Episode 14

2047 Words
Hailey's POV Nakakainis! Hindi sa lahat ay siya ang palaging nasusunod. Porke may nangyari na naman samin eh pwede na niya akong kuntrolin! Sablay ka naman kasi Hailey. Hindi mo nga alam kung anong meron sa inyo pero ito ka bumibigay agad. Siguro ganito talaga pagmahal mo. Himutok ko sa aking isip. "Hailey, Pasok kana. Okay ka lang ba? Bakit parang balisa ka at namumutla?" Hinawakan ko ang mukha ko at labi ko sa sinabi ni kuya Robert. "Wa-wala po. Napagod lang po sa kakalakad. Ang taas po kasi ng building ni Sir. Sira kasi yung elevator. Kaya gumamit ako ng hagdanan." Naku Hailey mga pagdadahilan mo. Baka mamaya mag tanong yan kay Sir. "Ganoon ba? Ma iba ako sasama ka ba sa darating na linggo?" Oo nga pala Fiesta kina lisa at nay norma. " Ayy opo! Sasama po ako. Excited na nga po ako." "Si Sir Zac kaya sasama ba yun?" Bakit naman ni kuya tinatanong sakin. Wala akong pakialam kung sasama siya o hindi. "Ewan ko po. Malay ko sa kanya. At parang wala naman yun alam sa mga ganoon ya. Kaya hindi yun sasama panigurado." Totoo naman talaga. At mabuti pang hindi siya sumama para walang matang naka bantay sakin. Pagkadating namin sa mansyon nagtaka naman sina Lisa at Nay norma. Nag dahilan na lang ako na pumasok ang sekretarya niya kaya wala pang dahilan para magtagal ako sa opisina niya. Nag aayos ako ngayon ng mga halaman sa hardin ni Sir. Unang pagtrabaho ko pa lang dito hindi ko na linubayan ang pag aalaga ng mga pananim sa mansyon kaya hindi na rin si Nay Norma bumibili ng mga bulaklak para ilagay sa altar. Mas umaliwalas at nabuhay daw ang mansyon sabi nga nila Nay Norma ng dumating ako. "Hoy! Ang lalim naman ng iniisip mo. Share your blessing naman diyan." Ito naman si Lisa palaging nang gugulat. Parang kabute na sulpot lang ng sulpot kagaya ni Lucas. Speaking of Lucas sasama kaya ako sa kanya mamaya? Hay naku! bahala na. "Ikaw ginugulat mo ako." "eh kasi ang lalim ng iniisip mo. Ano ba kasi ang iniisip mo? Ay! hulaan ko kung sino." Anong sinong pinagsasabi neto. Mabatokan nga ng isa. Isa lang please. "Anong sino ka diyan. Isa pa kailan kapa naging manghuhula kung maka sino ka diyan?" "Halata naman kasi. Kaya share muna sakin. Alam mo kasi kahit hindi mo sabihin alam ko kung sino iniisip mo. Isa pa nandito lang ako handang makinig. Kung nababahala ka tungkol sa inyo ni Sir Zac huwag kang mag-alala. Alam naman namin na may ano kayo ni Sir. Yung ano. Alam muna yun." Sabay tawa ni Lisa na parang kinikilig pa talaga ang bruha. Please isang batok lang sa kaibigang baliw! "A-anong si-sinasabi mo." "Tignan mo uutal-utal ka diyan. Alam namin na baka iniisip mo na masama ang iniisip namin sayo. Hindi ganon yun. Masaya nga si Nay norma kasi simula ng dumating ka dito sa mansyon ay medyo nag iba na daw si Sir Zac. Hindi na siya yung amo na ang sungit-sungit palagi. Lalo na pag may ka tawag sa telepono halos sirain ang telepono at Panay sisante. Dahil yan sayo Hailey nagbago siya." Wala na akong masabi kay Lisa natameme ako sa mga sinabi niya. Halos hawakan ko na lang ang pisnge ko dahil sa kaba at takot kung ano ang nararamdaman ko. "Pasensya kana Lisa ha kung hindi man ako masyadong nagkwento sayo lalo na sa inyo ni Nay Norma. Kita mo naman diba wala pang kasiguraduhan kung ano ang meron samin. Ang alam ko lang pagkasama ko siya at nakikita napapanatag na ako. Masaya ako." "Ano ka ba! okay lang yan. Ayaw naman namin pangunahan ka. Pero Hailey tandaan mo nandito lang kami handang makinig sayo. At speaking of wala pang linaw sa inyo bakit hindi mo kaya sungitin si Sir, pagselosin mo kaya. Alam kong mahal kana yan ni Sir. Di lang masabi sayo. Kaya mamaya sumama kana kay Lucas. Wala namang mali sa pagsama. At isa pa gaya nga ng sabi mo wala pang linaw sayo." "Ikaw ha? Pero bakit alam mo may lakad kami?" Kabute talaga si Lisa. Certified kabute! "Kasi naman. Baka isipin mo ang chismosa ko. Pasensya kana Hailey. Narinig ko lang pagtatalo niyo ni Sir." Tignan mo nga naman. kabute talaga. Pero kung narinig niya sobrang nakaka hiya dinig niya lahat ng sinabi ko at away namin. "Ohh relax ka lang? Lumabas naman ka agad sa kabilang linya ko ang mga narinig ko." Sabay wagayway ng kanyang kamay sakin. Natawa na lang ako sa kanyang pinakita. "Sige na, labas na kayo. Enjoy ka lang muna. Hayaan muna yan si Sir. Bahala siya magalit para makita mo talaga kung ano kaba talaga sa kanya. Kung anong meron sa inyo." "Sabagay. Yan nga rin ang iniisip ko kanina pa. Sige Lisa bahala na mamaya. At madami pa ang gagawin ko. Salamat talaga sa pagintindi Lisa." "Ano ka ba. Ikaw pa. Sige na at para matapos kana diyan at makauwi ka ng maaga para sa date niyo mamaya. Babosh!, At may tatapusin pa ako sa kabila." Tuluyan ng nagpaalam sakin si Lisa. Halos mawalan ako ng hininga sa mga sinabi ni Lisa. Pero kahit papano ay gumaan-gaan din ang loob ko sa mga sinabi niya. Di ko namalayan magdidilim na pala. At himala wala pa si Sir. Buti na lang yan para hindi kami magkaabotan. Ewan ko pero na iinis ako sa kanya sa ginawa niya kanina. "Oh iha. Bukas muna yan ipagpatuloy at magdidilim na. At tsaka nandoon si Lucas sa labas nag hihintay sayo. Mukhang nagmamadali yata sa lakad niyo." Heto na siya! Buti na lang at wala pa si Sir malamang masama na naman yun tumingin pag nagkataon. "Sige po Nay Norma. Salamat po. Bukas ko na lang po ito tapusin." Mas mabuti na ito para hindi kami magkaabot ni Sir at maging tigre na naman yun. "Naku batang ito. Oo naman. Hindi naman yan pinapadali. Hala na at baka gabihin pa kayo sa lakad niyo." "Sige po. Alis na po ako. Pakisabi na lang kay Lisa Nay. Salamat po." Sa wakas makakapahinga na ako. Kanina pa kasi ako kinakabahan. Buti na lang at wala pa siya. Paglabas ko ng mansyon, tama nga si Nay Norma hindi talaga siya pumasok. Ito talaga si Lucas. Siguro kung si Lucas lang ang unang nakilala ko malamang ma iinlove ako sa kanya. Kaso itong puso ko kahit anong dekta ko kay Sir Zac talaga titibok. "For you." Inabot niya sakin ang bulaklak at sabay halik sa pisngi. Gosh! Amoy pawis ako. Nakakahiya! "Sa-salamat Lucas nag abala kapa. Siya nga pala. Saan ba tayo pupunta?" "Ikaw saan ba gusto mo? Kahit saang gusto mo okay lang sakin." "Kahit saan na lang. Ikaw na bahala Lucas." Ang importante naman kasi sakin ay ang makaalis ng maaga dito sa mansyon. Baka kasi maabotan pa kami ni Sir. Pag nagkataon lintik na naman. "Okay. shall we?" Sabay lahad niya ng kanyang kamay. "Thank you." Habang nasa biyahe kami panay ang tingin ni Lucas sakin. Mas na iilang tuloy ako sa mga titig niya. Hindi ako sanay sa ganyang titig lalo pat kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. "May dumi ba sa mukha ko? Pasensya kana ha. Ang bilis mo kasi dumating, hindi tuloy ako nakapag ayos." At amoy pawis din. Nakakahiya talaga. "Wala naman. Ang ganda mo lang. At isa pa kahit hindi ka mag-ayos ay maganda kapa rin. Actually, sinadya ko talagang pumunta ng maaga para hindi tayo maabotan ni Zac. I'm sure hindi kanon papayagan." "Kaya pala. Bakit naman?" "Alam ko na mga galawan ni Zac. Lalo na sayo? His so possesive to you. You know." Possesive? Ang alam ko nangyayari lang naman yan sa mga mag syota o asawa. Pero saming dalawa ni Sir? Malabo mangyari. "Ay ewan! Basta ang alam ko palagi naman yun masungit. Ewan ko dun sa taong yun. Pinaglihi sa sama ng loob." Sabay takip ko sa baba kong madaldal. Malakas siyang tumawa kaya ngumiti na rin ako. "I have an idea. Doon na lang tayo kumain sa Restaurant namin." "May restaurant ka? Bukod pa pala sa company niyo ni Zac may iba kapa palang pinagkaka abalahan?" "Not totally sakin. Family Restaurant namin. But soon gusto kong magkaroon ng sariling restaurant. Cooking is my passion. Sadyang di lang pinalad. Mas pinagfocus ako ng magulang ko sa company nila Zac. My family has shares sa company nila Zac. Kaya nag tutulungan kami ni Zac dahil pinaghirapan ng magulang namin ang company na iyan." Sa mga nalaman ko mas nagutom tuloy ako. Sana lahat ng tao kagaya nila mayayaman. "We're here. Wait!" Di ko namalayan nandito na pala kami sa sinasabi ni Lucas na family restaurant nila. Sa labas pa lang mukhang mamahalin na at masasarap ang mga pagkain. "Naku lucas huwag mo nga akong sanayin sa mga the moves mo. Kaya ko naman lumabas mag isa." "Bakit na iinlove kana ba sakin?" "Loko! Hindi lang ako sanay." "Biro lang alam ko naman nilalaman diyan." Turo niya sa dibdib ko. Na ikinapula ng pisnge ko. "Bahala ka diyan. Tara na nga at gutom na ako." Paghihila ko sa kanya. Kung maka hila naman parang may ibabayad naman ako. "Good Evening sir. This way sir." Habang naglalakad kami pinag titinginan kami ng mga ilang staff at mga kumakain sa restaurant na halatang mga mayayaman. Habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ko ay napapatingin lahat ng mga babae sakin. Feeling ko bibitayin ako sa mga titig nila. Diyos ko po! "Hey are you alright? Nanlalamig yata mga kamay mo?" "Pano hindi lalamig yan. Eh tignan mo nga naman lahat yata ng tao dito satin nakatitig lalo na sa kamay mo na nakahawak sakin." Bulong ko sa kanya. "Don't mind them. Hindi lang sila sanay na makita akong may kasamang magandang babae. And besides mababait ang mga staff dito sa restaurant. You're the first." "You're the first?" Paglilinaw ko sa sinabi niya sakin. "Yep. Ikaw pa lang ang dinala ko na babae dito sa restaurant namin except for my mom." sabay kindat niya at ngiti. "Ahh. Ganun pala kung maka titig sila sakin." Nakarating na kami sa paruruunan namin at pinag hila ako ni Lucas ng upuan. "Thank you. Ma iba ako sa gwapo mo yan? Lucas huwag mong sabihin ni isa wala kang naging girlfriend? Na hindi mo madadala dito." "Seriously. Wala nga." Tumawa siya ng kaunti. "Wala akong naging girlfriend na seryoso. At dinala dito sa restaurant namin. Mga special lang na tao ang dinadala ko dito. Like you." Heto na naman si Lucas. Minsan hindi ko alam ano isasagot ko sa mga sinasabi niya minsan. "Ayan ka na namam Lucas. Alam mo naman diba." "Alright. Alright... Alam ko naman pero totoo you're special to me. Kahit as friends lang." Buti na lang at may lumapit na samin na waitet para maputol ang pinag uusapan namin. "Ahm. Lucas ikaw na ang bahala sa order. Hindi naman kasi ako pamilyar sa mga pagkain dito." "Sure. Ako na bahala. I'm sure you're love it." Habang kumakain kami madami ang napag usapan namin. Yung iba sa family ni Lucas pano nagsimula ang Family Restaurant nila. Yung iba about naman sa family ko lalo na kung pano kami nawalan ng mga magulang. Matapos naming kumain ay nagyaya na akong umuwi para makapag pahinga na si Lucas at lalo na ako. "Dito na lang Lucas." "You sure? Saan ba bahay niyo para maihatid kita mismo sa tapat ng bahay niyo." "Ano ka ba. Okay lang. Dito na lang ako. At isa pa iniiwasan ko ang mga chismis samin pag nakita nila akong naka sakay sa magarang sasakyan. Tiyak bukas na bukas ako ang headline samin." Pagbibiro ko sa kanya na ikinatawa na lang niya. "Ganon ba? oh sige basta mag-iingat ka ha. Text me when you already got home. Okay? "Oo Lucas. Salamat ulit sa treat." "Nah. It's nothing. Ako dapat magpasalamat. Thank you." "Sige na Lucas umalis kana. Anong oras na para makapag pahinga kana." "Sige. Bye Hailey. See you around." Isang halik ang ginawad niya sa pinge ko. Pagkapasok ni Lucas ng sasakyan hinintay ko muna makaalis siya bago ako naglakad pauwi. Pagdating ko sa bahay ay tulog na ang mga kapatid ko. Hindi ko na sila ginising. Pagkatapos ko magpalit ng damit ay natulog na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD