ay may pa duro-duro pa ako sa kanya habang nag babagsakan ang mga luha ko.
"I'm s-sorry Hailey. Please! Listen to me. Kung sa tingin mo ginagamit lang kita para sa kaligayahan ko nagkakamali ka! Aminin ko sayo. Noong unang may nangyari satin sinadya ko yun. Dahil ng dumating ka sa buhay ko ginulo mo ako. I don't know wha-what I feel for you kaya inangkin kita sa kaarawan ko. To make sure if it lust. But that's not lust Hailey. Gusto talaga kita. I like you sweetie. Mas napatunayan ko ang mga bagay na yan ng makilala ka ni Lucas at umaaligid siya palagi sayo. Sobrang selos na selos ako na halis umabot sa punto na gusto kong manakit. Dahil I don't like any men talking to you, even touching you lalo na pag kay Lucas! Damn!!!"
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Hindi ako sigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo para makuha na naman ako. Hindi ako kumibo at nagpatuloy padin siya sa pag sasalita.
"Simula ng makilala kita Hailey, nagbago lahat sakin. You've change me! Kung minsan ay maiinitin ang ulo ko dahil doon pag umaaligid si Lucas sayo at pag hindi kita nakikita o na aabotan sa bahay. At ayaw kong napapalapit ka sa mga lalaki. I don't f*****g care if you call me crazy, possessive, so territorial. But damn!!! All I know is what's mine is mine! Only mine! Hindi ko alam kung pano ang panliligaw kaya hindi ako makagawa ng move. But this time! Nangyayain ka ni Lucas sobrang nag seselos ako. Gusto ko nga siyang murahin dahil kasama mo siya. Kaso anong magagawa ko kung ayaw mo sakin. Kaya hinayaan na lang kita sumama."
Ang init ng ulo ko kanina ay nawala sa nangyari samin ngayon. Sa mga narinig ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.
"Kaya ako umiiwas dahil gusto kong kalimutan ka. Hindi ako nagsasabi dahil ayaw ko na ma reject. Ayaw kong pangunahan kita dahil ayaw kong umasa at sa huli ay maririnig ko sayo na hindi mo ako gusto. At isa pa isang katulong lang naman ako. At madami ang babae diyan na mas maganda, sexy at mayayaman na babagay sayo."
"No, No... Don't say that babe. You're perfect for me. Sorry kung naging duwag ako sa pag-amin. Sorry kung ang nakikita mo sakin ay ginagamit lang kita. Hailey, simula ng may nangyari satin ay hindi na ako tumingin sa iba. Seriously, babaero talaga ako dati. I don't take a serious relationship dahil para sakin sakit lang yan sa ulo. But now, everything has changed. This time I know hindi ka sakit ng ulo kahit pa hindi pa tayo. Please allow me babe. I like you. And I think... I love you."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. At sa sobrang saya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Yumakap din siya pabalik. I feel his lips under my shoulder.
"Ang tagal kong hinintay ito Sir Zac. Ang mag tapat sayo. A-kala ko ay wala lang sayo ang mga nangyayari satin. Hinayaan kita sa mga nangyayari satin dahil mahal kita. Bahala na kung ano ang iisipin mo malandi, madaling ikama at-"
"Shh... Shh... Shh... Don't cry baby. Please don't cry. And please don't say that again."
Hinalikan niya ako sa labi. Ramdam ko ang mga kamay niyang naglalakbay sa aking pwetan patungo sa maselan na bahagi sa ibaba.
"Z-zac. ahh."
"Shh. Allow me. I can't control myself babe."
Wala na akong nagawa at nagpaubaya uli. He beat my lips while his hand touching my womanhood. Isang ungol ang pinakawalan ko sa ginagawa niyang nakakalasing.
We're both panting. And I was gasping for air when he hoarsely whispered on my ear. "Umuwi na tayo sa mansyon." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ang sama mo." sabay tapik ko sa kanyang braso.
"Biro lang. Tara na at baka magkasakit kapa. I'm sorry if I throw you. Ang ingay-ingay mo kasi at ang init ng ulo mo."
"Sa susunod na ihagis mo pa ako makakatikim ka sakin. hmm."
"Really? Baka ikaw ang makatikim sakin. Don't worry sa kama na lang kita ihahagid uli. I know you like that."
"Ewan ko sayo! Ang manyak mo talaga." Nagtawanan kaming dalawa. Ang gwapo talaga niya.
"Tara na nga at baka magka tikiman pa tayo." Sabi ko sa kanya.
"Before that. I want to clear things to you."
Tinitigan ko lang siya sa kanyang sasabihin. Ewan ko pero kinakabahan ako.
"Now that we are officially couple. I have conditions?"
"Sir zac."
"Isa pa yan. From now on stop calling me Sir. Drop that Sir Zac. Understand sweetie?"
"Z-zac. Pwedeng wala munang conditions? Gusto ko munang normal lang. Lalo na at nag uumpisa pa lang tayo. Please?" I make puppy face para hindi siya tumutol sakin.
"Fine. But one thing babe? Kung hahalikan kita please allow me?"
"Fine. Basta pagtayo lang."
"No. Sasabihin na natin sa kanila. I don't like hiding our relationship."
"Are you sure? Hindi naman kita minamadali Zac."
"Yes. I'm sure. Wala ng dapat itago pa." Bumuntong hininga na lang ako. Mas kinakabahan ako sa mangyayari samin. Iniisip ko kasi parang ang awkward naman kasi lalo na pag nandiyan sila Nay Norma.
" I Love You babe."
"I Love you too."