-Nine-
Shiinel's
Napaigtad ako ng maramdaman ko ang matunog na halik na iyon sa kanan kong pisngi. Hindi ko napigilang tingnan ng masama si sir Nick na parang wala lang na naglakad papunta sa table nito. Naramdaman niya ata ang titig ko. "What? Bakit ikaw lang ba ang karapatang magnakaw ng halik? That's unfair ya know." Nakakaloko pa itong ngumiti pagkatapos na tila tuwang tuwa sa sinabing palusot.
Naramdaman ko ang mabilis na pamumula ng mga pisngi ko. Does he really have to bring that topic over and over again?
Nasaan na ba kasi si Luz? Hanggang ngayon kasi ay wala parin ito. It's been three days at hanggang ngayon ay wala parin akong balita kung kailan ito babalik. As far as I know ay ayaw na ayaw nitong matagal na hindi nakikita ang boss nito so I wonder why she's still not here?
Sa loob ng three days na iyon, hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa mga nangyari. Sa pagkakaalam ko at base sa mga impormasyong nakalap ko, this boss of mine is ill-tempered, kinatatakutan, suplado pero gwapo, he's cold yet hot plus the fact na sobrang yaman nito, but no one ever dared to tell me about him being naughty! Napaka!
Napaharap ako ng maramdaman kong may nakatitig sa likuran ko at huling huli ko sa akto si sir Nick na nakatitig sa pang-upo ko. Napaka naman talaga! Ni hindi man lang ito natinag kahit tinitingnan ko na ng masama.
"What?" Tatawa tawa nitong binalik ang tingin sa nakabukas nitong laptop. Ang bastos talaga!
"But I like your skirt, they're presentable, soft, long and creamy." Is he pertaining to my skirt or my legs? Because the last time I check, kulay black ang skirt ko, and they're not long.
"Sir!"
"Okay, okay I'm just joking. But damn those legs for being so beautiful." Narinig ko pang turan nito at hindi ko mapigilang mapailing. See? Yan ang tinutukoy ko. Kay Luz kaya ganito rin siya? But I bet he's not base narin sa mga reklamo ni Luz dati. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako nakaramdam ng relief? Weird.
Ilang oras ding namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming abala sa kanya kanya naming ginagawa. Abala ako sa pag-aayos ng mga papeles na katatapos ko lang i-encodehabang siya naman ay sa pag-check sa monitor ng laptop nito.
Minsan nga ay nagtataka na ako dahil ang iba sa mga papeles na iyon kung tutuusin ay hindi na sakop ng trabaho ko at responsibilidad na ng ibang department. Minsan gusto ko ng magreklamo pero naalala ko na kabago bago ko pa lang and such act won't bring good to my record kaya pinili kong manahimik na lamang at sumunod.
Kahit abala sa kung ano sa laptop niya, ramdam ko parin ang mana-nakang pagtingin sa akin ni sir Nick. Minsan gusto kong isipin that I just got my self a maniac boss, pero sa tingin ko ay sobrang gwapo niya naman ata para sa ganong katawagan. At isa pa, kahit ganon siya, hindi ko alam kung bakit hindi ako naaasiwa. Ang totoo nga ay parang nagugustuhan ko pa nga ang ginagawa niya. uggh. Nahahawa na ata ako.
"Umm, Ms. Vinicio, can you come here for a moment. Medyo naguguluhan kasi ako." Nagtataka man sa naging rason niya ay pinili ko paring lumapit. It's unusual for him to ask for clarification at hindi ko maiwasang isipin na baka may kalokohan na naman siyang naiisip kaya niya ako pinapalapit. But I automatically shrugged the thought off. Baka naman may mali lang talaga sa ini-encode ko kaya nagtatanong? Tama baka yun nga.
While tugging on the lining of my blouse, lumapit ako kay sir Nick at nakisilip sa monitor ng laptop nito para i-check kung asaan ang may mali, pero wala naman akong makita.
"Nasaan po yung hindi niyo maintindihan sir?" Hindi ko na lang pinansin ang katiting na distansiya sa pagitan namin.
"Here." May tinuro ito gamit ang kamay pero napasimangot ako ng makitang lumampas ang turo nito sa monitor. Ang pasaway talaga! Saan ba siya nakatingin?
Nasagot ang katanungan ko ng makarinig ako ng mahinang pagsinghot sa may bandang leeg ko. Is he smelling me?!
"Sir ano ba?!" Bakit ba hindi ko siya masita ng diretso? Maybe Im just afraid that he'll totally stop.
"Here's wrong, just--owww." Na-realize ata nito na alam ko na kung ano ang pinaggagawa niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm caught? just Great."
"Sir wag naman pong puro kalokohan. Seryoso po akong nagtatrabaho sa inyo kaya sana naman po ganon din kayo." I dont know what pushed me to say those words, At agad-agad ay parang gusto kong bawiin yun ng makita ko ang biglang pagseryoso ng mukha nito. Did I hit a mad button?
"Okay." He said seriously and I bit my lower lip in regret. "But I wasn't fooling around when I said that somethings wrong. See this?" Turo nito sa isa sa mga files na nasa monitor ng laptop nito, when I checked the hard copy, nakita kong may mga nagkapalit na numero. Maybe because I was too tired that time.
Napatingin ako kay sir Nick. Seryoso parin ang ekspresyon ng mukha nito.
"I hope that won't happen again Ms. Vinicio."
"Y-yes sir."
Paalis na sana ako ng pigilan niya ako.
"Stay."
At first I feel hopeful dahil akala ko hindi naman talaga siya nagagalit but when he said that he wants me to stay dahil iche-check niya pa daw kung may ibang errors ako, I really feel down at that moment.
Patuloy ito sa pag scroll sa monitor nito, tahimik lang naman akong nakatingin doon. Umusod pa nga ito ng kaunti and gave me space para mas mabistahan ko ang laman ng monitor. Ganon ba niya kagustog ipamukha sa akin ang mga errors ko? Sabagay, kasalanan ko rin naman, ginalit ko siya. Pero ginawa ko lang naman kung ano ang alam kung tama diba? Anyway, I shouldn't be that rude at inisip ko sana kung ano ang magiging epekto non sa ego niya.
Moments later, hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o talagang may kung anong bagay na gumagapang mula sa bewang ko pababa sa legs ko. Noong una ay hindi ko pinansin yon, but as it travels down my legs, na-alarma na ako. Lalo pa at naramdaman ko ang init na hatid niyon sa balat ko. What is that thing?!
Natatakot naman akong tingnan dahil baka kung ano na yun.
Narinig kong napa-hissed si sir Nick. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ng 'bagay' na yun sa legs ko at nanlalaki ang mga matang napalingon ako kay sir Nick ng ma-realize ko kung ano nga ba ang 'bagay' na yun na gumagapang at pumipisil sa legs ko. It's him!
"Damn these soft legs of yours! They're too distracting and touchable ..."
Bago pa man ako makapagsalita, he pulled me on my nape and sealed my lips with his. Actually, hindi naman talaga ako kokontra kung saka-sakali.
For the past three days, he'd been giving me kisses on the cheeck. and since that night I first kissed him, inisip ko na kung ano ba ang pakiramdam ng maramdamang gumagalaw ang labi nito? And now it's happening at hindi nga ako nagkamali, they really are wonderful or more than that I think.
I closed my eyes and felt his lips devouring mine habang ikinikiskis nito angmga palad sa hita ko. Sa tingin ko nga ay nahila na nito ng kaunti pataas ang skirt ko because I think I felt it flipped. His kisses are intoxicating. Napatukod ang dalawa kong kamay braso niya while his other hand is on my waist and the other busy rubbing my flesh. Kung kailan handa na akong tugunin ang mga halik nito, tsaka naman kami nakarinig ng katok sa pinto. Agad kaming naghiwalay at inayos ang sarili namin. He even helped in plaiding my skirt na tunay ngang tumaas!
He cleared his throat.
"Come in."
It was Mrs. Santillan.
"I'm sorry, your secretary wasn't at the table so I knocked on the doo---"
Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nito. Siguro ay dahil nalaman nitong nasa loob pala ang secretary or maybe dahil sa itsura ko, do I look unneat? Baka hindi ko masiyadong naayos ang nagusot kong uniform dahil sa pagmamadali.
"Oww that. We're just busy about some stuff. I was asking my secretary to check some files, you see ..." sabay turo nito sa mga folders na nasa lamesa nito.
"Yeah, I see sir." Unti-unting namuo ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Mrs. Santillan at marahang napailing habang nagpapalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni sir Nick. "I can see that you really are busy, well I just drop by to bring this file, we need your approval for it. That's all and I think I have to go." Pagkatapos non ay agad na itong lumabas ng opisina but not without leaving another smile na nakapagpataka sa akin ng sobra. Does she know something?
Sa tingin ko ay ako lang ang nakakita ng ngiting yun since agad na nabaling ang atensyon ni sir Nick sa folder the moment na binigay iyon ni Mrs. Santillan. Para pa nga itong nagmamadali na ewan.
Nagsimula na akong maglakad para bumalik sa ginagawa ko kanina bago pa man ako tinawag ni sir Nick para lumapit.
"I think I should just approve this so we could continue, what do you think?" Agad akong napalingon kay sir Nick dahil sa sinabi niya. Nakita kong ibinaba niya ang folder na binabasa and I swear, pakiramdam ko parang gustong malaglag ng eyeballs ko sa nakita ko!
I felt my both cheecks automatically flushed red.
I totally forgot about my lipstick, at kumalat iyon sa paligid ng labi ni sir Nick!
Hindi ko siguro yun napansin dahil sa pagmamadali kanina. Shiiz, and to think na nakita iyon ni Mrs. Santillan? Ano na lang kaya ang iniisip niya?
*************
Gee❤️