Avena's POV
Ilang minuto lang ay makakarating na ako sa Cypress University malapit lang kasi ang bahay namin sa paaralan ko and i'm thankful na malapit lang talaga dahil makakatipid pa ako ng pamasahe.
Naglalakad ako ngayon habang nakikinig ng music sa cellphone ko naka suot din ako ng earphone kaya wala akong masyadong marinig sa paligid ko ilang dipa nalang din ang lalakarin dahil tanaw na tanaw ko na ang building ng Cypress University marami na ding estudyante na naglalakad.
"Hoy babae!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa umakbay sa akin tinanaw ko naman ito at si Tasha lang pala naka ngisi ng malapad.
Agad kong tinanggal ang earphone ko at tiningnan siya ng masama.
"Baliw ka! Ginulat mo naman ako.."
Bumitiw naman siya sa akin at sumimangot,bipolar lang tsk.
"Kanina pa kita tinatawag no, ang bingi mo kase bom."
Bom mean 'Bestfriend of mine' ganun gawa gawa lang namin tatlo yun.
"Eh! Naka earphone ako eh, malay ko ba tinatawag mo ako."
Binatokan niya naman ako ng mahina sa noo pero napa aray parin ako.
"Di ba sabi ko sayo bom na wag na wag kang mag e earphone kapag nasa daan ka? Adik mo talaga sa music no?"
I just pouted my lips.
"Oo na oo na! Hindi na po mauulit."
Sinimangotan ko rin siya, at dahil sa sinabi ko ngumiti na naman siya ng malawak,baliw talaga to.
"Tara na nga!"
Inakbayan niya ulit ako at naglakad na kami ulit, ilang sandali pa ay naka pasok na kami sa gate ng university at tanaw na tanaw namin ni Tasha ang nagkukumpulang mga studyante sa may parking area na halos lahat ata babae, rinig na rinig din namin ang tili nila, ano bang meron?
"Bom ano kayang meron dun?"
Tanong pa ni Tasha sa akin habang ang kanyang ulo ay tumataas baba pa pilit na tinatanaw kung anong meron, medyo malayo pa nga kami sa may parking area eh pano niya matatanaw? Hays!
"Baka meron na namang transfer student?."
Kahit di namin tingnan ni Tasha kung sino ang nagsalita ay alam na namin na si Rowena yun.
"Eh sino daw bom? Gwapo ba?!"
Tiningnan namin ng masama si Tasha dahil sa pagtili niya, hay oo nga pala mahilig siya sa gwapo eh at desperada na siyang mag ka boyfriend eh kaya ganyan siya.
"Ewan ko bom di ko alam no, at di ko rin naman sure kung transfer student ba."
Sagot naman ni Rowena habang kinulikot yung tenga niya feeling niya siguro na bingi siya sandali.
*Riiiiinnnnnngggggggg*
Ayun na tumunog na ang bell.
"Tara na nga, baka ma late pa tayo.."
Agad naman kaming nagsi takbuhan nasa third floor pa naman yung classroom naming tatlo, magkaklase lang din pala kami kaya nga safe ako pag andyan sila eh.
Pagpasok namin ng classroom ay magulo pa yung mga kaklase namin busy pa sa kani kanilang mga business,may nag chichika lang may nagpapaganda at sa grupong yun sila Veronica tiningnan niya ako pagkatapos ay inirapan ako, pero sanay na ako sa pang iirap niya kaya go lang.
Umupo na ako sa upuan ko pati sila tasha at Rowena katabi ko si Rowena, at nasa unahan namin si tasha, wala pa yung teacher namin at isang himala kasi oras na ng klase.
"I really can't wait to see our new professor! Eeeeh! I heard that his so f*****g handsome.."
Maarteng sabi ni Veronica, syempre rinig na rinig namin dahil nasa kabilang row lang naman sila eh kami nasa gitna at pinaka huling upuan.
Tumayo naman si tasha at iniharap ang upuan niya sa amin para makaharap sa amin ni Rowena.
"You heard it right bom? May new professor tayo?"
Bulong pa sa amin ni tasha.
"Oo bom rinig namin.."
Sagot naman ni Rowena sabay ayos niya sa eyeglass niya.
"And you heard it right bom that his fuckin' handsome?"
Excited pa na dagdag ni tasha, naku naman!
"Natasha bibig mo."
Saway ko sa kanya at napanguso naman siya dahil kapag tinawag ko na siya sa pangalan niya ibig sabihin lang nun galit na ako, at yan yung rules namin tatlo na mag tatawagan lang kami sa pangalan namin kung galit na ba kami or hindi na maganda yung mood namin.
"Sorry.."
Mahina niyang sabi.
"Hala! Papunta rito and Dean"
Sigaw ng isa naming ka klase
Agad namang nagsi upuan ang mga kaklase ko pati si tasha ay tumayo na binalik na ang upuan sa pwesto nito at agad na umupo.
Bakit naman kaya papunta dito yung dean? Ahh tama pala may bago kaming professor.
"Good morning Students, i'm here to introduce your new professor, because Mrs. Santos is going to retire, at ngayon ipapakilala ko sa inyu ang bagong professor niyo...Mr. Harrison you may come in now."
Pumasok ang isang matangkad na lalaki, ewan ko ba para atang nag slow motion ang paningin ko sa kanya,napaka gwapo nga niya maputi ang kanyang buhok ay napaka ayos nitong tingnan clean cut ang style ng hair niya,at sa tingin ko is may lahi siya pero di ko lang alam, napaka gwapo niyang tingnan sa suot niyang white longsleeve na may necktie tinernohan ng brown pants at leather shoes,napaka fresh niyang tingnan at mabangong tingnan may bitbit din siya leather bag at sa kabilang kamay niya ay bitbit niya ang kanyang black coat,pero higit sa lahat napaka seryoso ng kanyang mukha,ang kulay itim niyang mata ay napa seryoso at di makitaan ng emosyon, mapanga , makapal ang natural na kilay nito, at ang mga labi nito na natural din sa pagka pink.
Sobrang manly nitong tingnan dahil sa matikas nitong pangangatawan, masasabi ko talagang malakas ang s*x appeal nito, intimidating at grabe ang karisma. Pero yun nga sobrang seryoso. parang di mo ata to mabibiro.
Nagsalita pa sandali si Mr. Ramirez ang dean nitong university pagkatapos ay umalis na, rining na rinig ko din ang pigil na pag tili ng mga kaklase kong mga babae nangunguna sila Veronica, rinig ko din ang pagpigil tili ni tasha na parang kulang nalang ata ay maging kurting puso ang mga mata niya, parang kami lang ata ni Rowena ang walang tili, ang mga lalaki naman ay masama ang mga tingin sa bago naming professor siguro dahil wala na sa kanila ang atensyon ng mga babae.
"Good morning everyone.."
Mas lalo namang nagtili ng mahina ang mga babae dahil sa baritonong boses nito, malalim at malamig, yung tipong pangingilabutan ka.
"I am Calix Harrison, from now on i'm going to be your prefessor for the whole year,I hope we can come to an agreement, I don't have much patience, and I don't like back and forth questions, all I want is for you to listen to me, so that everything will be a alright."
Pagkatapos niyang sabihin yun ngumisi siya ng bahagya, kinilabutan ako sa ngiti niya, ewan ko ba, pero parang di ko gusto ang ngiti niya.
LUNCH break na at nandito kami sa canteen ni Natasha at Rowena.
"Grabe ang gwapo ni Prof. Calix."
Aniya tasha na habang ngumunguya ng kinakain niya, malayo din ang kanyang tingin na parang nananaginip ng gising.
"Kanina ka pa bom ha, simula pag labas ng classroom natin kanina yan lang ang sinasabi mo,paulit ulit."
Naririndi na kasi ako eh, arrgh! Oo na nga gwapo na siya sobrang gwapo mala greek-God nga eh di naman talaga maikakaila yun.
Tinusok tusok ko yung sausage na nasa plato ko, parang nawalan na ata ako ng gana.
"Hoy bom! Ok ka lang?"
Sinundot pa ako ni Rowena sa giliran ko kaya napa upo ako ng maayos.
"Parang may galit ka ata sa sausage? Sabi ko naman sayo fried chicken nalang inorder mo."
Dagdag pa ni Rowena, napabuntong hininga naman ako, ewan ko ba ha bigla nalang akong nawala sa mood simula ng dumating ang Prof. Calix na yun.
"Omo!omo! Andyan si Prof. Calix!.."
Napatingin naman kami ni Rowena, nagkukumpulan na naman ang mga babaeng studyante habang si Prof. Calix ay nagalalakad patungong counter pero parang wala lang sakanya na pinag kakaguluhan lang siya ng mga babae, still pokerface parin yung mukha niya.
"Mga bom mag pa authograph kaya ako sa kanya?"
Parang baliw na sabi ni tasha.
"Bom baliw ka ba, hindi naman siya artista eh."
Sabi ko pa, mukhang nabaliw na ata itong si tasha kay Prof. Calix
"Omo! Nakatingin siya sa akin mga bom!"
Parang mahihimatay na ata si tasha sa kakatili, sinundan naman namin ang tingin ni tasha kung nasaan si Prof.Calix, naka tingin nga siya sa banda namin...pero...
"Hindi naman siya naka tingin sayo bom eh..kundi sayo bom.."
Walang emosyon na sabi ni Rowena sabay turo sa akin at itinuon ulit ang tingin sa pagkain,tiningan ako ni tasha kaya tiningnan ko rin siya we blink many times, ang tingin niya ay dumako ulit kay Prof.Calix.
"What the! Sayo nga bom!"
Tumili na naman si tasha, pero tiningnan ko si Prof.calix na nakatitig parin sa banda namin at hindi ko alam bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko dahil magkasalubong na ang mga titig namin, sa akin ba talaga siya nakatingin?! Seryoso?.
Ipinilig ko ang ulo ko, hindi naman siguro, tumingin ako sa may likuran ko pero wala namang tao kasi andito kami sa pinaka huling upuan at pader na nga yung nasa likod ko.
Tiningnan ko ulit si Prof.calix,
Nagsi tayuan ang mga balahibo ko sa braso ng sumilay ang ngiti sa gilid ng kanyang labi, hindi ko alam pero bakit?? Para saan ang ngiti na yun, hindi ko mapigilan hapuin ang dibdib ko na sobrang bilis ng t***k.