Chapter 13.5

1318 Words
-Thirteen.Five- Shiinel’s Pov         After a few minutes ay bumalik narin naman si Nick. Ewan ko lang kung ano ang ginawa niya dun sa loob. Kayo alam nyo ba?         "Anong nangyari sayo? Bakit bigla bigla ka na lang tumakbo sa banyo?"         "It's your fault babe. Do that again and you'll regret it." What did I do?   "But on the second thought, you might  just enjoy it." He grinned.         Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya though nagkaka-ideya na ako kung ano ang ibig niyang sabihin. I just dont want to entertain those thoughts.         Naglibot libot kami sa paligid ng bahay pagkatapos naming kumain. Maganda nga talaga yung bahay, may swimming pool pa sa likod. I've changed may clothes dahil mukhang prepared na prepared si Nick at talagang nagawa niya pa akong mabilhan ng pangpalit. We went swimming at yun siguro ang tinutukoy niya na kailangan ko ng energy dahil totoo naman talagang nakakapagod. Pabalik balik ako sa paglangoy dahil palagi niya akong hinahabol. He's pretending to be the shark and I'm his prey. He was chasing me at asahan niyo ng may halong kamanyakan ang bawat ginagawa niya, trust Nick to be good on that.         After that exhausting swimming, we just watched a movie habang nakaupo sofa sa living room, that's my favorite part of the day. We're sitting next to each other, siya nakaakbay sa akin at ako nakasandal sa balikat niya. Manaka naka niyang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko which I found to be so sweet. We cuddle and kiss.         Noong una, I tried to stop him from kissing me,l want us to be official. He said he can't and I told him na nagagawa naman iyon ng ibang lalaki, nakaya nilang maghintay. But I think, my heart inflated when I heard him say ...         "But not if the woman is as irresistable as you are and the man is me, a man so drawn to you.”         I'm not really sure about the real deal between us, and I guess it's not a matter of a deal but of how we feel.         I totally enjoyed the day, and it was 9 in the evening ng makauwi kami.         "Pasensya na, hindi na kita mai-invite na pumasok. It's late at tsaka pagod na rin ako." Pagpapaliwanag ko habang tinatanggal ko ang seatbelt na nakakakabit sa akin, pero ang totoo, I just can't let him see Rui. He'll know na nagsisinungaling ako about my status at hindi pa ako handa sa anumang consequence ng pagsisinungaling ko.         "I understand." He held my chin and gave me light kiss. "I'll see you tomorrow."         Nginitian ko lang siya bago tuluyang bumaba ng sasakyan. I feel guilty.         He waved at me and I did the same. Inantay lang nito na tuluyan akong makapasok sa loob bago ko narinig ang tunog ng papaalis na sasakyan.         I'm sorry Nick.         Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Lilang na nakaupo sa sala habang hawak hawak ang isang romance pocketbook.         "Bakit gising ka pa?" Bungad ko sa kanya.         "Andiyan ka na pala." Napatayo ito at tsaka inayos ang damit. "Hinihintay kasi kitang dumating. Nakita ko kasi na naiwan mo sa kwarto yung duplicate key mo at hindi ko namang pwedeng iwanang bukas yung pinto."         Napatango tango ako. Oo nga pala, nagpalit kasi ako ng ginagamit na bag at siguro'y naiwan ko yung susi nong naglilipat ako ng gamit.         "Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya at tinanguan niya lang ako. Sabagay, alas nueve na kaya malamang ay kanina pa ito kumain.         "Oo, sumabay na ako kay Rui kanina. Eh ikaw? Gusto mo ipaghanda kita?" Akma itong papasok sa kusina para siguro ipaghanda ako pero agad ko siyang pinigilan.         "Wag ka ng mag-abala Lilang, kumain narin naman ako, salamat na lang." Isa pa, hindi niya naman trabaho na ipaghanda pa ako ng makakain. "Si Rui nga pala?" I suddenly miss my son. Ni hindi ko man lang siya na-kumusta if how's school, paniguradong nagtatampo na yun.         "Nasa taas na, maagang nakatulog. Napagod ata sa activity nila sa school kanina."         "Oh sige, aakyatin ko lang. Dun narin siguro ako matutulog, ikaw din matulog kana. Salamat sa paghihintay."         She smiled at me.         "Ay oo nga pala Shii, may pinabibigay yung teacher ni Rui. Eto oh." Kinuha nito ang isang puting sobre sa kalapit na mesa at iniabot iyon sa akin. "May activity ata sila next week eh."         "sige salamat, bukas ko na lang siguro babasahin." Isinilid ko iyon sa dala kong bag at tsaka umakyat sa kwarto ko. Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng spaghetti at pajama tsaka ako pumunta sa kwarto ni Rui.         Nang pumasok ako sa loob, I saw him peacefully sleeping. Lumapit ako sa kama niya at dahan dahang humiga. I rested my back on the headbord and I gently stroke the hair of my son. I heard him moan in sleep at ilang sandali pa, like the way he always do everytime na tatabi ako sa kanya, isiniksik niya ang ulo niya sa tiyan ko and drape his little arms around my legs. My little sweet man.         I feel guilty.         I'm sorry son, sorry at nagiging selfish si mommy. Sorry kung sarili ko na lang ang iniisip ko.         I gently caress his face at tsaka ko siya kinintalan ng halik sa ulo. I felt him sniff my scent at tsaka ipinilig pilig ang ulo sa tiyan ko na para bang noon niya pa hinahanap ang amoy na iyon.         "Sweetie, will you forgive mom, kung sasabihin kong wala ng pag-asa na maging kami ng daddy mo?" Kahit dumating man yung araw na mag-krus ang landas naming dalawa at makilala ko siya, I know I can't love him. Because this heart of mine was already taken by someone else.         I'm sorry, i'm really sorry if I put you in this situation sweetie. Ang sama ko, I'm depriving you of the right to have a family dahil selfish ako. Inuuna ko ang kaligayahan ko. I feel terrible, I feel useless.         "Im sorry Rui." Paulit ulit kong sabi. If only saying those words could wipe away our sufferings. Sana kayang punan ng mga salitang yun ang pagkukulang ko bilang ina.         I hugged him tight like I am afraid of losing him. Why am I so unperfect? I want all the best for you because I love you so much pero kahit anong gawin ko nasasaktan at masasaktan parin kita.         "Mom, don't worry about me. Go to what makes you happy and I'll be happy for you." He murmured sa inaantok na boses.          So he's awake? He heard me? Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Because what my son had said just made things harder for me. Why am I so worthless? Napakawalang kwenta kong ina! Alam ko, nararamdaman ko kung gaano nangungulila sa ama ang anak ko, but here I am making things more impossible for him.         "Mom, I want you happy." Then I heard his heavy breathing. A sign na muli na itong nakatulog.         I was about to sleep when I heard my phone rung. I took it at tiningnan kung sino ang caller. Unregestered number.         Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras sa akin? I answered the call.         "Hello?"         "Hey beautiful."               I know that voice. Base on the eratic reaction of my heart, I know it's Nick.         "Napatawag ka, gabi na. You should be sleeping by now." Hindi ko na itatanong kung saan niya nakuha ang number ko dahil alam kong sa bio-data ko yun galing.         "I just wanna say goodnight, see you tomorrow."         I unconcsiously rolled my eyes. Sinabi niya na rin yun kanina eh!         "Okay, goodnight. See you tomorrow." I was about to end the call,         "Okay, mmm Shiinel?"         "Hmm?" There was silence on the other line. Tiningnan ko yung screen ng phone ko pero connected parin naman.         "I love you." Then he ended the call.         Nick, you're making it hard. ************** Gee❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD