Avena's POV
Unti unti akong tamayo kahit masakit parin yung paa ko,para atang nabali eh! Tss..
"Bom ok ka lang ba talaga?"
Pag aalalang tanong ni Rowena.
Nginitian ko lang silang dalawa.
"Oo ok lang ako,kaya ko pa no,cge na bumalik na kayo sa pag takbo.."
Nagdadalawa pa sila kung lalayo ba sila sa akin o hindi pero sa huli ay bumalik na din sila ako naman ay unti unting tumakbo sa una ay pa ika ika pa ako pero pinilit ko parin kahit masakit talaga, ramdam ko na naman ang mga titig ni Prof. Calix sa di kalayuan sa akin na naka upo lang.
Masaya na ba siya?! Tss!
Ilang minuto na akong tumatakbo kahit mabagal lang yung pagtakbo ko dahil sa paa ko nagpatuloy parin ako.
Ilang sandali pa ay bigla nalang akong nakatapak ng matigas na bagay kaya natumba na naman ako.
"Aaah ang sakit!.."
Grabe ano bang----
Bato?!! Kailan pa nag karoon ng bato dito sa field?
Nabaling ang tingin ko kina Veronica na panay tawa sa akin, walangya sila na naman ang may ka gagawan.
Feeling ko ata mapuputol na yung paa ko sa sakit!
"Bom, anong nangyari?"
-tasha
"May bato bom..ang sakit ng paa ko.."
Paimpit ko pang sabi dahil sobrang sakit talaga.
Tiningnan naman ni tasha sila Veronica na panay tawa at tiningnan niya ito ng masama.
"Ang bruha na naman ang may pakana.." ani tasha.
"Tara bom dalhin kana namin sa clinic.."
Inalalayan ako ni Rowena na makatayo pero bago pa kami makapag simulang mag lakad ay nasa harap ko na ulit si Prof. Calix na nakapamulsa.
"Are you that clumsy?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ba niya nakita na nakatapak ako ng bato? Bulag ba siya?
Magsasalita pa sana si tasha pero pinutol niya na ito.
"Another jog for 15 minutes Miss. Ocampo.."
Hindi ko mapigilan uminit ang taenga ko dahil sa sinabi niya.
"Ano?! Baliw ka ba! Ano bang problema mo?!"
Hindi ko mapigilang sigaw sa kanya,pero huli na ng marealize ko ang sinabi ko lahat ng mga kaklase ko ay napasinghap, narinig ko ding napa omg si veronica at pati yung mga alipores niya.
"Bom.."
Si Rowena na hinila pa ang damit ko.
Tiningnan ko si Prof. Calix na matamang nakatitig sa akin, sa akin lang talaga dahil hindi man lang niya inaalis ang mga mata niya sa mukha ko.
"Are you shouting at me Miss. Ocampo?"
His eyebrows furrowed.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa ginawa ko gusto ko tuloy batukan yung sarili ko ng paulit ulit dahil sa kahihiyan na to, alam ko lahat ng mata ngayon ay nasa akin at magiging malala pa ay kakalat ito sa buong university dahil alam ko naman kung sino ang mangunguna nito eh.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, bumitaw ako kay Rowena na inaalalayan ako.
"I-i'm s-sorry Prof. Calix.."
Kahit labag sa loob ko sabihin yun ay sinabi ko parin, hindi ko na siya hinintay na makapag salita at agad akong tumalikod at nagsimulang mag lakad kahit pa ika ika ako ramdam ko gusto akong sundan nila tasha at Rowena pero alam nila pag ganito ako ay pinabayaan lang nila ako dahil yun naman yung gusto ko eh.
Bago ako tuluyang makalampas kina Veronica ay narinig ko pa siya.
"Oh oh, i think may masususpending scholar ngayon.."
Pagkatapos ay nagtawanan na naman sila, napabuntong hininga ako at napapikit ng mariin bago tuluyang naglakad, ilang sandali pa ay naglalakad na ako sa may hallway, babalik ako sa dressing room at mag bibihis basa na kasi yung tshirt ko ng pawis gusto ko na ding umuwi kahit ngayon lang siguro.
Ilang sandali pa ay nakapasok na ako ng dressing room at sakto wala pang mga studyante oras pa din naman ng klase eh kaya tahimik pa, pumunta ako sa locker ko at binuksan ito kinuha ko ang damit at hinubad ko ang p.e tshirt ko.
"Hmmm.."
Halos mapatalon ako dahil sa nagsalita humarap ako at agad na nanlaki ang mga mata ko dahil nasa harap ko si Prof. Calix habang naka sandal sa kaharap kong locker,naka titig siya sa mukha ko hanggang bumaba ang tingin niya sa katawan ko, partikular sa dibdib ko.
"s**t!"
Agad akong nag tago sa pinto ng locker ko dahil ngayon ko lang na realize na naka bra lang pala ako, ramdam ko ang pang iinit ng pisngi ko.
"A-anong g-ginagawa mo dito?!"
Mas humalukipkip pa ako sa pinto ng locker ko para lang hindi niya makita ang katawan ko.
"Checking on you Miss. Ocampo.."
Hindi niya parin inaalis ang mga mata niya sa akin nakikita ko rin sa gilid ng labi niya ang isang munting ngiti kaya parang tambol sa bilis ng t***k ang dibdib ko.
'huli na Avena! Nakita niya na!'
Sigaw ng isip ko.
"P-pwede ba! Tumalikod ka nga, magbibihis ako!"
Pasigaw kong sabi sa kanya, mabilis naman siyang sumunod at tumalikod na, agad akong nagbihis ng damit ko pati pants ko ay sinuot ko na din.
"Tapos ka na?"-Prof. Calix
"O-ok na.."
Humarap naman siya agad at lumapit sa akin, habang ako ay nakaupo sa upuan at nag susuot ng sapatos ramdam ko ang presensiya niya dahil nasa harapan ko na siya ngayon kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko,naalala ko ang pagsigaw ko sa kanya kanina sa field at nahihiya ako.
"Let me.."
Medyo nagulat pa ako ng lumuhod siya at kinuha ang paa ko na may injured.
"T-teka.."
Nag angat siya ng tingin at tiningnan ako,kaya kinagat ko agad ang pang ibabang labi ko.
Ibinalik niya ang tingin sa paa ko at pinisil pisil ito.
"Aray.."
"I'm going to massage it.."
Sabi pa niya kaya pinisil ulit niya ang paa ko pero malumanay lang, ang sarap sa pakiramdam kahit nararamdaman ko parin yung sakit, di ko tuloy mapigilang mapapikit ang galing niyang mag masahe.
"Ahhmmm.."
Bigla kong naibuka ang mga mata ko dahil sa lumabas sa bibig ko pero huli na nakatitig na ulit si Prof. Calix sa akin ng mataman.
"You're moaning.."
Makahulugan niya pang sabi kaya feeling ko tuloy ang pula pula na ng pisngi ko.
"H-hindi ah! Masakit kasi eh!"
Depensa ko agad,sabay iwas ng tingin.
Narinig ko pa ang mahina niyang tawa.
"But it sounds like your enjoying it..Masarap ba?"
Napatingin ulit ako sa kanya sa mga mata niya yung mga tingin niya katulad nung nangyari sa office niya katulad din ngayon.
Hindi ako makasagot sa kanya, bigla akong natameme.
"Pero mas masarap to,Miss. Ocampo.."
Mas pinisil niya pa ang paa ko, pero ewan napapikit na naman ako at bahagya kong inangat ang ulo ko at napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil sa sarap na nararamdaman,napahigpit din ang kapit ng mga kamay ko sa upuan.
"Hhhmm.."
Hindi ko mapigilang mapaungol, ano bang nangyayari sa akin bakit hindi ko na maramdaman ang sakit sa paa ko.
Tiningnan ko si Prof. Calix at sumilay ang ngiti sa kanyang mapupulang labi.
'oh s**t! Ano bang nangyayari sa akin?!'
"Hindi na ba masakit Miss. Ocampo?"
Mapanukso niyang tanong, bumalik ako sa suhesyon ko at ramdam na ramdam ko ang pang iinit ng pisngi ko,
Marahan niya ibinaba ang paa ko at tumayo na.
"But you know what Miss. Ocampo...that's not your punishment.."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"A-anong i-ibig mong sabihin?"
Bigla siyang dumuko kaya authomatic na napa atras ang katawan ko pinipigilan ko na hindi mahulog sa upuan.
Ang kanyang dalawang kamay ay nakakapit din sa magkabilang upuan kaya sobrang lapit na ng mukha niya sa akin, i can also smell his breath,napaka bango.
"Sinigawan mo ako kanina Miss.Ocampo sa harap ng mga estudyante,and the worst part is, you call me crazy.."
Napalunok ako sa sinabi niya, ramdam ko din ang kaba sa dibdib ko.
"Akala mo ba walang punishment yun?"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad siya lumayo sa akin at napa tuwid ako ng upo,nakapamulsa na siya ngayon.
"But not now Miss.Ocampo,pag iisipan ko muna kung ano ang dapat na parusa sa'yo,and i'll make sure..."
Nagkatitigan kaming dalawa.
"You'll gonna love it.."
ngumisi siya ng nakakaloko at umalis na, ako naman ay naiwang tulala,hindi makapagsalita.
Pilit kong pinapakalma ang puso ko,naghahalo ang emosyon ko ngayon at parang any moment ay mababaliw ako.
"Aaargghhhh!..Nakakainis!!"