Chapter 10

1892 Words
-Ten- Shiinel’s Nalulunod na naman ako sa mga halik niya. Ganito ba talaga ang halik? Nakakatanggal ng katinuan? Kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinulupot iyon sa kanyang leeg habang lalo akong idinidikdik sa pader para laliman ang halik. Ano ba tong ginagawa namin? Tama pa ba to? Maaga akong pumasok kanina, actually nauna pa nga ako sa boss ko. Usually kasi, maaga ito palaging pumapasok for I dont know what reason kahit pwede naman itong pumasok anong oras man nito gustuhin. I was currently checking the schedule ng makarinig ako ng mabilis na pagbubukas sara ng pinto. Nagulat ako ng bigla akong hinablot ni sir, he pinned me on the wall and kissed me with such eagerness. "Shiiz, shiinel I was thinking about these lips all night!" Tila nahihirapang saad nito. "Sir baka po may makakita satin." "Wala, ni-lock ko ang pinto and I'm sure they'll knock." Tsaka niya ako muling hinalikan. Parang gusto kong matawa hindi lang dahil sa pagigiging sigurista nito kundi pati narin sa sitwasyon namin ngayon. It's like we're back in high school na palihim na naghahalikan. Ipinulupot niya ang mga braso ko sa leeg niya and feed on my lips again. I closed my eyes and chose to feel his every move. I just cant find the will to stop him at isa pa, his lips is so good. Para itong marshmallow, soft and sweet. Plus it's hot and expert. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya, hindi ko magawang tumugon sa mga halik niya. It's not because I don't want to but because I don't how to. It's been years since the last time I kissed at ayokong mapahiya. "S-sir ..." We let go of each other trying to catch our breath. Nang tumingin ako sa kanya, he's still looking at may lips at parang handang umatake ulet. Wala ba siyang kasawaan?! Iniwas ko ang ulo ko ng tangka niya ulet akong hahalikan. Kailangan naming tumigil dahil kapag nagpatuloy to, wala kaming matatapos na trabaho. Knowing how his kisses affect me, baka pumayag akong yun at yun na lang ang gawin namin buong araw! "You want me to stop shiinel?" Hindi ako kumibo, nananatili lang akong nakayuko. Gustuhin ko mang umalis sa pwesto ko ay hindi ko magawa dahil nakapalibot parin sa bewang ko ang kaliwang braso niya. Itinaas niya ang baba ko gamit ang kanan niyang kamay para magtagpo ang mga tingin naming dalawa and the moment I met his eyes, I drowned. "Tell me Shiinel, do you really want me to stop?" Hinalik halikan niya ang paligid ng bibig ko. My mouth was open, gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. I'm anticipating for something. He's kissing me lightly that sends a tickling sensation in my every flesh. It makes me need for something which I can't name. "Tell me ..." He said in between his kisses. Nagpatuloy siya sa ginagawa niya, at pakiramdam ko umiinit ang ulo ko. Nafu-frustrate ako, and when his tounge touch my lower lip, tuluyan na akong naubusan ng pasensya. Enough of the tease! I pulled him on his nape and kissed him the way I know. "Hmm ... that's good." I heard him say and so I continued. Unti-unti na akong nadadala sa ginagawa ko ng bigla ay may maalala akong isang bagay na nagpabalik sa akin sa katinuan. I hastely pulled out from the kiss at bahagya siyang itinulak palayo sa akin. I even heard him groaned in protest. "Sir may meeting po kayo ng nine AM sa Eastern Hotel kay Mr. Dean Lester Valler. Importante po ang meeting na yun at hindi kayo pwedeng ma-late." I reminded him. Napapikit ito ng mariin. "Damn, oo nga pala." Inayos nito ang damit na bahagyang nagusot at tsaka lumapit sa table nito para kunin ang ilang dokumento at susi ng sasakyan. Pagkatapos ay tsaka niya ako tiningnan habang inaayos ko ang nagulo kong buhok. "Mauna na ako sa sasakyan, sumunod ka na lang." Tinanguan ko na lang siya bilang tugon at tsaka siya naunang lumabas ng opisina, but not without leaving a smack on my lips. Humirit pa talaga! Nagmamadaling akong pumunta sa banyo na nasa loob lang din ng opisina para mag-ayos ng sarili. I fixed my hair and uniform. Nag-apply din ako ng manipis na lipstick at tsaka nagpulbos. Matapos ay nagmamadali na akong bumaba para puntahan si sir Nick dala ang maliit kong bag ng ilang bagay na kakailanganin ko. Nang makarating sa Eastern Hotel ay agad kaming iginiya ng isang babae sa isang reserved table. Actually ako ang nagpa-reserved non. Ilang sandali pa ay dumating na ang hinihintay namin. Siya pala si Mr. Valler? Matanda na pala ito, akala ko pa naman ay hindi nagkakalayo ang edad nila ni sir Nick base narin sa narinig kong boses nito kahapon ng tawagan ko ang sekretarya nito para magpa-appoint ng meeting dito. "Good morning Mr. Valler, I'm glad you made it here." Bungad dito ni sir Nick. "Good morning din." Pati boses nito ay iba din. Hindi ito kasing swabe ng boses na narinig ko sa telepono. Baka naman nagkamali lang ako ng pandinig dahil ng mga panahong yun ay nadi-distract ako sa mga tingin ni sir Nick. Baka nga. Nakipagkamay si sir Nick sa kanya pero umiling lang ito. "I'm sorry pero hindi ako si Mr. Valler." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, at ng mapalingon ako kay sir Nick ay ganoon din siya. Kung ganon pala ay bakit siya ang nandito at hindi si Mr. Valler? "Nandito ako dahil pinapasabi ni Mr. Valler na mahuhuli daw po siya ng dating dahil may unexpected meeting daw po siya sa isa sa mga kliyente niya at hindi niya lang daw po talaga maaaring ipagpaliban pa yon." Mas lalong nangunot ang noo ni sir Nick dahil sa sinabi ng lalaki at alam ko kung bakit. Naiinis ito dahil nagawa siyang i-take for granted nito para sa ibang tao, given his stand on the bussiness world, that's a total blow to his ego. "No thanks, tell your boss that I'll just re-schedule this meeting. We still have a lot of things to do and we can't afford to wait." He said coldly. Agad itong tumayo sa inuupuan pero hindi pa man kami tuluyang nakakaalis sa table namin when we heard that voice. "Hey, pasensya na sa delay. Napalaban eh." He stated in the most casual way I've ever heard. He's wearing a gray long sleeves na nakarolyo hanggang sa siko nito and he look so cool as he took off his shades at inilagay iyon sa kamay nito. Lumipat ang tingin niya sa akin and his smile grew wider. "Long time no see." I was in shock ng tuluyan kong mabistahan ang itsura nito. Bakit ba hindi ko naisip kaagad yun? Dean Lester Valler, may-ari ng pinakakilalang architectural firm sa buong Pilipinas. Who would have thought? Hindi ko nakilala ang boses niya kahapon dahil mas naging buo at lalaking pakinggan iyon kesa noon. I smiled to him and he smiled to me too. Ayokong magsalita because it would seem to be so informal and unprofessional na makipagkwentuhan sa meeting ng boss mo kaya pinili ko na lamang ngitian siya as a sign of recognition at para ipaalam na rin na natutuwa akong makita siya ulit. Lester was my classmate on one of my subject way back in college. Magkatabi ang upuan naming dalawa kaya madalas kaysa madalang na nag-uusap kaming dalawa. Naaalala kong sa kanya ako madalas magpaturo ng assinment namin sa Math noon dahil magaling siya doon. Pumapayag naman ito at tinuturuan ako tuwing break time kaya naman mas lalong naiinis at nabu-bully sa akin ang mga schoolmate kong babae dahil isa si Lester sa pinagpapantasyahan ng mga ito. Sabi naman ni Lester ay wag ko na lang daw pansinin dahil wala naman daw akong ginagawang masama kaya ganon nga ang ginawa ko. Kahit papaano ay naging magkaibigan kami ni Lester noon dahil totoo itong tao at isa pa, masaya itong kasama at sobrang kwela. Nakakalungkot nga lamang at hindi ko nagawang magpaalam sa kanya nong kinailangan kong umalis ng Pilipinas para magpunta ng America. "I guess hindi yan ang pareho nating ipinunta dito Mr. Valler, correct me if I'm wrong." Bigla akong nag-alala sa magiging reaksiyon ni Lester dahil sa naging approach ng boss ko. Ano bang nangyayari kay sir Nick? Given na suplado nga ito, but he doesn't treat his prospect partners with such rudeness. Isa pa, importante ang deal na to and he can't blow it out. Ngumiti lang ito at cool na sumandal sa upuan. "Oo nga pala, so let's start?" Lester said pero sa akin naman nakatingin. "We better be." Cold na saad ni sir Nick while giving Lester the type of stare na hindi ko maintindihan. Luckily, maayos namang naisara ang deal. Inilatag ni sir Nick ang proposition niya for partnership FORMALLY. So formal that I felt a little tension. Nang matapos ang meeting, agad ng nagpaalam si kami ni sir Nick para umalis. Pero bago pa man kami tuluyan makalayo, I heard Lester called for my name. Agad akong huminto at nilingon siya. "I'll just wait for you in the car." Tinanguan ko lang si sir Nick bilang pagsang-ayon sa sinabi niya bago ito mabilis na umalis papunta sa kotse. I dont know, pero pakiramdam ko may mali. "Hi." "Hello." Nginitian ko si Lester. Sa tingin ko ay mas gumwapo ito kesa noon. Mas naging well-built kasi ang pangangatawan nito at mas tumangkad pa, though sa tingin ko ay mas matangkad parin ng ilang inches si sir Nick sa kanya. "Alam mo, gusto kong makipagkwentuhan pa ng matagal sayo Shiinel, I miss you so much but I dont think it's the right time to have some chat." Sabay sulyap nito sa kung nasaan naka-park ang kotse ng boss ko. I smiled apologetically at him. "Pasensya na kanina." "No big deal. Kilala mo ko Shii, hindi ako namemersonal. At isa pa, materials niya ang kailangan ko at hindi siya. It's a good opportunity of having Mr. Sobremonte as a partner so why would turn his offer down?" Napangiti ako dahil sa sinabi niya, mabuti naman pala kung ganon. "Sige Lester, mauna na ko, It's really nice seeing you again." "Teka Shii!" "Hmm?" "Can I atleast have your number, kung okay lang? Para naman maaya kita minsang makipagkwentuhan. You know catching up ..." Then he gave his signature smile nagpapatili sa maraming mga babae noon. "Oo naman" I gave him my number and once again, I smiled at him before I turned para maglakad palapit sa kotse. He waved at me and I did the same. Hindi parin talaga siya nagbabago. "By the way ang ganda mo!" Pahabol pa nito na ikinatawa ko. Bolero parin ang loko! Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kotse, sa tabi ni sir Nick. "Tss." Napalingon ako sa kanya. Problema niya? Walang imik nitong binuhay ang makina at kunot na kunot ang noo nito habang nagmamaneho pabalik ng kompanya. Pinili ko na lang na huwag ng magsalita dahil baka sa akin naman siya magalit. Hangganng sa makarating kami sa kompanya at makapasok sa loob ng opisina ay ni hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin. Hindi niya ako kinakausap, wala na siyang anuman na iniutos sa akin na sadya naman talagang nakapagtataka. May ginawa ba akong mali? ********** Gee❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD