-Fourteen-
Shiinel’s Pov
I was awestruck the moment I laid my eyes on the place and the time my foot touched the soft sand. The place is a paradise! Napaharap ako sa dagat na kumikinang sa sinag ng araw. Hindi ko mapigilang mapapikit at namnamin ang mabining pagdampi ng hangin sa balat ko.
"You like it?" Nilingon ko si Nick na kasalukuyang pababa ng bangka. We decided to just ride a plane from Manila to Busuanga Airport in Palawan. Mula naman sa town proper ay sumakay kami nang bangka. Sobrang ganda pala talaga sa Palawan. Nakakapanghinayang nga lang at nakatulog ako sa bangka sa labis na pagkahilo. That was unfortunate. Siguradong napakaganda ng mga tanawing dinaanan namin kanina.
"I love it ... so much." Hindi ko mapigilan ang excitement sa tuwing maiisip ko na makakapagbabad ako sa dagat.
"Lets go. Maghahanda pa tayo for the meeting and I'm sure na kanina ka pa nagugutom."
Oo nga pala. Pero teka nga, andito na ba yung ka-meeting niya? Iisa lang naman ang bahay dito, and its so beautiful I must say. It's a two storey house na ang structure ay isinabay sa slant land formation. Para kang nasa tree house, then the rest ay mga mumunting kubo na may rattan na duyan. It's more like a private beach to me. Kung sa bahay kami tutuloy, then saan tumutuloy ang ka-meeting ni Nick?
"Nick, property ba ito ng kliyente mo? So dito rin tayo makikituloy?" I asked innocently. Tiningan with amusement on his eyes. What? I was just wondering! Wala namang ibang bahay sa islang ito na pwedeng tuluyan. Unless, masyado kang bayani para tumira sa kubo at tiisin ang ginaw sa gabi.
"Silly. Of course this property is mine." Wow. Oh eh di siya na. I just got that expression from Luz, it sounds cool anyway. "I bought the place para bakasyunan. I just to have a place where I could relax my soul, and this is perfect. Kapag nandito kasi ako, mas nakakapag-isip ako ng maayos."
Bago kami pumasok sa loob ng bahay, hindi ko mapigilang bigyan ng isa pang sulyap ang nagniningning na dagat. I really want to go swimming! I never had the chance to have such luxury dahil lunod ako sa isipin and by the mere sight of this ecstactic view, parang gusto kong kumalas sa pagkakahawak ni Nick sa bewang ko at maglunoy sa dagat.
"You wanna go swimming?"
Pakiramdam ko biglang nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Nick.
"Pwede ba?" I don;t really care if I look childish and seems to be so desperate at the moment. I'll do everything matikman ko lang ulit ang dagat sa balat ko.
"Hmm ... bukas pa naman ang meeting. I never changed the schedule. Pumunta lang ako ng maaga para makapag-isip so we still have time and I dont mind having a swim."
Hindi pa muling nakakapagsalita si Nick ay mabilis na akong kumaripas ppasok sa loob ng bahay. Better start early! Narinig ko pang ang tumatawang si Nick na ramdam ko ang paghabol.
Nauna akong pinaakyat ni Nick sa ikalawang palapag ng bahay dahil may ibinilin pa ito sa mga kasambahay na naroon. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay na iyon. It was mostly made of varnished woods with glass windows and white curtains kung saan kitang kita mo ang nasa labas. Napaka-refreshing. Siguro kung writer ako at dito ako nakatira, writer's block won't be a problem. The place is like a stress reliever itself. Napakalayo sa magulong at maingay na syudad. It's calming, a place where fantasy could possibly exist.
Tumuloy na ako sa unang kwarto na nakita ko. Mukhang wala namang umuukopa dito. Inilapag ko lang ang maliit na travelling bag na dala ko sa paanan ng kama. Kumuha lamang ako dun ng pampalit at tumuloy na sa banyo para magbihis. It's just a loose printed shirt and a not so short shorts. Wala akong choice dahil wala naman akong ibang dalang damit. I thought it will be just pure business kaya tanging formal attire at ilang pares na pambahay at pantulog lang ang tanging nasa dalahan ko.
Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Naabutan ko pa si Nick na may dalang pagkain at nilapag iyon sa mesa sa sala. Pinasadahan niya ako ng tingin at tsaka ngumiti ng maluwang.
"You look beautiful."
"Bola."
"Of course not." Hinila niya ako at hindi na ako nakaalma ng iginiya niya ako paupo sa kandungan niya. Napansin kong maging ito ay nakapagpalit na rin. Naka-white V-neck shirt na lang ito at board shorts.
"You look more like my wife now." Sumandok ito ng pagkain sa plato at isinubo sa akin. I felt my cheeks flushed red by what he said.
"Wag ka nga." Para akong teenager na kinikilig. He just chuckled and kissed my blushing cheek.
"I really love it when you're blushing, especially when I know that I'm the reason behind it." Muli siyang sumandok ng pagkain at isinubo ulit sa akin.
"Ako na, kaya ko naman kumain mag-isa eh." Pigil ko sa kanya at pilit inagaw ang kutsara mula sa kanya, na hindi ko magawa dahil iniiwas niya. Hindi rin naman ako makagalaw dahil nakapalibot sa bewang ko ang isa niyang braso.
"Naah, just let me do it. You want steak?" Tanong nito sabay turo sa steak. Umiling lang ako bilang sagot at tsaka itinuro ang tubig. Iniabot niya sa akin ang baso and I drunk from it. "We really look like a family, anak na lang ang kulang."
Muntik ko ng maibuga ang tubig sa bibig ko dahil sa sinabi niya.
"Anak?!" Agad agad? I look at him with an unknown expression etched on my face. Hindi ko alam kung mukha ba akong gulat, takot o sabog. Tawa ito ng tawa sa naging reaksiyon ko na naging dahilan para matampal ko siya sa braso. He shouldn't be joking about such stuff!
"Kidding. Of course that could wait." Manaka-naka parin itong tumatawa kaya kumuha ako ng pagkain at walang sabi sabi iyong isinubo sa kanya. Oh eh di natigil siya.
Pagkatapos naming kumain ay nagmamadali ko siya hinila papunta sa dalampasigan. It's been really a long time since I last had a swim on a beach kaya dahan dahan akong lumapit sa dagat. Sa tuwing aatras ang dagat ay lumalapit ako at aatras naman sa tuwing lumalapit ito. I dont know, siguro inaatake lang ako ng weirdness ko. Muli akong lumapit ng makita kong umatras ulit ito, pero laking gulat ko ng may bigla na lamang tumulak sa akin dahilan para mapatakbo ako ng makita palapit na ulit ang dagat. Sinamaan ko ng tingin ang nakatayong si Nick. Siya lang naman ang pwedeng tumulak sakin eh!
"Bakit mo ko tinulak?!"
"What's taking you so long? Maliligo lang naman tayo."
"That's not it! Its----" Napatigil ako. I can't tell him that. "Ah basta! Dito ka lang!"
"Okay, sabi mo eh." Nagkibit balikat lang ito, pero sa labi ay nakapagkit ang isang mapaglarong ngiti.
Dahan dahan ulit akong lumapit sa dagat. I was about to soak my feet pero napatili ako ng bigla akong umangat sa lupa. I felt someone carrying me and know in an instant na si Nick yun.
"Ang bigat mo."
"Ano ba, ibaba mo ko!" Nagpapasagpasag ako, but it was no use.
"A-yoko!" He said in a sing song voice.
Hindi ko na nagawang magsalita at impit na lamang napatili mg bigla niya na lamang akong inihagis. I felt my whole body soak wet. Agad akong napaahon at dinig na dinig ko ang tawa ni Nick dahil sa panibagong kalokohan na nagawa niya. Sa inis ko ay dinampot ko ang tsinelas kong lumutang at ibinato yun sa kanya. Bullseye!
Unti-unti nagbago ang ekspresyong ng mukha nito. Nawala ang kaninang nakapaskil na ngiti nito at napalitan ng kaseryohan. Hindi pa man nangyayari, tingin ko ay alam ko na ang tumatakbo sa isipan nito.
"N-no ... you dont."
"You just made the shark mad, mahal ko." He narrowed his eyes on me at parang gusto ko na talagang tumakbo.
"W-wag kang lalapit. H-hindi p-pwede ..."
"Says who?" He showed a grin a dangerous one. Kaya bago pa man ito makahakbang palapit ay mabilis na akong kumaripas ng takbo palayo. Mahirap tumakbo sa dagat at mas malalaki ang hakbang ni Nick kaya napatili na lang ako ng maramdaman ko ang mga braso niya na pumalibot sa bewang ko.
Sunod sunod ang naging pagtili ko ng sinimulan niya akong kilitiin sa bewang. Oh my gosh, malakas ang kiliti ko dun!
"No Nick, let--hahaha--go-ahahaha. Stop it! Hahaha." Hindi ko alam kung saan ibabaling ang ulo ko. Sumasakit na ang tiyan ko! I wanted him to stop pero hindi ko siya mapigilan. I was Almost breathless when he finally stop. Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko.
***
Pagud na pagod akong humilata sa buhanginan and I felt the sudden comfort the moment I felt the soft and warm sand against my body. Napapikit ako, I feel sleepy. Napamulat lang ako ng mata ng maramdaman ko ang paghiga ni Nicl sa tabi ko na tulad ko din ay paniguradong napagod sa halos maghapon naming paglulunoy sa dagat. Thouhg exhausted, we really had fun. I shifted my glance at binalingan ang kasalukuyang nakapikit na si Nick. He look so hot with the rays of the setting sun shining all over him. Para itong prinsepe na pinadpad sa isang isla. Dumapa ako para mas mabistahan ang mukha nito pero hindi ko napigilang pasadahan din ng tingin ang katawan nito. He's only wearing board short, exposing perfectly toned and sculpted body. It's a good thing na pribado ang islang ito, because I don't want to share this perfect view. Kung sa three piece suit nga na nakabalot dito ay marami na ang nahuhumaling dito, ano na lang kaya kung makita nila siya ngayon na tanging pang-ibaba lang ang saplot? Baka dumami ang populasyon ng mga baliw.
"Who are you?" I asked him out of the blue. Kunot noong napatingin ito sa akin.
"What---"
"The Nick I know ... your loosing him."
"What do you mean?"
"The Nick I know, he's too high, too distant and cold, but you-- you're s---"
"I'm hot alam ko, at sorry sa pagpapanggap."
"Humble ka na sa lagay na yan ah?" I asked sarcastically but he just laughed. "Wag kang conceited mister, ang ibig kong sabihin, hindi lang ako sanay. You're starting to have a very light aura, you smile and laugh a lot. Ibang iba sa Nick na una kong nakilala."
"Masanay ka na mahal ko, dahil matagal pa tayong magsasama."
"At gaano naman katagal yun aber mister?"
"Hmm, let me count." Kunwa pa itong nagbilang sa mga daliri. Napailing na lang ako ng bigla siyang nagkamot ng ulo na tila isang batang nalito sa pagbibilang. "Ang hirap pa lang bilangin ng forever?"
Napahagikhik ako.
"Ewan ko sayo."
"You keep on saying that sa tuwing kinikilig ka."
Napamulagat ako sa kanya. He grinned, and believe me, he really look sexy and devilishly hot.
"Yeah right Mr. Sobremonte. Dream on." Tanggi ko pa kahit alam ko namang namumula na ang mukha ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong hinigit sa bewang and in one swift move ay nasa ibabaw niya na ako. I can't move. When I look at him ay payapa parin itong nakapikit.
"N-nick ..."
"Hmm?" Ni hindi man lang ito nag-abalang magmulat ng mata.
"I think you should put me down. Baka may makakita sa atin."
"I don't want to. Let's just stay like this. Like no one could ever take you away from me." I felt him tightened his arms around my waste and when I look at him, I saw him smiled. He nuzzled on my neck, sniffing my scent and I gasp when I felt the tip of his tounge touched my sensitive flesh. "Hmm, I wonder how your skin tastes sweet gayong kagagaling lang natin sa dagat."
"G-ganon talaga, inborn talent ko yan. Nagse-secrete ng glucose ang katawan ko." I tried to crack a joke para pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko.
"Hmm ... can I taste them also?"
"NICK!"
Tumawa lang siya. Sinubukan kong tumayo pero mahigpit ang kapit niya sa bewang ko. Sanay naman ako sa mga green jokes ni Nick, but it's different ngayong nasa ganito kaming sitwasyon or should I say position? We're both wet, he's topless and I'm on top of him. Imagining our position and how erotic it is, it's just too tempting.
"W-wait Nick, what is that little thing that keeps on poking my thigh?"
"I guess my buddy just wanna say hi?" Nakangisi itong tumingin sa akin. Bumuka ang bibig ko, like I want to say something pero muli iyong sumara sa kawalan ng masabi. Like what the hell?! "And please, don't call it little, but if 8 inches is really called little, then maybe it is."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig and the moment I had finally pulled my brain back, sunud-sunod ang ginawa kong paghampas sa kanya. Panay naman ang ginawa nitong pag ilag.
"Seriously? I was just joking!" Tawa parin ito ng tawa.
"Pwes hindi nakakatuwa!" Hinampas ko siya sa dibdib at tsaka buong pwersang tumayo and fortunately, I did. Lokong Nick to, sagad sa buto ang kamanyakan.
**********************
Gee❤️