"Ang sakit ng ulo ko! Teka ano bang ingay na yan kay aga-aga. Hmm... Zac paki bukas naman."
"Ahmm." Yan lang ang sinagot niya sakin kaya napatayo kaagad ako dahil tuluyan ng nagising ang diwa ko.
"S-ir Zac. Sir? Si Ma'am Althea po nasa labas." Halos walang saplot siya nakahiga sa kama. Then I'll remember the night.
Pano ba ito? Mag tago kays ako sa ilalim ng kama? Hindi! Mali baka maghinala si Ma'am Althea bakit halos walang saplot si Sir. Isapa amoy... Amoy pambabae ang kwarto niya.
"S-sir zac. Gising na po. Umaga na po. Na-nandiyan po sa labas si Ma'am althea. Mukhang kanina pa po siya kumakatok." ang mukong na ito Hmm lang ang sinasagot.
Isang kurot ang ginawa ko kay Sir Zac na nagpa dilat ng mata niya.
"Ano ba kasi?!"
"Nandiyan po si Ma'am althea sa labas."
"So?" ano daw? so lang sang sagot? Di ba siya nababahala na baka madatnan kami ng ganito?
"Mag tatago po ako sa CR Sir. Lalabas na lang po ako pag nakaalis na po kayo. Baka po kasi tayo makita ni Ma'am althea."
"Ano naman kung makita niya tayo? As I remember hindi kami. Siya lang ang dikit ng dikit sakin." Naguguluhan ako sa sinabi ni sir kaya binalewala ko na lang ang importante sakin hindi kami makita sa ganitong sitwasyon. Kaya ginawa ko kinuha ko ang towel sa kama at binigay kay Sir Zac para itapis niya sa kanyang ibaba na kanina pang naka balandra sakin at tinulak siya sa tapat ng pintoan.
Buti na lang wala na siyang nagawa at sinunod na lang ang inuutos ko.
"Dali na sir! please?" Pag mamakaawa ko sa kanya.
"Fine! Just relax okay? Pumasok kana sa Cr. Ako na ang bahala dito."
"T-thank you."
At pumasok na nga ako sa Cr na kabado ang loob baka kasi pumasok si althea sa Cr. Halos marinig ko ang pag alburuto ni atlhea na kanina pa daw siya sa labas. Gutom na daw siya kaso wala siyang kasama.
Wala na akong marinig ni kahit ano kaya na isipan kong silipin muna.
"Buti naman at umalis na sila."
Pagka labas ko ng cottage dumeretso ka agad ako sa cottage ko para maglinis ng katawan. Halos dumikit kasi sa katawan ko ang amoy ni Sir.
"Success! Teka anong oras na ba? Alas dyes ng umaga na pala. Pumunta kaya si Lucas dito? Gising na ba siya? Pero imposibleng gumising yun ng maaga eh nakainom yun ng marami ka gabi. Malamang may hangover yun for sure."
Naligo muna ako para mawala ang init sa katawan. Habang hinahaplos ko ang aking katawan na aalala ko bawat hawak ni Sir sa katawan ko, lalo na sa kaselanan ko. Bakit ba nangyari sakin ang ganito? May pag-asa ba kaming dalawa? Pero malabo talaga. Tanda ko pa kasi ang sinabi ni Sir. Madaling ikama. It's just a Lust. Not Love. So don't assume. Namalayan ko na lang na may tumulo na pa lang luha sa mata ko. Ganito kasakit. Kahit na ayaw mong umiyak, kusa talaga ito babagsak.
Naghahanap ako ngayon ng masusuot. Nakita ko naman ang binigay ni Aliyah.
"Hmm. Okay naman. Babagay kaya ito sakin? Sige na nga! Ito na lang ang susuotin ko. Last day naman namin dito sa isla. Bahala na kong babagay ba o hindi. Sabi nga ni Aliyah. Ilabas ang nararapat! Patapos na ako mag-ayos ng may kumatok. Pinakiramdaman ko lang muna ito kung sino.
"Hailey? Gising kana ba?" Si Lucas lang pala. Kaya tinungo ko ang pintoan at pinagbuksan siya.
"Hi Good Morning Lucas." Yumuko agad ako dahil nakita ko ang pagtitig niya sakin na parang huhubaran ako.
"H-hi! G-good Morning Hailey. You're so beautiful." ano ba to. Parang ayaw ko na isuot. Magpalit na kaya ako?
"Pangit ba?" Tanong ko sa kanya para mawala ang hiya ko.
"N-no! bagay nga sayo."
"Totoo? Pinahiram lang sakin ng kapatid ko sinuot ko na lang. Sayang naman kong di ko susuotin."
"Bagay sayo. Don't worry." He smiled at me kaya ngumiti na rin ako. Medyo nawala ng kaunti ang hiya ko sa suot ko dahil sa puri niya.
"Anyway, tara na. Let's eat. Alam ko gutom kana." May kung ano ang mga ngiti ni Lucas pero hindi ko na kang inalam pa. Minsan kasi maluko si Lucas. Kahit hindi ko pa siya nakikilala ng lubos. Alam ko na mabait na tao si Lucas.
Naglalakad na kami ni Lucas pero lahat yata ng madaanan namin napapa sulyap lahat samin. Hay naku! Iba talaga pag ka gwapohan ang kasama mo. Magiging muchacha kana lang talaga dahil lahat ng atensyon ay nasa kasama ko.
Gwapo naman talaga si Lucas, may maibubuga din. Swerte din ang babaeng mapapaibig kay Lucas. Yun lang medyo may pagka chickboy din kasi ito. Gaya ni Zac.
Speaking of Zac? Nasaan na kaya ang taong yun.
"Mukhang may mapapasabak ngayon sa giyera."
"Huh? bakit? Sino?" Tanong ko kay lucas na kanina pa merong pinapa hiwatig.
"Wala. Ang sabi ko kita mo mga lalaki dito? Panay tingin sayo parang mga ulol na aso na ma ngangagat. You look stunning!" sabay tawa niya ng malakas.
"Aysus! Ganyan naman kayong mga lalaki. Katawan lang ang habol niyo. Diba?" Totoo naman diba? eh anong tawag kay Sir Zac.
"Hindi naman. May mga taong loyal naman at kuntento sa isa. Ka gaya ko?" Kindat uli niya na ikinatawa ko na lang.
"Ewan ko sayo. Maniwala sayo."
Nandito na kami sa isang kainan at halata ang pagkasosyal nito. Pag pasok mo kasi isang magandang portrait ang makikita agad. Isang babae at lalaki na magkayakap habang papalubog ang araw. Isa rin ito sa dinadayo ng tao dahil sa magandang sunset dito sa isla.
"Come. Sit down." Pagyaya sakin ni Lucas pag tingin ko sa harapan nandito pala sina Sir Zac at Ma'am Atlhea. Ang mukha ni Zac di ko maintindihan. Kanina parang okay pa siya ngayon naman parang binag sakan ng langit. Si Althea naman nakikita ko ang pag mamasid niya sa kabuoan ko mula ulo hanggang paa at ang pagtaas-taas niya ng kanyang isang kilay. Dahil sa irita na kanilang pinakita sakin sumabat na ako.
"Yes Ma'am Althea? may problema sa suot ko?" Sabay ngiti ng matamis. Kaso si Zac ang sumagot.
"You should wear a descent clothes, yung hindi kita ang katawan mo. Halos lumabas na yang dibdib at bu-."
"Eh Sir, anong pinagkaiba ng suot namin ni Ma'am Althea?" Tanong ko na matalim ang aking mata nakatitig sa kanya.
"Oo nga naman pre. At isa pa maganda naman ang katawan ni Hailey. Bagay pang model. Tama may kilala ako sikat sa ibang bansa. Pwede kitang ireto as model. Tamang-tama lang nag hahanap yun ng modelo. I'm sure your looks, papasa sa kanya." Nahiya naman ako sa sinabi ni Lucas di naman ako kagandahan at isa pa di naman maganda ang katawan ko. Pero kung hindi maganda bat pumatol si Sir? Napangiti na lang ako sa iniisip ko.
"Huwag na Sir. Di ko naman pinapangarap maging modelo. Gusto ko lang maging isang simpleng tao mamuhay ng payapa." Sabay ngiti ko sa kanila.
Buti naman at di na sila sumagot. Totoo naman. Pag malapit ka sa showbiz mas magulo. Madaming tao ang nangingialam sa buhay mo kaya ayaw ko talaga kahit pa madami ang nag sasabi na maganda daw ako di ko pinapansin ang sinasabi nila.
Matapos ang aming agahan napag pasyahan naming sumakay ng yate at mamasyal. Mamamasyal daw kami sa kabilang isla. Isa ding pagmamay-ari din ni Zac.