Prologue:
Hindi ako naniniwala sa love at first sight.
Pero noong gabing iyon—sa ilalim ng malamlam na ilaw ng isang banyagang lungsod parang gusto akong patunayan ng tadhana na mali ako.
“Just one night,” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa makikitid na kalsada.
Isang gabi para huminga. Isang gabi para makalimot.
I came here to escape.
Mula sa mga desisyong hindi ko pinili.
Mula sa isang buhay na matagal ko nang kinukulong ang sarili ko.
At doon ko siya nakita.
Nakatayo sa gilid ng tulay, tahimik, parang parte ng dilim—pero ang mga mata niya, parang kayang basahin ang bawat lihim na pilit kong tinatago. Nang magtagpo ang paningin namin, parang may humila sa dibdib ko. Isang pakiramdam na parehong delikado at pamilyar.
“Are you lost?” tanong niya, may bahagyang ngiti sa labi.
Tumango ako, kahit hindi ko alam kung lungsod ba ang tinutukoy ko… o ang sarili ko.
Hindi ko pa alam ang pangalan niya.
Hindi ko pa alam ang kwento niya.
Pero alam ko na agad ang isang bagay.
Ang lalaking ito ang simula ng isang pagkakamaling hindi ko kayang pagsisihan.
Sa bawat hakbang na magkasabay kami, mas lalong bumibigat ang hangin. Parang may namumuong tanong sa pagitan namin isang tanong na ayaw sagutin ng isip, pero pilit sinisigaw ng puso.
Dapat akong lumayo.
Dapat akong umatras.
Pero sa gabing iyon, pinili kong hindi makinig.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako umalis.
Siguro dahil pagod na akong laging umiwas.
O siguro dahil sa paraan ng tingin niya parang wala siyang hinihingi, pero may inaasahan.
“So… you’re really alone here?” tanong ni Luca habang iniikot ang baso niya.
Tumango ako. “For now.”
Hindi ko na dinugtungan. Ayokong magkwento. Ayokong may makaalam kung bakit kailangan kong lumayo. Pero parang ramdam niya ‘yon.
“Sometimes,” sabi niya, “being alone is the only way to survive.”
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya, hindi masaya, hindi rin malungkot. Parang taong may itinatagong sugat.
Tahimik kaming uminom. Pero kahit walang salita, may kung anong mabigat sa pagitan namin. Parang bawat galaw niya, ramdam ko. Bawat paghinga niya, parang may epekto sa’kin.
“Let me walk you,” bigla niyang sabi nang tumayo ako para umalis.
“I’m fine,” mabilis kong sagot.
Pero nakatayo na siya. “I insist.”
At hindi ko alam kung bakit… pumayag ako.
Magkatabi kaming naglakad sa gilid ng ilog. Tahimik ang gabi, pero maingay ang isip ko. Ang lapit niya. isang maling hakbang lang, pwede na akong masunog.
“May hinihintay ka ba?” tanong niya.
“Meron,” sagot ko.
“Pero hindi na darating.”
Huminto siya at hinarap ako. Ang lapit na niya, sobrang lapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit malamig ang hangin.
“Careful,” mahina niyang sabi. “May mga gabi na nagbabago ang lahat.”
Alam ko.
Ramdam ko.
Isang segundo pa, at mawawala na ang kontrol ko.
Kaya umatras ako.
“Goodnight, Luca.”
Hindi niya ako pinigilan. Hindi niya ako hinabol. Pero nang tumalikod ako, naramdaman ko ang titig niya sa likod ko parang pangakong hindi pa tapos ang kwento namin.
At doon ko naintindihan…
Hindi ito simpleng pagkikita.
Ito ang simula ng isang bagay na sisira sa lahat ng itinakda ko para sa sarili ko.
Isang pag-ibig na alam kong bawal.
pero masyado nang huli para takasan.
Sinubukan kong kalimutan si Luca.
Sa hotel room, nakahiga ako pero gising ang diwa. Paulit-ulit sa isip ko ang boses niya, ang mga mata niyang parang may tinatago. Sabi ko sa sarili ko isang gabi lang ‘yon. Walang dapat ipagpatuloy.
Pero kinabukasan, nakita ko ulit siya.
Sa lugar na hindi ko inaasahan.
Nasa maliit akong art gallery, nagpapalipas ng oras, nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko.
“Didn’t think I’d see you here.”
Nanlamig ako. Dahan-dahan akong lumingon.
Si Luca.
Mas casual ngayon white shirt, nakataas ang manggas, pero pareho pa rin ang epekto. Parang mas lalo pa ngang delikado.
“Coincidence?” tanong ko.
Ngumiti siya. “Maybe fate.”
Gusto kong tumawa. Fate? Hindi ako naniniwala roon. Pero bakit parang hirap akong huminga sa tuwing malapit siya?
“Do you live here?” tanong ko, pilit kalmado.
“Unfortunately,” sagot niya. “And you?”
“Visitor.”
Tumango siya, parang may naintindihan. “Visitors always leave.”
May kung anong kirot sa sinabi niya. Parang ako rin sanay na sa pag-alis.
Naglakad kami sa loob ng gallery. Hindi niya ako hinawakan, hindi rin siya masyadong lumapit, pero ramdam ko ang presensya niya. Mas mapanganib pa ‘yon.
“Can I take you somewhere?” tanong niya bago kami maghiwalay.
Dapat tumanggi ako.
Dapat sinabi kong mali ito.
Pero pagtingin ko sa kanya, naalala ko kung bakit ako nandito para mabuhay ulit, kahit saglit.
“Okay,” sagot ko.
At doon ko naramdaman ang ngiti niyang parang may alam siyang hindi ko pa alam.
Habang naglalakad kami palabas, may isang babaeng tumawag sa pangalan niya mula sa kabilang dulo ng kalsada.
“Luca!”
Huminto siya.
Huminto rin ang mundo ko.
Hindi niya agad hinarap ang babae. Parang nag-aalinlangan. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang isang emosyon sa mata niya takot.
Hindi ko tinanong kung sino ang babaeng tumawag sa kanya.
Siguro dahil takot ako sa sagot.
O siguro dahil alam ko na may linya kaming pareho nang nakikita, at pareho naming pinipiling huwag banggitin.
Tahimik kaming naglakad hanggang makarating kami sa isang maliit na restaurant. Simple lang. Tahimik. Pero ang tensyon sa pagitan namin? Sobrang ingay.
“About earlier…” panimula ko.
“Don’t,” mabilis niyang sagot. “Not tonight.”
Tumingin ako sa kanya. Sa paraan ng pagsabi niya no’n, parang may hinihingi siyang oras—isang sandaling walang tanong, walang responsibilidad.
Pumayag ako.
At alam kong mali na naman.
Habang kumakain, unti-unting bumababa ang pader sa pagitan namin. Natawa ako sa mga kwento niya. Nakalimutan ko sandali kung bakit kailangan kong mag-ingat.
“Why do you look like someone who’s always about to leave?” bigla niyang tanong.
Natigilan ako.
Ganito pala siya—diretso, walang paligoy.
“Because I am,” sagot ko. “I don’t stay.”
Tumango siya, parang tanggap na niya. Pero nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
“And yet,” mahina niyang sabi, “you’re here.”
Paglabas namin ng restaurant, huminto siya sa harap ko. Walang hawak. Walang pilit. Pero ramdam ko ang bigat ng desisyon.
“This is where I stop,” sabi ko.
“Yeah,” sagot niya. “I know.”
Pero walang umalis.
Isang hakbang lang ang pagitan namin. Isang maling galaw, at wala na kaming babalikan.
“Tell me to go,” sabi niya.
Hindi ko nagawa.
At sa katahimikang iyon, alam kong may nasira na hindi pa man nangyayari ang lahat.
Dahil minsan, ang pinaka-mapanganib na sandali…
ay ‘yong pinili mong manatili kahit alam mong bawal.