Isang magandang paraiso na naman ang aking nasilayan. Kwento kanina ni Lucas habang papunta pa lang kami dito ang sabi niya isa sa pinaka paborito niya ang isla na ito. Gano'n din kay Zac. Dito kasi ginanap ang Wedding ceremony ng kanyang magulang. Mas maganda pa daw ito noong una nang nabubuhay pa ang ina ni Sir. Alaga ang mga pananim, halos parang nasa ibang mundo ka daw sabi ni Lucas. Pero ng mamatay ang kanyang ina ang pagkakaalam ni Lucas hindi na pumupunta ang ama ni Zac dito sa isla. Mas naging workaholic daw ito.
"Ang ganda dito. Ito yung tipong gusto mo nang tumira dito hanggang sa mag tanda ka."
"I agree. Alam mo bang dito naninirahan sila Zac dati? Ayaw lisanin ng kanyang ina ang isla. Kwento nila hindi naranasan ng kanyang ina ang mamuhay ng simple. Palaging may trahedya sa kanilang pamilya siguro isa na dun ang trabaho ng kanyang ama politiko. Kaya pinangako niya sa sarili pag nagka pamilya siya ayaw niya maranasan ng kanyang anak ang ganoong sitwasyon. Kaya mas tumibay ang pagsasama nila tito at tita. Saksi ako sa pag mamahalan nila. Kahit busy si tito gumagawa siya ng paraan para maka uwi lang ng isla. Siguro ganon talaga pag mahal niyo ang isat-isa. Walang mahirap, walang imposible. Ewan ko lang kay Zac di namana ang pagka romantic ng kanyang mga magulang."
"Ikaw lucas ano bang gusto mo sa buhay?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang malaman kong ano pa ba ang mga gusto niya lalo na nasa kanya na ang lahat.
"Bakit mo naman tinatanong?"
"Wala lang. Nasa inyo na kasi ang lahat. Wala ng problema pagdating sa pera." Tama naman diba. Di tulad samin na mahihirap pag walang trabaho di makakakain. Swerte muna kung makakakain ka ng tatlong beses.
"Simple lang. Makilala ko ng maaga ang babaeng mamahalin ko."
"Yun lang?"
"Oo naman. Eh ano pa ang hihilingin ko, kung nasa akin na ang lahat isa na dun ang magandang estado sa buhay. Isa na lang ang kulang ang mamahalin ko pang habang buhay, bubuo ng sariling pamilya. Yun lang naman ang kulang sakin"
"Sabagay. May point ka naman."
"Eh ikaw?"
"Huwag ka nang mag tanong ma bobored ka lang dahil sa dami." Sabay tawa ko.
"Tell me. Sige na. Makikinig lang ako." Sinabi ko na lang kay Lucas ang mga pangarap ko sa buhay. Yung totoo di ako mahilig mag kwento ng buhay ko sa iba pero pag kay Lucas iba ang nararamdaman ko. Feeling ko gumagaan palagi ang pakiramdam ko.
"Gusto ko magkaroon ng trabaho. Oo may trabaho ako ngayon pero iba parin kung ano ang gusto mo sa buhay pero dahil sa kakulangan sa pera kaya heto ako ngayon. Ang mga pangarap ko ay tinutupad ko na lang sa mga kapatid ko. Gusto ko silang magkaroon ng magandang buhay kaya nag pupursige ako makatapos sila sa kolehiyo." Habang nag kwekwento ako pinipigilan ko ang maluha. Iniisip ko kasi kung bakit may mahirap at mayaman. Bakit hindi pantay-pantay ang lahat.
"How about yourself? Hindi mo ba gustong magka pamilya? Yung sariling pamilya."
"Gusto ko naman pero nandyan lang naman yan. Mas priority ko ang mga kapatid ko sa ngayon. Sila na lang kasi ang mayroon ako, sila na lang ang natitirang magulang ko."
"Napakabait mo naman na ate."
" Tama na nga ito. Parang MMK na ito." Sabay tawa naming dalawa.
Pupunasan ko na sana ang luha ko ng naunahan na ako ni Lucas. Napatigil ako bigla sa ginawa niya. Nagtitigan lang kami ng bigla niya akong halikan sa labi na ikinapikit ko na lang. Then he said,
"Kung man ligaw ba ako sayo, Would you give me a chance? Kaya ko mag hintay Hailey. Una pa lang kita nakilala napaibig na ako sayo."
Natulala ako sa sinabi ni Lucas. Di ko alam kung ano ang isasagot ko. Wala naman problema kay Lucas gwapo, matalino, mabait pero wala akong maramdaman ni kahit ano kagaya kay Sir Zac.
"It's okay. Hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko. Basta Hailey as long I am here I will protect you." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"T-thank you Lucas." Tanging salamat na lang ang nasagot ko sa kanya.
Papalubog na ang araw heto kaming apat naka upo sa buhangin habang tinatanaw ang napaka gandang sunset. Hinawakan ni Lucas ang kamay k, binalewala ko na lang ito. Sabay bulong sakin na parang hinahalikan ako.
"Maganda ba?" Tango na lang ang sinagot ko kay Lucas dahil nakatitig pala ng masama samin si Sir Zac. Ako na ang bumawi sa titig niya ayaw kong masira ang huling araw namin dito.
Ilang minuto lang ay napagpasyahan na namin bumalik. Pagkadating namin deretso kami sa kanya-kanyang cottage namin. Nagpahinga kaagad ako. Iniisip ko ang nangyari samin ni Sir Zac. Ewan ko sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari samin masaya ako pero sa bandang huli malungkot. Walang kasiguraduhan kung ano ba ang habol ni Sir Zac. May pag tingin ba siya sakin? Or let's just say tanggapin na lang na s*x lang talaga ang habol niya. Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Kaya ginawa ko pinikit ko na lang ang mga mata ko.
****
"Hailey gising kana ba? Any minute aalis na tayo." Buti na lang nakapag impake na ako ng mga gamit kahapon dahil kung hindi patay na naman ako kay Sir Zac ayaw pa naman niya ang pinag hihintay.
"Oo lucas. Magpapalit lang ako ng damit."
"Okay. Dalian mo dahil baka mag iba na naman ang ihip ng hangin. Alam muna." Tawa niya ng malakas ng malakas.
"O-oo heto na palabas na. Bakit? May dalaw na naman ba siya?" Tawa namin ng dalawa.
Nasa tapat na kami ng dagat ilang minuto lang ang hinintay namin dumating na kaagad ang yate. Habang sumasakay ako sa yate napapatingin ako sa paligid. Kay lungkot dahil lilisanin na namin ang napakagandang isla.
"Sweetie, Get up. Nasa manila na tayo."
"Hay! Napasarap na naman ang tulog ko."
"Mukha nga. Tulo laway kapa nga ehh." Tawang-tawa si lucas sa sinabi niya. Napahawak tuloy ako sa bibig ko. Mabuti naman at wala talagang laway. Pagnagkataon, nakakahiya.
"Ang cute mo talaga. Biro lang naman. Hatid na kita sa inyo?" Bago pa ako sumagot kay lucas biglang may humablot sa akin.
"She's with me. Hindi niya ngayon Day off. Sa mansyon siya dederetso." Oo nga pala nakalimutan ko pasok ko pala ngayon. Di na ako nakatanggi sa kanya. Si ma'am Althea naman ay walang nagawa kundi kay Lucas siya sasabay.
"Oo nga pala Lucas. Sige na huwag ka nang mag-alala sakin. Salamat pala." Sabay ngiti ko sa kanya.
"Okay. Pano Zac tuloy na kami. Bye Hailey."
Isang halik ang ginawad niya sa aking pisnge. I saw how Zac clench his jaw at matalim na titig kay Lucas. Ramdam ko rin ang pag kuyos niya ng kamay na tiniis ko na lang ang sakit.
"Bye Babe. Call me later ha."
"Bye babe. landi."
"Anong sabi mo?"
"Wala po Ma'am. Sabi ko alis na po kami ng baby niyo po. Sige po Ma'am. Bye po."
SUMALUBONG samin si Nay Norma at Lisa. Ito naman si lisa kong makayakap parang ilang buwan akong nawala.
"Iha kamusta? Nag enjoy ka ba? Abay maganda ang napuntahan niyo doon. Nakakamis na nga ang islang yun." Naramdam ko naman ang pagkalungkot ni Nay Norma. Ganon ba talaga ang pinag bagsak ng pamilya ni Zac ng mawala ang kanyang ina? Para maibsan ang lungkot ni Nay Norma nag kwento na lang ako sa kanila. Kung ano ang mga nakita ko na magaganda sa islang yun. At buti na lang nabawasan ng kaunti ang pagkalungkot ni niya.
"Hailey. Ano madami bang boylet doon? Naku! pagka tiyamba-tiyamba mo naman nakapunta kana doon." Kahit kailan naman itong si Lisa katulad din ng kapatid kong si Aliyah di nawawala sa topic ang mga lalaki.
"Oo day. Madami. Sunod pag mayaman na ako pupunta tayo doon. Tiyak busog ang mata mo sa makikita mo." Tumili naman si Lisa na ikinagulat ko. Tumawa na lang ako sa ginawa niya. Kahit papano nawala ang pagod ko. Masakit kasi ang mga katawan ko. Para akong lalagnatin. Binalewala ko na lang din ang nararamdaman ko. Siguro kulang lang ito sa tulog.