Episode 11

1246 Words
Hailey's POV Nandito na kami sa kanyang opisina. Pati sa biyahe kanina tahimik lang kaming dalawa. At buti naman ay di na niya ako hinawakan pagk pasok namin sa company building niya. Buti na lang at hindi na ulit namag tsismisan ang mga empleyado niya. "Finish your work para maka uwi tayo ng maaga." "Okay sir." Hay naku! Ganon ba talaga siya ka busy? Wala ba talaga ni kahit ilang minutong pahinga? Gano'n siguro ang mga mayayaman. Wala sa vocabularyo ang salitang pahinga. Hays Makapag simula na nga at ng matapos na ito. Di namin namalayan ang oras. Alas sais na pala ng gabi. Kung di pa mag aalburuto ang tiyan ko tiyak hindi ko mapapansin ang oras. "Are you done? Kung hindi pa bukas na lang yan." "Hindi pa po. Sige po sir." Habang nag aayos ako sa mesa panay na ang alburuto ng tiyan ko. Ano ba naman kasing tiyan na ito. Lately pansin ko madali akong gutumin. Siguro dala lang ito ng pagod sa trabaho. Nangmaka labas na kami sa building tatawag na sana ako ng sakayan ng biglang hinawakan niya ang aking kamay. "Hatid na kita. But before that kumain muna tayo. Mukhang kanina pa yan nag aalburuto." Nguso niya sa tiyan ko na kanina pa talaga kumakalam. "Hep! Hep! Hep!" Sabay wagayway ng kamay ko. "Sasama lang ako sayo in one condition?" "Okay fine! What?" "Hindi tayo sa restaurant kakain." May na isip ako tiyak first time niya ito. Sabay ngiti ko na ikina kunot ng noo niya. "Saan naman? Any idea?" Of course! Humanda ka. Kala mo ha! Habang nasa biyahe kami tinuturo ko sa kanya ang daan. May paborito kaming kainan magkakapatid. Isa ito sa pinaka masarap at murang kainan. Madaming pagpipilian. "Malayo pa ba tayo? Dapat kasi doon na lang tayo kumain malapit sa company." "Okay lang po Sir. Sulit naman mamaya. Tiyak magugustuhan mo." Ngiti ko hanggang tenga. "Diyan po Sir lumiko po kayo. Oh my! Heto na!" Nang makababa kami ng sasakyan usual pinag titinginan na naman kami. Lalo na kay Sir Zac. Imbes pagkain ang atupagin ng iba, iba na yata ang gusto nilang kainin kung maka titig kay Sir parang lalamunin ng lahat. Sino ba naman kasi ang di mapapa tingin at tititig sa ka gwapohan ng amo ko. Aba! Eh ang gwapo-gwapo talaga nito. Lahat siguro ng babae dito gustong magpalahi. May ibang babae dito napa pst-pst pa lalo na ang mga bakla napapa tili akala mo naka kita ng artista. Tyak kung artista pa si Zac dudumugin siguro ito ng kababaihan. Hay naku! Ang gwapo talaga ni Si Zac. "Hey! Natutulala ka? Nabighani ka ba sa ka gwapohan ko katulad nila? Sabay tingin niya sa gilid. "Ha? Hindi no! Tulala lang ako dahil sa mga babae dito parang nakakita ng-" "Ng ano?" Ano ba to pati ngiti ni sir nakaka bighani. "Wala! Sabi ko tara na. Yun! May upoan baka maunahan pa tayo. Ako na lang ang bibili doon. Dito ka na lang Sir para di kana makipag siksikan." "Okay. Here" lahad niya ng pera. Syempre tatanggi ako. This time libre ko lalo pa at mura lang. "Huwag na po Sir. Ako na po." Sabay talikod ko sa kanya para hindi na magpumilit. Sobrang na miss ko talaga dito. Sayang kung kasama ko si Aliyah at Zeus tiyak masaya kami ngayon. Nakaka miss talaga. Lalo na ang mga pagkain. Kanin na nakabalot ng dahon, bbq, isaw, kikiam, qwek qwek, ulo ng manok, paa ng manok basta at marami pa! Habang namimili ako, napansin ko mas dumudoble at mas napapalakas ang mga bulongan ng ibang tao. Paglingon ko nasa likod na pala si Sir. Lahat na yata ng mga tao na kay Sir ang atensyon. Pag kayo nasunugan ng iniihaw. Bahala kayo. "Sir doon na lang po kayo. Masikip po dito. Madali lang naman po ito." "No. Samahan na kita. Madami rin ditong mga lalaki. Mas mabuti na safe ka." Parang baliw naman ito. Parang hindi sanay sa ganito. "Kayo po bahala." Pero deep inside nakakakilig! "Miss heto na order mo. Oy miss! Boyfriend mo? Swerte mo naman ang gwapo ng boyfriend mo. At mukhang mayaman pa." Sabay tili ni ate na kinikilig pa. "Naku po te hindi po. Kayo naman po." Ngiti ko sa kanya sabay abot ng pagkain namin. "Let me help you. Ang dami naman nito? Tayo lang ang kakain diba? Baka hindi kana makatayo nito mamaya sa dami ng kakainin natin." "Okay lang po yan sir. Mas mabuti ng marami para madaming pagpipilian niyo." "Kunti lang naman kakainin ko. Di ko rin familiar ang pagkain na yan." Mayaman talaga di alam ang ganitong uri ng pagkain. Nakaupo na kami sa lamesa namin at heto ako di ko mapigilan ang mapangiti dahil sa itsura ni Sir. Tititignan niya lang lahat ng pagkain nasa harapan namin. Nag dadalawang isip kung isusubo niya ba. "Sir sige na po masarap po yan! Lalo na po itong ulo ng manok. Super sarap po lalo na po yung utak ng manok. Perfect!" Natatawa talaga ako sa itsura ni Sir. Parang na gui-guilty tuloy ako na dito pa kami kakain. Habang pinapanood si Sir mas ako ang nahihirapan sa kanya. "Ganito po sir gayahin niyo lang po ako. Okay? Ito po yung di ma anghang. Ito naman po ang ma anghang at ito naman po ay suka. Sawsaw niyo lang po diyan. Ito po sir isaw, isawsaw niyo po sa suka. Masarap po yan." "What's isaw? Sorry ha pero First time ko talaga ng ganito. Noong bata kasi ako hindi ko maranasan ang ganito. Paaralan at deretso bahay lang ang ginagawa ko. Nakikita ko lang ito sa mga kalye. Ang lungkot naman pala ang naging buhay ni sir. Akala ko masaya siya dahil nasa kanya na ang lahat. Pero mali pala ako. "Ahm. Isaw po intestine po ng manok. Promise masarap po yan." Tinititigan ko ng mabuti ang pagsubo ni Sir kung ano ang magiging reaction niya. "Hmm. Masarap siya." "Ohh diba sabi ko sayo eh. Try niyo naman po ang iba." Tinikman niya isa-isa. Halos maubos nanga niya ang iba. Hindi halata na gutom siya promise! Lalo na ang isaw paborito ko pa naman yun. Ginawa ko kaunti na lang ang kinakain ko. Parang isang linggo di nakakain kasi. "Sorry. Na sarapan lang talaga ako. Ever since ngayon lang talaga ako nakakain nito. Palagi ka ba kumakain dito" wow! himala nagtanong si gwapo. "Noong una pero kasama ko palagi kapatid ko sina Zeus at Aliyah. Makapunta lang kami dito okay na samin. Dito kasi namin nilalaan kung gusto namin mag bonding magkakapatid. Kahit na 200 pesos lang budget namin." "200? Kasya yun sa inyo? How?" "Oo naman Sir! May sobra pa nga pwede. Malaking na po yan samin ang 200 pesos. Kaya pag gusto namin mag bonding naglalaan talaga kami ng pera. Ngayon okay naman kami nakaka raos na kaso yun nga lang busy na sila kaya nag bobonding na lang kami sa bahay. Pinag luluto ko na lang sila." "Swerte nila sayo dahil may kapatid sila na mabait at mapagmahal." "May nakaka appreciate pala sakin?" sabay tawa naming dalawa. "Why not? Swerte ang lalaking mapapangasawa mo. Mabait na, ma alalahanin pa, yung uunahin ang iba bago ang sarili niya, at maganda pa." Nagpa blush sakin ang huling sinabi ni Sir. Alam kong pulang-pula na ang pisngi ko. "K-kain lang po kayo Sir. Masarap po diba?." Distract hailey baka mahalata ni sir na kinikilig ka. Baka mahulog kana naman. Hay naku self! Huwag kang padadala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD