KABANATA 6: JOGGING!

1869 Words
Avena's POV "Do you have an explanation Miss Ocampo?" Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyon busy ang kanyang mga mata habang naka tingin sa hawak niyang folder. "Ahhmmm..." Ano bang sasabihin ko? Sasabihin ko ba kanya ang totoo? Eh pag sinabi ko baka mag isip siya ng kung anu-ano, baka iisipin niya kaya ayaw kong maging p.e prof. Siya dahil sa ginawa niya sa akin, yung paghalik niya?! Teka nga lang! Hindi ko naman kailangan umiwas sa kanya ah! Baka kung anong isipin ng lalaking to'! "Hhmmmm.." Nabaling ang tingin ko sa kanya, naka tingin na pala siya sa akin o kanina pa,napatikhim ako. Pero binalewa niya lang ang pag tikhim ko instead titig na titig parin siya sa akin, ang kanyang daliri ay humahaplos sa kanyang mapupulang labi, habang ang kanyang mga mata ay parang inoobserbahan ako ng mabuti, Nakaramdam tuloy ako ng pagka ilang, iniwas ko nalang ang mga mata ko sa kanya at sa ibang deriksyon ko binaling. "I wonder.." Napatingin ulit ako sa kanya,still ganun padin yung mga tingin niya pero naka baba na ang kanyang kamay. "What are you thinking Miss. Ocampo to make you blush that much?.." Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, ewan ko pero para atang naka nga nga ang bibig ko ngayon, dahil lang sa pag ngiti niya? Nababaliw na ata ako, pangalawang beses ngayon na nakita ko siya ngumiti ng ganyan, yung nangyari nga yung paghalik niya sa akin, at ang pangalawa ngayon, feeling ko tuloy ang creepy? Dahil feeling ko sa tuwing ngingiti siya ng ganyan ay parang merong mangyayaring hindi maganda. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko, ang init nga! Hays! Ano ba yan! Nag ba blush ba ako?! NO WAY! "Hindi naman ah.." Mahina ko pang sabi, i heard him chuckled. "Nevermind, so Miss. Ocampo..May i know now your reasons?" Nawala na yung ngiti sa labi niya at seryoso na itong nakatingin sa akin. Ano bang e rarason ko? Naku naman Avena mag isip ka! "Ahhm..kasi,ang ibig sabihin nung pag sigaw ko Prof.Calix ay about sa assignment ko sa isang subject! Oo yun nga, kailangan ko kasing gawin kasi hindi ko nasisimulan, nakalimutan ko kasing gawin sa bahay, kaya ayun naalala ko kanina kaya napasigaw ako! ahehe.." Sa isip ko ay napahinga ako ng maluwag mabuti nalang talaga at naisip ko agad yun kahit pa sa huling sinabi ko ay para akong tanga bakit may 'ahehe' baliw ka Avena! "Oh, is that so.." Napa tango tango pa siya habang nakatingin sa akin, his look are not totally convince, pero bahala na nga kung anong isipin niya. "Yes,Prof.Calix that's it.." Sabay ngiti ng pilit. Nahuli ko pang napakagat siya sa kanyang pang ibabang labi, hindi ko tuloy mapigilang mapatitig at sa huli ay mapalunok, mariin akong napapikit at sumagi sa isip ko ang paghalik niya at hanggang ngayon dama ko parin ang napakalambot niyang labi. Waahh ano ba tong pinag iisip ko! Napailing ako at binuka ang mga mata ko and knowing his staring at me right at this moment, agad akong napatayo,bago pa niya maibuka ang kanyang bibig dahil mukhang may sasabihin na naman siya,mas mabuti ng hindi na maging topic yung nangyari sa amin. "M-meron pa ba kayong sasabihin Prof.Calix?" Nakita ko ang pag smirk niya. "I hope it will never happen that again in my class,Miss. Ocampo, you can take your lunch now,and see you later.." Pagkatapos niyang sabihin nun ay tumango lang ako at agad akong tumalikod at mabilis na naglakad hanggang sa nakalabas na ako ng office niya, hindi ko na nakita ang naging reaksyon niya ng hindi ko siya sinagot, parang ang bastos ko naman ata dun, napahinga ako ng maluwag ang lakas kasi ng t***k ng puso ko, mukhang kailangan ko atang mag pa check up. "Hoy bom!" Sila tasha at Rowena. "Ok ka lang Bom?"-Rowena Tumango lang ako sa kanya. "Ano na? Pinagalitan ka ba ni Prof. Calix?"-Shantal "Pwede ba mga Bom, mamaya na tayo mag usap, kumain nalang muna tayo, ok ba yun?" Sarkastiko ko pang sabi, mga chismosa kasi eh, tumango naman silang dalawa at pumunta na nga kami sa cafeteria. PAgkatapos naming kumain at ilang minutong nanatili sa cafeteria ay dumeritso na agad kami dressing room para makapag bihis na kami ng p.e uniform namin,buti pa nga tong p.e may uniform tss. Pero sabagay ganito talaga pag college na eh lalo na pag private school. "Bom,sabihin mo naman sa amin kung paano ka pinagalitan ni prof.Calix?" Si tasha na habang sinusuot niya ang kanyang fitted jogging pants,ako naman ay hinuhubad ko na ang suot kong longsleeve,hanggang ngayon ay hindi parin ako tinatantanan ni tasha, hindi ko rin naman sinabi kanina eh, pero ano bang dapat kong sabihin eh wala naman. "Bom, sabi lang niya hindi na dapat maulit yun sa mismong klase niya, kumbaga last warning na yun bom." Naka bihis na nga ng tuluyan si tasha at sumandal sa may locker ko, si rowena naman ay busy din sa pag bibihis ka gaya ng iba naming ka klase na nandito. "Yun na yun bom?" Dissapointed niyang tanong,napataas ang isang kilay ko sa kanya. "ano bang iniexpect mo bom?" Tanong ko pa habang iniayos ko ang tshirt ko tapos na din kasi akong mag bihis. Nakita ko na ibubuka na sana ni tasha ang bibig niya ng may sumingit. "Duh! Your so slow Avena, she was expecting that you are flirting with Prof.Calix.." sabay kaming napatingin kina veronica na nasa harap na pala namin ni tasha naka suot na din sila ng uniform at yung tshirt nila ay ginawa pa nilang croptop yung kita na talaga yung mga puson nila. "Anong sabi mo?! I am not thinking like that Beronica,hindi naman katulad si Avena sayo na walang pinapatawad na landiin basta gwapo,duh!.." Napapikit ako ng mariin, ok kailangan kung kumalma at pakalmahin si tasha,kahit naiinis ako sa sinabi ni veronica pero ayaw ko na kasing patulan eh, lalaki lang yung gulo. "Bom tama na.." Nilapitan ko si tasha at hinarang ko ang kamay ko sa kanya dahil sa itsura niya ay ready to fight na talaga. Narinig ko pang tumawa si veronica at tiningnan ako habang nakataas ang isa niyang kilay. "Sinabi ko na sayo Avena,you stay out of my way! I like Prof.Calix and he's going to be mine, or else your gonna pay for it." Lahat naman ata gusto niya eh basta gwapo,di pa ba ako nasanay sa kanya may magkagusto o lalapit lang sa akin na kaklase or sa kabilang classroom eh pinagbabantaan niya na ako ganyan talaga siya noon pa. "Ano ba Veronica tigilan niyo na nga si Bom!.." Sumingit naman si Rowena na nasa harap na din namin ngayon. "Wag ka ngang mangialam nerd.." Sabat naman ng isang alipores ni veronica,akmang susugod na sana si Rowena ng pigilan ko ito,bago umalis sila veronica ay tinaas pa niya ang kanyang kamay at nag f*ck you sign. "Ano ba kayong dalawa!" Sabay naman silang napatingin sa akin alam ko nakikita nila ang reaksyon ng mukha ko na ayaw na ayaw nilang dalawa kapag galit ako,iniwas nila ang kanilang mga mata sa akin at malikot itong nakatingin sa paligid. Napabuntong hininga ako. "Sabi ko naman sa inyu diba wag niyo ng patulan.." akmang magsasalita pa si tasha pero tumalikod na ako at lumabas na ng dressing room. Nakalabas na ako ng dressing room at naglalakad na sa field naramdaman ko na naka sunod parin sa aking yung dalawa kong bff pero hindi ko nalang sila ni lingon kahit panay tawag sila sa akin, tanaw na tanaw na namin yung ibang kaklase namin na panay stretching at warm up na din, hanggang sa nakalapit na nga kami sa iba naming kaklase. "Bom---" Pinutol ko na ang sasabihin ni Rowena. "Ok, tama na..mag streching nalang tayo." Napabusangot naman silang dalawa at umu o nalang sa sinabi ko habang busy kami sa pag s-streching ay dumating naman si prof.Calix. Napanganga ako dahil sa itsura niya, naka white plain tshirt lang siya na mas bumakat ang matipuno niyang katawan lalo na ang muscle niya at naka jogging pants lang din siya na kulay black, at ramdam ko na lahat ng mga kaklase ko rin mga babae ay napatanga sa kanya ngayon, lalo na ang grupo ni Veronica. shit bat ba ang gwapo nga lalaking to! mala greek God sa sobrang gwapo!! Di ko talaga makakaila iyon. Agad naman kaming nagsi lapitan at nakalinya na kaming lahat kami naman ay same spot parin. Sakto naman nagkasalubong ang mga mata namin ni Prof. Calix tumitig siya sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Now, you do a jog for 15 minutes.." seryoso at walang reaksyon niyang sabi,nabaling ang tingin ko kina Veronica at panay pa cute sila kay Prof. Calix kahit hindi naman sila pinauukulan ng pansin nito. kahit anong gawin niyo hindi kayo papansinin niyan, di tulad sa akin ang mga labi niya ay natikman ko----Sht! Nanlaki ang mata ko dahil sa iniisip ko! Nababaliw na ata ako! Bakit parang natutuwa pa ata ako na hinalikan niya ako! Hoy Avena naman!! "Bom! Tara na.." Napa iling iling ako dahil dun, at agad na nagsimula ng tumakbo habang pabalik balik kami ng pag takbo ay hindi ko maiwasang mapatingin sa deriksyon ni Prof. Calix nakatitig na naman sa akin,bakit feeling ko yung mga tingin niya sa akin lang parati at hindi man lang niya pinapansin ang iba kong kaklase? O nag fefeeling lang ako!iniwas ko na lang ang tingin ko at nag patuloy ng tumakbo, pero bigla nalang. "Aray!.." Dumungaw ako at nakita ko si Veronica na nakangisi ng malapad, nakakainis iniharang niya ang paa niya sa dinadaanan ko, hawak ko parin ang paa ko dahil sa sobrang sakit ang lakas kasi ng impact ng pagka dapa ko dahil mabilis ang takbo ko. "Idiot!tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.." maarte pa niyang sabi, agad naman nag silapitan ang iba kong kaklase lalo na sila tasha at Rowena. "Bom, ok ka lang?." Umupo si rowena para mapantayan ako. "Nakita ko yun Beronica!" Sigaw pa ni tasha. "What?"- Veronica "Hinarang mo yung paa mo!" Nakikita kong galit na si tasha at parang anytime ay lalaki pa ang away nila. "Really? You saw it?" - Veronica "Oo nak----"- tasha "Miss. Ocampo.." Natahimik silang dalawa at nabaling ang tingin naming lahat kay Prof. Calix na ngayon ay nasa harap ko na habang nakatitig lang sa akin, biglang tumahimik ang paligid. "Hindi ka nakapukos..." Malalim at walang reaksyon niyang sabi, Narinig kong napasinghap lahat ng kaklase ko pati sila tasha at rowena, sila veronica naman ay kinilig, first time nilang narinig si Prof. Calix na mag tagalog. "Again, jog for 15 minutes.." Tumalikod na siya, Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya, seryoso ba siya?! "Pero Prof.Calix nakita ko si Ver--" Bago pa matapos ang sasabihin ni tasha ay hinila ko ang laylayan ng pants niya kaya agad siyang napatingin sa akin,umiling ako sa kanya. "Ok lang bom, kaya ko naman ko pa naman.." Kahit ramdam ko pa ang sakit sa paa ko ay pinilit kong tumayo,alam ko tuwang tuwa sila Veronica dahil nagtagumpay sila sa pang bubully sa akin pero ayaw ko na kasing madamay pa sila tasha at Rowena kaya palalampasin ko na naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD