Zac's POV
Pag gising ko yayakapin ko na sana si Hailey pero wala akong makapa ni kahit na ano. Kaya agad akong bumangon. Hinanap sa CR pero wala rin. Nagmadali akong maligo at nag ayos saking sarili. Pagkatapos ay bumaba ako para hanapin siya. Alas otso na pala ng umaga.
"Lisa nasaan si Hailey?"
" Nasa likod po Sir nagdidilig ng mga halaman."
Pumunta naman ako sa likod para makita siya.
"Umuwi ka ba ka gabi?"
"Kayo pala Sir. Good morning po."
"I said umuwi ka ba? Bakit hindi mo ako ginising para ako ang naghatid sayo. O di kaya dapat hindi kana umuwi. Alam mo namang deli-"
"Okay lang po Sir. Huwag na po kayong mag-alala. Wala naman po may nangyari sakin at isa pa hindi niyo po ako obligasyon." Kahit mahinhin ang kanyang pananalita alam kong may problema siya at may gustong ipahiwatig.
"Obligasyon kita dahil-"
"Dahil ano po Sir? Dahil-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Hailey dahil may nag salita sa likod ko. Walang iba kundi di si Lucas.
"Dude, tinatawagan kita kahapon kaso di ka naman sumasagot at wala karin sa opisina mo. Kaya pumunta ako dito to check on you. Oh by the way for you Hailey. Musta ka?" Sabay abot ng bulalak kay Hailey na tinanggap niya na walang pag alinlangan.
"Sorry bro. Nagkasakit kasi ako. Pero ngayon okay na at papasok na ako."
"Kaya pala. Siya nga pala Hailey. Can I ask you a date later matapos ang trabaho mo? Kahit gabi kapa matapos okay lang maghihintay ako."
"S-sige ba Lucas. Maaga naman ako matatapos. At-"
"That's great! Sunduin na lang kita mamaya dito."
"Are you done Lucas? Sige na. Umalis kana. Doon na lang tayo mag-usap sa opisina. Paalis na rin ako." Pag tataboy ko sa kanya. Kay aga-aga mang bwesit!
"Teka lang di pa ako ta-"
"Just leave Lucas. Madami pang gagawain si Hailey."
"Fine. Take it easy dude!" Sabay wagayway ng kanyang dalawang kamay. "Balik na lang ako mamaya Hailey. See you later sweetie" Sabay kindat kay hailey.
"Alis na ako dude. Ikaw na nga ang binibisita." Biro at tapik niya sa braso ko habang ngumingisi.
"Huwag ako Lucas. Alam ko naman iba ang pinunta mo dito. Sige na. Lumayas kana nga. Sa office na lang tayo mag kita."
Ilang segundo ang tinahimik naming dalawa. Tatalikod na sana si Hailey kaya hinawakan ko siya sa braso.
"Hey young lady! May date pala kayo mamaya?" Kahit kailan talaga magaling mang timing si Lucas.
"Ehh ano naman sayo? Wala kang pakialam Sir. Kahit sino pwede kong i'date. Labas kana dun." Umigting ang panga ko. At ang kamay ko gusto kong suntukin si Lucas.
"Don't you dare sumama kay Lucas. Or else-"
"Ano po sir? Sige sabihin niyo po?"
"Nevermind. Bye!" Hindi na ako sumagot and I turned away.
Hindi ako mataranta hanggang makarating ako sa opisina. Iniisip ko kasi ang mangyayaring date nila mamaya.
"Hello. Papuntahin mo dito si Hailey ngayon sa opisina ko. Kung dapat kaladkarin, kaladkarin mo. Just do what I say kung ayaw mong mawalan ng trabaho!"
Tignan lang natin kung matutuloy pa ang date niyo. That bastard asshole!
Palakad-lakad ako sa loob habang hinihintay siya. Iniisip kung sumama ba ito.
Ilang oras ang pag hihintay ko at dumating na si Hailey. Alam ko, sa hitsura pa lang ay gusto na itong magtanong kung bakit pinapunta ko siya.
"Sir zac. Bakit niyo po ako pinapunta ulit dito?"
"You know that Hailey. You can stay here hanggang sa makauwi ako."
"Pero Sir. May mga gawain pa po ako at madaming tatapusin. Kaya kung pwede lang po babalik na po ako sa mansyon."
"No! You stay here. Tatawagan ko na lang sila manang sila na ang gagawa ng mga trabaho mo."
"Pero Siir-"
"Don't mind them hailey. Ako ang amo mo kaya susunod ka sa utos ko!" Alam kong nagulat siya sa pagtaas ng boses ko. But damn! I hate Lucas and I hate you Hailey! Talaga bang sasama ka talaga kay Lucas mamaya?
"Hindi porket amo ko kayo ehh susunod na lang ako basta-basta. Lalo pa may mga tungkulin ako na dapat gawin. At ayaw kong iba ang gagawa. Ayoko maging abuso Sir. Pinapasahod niyo po ako ng tama at dapat lang gawin ko din ng maayos ang trabaho ko. Pasensya na po sir. Aalis na po ako." Tatalikod na siya pero hinaklit ko ang braso niya na nagpadaing sa kanya.
"Sir ano ba! Nasasaktan ako!" Hinalik halikan ko siya sa kanyang leeg at labi. F*ck. Di ko ma pigilan. Gusto ko siyang parosahan ngayon.
"Talaga bang atat ka nang matapos ang trabaho mo at para makipaglandian kay Lucas! Tell me? Sawa kana ba sakin?"
Isang sampal ang ginawa ni Hailey sakin. Tinitigan ko siya ng masama. At nagmamadali itong lumabas sa opisina.
Hindi niya alam na sinundan ko siya.
"Hailey please! Look, I'm sorry babe. Sorry nadala lang ako sa galit." Hindi ito nag salita at kumibo. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko. Ang gusto ko lang naman ay hindi siya sumama kay Lucas mamaya.
"Okay fine. Ihahatid na lang kita. I'm sorry."
"Huwag na po Sir. Sasakay na lang po ako. Salamat na lang po. At please lang po hayaan niyo na po ako." Wala na akong nagawa habang pinapanood ko ang paglalakad niya paalis. Hindi na ako nag pumilit pa at baka mas magalit pa siya sakin at hindi na ako kausapin pa.
"Hello nandito siya sa ibaba. Fetch her."
Bagsak ang katawan ng bumalik ako sa opisina ko habang himas-himas ko ang noo ko. Ilang minuto lang may kumatok at pumasok.
"F*ck! Diba sabi ko kahit sino ang bumisita huwag mong-"
"Iho. Mainit yata ang ulo mo. May nangyari ba?" Umayos ka agad ako ng makita si papa.
"Kayo pala pa. Wala. Don't mind me. Stress lang sa trabaho."
"Mukha nga. May bumabagabag ba sayo anak?"
"Wala naman dad. Bakit niyo po na tanong?"
"Wala naman. Anyway kamusta na pala ang pinapagawa ko sayo? Na ayos mo na ba? Akala ko madali mong maaayos ang pagpapaalis ng mga tao sa lugar na yun. Tell me son, may kailangan ba akong malaman?"
"Wa-wala naman dad. Medyo busy lang talaga at hindi ko na bigyan ng pansin ang Barangay na yun. At besides kasama ko naman si Lucas sa project na yan. Siya minsan ang pinapadala ko doon. Bakit niyo po natanong dad? Anyway kailan po kayo naka balik ng pinas?" Pag iiba ko sa usapan na aalala ko kasi si Hailey.
Alam kong masasaktan si Hailey pag nalaman niya kami ang nagmamay ari ng lupang tinirikan ng Barangay Sitio at baka kamuhian ako ni Hailey sa mga pagpapaalis ng mga tao sa Barangay nila.
"Kahapon lang. Magtatagal ako dito ng ilang buwan. Kaya gusto ko habang nandito pa ako magawa mo na ang pinapagawa ko."
"Okay dad. Makakaasa kayo." Simula ng mag ritero si dad ay namalagi na siya sa ibang bansa. Pumupunta lang siya ng pinas kung may mga kailangan tapusin parte sa kumpanya.
"Pano aalis na ako. At may pupuntahan pa ako."
"Sige po dad."
Napabuntong hininga na lang ako ng tuluyan nawala sa paningin ang ama ko. Isa din ito sa problema ko. Ang malaman niya at kung ano ang iisipin niya.