-Eleven-
Nick's Pov
I'm pissed. I'm totally pissed! Kanina sa kotse, hindi ko magawang kausapin si Shiinel, because everytime I look at her, naaalala ko kung paano niya ngitian ang Valler na yun the way she never did to me!
Nong sinabi kong mauuna na ko sa kotse, ni hindi man lang siya naalarma and just let me, for what? Para hintayin ang Valler na yun?! Damn.
Damn that Dean Lester Valler.
"Sir?"
"What?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw and I saw her flinched.
"S-sir ano po ... mmm." She's fidgeting. Hell! Nangangagat ba ko para kabahan siya?! Tapos sà Valler na yun nakikipagngitian pa siya?!
"Isa pa yan!" Hindi ko napigilang maibulalas. "Pag sa akin, sir ka ng sir, po ka ng po! My god, I'm just 27 and your 25, hindi mo ba akong pwedeng tawagin sa pangalan ko?"
"Sir SOP po---"
I didn't let her finish.
"Pero kapag sa Lester na yun, parang walang gap? First name basis? Wow."
Her forehead wrinkled.
"Sir ano po bang gusto niyong palabasin?" If i'm not mistaken, I think I heard a hint of disgust in her voice that made me realize kung ano yung mga nasabi ko, but it's too late to take back my words.
Ano nga ba ang gusto kong palabasin?
I just want her to stay away from that fvcking Valler and stay where I am! Masama ba yun?
"I-i---" Ano bang sasabihin ko?! Fvck it Nick!
"You what? Think I'm a slut? Na kumakapit sa kahit sinong lalaking makita ko dahil ganon ako sa inyo?"
"I don't mean it that way! Ang akin lang---
"Pero ganon ang dating sa akin sir!" I was stunned when I heard her shout. I saw the pain in her beautiful face. Have I gone too far? Did I hurt her? Damn me. Pero hindi naman yun ang gusto kong palabasin. It's never my intention na pagmukhain siyang--Uggh. I was just jealous with that Valler, damn Valler!
Bago pa man ako makapagpaliwanag, my phone rung. Sabay kaming napatingin doon ni Shiinel and I dont know kung matutuwa o mas maiinis ba ako dahil sa naging reaksiyon ni Shiinel ng mabasa niya kung sino ang caller.
Honey Calling ...
It's Lia. Siya mismo ang nag-save ng contact niya and I didn't got the chance to change it since these past few days, sorry for her pero hindi talaga siya sumagi sa isip ko because I'm always distracted by Shiinel's presence.
I saw Shiinel twitched her lips at sa hindi malamang dahilan ay naaliw ako dun. Is she jealous?
I cancelled the call without hesitation at muli siyang hinarap.
"Sa tingin ko sir, may dapat kayong pag-usapan ng girlfriend mo."
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sarcasm sa boses niya when she said the word girlfriend.
"Sa palagay ko nga rin."
Mas lalo itong naasar.
"Then bakit niyo pinatay yung telepono? Kayo din, baka magalit sa inyo ang girlfriend nyo."
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa inaasta ni Shiinel. I love it when she's like that.
"What?"
Napailing-iling ako habang pinipigilang matawa. I heard my phone ring again pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Shiinel's Pov
I almost freaked out! How dare he? Anong gusto niyang palabasin? Na malandi ako? My god! Lester is my friend kaya anong masama kung makipag-usap ako sa kanya? Pati ang pagtawag ko sa kanya ng sir ginagawa niyang big deal. He's my boss, of course I'll call him that way kaya seriously, what's wrong with this man?!
His phone rung at sabay kaming napatingin doon.
Honey calling ...
What?! Hindi ko napigilang tingnan siya ng masama. At ako pa ang malandi? Hinahalikan niya ako anytime anywhere while all along ay may girlfriend pala siya? Honey huh? Subukan niyang i-deny yan at ihahampas ko sa kanya ang takong ko!
"Sa tingin ko sir, may dapat kayong pag-usapan ng girlfriend mo." Hindi ko maiwasang lakipan ng sarkasmo ang boses ko. I feel like crying and that's weird.
"Sa palagay ko nga rin." He said nonchalantly at parang gusto ko siyang tusukin. How can he be so insensitive?!
"Then bakit niyo pinatay yung telepono? Kayo din, baka magalit sa inyo ang girlfriend nyo." I tried to act natural as if it doesn't bothers me kahit isang batalyon pa ng honey, sweetie pie, darling, mahal o kahit sino pang babaeng tumawag sa kanya. But the tone of my voice failed me. Instead, I sound bitter na mas lalo kung ikinaasar.
He walked towards me and I stand still. Afraid that he'll realize how much I am affected of him.
"What?" I said.
"Kasi nga may pag-uusapan kaming importante ng girlfriend ko." He's walking nearer and nearer towards me. Hindi ko siya maintindihan. His phone rung again, but this time ay hindi niya man lang iyon pinansin. "So what now?"
"Anong what now ka diyan?" I said. Basta may masabi lang ako para kahit papaano ay ma-divert ang atensyon ko.
"Diba nga may pag-uusapan tayong importante? Hmm, girlfriend?"
Napamulagat ako sa sinabi niya and I heard him chuckled as he drape an arm around my waist at tsaka marahan akong kinabig palapit sa kanya.
"I'm not your girlfriend!" Giit ko kahit kasing pula na ng mansanas ang mukha ko at tsaka siya itinulak palayo. Nakakainis lang dahil hindi man lang yun ininda at tatawa tawa pa.
"Okay, okay." Nakataas pa ang dalawang kamay nito na tila sumusuko. "Pero asawa pwede?" Hirit pa nito na sadyang ikinagulat ko.
"Nick!" I can't believe we're talking about these things! I look at him and saw himwide-eyed. Natutop ko ang bibig ko ng ma-realize ko kung ano ang sinabi ko. Im not suppose to call him that way!
"I-i mean ..." I tried to explain.
"Hey, I like that better."
"Pero hindi po pwede sir, boss ko kayo, sekretarya niyo ako at hindi na pwedeng magbago yun."
"Pwedeng magbago yun, I told you, be my wife and you can call me Nick."
"Sir naman eh, puro biro!" Hindi naman siguro masamang kiligin diba? Lalo na at nakikita ko ang kaseryosohan sa mukha niya. It makes me assume, na sana totoo na lang ang lahat ng sinasabi niya. Because I know, deep inside me na kahit sa sandaling panahon naming magkasama, something changed. A part of me is loosing and getting away at kung hindi niya masasalo iyon, I know that that part of me, won't ever come back and I'll completely loose it.
I grab some random file sa kalapit na mesa at sinubukang ilagay doon ang atensyon ko. I can feel sir Nick's intent look on me at hindi ko iyon kayang salubungin.
"Yes, I'm your boss Ms. Vinicio and your bound to follow what I say." I grip on the folder I'm holding. Something is different with his voice. It sound authorative yet sexy. "So now I command you ..."
"Ano po yun sir?" I turned to meet his gaze.
"Love me."
With what he said, nalaglag ko ang hawak kong folder.
Another day in the company, another day in the office and another day with Nick.
Nick ...
Masarap pa lang pakinggan no? It's like the barrier between us was completely crushed. Sir, omitting that word makes me feel a step closer to him. Though hindi naman talaga siya totally nawala, ang sabi sa akin ni Nick, kung kaming dalawa lang naman daw, we can drop the formalities.
Hindi ko alam kung anong meron sa aming dalawa. I don't want to assume, but I hope may patutunguhan yun because as much as I don't want to assume, I don't want to get hurt.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga files sa ibabaw ng lamesa ng biglang tumawag sa telepono si Nick. Nandito kasi ako ngayon sa table sa labas ng opisina. Kapag may pagkakataon ay dito ko talaga pinipiling magtrabaho para naman hindi maghinala ang iba pang trabahante ng kompanya. Siguradong magtataka sila kung bakit madalas akong nasa loob ng opisina gayong hindi naman iyon ginagawa ni Luz.
"Yes sir?"
"Get inside Ms. Vinicio, I'll be asking you to do something." Seryoso ang boses nito pero sa isip isip ko ay nagdadahilan lang ito at kalokohan nanaman ang gagawin kaya ako pinapatawag. Napailing-iling na lang ako at inayos ang sarili, pero ganon man ay hindi ko din maitatanggi ang excitement na biglang umahon sa dibdib ko.
I went inside the office, only to get dissapointed ng makitang subsob ito sa trabaho. Ni hindi man lang ito ngumiti ng makita ako, but instead ay pinadaanan lang ako ng tingin. After everything he had said yesterday, you can't blame me kung somehow ay umasa ako na magiging kakaiba na ang trato niya sa akin, that I'll be extra special. Nanaginip lang ba ako kahapon?
"Ms. Vinicio, I want you to call the CFO and the head of the Accounting department, send them in my office, may kailangan kaming pag-usapan. That will be all, you may go."
"Yes sir."
Yun lang? Wala na ba siyang ibang sasabihin?
Sinunod ko ang utos niya at pinatawag ang head ng Finance at Accounting department. Usually, sa maliliit na kompanya, pinag-iisa na lang ang Accounting and Finance Dept. but NAS Company is a way, way bigger than any other company that's why they have to be extra critical.
I wonder kung ano ang pinag-uusapan nila sa loob. Sa ilang araw kasi na pagtatrabaho ko dito sa kompanya ay ngayon pa lang ata nagpatawag si Nick ng empleyado not to mention na ang mga empleyadong yun ay head ng mga departamentong masasabing puso ng kompanya. It must be something really important.
Nag-ring ang telepono na naka-konekta sa loob ng opisina ni Nick kaya agad ko iyong sinagot.
"Yes, sir?"
"Send me the hard copy of the files na pina-encode ko sayo kahapon, including that one na ibinigay ng accountant."
"Yes, sir."
Agad kong kinuha ang nasabing mga files at dinala iyon sa loob ng opisina. Pagpasok ko ay nakita kong nakayuko ang dalawang department heads at naka-tiim bagang si sir Nick tanda na may nangyaring pagtatalo sa pagitan nila kani-kanina lang.
"Sir eto na po yung mga files."
He grabbed it at tsaka may kung anong tiningnan doon, pero sa gulat ko ay bigla niya na lamang iyong ihinampas sa lamesa paharap sa dalawa kausap nito.
"Now, explain that bullshit to me! According sa report na pinasa sa akin ng Accounting department, all the debts, payments for the raw materials and taxes were all taken care of by the Finance department! Then how come na hindi parin dumadating yung mga materials natin for the Hotel Maya project?!"
"Sir maybe delayed lang po because we've already sent the check weeks ago."
"Dont.Give.Me.That.Crap." Madiin ang bawat salitang binibitawan nito. "Nag-iigting din ang mga panga ito na tila pinipigilang mapasigaw ulit. "Your feeding me lies and this? damn this! You two, I want you out of here. I'll just ask my secretary para ibigay sa inyo ang huli niyong sweldo."
"Sir, you can't do that!" Biglang napatayo sa upuan nito ang CFO (Chief Finance Officer)
"Tell me Mr. Lee, why can't I?" Nakikipagsukatan ito ng tingin sa CFO.
"Because I've been working here for years. I've been here even before you've taken over the company. Nagtatrabaho na ako sa ama mo noon pa kaya wala kang karapatan na basta basta na lang akong tanggalin sa posisyong ilang taon kong pinaghirapan."
"Before I've taken this position, this company is in a total mess and now I understand kung bakit. Their's someone digging for golds at ang mali ng ama ko is that he trusted you. I've given you the chance but you choose to waste it. Now go, bago pa man magbago ang isip ko at ako mismo ang kumaladkad palabas sayo!"
"You can't fire me!"
"I can, Mr. Lee. Believe me I can."
"Bata ka pa nga Nick." Nang-uuyam nitong tiningnan si Nick.
"Yeah, at matanda ka na so I should understand na pumupurol na ang utak mo at hindi mo maintindihan ang katotohanan na in MY company, I'll decide who deserve to stay."
Hindi nakalampas sa paningin ko ang mabilis na pagdaan ng takot sa mga mata ng CFO dahil sa sinabi ni Nick.
"Ikaw, wala ka bang sasabihin?" baling ni Nick sa head ng Accounting Department. "Baka gusto mo akong bigyan ng listahan kung ilang beses kayong humakot ng pera sa kompanya ko?" He asked sarcastically.
Napayuko lang ang huli samantalang napadako naman ang tingin sa akin ng CFO.
"Your secretary is not supposed to be here." Turan nito.
"You're not in the position para sabihin yan. I told you, in MY company, I'll decide."
Hindi ko na kinakaya ang tensyon sa loob ng opisinang yun. Ngayon ko pa lang nakita na ganon si Nick. His oozing with superiority, with firmness and with power at sa tingin ko ay walang sino man ang makakapagpatumba sa kanya. No matter how critical the situation is, he can play his cards well. Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit ganon na lamang ang mga papuring tinatanggap nito sa mga pahayagan, because he's really great.
"Why? Is there something going on here na wala dapat makaalam, huh?" Bumalik ang mapang-uyam na boses nito and I can't help but feel nervous.
"Ms. Vinicio, you may go." Naramdaman niya ata na hindi na ako komportable sa tinatakbo ng usapan.
"Yes sir." Agad kong paalam at lumabas na. Hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nila sa loob, but I hope na hindi yun patungkol sa amin ni Nick because I'll surely be doomed.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong lumabas na rin ang dalawang head na kitang kita ang galit sa mga mata. Siguradong tuluyan ng natanggal sa trabaho ang dalawa.
Sa buong araw na yun ay hindi na ako pinatawag ni Nick. Kahit na hanggang mag-lunchbreak ay hindi man lang ito tumawag o lumabas. I wonder kung ano ang ginagawa niya para pati ang pagkaing inihatid ko kanina ay tinanggihan niya.
Ilang oras lang ang nakalipas ay nakita kong lumabas ng opisina si Nick pero hindi man lang ito nag-abalang tingnan ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad paalis. San siya pupunta? Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang meeting ngayon at kung meron man, hindi niya ba ako isasama?
Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad pero hindi pa ito gaanong nakakalayo when his phone rung. Kinuha niya iyon at sinagot.
"Yes hello? Yes Honey, I'll be there. Where's that hotel again? Okay papunta na ako ... Yes ... Okay bye." Then he slid his phone back to his pocket with a smile at walang lingong likod na nagpatuloy sa paglalakad.
Just what the eff is that? Hotel?
Kaya ba tinanggihan niya yung pagkaing dinala ko kanina dahil may lunch date siya?
Just great.
************
Gee❤️