Episode 10

1297 Words
Zac's POV Hindi ako maka focus sa ginagawa kong trabaho. Dahil na iisip ko na naman ang ginawa ni Lucas sa pag halik niya kay Hailey. May gusto talaga ang gago kay Hailey. Sh*t! "Hello mang Robert. Ihatid mo dito si Hailey ngayon sa opisina ko. Sabihin mo may pinapagawa ako sa kanya." Sa totoo lang wala akong ipapagawa sa kanya. Gusto ko lang nandito siya nakikita ko. Hindi ko alam pero di ako mapakali ngayon pag hindi ko siya kasama. Pa lakad-lakad na kang ako sa loob ng opisina ko habang hinihintay ang pagdating niya. Naka ilang pindot na rin ako sa intercom at tinatanong kong dumating na ba ang hinihintay ko. "Sir nandito na po siya." "Okay. Papasukin mo." Sabi ko sa sekretarya ko. Inayos ko ng kaunti ang sarili para di mahalata na kanina pa ako nag hihintay sa kanya. Pagka pasok niya sa pintoan bumilis ka agad ang t***k ng puso ko. When you look at her she is like an angel. Her eyes and her damn natural lip color. Ano bang meron sa kanya na nagkaka ganito ako. Yes! She's not like other girls na maporma halos makita na ang ka loob-looban. But damn! Kahit simple lang ang ayos niya ang lakas parin ng dating sakin . No! No! No! Am I inlove to her? Naudlot ang aking pag iisip ng marinig ko ang pag tikhim niya. "Ahm. Sit down Hailey." "Sir Zac ano po ang ipapagawa niyo sakin? Nasabi po kasi kanina ni kuya Robert" Think Zac! Huwag kang magpapabisto sa kanya. "Oh? yes. ahm... Do you know how to use laptop?" "Y-yes sir pero kaunti lang po." "That's good. Here, encode that." Mukhang nabigla ko yata sa kapal ng pinapa encode ko. "I-ito po sir? Ang dami naman po." "Huwag ka nang umangal dahil may sweldo ka naman diyan. At hindi kami gumagamit ng Xerox machine. Mas malinis kapag naka encode yan. Kung iniisip mo na nandiyan ang secretary ko, Fully loaded siya kaya sayo ko pinapagawa ang mga iyan for the meantime." "Sige po Sir." Buti naman at hindi na siya tumanggi. Mukhang na kumbinse ko din siya. "Okay. You sitdown there. Don't hesitate to ask me kung may problema. Am I Clear?" "Yes Sir." Panay ang sulyap ko kay Hailey. Medyo nakukunsensya rin ako ng kaunti. Sorry sweetie di ko lang mapigilan di ka masilayan ngayong araw. Ang totoo gustong-gusto ko siyang angkinin ngayon. Oh f*ck! Behave Zac! hinawakan ko na lang ang aking ulo at hinilot ito. Pag tingin ko sa orasan 12 noon na pala. Di ko na namalayan ang oras sa dami ng aking ginagawa. "Fix yourself. Let's have a lunch." "Kayo na lang po sir. Tapusin ko na lang po ito para makauwi ako kaagad sa mansyon. May mga tatapusin pa po kasi akong trabaho." "Na ahh! Tinawagan ko na sina manang sila na ang gagawa. Huwag ka ng mag-alala pa. Hurry. Fix yourself. Gutom na ako." Sabay nguso ko sa tiyan ko na kanina pa kumukulo. Hailey's POV Ano namang pakulo ginagawa ng mukong nato! Hay! Bahala na nga. Heto ako ngayon sa Cr nag aayos ng kaunti. Kahit walang make up maganda pa naman ang mukha ko natural ang kulay kaya kahit di na ako mag lagay ng kulerete. Nag lagay lang ako ng kaunting lipgloss dahil kanina pa tuyo ang labi ko sa lamig ng kanyang opisina. Ang sakit na rin ng mga daliri ko sa kapal pa naman ng pinapa encode. Singkapal din ng mukha niya. Mukhang hinihintay talaga ako dahil naka simangot na ang mukong at nakasandal pa sa tapat ng pintoan. Gutom na yata. Pano naman umalis ka agad kaninang umaga sa mansyon hindi man lang nag almusal. "Are you done?" "Yes sir." Tipid kong sagot. At bigla niya na lang ako hinawakan sa kamay at hinila palabas ng kanyang opisina. Lahat ng empleyadong madaanan namin na hindi talaga kumukurap kung makatingin samin. Ang iba naman ay nag bubulungan halata naman na ako ang pinag uusapan dahil naka tingin sila sakin at sa kamay namin. Yung ibang nakaka salubong namin bumabati sa kanya. Siya ay tipid lang kung sumagot. Para siyang Goddess na sinasamba ng lahat. "S-sir teka lang po. Ang bilis niyo naman po mag lakad." Pero di niya ako pinakinggan hanggang sa makarating kami sa labas at nandoon na ang sasakyan niyang nakaparada. "Sakay." Sumunod kaagad ako sa utos niya. Kahit pa hingal ako sa paglakad namin kanina. Ilang minuto lang ang bineyahe namin at narating namin ang isang napaka gandang kainan nasa itsura pa lang mamahalin ang datingan. "Sir. Ang mahal yata dito. Wala po akong pambayad. Pwede naman po ako sa karenderya na lang kumain." "I'll treat." Pagkapasok namin binati kami ng isang staff at nilahad niya ang kanyang kamay kung saan ang table namin. Nangmaka upo na kami binigyan kami ng isang menu book. Pag bukas ko nito ay namangha ako sa mahal ng mga presyo. Itong mga presyo ng pagkain ilang araw na ito samin. Lumunok na lang ako sa mahal ng mga pagkain. Pwedeng tubig na lang ba ang i'order? Dalawang baso busog na ako. "Don't mind the price Hailey." Tsk! Nahalata yata ni Sir na problemado ako sa presyong pagkalaki. Pero totoo naman talaga ang mamaharlika. Jusko! "Ano kasi Sir. Eh ang mamahal naman po kasi ng pagkain. At tsaka di ko po alam kung ano ang mga pagkain na iyan." "It's okay Hailey." "Mahal na nga mahirap pang bigkasin. Ano ba yan. Kung sa karenderya na lang kami. Sulit pa." Bulong ko sa sarili ko. "What did you just say?" Narinig pa yata ako. Nakakahiya. "W-wala po sir. Sabi ko po kayo na lang po ang umorder. Okay na po sakin ang dalawang baso ng tubig." Sabay ngiti ko sa kanya. Kahit naman kasi libre ni Sir di ko naman kaya ngumuya ng ganyang kamahal na pagkain. Iniisip ko pa lang sa ganitong mga mayayaman wala lang sa kanila ang halaga pero samin lalo na sa aming lugar, ang mga nakatira doon ay nakakakain lang ng isang beses sa isang araw. Ganitong presyo ng pagkain siguro isang buwan na ito sa kanila. Nakaka lungkot lang isipin bakit ba kasi hindi pantay-pantay lahat ng tao sa mundo. "Are you alright? Kung ang problema mo ay ang presyo sabi ko na sayo diba na huwag kang mag alala. Fine, ako na lang ang o'order para sayo. Just relax there okay? Agaw pansin sakin ang sinabi ni Sir. Isang tango na lang ang sinagot ko sa kanya. Wala na akong nagawa hindi naman ako mananalo sa kanya. Tahimik lang kami habang kumakain. Ang boring naman kasi nitong kasama. Siguro pag nagka girlfriend si Sir bored panigurado ang syota. Ang maririnig lang samin kundi ang ingay ng mga kubyertos. "Ahh sir. Sa darating po na linggo fiesta po kila Nay Norma. Day off niyo naman po diba? Sumama na lang po kayo para po di kayo ma bored sa mansyon." Panimula ko sa usapan para kahit kunti di kami ma bored. Musika lang kasi ang maririnig dito. It's like a couple dating while there's a music playing by someone. Mas di ako makakain ng mabuti dahil feeling ko nag d'date kami ni Sir. "I'll try." Ano ba yan tipid kung sumagot. Buti di na babagot si Lucas pagkasama siya. "Sige na Sir. Para naman ma relax po kayo. Yung work, work, work muna yan nandiyan lang po iyan. Siguro po hindi niyo pa nararanasan ang mamiesta?" For sure naman. Itong tao? Eh anak mayaman to! "Okay! Fine, fine, fine. Daming satsat. Just finish your food para makabalik na tayo sa office." "Sorry po. Okay po sir." Nagalit na naman si tigre. Ikaw kasi Hailey ang daldal mo rin minsan noh. Pilit ng pilit sa taong ayaw naman. Pag sesermon ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD