KABANATA 2: INTRODUCE!

1366 Words
Avena's POV "I want you to introduce your self here infront one by one.." Ano daw? Seryoso ba siya? Hindi naman kailangan yun ah 5 months na simula ng magsimula ang klase tapos na kami sa ganung stage tapos introduce na naman? pero sabagay new professor kasi siya. Napalingon ako sa banda kung nasaan sila Veronica at panay ayos na sila sa kanilang mga sarili, binaling ko din ang tingin ko kay tasha na nag aayos din. "Bom anong ginagawa mo?" Tanong ko pa sa kanya,nilingon niya naman ako. "Hindi ba halata bom? Nag aayos,nag lilipstick...gusto mo?" Sagot pa niya sabay offer niya sa akin ng lipstick niya, napangiwi naman ako. Nagsimula na palang mag pakilala ang iba naming kaklase simula sa pinakaunang linya hanggang sa huli. "Tigilan mo nga ako bom.." Sabay tulak ko sa kamay niya na may hawak na lipstick. "Sige na bom mag lipstick ka naman para mas lalo kang gumanda." Sabat naman ni Rowena, ano to? Pinagtutulungan nila ako?! Alam ko naman na maganda ako pero hindi ko naman kailangan mag lipstick eh hindi naman maputla yung labi ko. "If i know mag papa impress ka lang kay Prof calix, Avena.." Napatigil kaming tatlo sa pagbabangayan ng marinig namin si Veronica. "Hoy Beronica tumigil ka! Wag ka ngang maki alam sa amin, palibhasa hindi ka kasi maganda." Naku! Umandar na naman ang bibig ni tasha. "What?! FYI b*tch V for Veronica not beronica, how cheap you are! And by the way i'm much prettier than your ugly bff..duh!" "What di----" Pinigilan ko na si tasha dahil kapag di ko pa ginawa ay baka mag world war ewan ko pang ilan na kung mag aaway na naman sila. "What is happening here?.." Napatigil kaming lahat dahil nasa harap na namin si Prof calix nakapamulsa at nakatingin kina Veronica sunod ay sa amin nila tasha,at sa akin, yung mga mata niyang brown and deep ay nakatitig sa akin, mas gwapo pala talaga siya sa malapitan, matangos ang kanyang ilong at pinkish niyang lips na parang masarap halikan, Ano ba yung iniisip ko! Biglang naging tahimik ang paligid alam kong natulala na sila Veronica yung mga alipores niya at lalong lalo na si tasha. "Can someone answer my question?" Nahihimigan ang pag ka irita sa boses niya, base narin sa kilay niyang nakakunot. Ano ba to! Parang wala atang balak sumagot ng mga babaeng to' natulala na silang lahat, jusko naman! "W-wala po Prof Calix.." Mahinang sabi ko hindi ko alam pero kinabahan ako, ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. "Miss. Ocampo, right?" Nawala na ang kunot sa kanyang kilay naging normal na ito pero di mo ko alam may kung anong ibig sabihin ng mga titig niya na di ko mahulaan. "Yes Prof Calix.." Pinatapang ko tono sa pagsagot ko dahil para atang anytime ay gusto ko ng kumaripas ng takbo, sa lahat ba naman na pwede niyang pansinin sa akin pa talaga? Pwede kina Veronica, kay tasha o sa iba nalang bakit sa akin pa? "You can now introduce your self, infront.." Ano? Hindi pa naman ako ang magpapakilala ah, ang layo pa nga sa akin eh! Bakit ako agad? "A-ako po agad Prof? Hindi pa na----" "Go.." Pintutol niya ang sasabihin ko pagkatapos ay bumalik siya sa harap, alam ko lahat ng mata naka tingin sa akin, bakit mukhang naging kasalanan ko pa? Nakakainis! Huminga ako bago tumayo. "Bom.." Sabay pang anas nila tasha at Rowena, senenyasan ko lang sila na 'Ok lang' kita ko sa mukha nila pag ka guilty, pero hindi naman nila kasalanan. Naglakad na ako papuntang harap si Prof Calix naman ay nakatitig parin sa akin habang papalapit ako sa kanya as in nakapako lang yung mga mata niya sa akin, bakit ba panay titig siya sa akin? Ano bang problema niya?! Humarap ako sa mga kaklase ko, parang feeling ko tuloy first day ko na naman sa university na ito yung kaba na nararamdaman ko dati ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon, lahat ng tingin ng mga ka klase ko ay nasa akin lang yung mga tingin na walang gana. Tiningnan ko sila tasha at Rowena na nag sign ng 'Fight' Kaya napangiti nalang ako noon walang nag che cheer up sa akin, ibang iba ngayon, nawala na yung kaba ko. "Good morning, i am Avena Ocampo, i am 18 years old and i live in River town block 2,Urson st., Simpleng tao lang, walang maraming echos sa buhay!" pilit ang ngiti ko sa lahat. Pumalakpak naman sila Rowena at tasha, oo silang dalawa lang, kita sa gilid ng mata ko na nakatitig lang sa akin si Prof. calix kanina pa talaga habang nagsasalita ako, binabalewala ko lang talaga, ewan ko kung bakit ganyan siya makatitig sa akin. *Lunch break* "Bom mauna na kayo sa canteen, kukunin ko muna yung libro na kailangan ko sa library.." Tumango naman silang dalawa. "Ok bom,order nalang namin yung food mo ha.." Tumango naman ako, umalis na sila tasha at rowena at ako naman ay bumaba na patungong first floor, ilang sandali pa ay naglalakad na ako sa hallway papuntang library, parang mas lalo atang sumakit yung ulo ko dahil sa pressure kanina tss, teka nga may gamot pala akong dala at tubig iinom nalang siguro muna ako. naglalakad ako habang hinahalungkat ko ang bag ko. "Asan na ba yun?" Naramdaman ko nalang bumangga ako sa isang katawan kaya nawalan ako ng balansi kaya ramdam ko na matutumba na ako, ipinikit ko nalang ang mga mata ko pero naramdaman ko ang isang kamay na naka pulupot sa bewang ko ang pag angat ko at pagdikit ko sa isang malapad na dibdib. "Miss. Ocampo.." Teka! Ang boses na yun! Agad akong napa angat ng tingin, nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig, na realize ko kung gaano siya kalapit sa akin as in magkadikit kami ng katawan at ang mukha niya ay malapit lang sa mukha ko. "Prof calix.." Agad ko siyang itinulak papalayo sa akin, napalunok pa ako dahil sa kaba na nararamdaman ko paano kung may nakakita sa amin? Ano nalang ang gagawin ko?! Inayos ko ang sarili ko dahil feeling ko ang gulo ng buhok ko, naka suot lang din kasi ako ng dress na color red na pinatungan ko ng denim jacket at naka sapatos lang din ako,kahit naman naka sapatos lang ako ay mataas pa rin ako 5'6 kasi yung hieght ko slim din ako at sa palagay ko na nasa 6' above si Prof. Calix,matangkad talaga siya eh. "Are you ok, Miss. Ocampo?.." Nakatitig lang siya sa akin di ko talaga mabasa kung anong nasa isip niya eh, gaya ng nakikita kong porma niya ay ganun pa din hawak niya ang kanyang leather bag at naka pamulsa magulo na din ang maayos na buhok niya kanina pero wala ang coat niya mukhang niluwagan niya din ang kanyang necktie dahil naka expose na ng konti ang collarbone niya, hindi ko mapigilang mapatitig sa leeg niya napaka kinis nito at napaka sexy tingnan lalo na yung adams apple niya na nagtaas baba. Bigla nalang akong napalunok para atang nag dry yung lalamunan ko, ipinilig ko ang ulo ko, what the hell!! Ano bang nangyayari sa akin?! "Are you deaf, Miss. Ocampo.." Para akong nabuhusan ng mainit na tubig at bumalik ako sa sarili ko, bigla akong napa atras dahil mas lumapit pala siya sa akin naamoy ko na naman ang pabango niyang mamahalin "I'm sorry Prof Calix,i-i'm ok.." Agad akong umalis at deri deritsong naglakad papalayo sa kanya dahil ramdam ko rin na pinagtitingan na ako ng ibang estudyante siguro hindi naman nila nakita yung pagdikit ko sa kanya diba? Kinakabahan na naman ako eh. Nakadating ako isang sulok na wala gaanong tao huminga ako ng tatlong beses pilit na pinapakalma ang sarili ko sobrang bilis ng t***k ng puso ko, hinanap ko sa bag ko ang gamot at tubig agad ko namang nakita para atang pinag titripan ako ng tubig at gamot kanina at hindi agad nagpakita sa akin, ngayon ang bilis ko lang nakita. "Kainis ah!.." Bulalas ko nalang agad kong ininum ang gamot para mawala na ang sakit ng ulo ko baka kumalma na din yung puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD